Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

A WHIRLWIND MARRIAGE

Marry in haste, repent at leisure… Falling in love at first sight should not be followed by getting married at first chance! What if the first flush of attraction faded? What if you and the person you wedded were not compatible?

Ang naglalakad daw nang matulin ay madalas na natitinik nang malalim.

Ganito rin kaya ang mangyari kay Eliza nang pumayag siyang magpatangay sa apurahang pagpapakasal kay Rafael?

* * *

“Congratulations, Eliza!” bati ng mga kaibigan sa dalagang candle artist.

“You’re made! At last!” dugtong ng teacher niya, si Maestro Gordon.

Eliza was blushing but she still smiled at her group charmingly. Hindi siya sanay maging sentro ng atensiyon but she managed to enjoy the moment.

“O, ready ka na bang harapin ang mga admirers mo?” tudyo ng bestfriend niyang si Lani.

“Marami ba sila?” Kunwa’y hindi ninenerbiyos si Eliza.

“Maraming-marami.”

“Get it over with, Eliza,” ang payo naman ni Maestro Gordon sa kanya. “You can leave early after meeting your audience. After all, you can be temperamental dahil artist ka naman.”

Pinakinggan niya ang sinabi nito. Huminga siya nang malalim bago ngumiti nang buong tamis.

“Tonight’s gonna be my night!” she stated in her usual cheerful tone.

“That’s my girl!” papuri ng kanyang Daddy.

“Sige na, hija. Kami na ang bahala sa food and drinks,” encouraged her mother.

She was overwhelmed with the large number of people who had responded to her invitation to her first one-woman show. Kabado silang lahat dahil hindi usual art exhibit ang ipalalabas niya sa publiko.

“Hi! I’m the artist. Thank you for coming,” she delivered her rehearsed greeting with aplomb. Medyo tipsy siya dahil uminom siya ng isang kopitang champagne sa backroom nang i-deliver niya sa locker ang suot niyang black velvet cape at handbag.

Meron din siyang “I’m glad you came tonight. Thank you so much!”

Hanggang sa nakaikot na siya sa kaluwagan ng exhibit hall.

“Wala ka pa bang boyfriend?” usisa ng isang reporter na nanduruon.

Umiling si Eliza. Nakangiti pa rin kahit na muntik na siyang masamid sa prangkang tanong. “I’m waiting for my prince charming,” she answered cheekily. Kunwa’y pabiro ang tono niya ngunit gayon naman talaga ang kanyang prinsipyo.

Ayaw niyang makipagnobyo kung hindi rin lang tumitibok ang kanyang puso. She’s a hopeless romantic.

Tumawa ang reporter. “I bet,” anito habang inihahanda ang hawak na kamera. “Anong oras mo ba aalisan ng cover ang piece d’ resistance mo?”

Sumulyap sa relo niya si Eliza. “Two minutes more. Wala pa ang guest na nakabili niyon, pero ang gallery owner na lang ang magiging proxy,” paliwanag niya.

Tumangu-tango ang kausap niya. Her name escaped Eliza and she was hesitant to ask the reporter again.

“Puwede pa siguro akong kumuha ng pictures ng ibang celebrity na nandito ngayon. See you later,” paalam nito sa kanya.

Napahiwalay sa kanya si Lani habang nag-uusap sila ng reporter kaya mag-isa na lang na nag-circulate uli ang dalaga. Napadako siya sa gitna, kung saan naka-puwesto ang pedestal ng kanyang obra.

Sculptor sana siya dahil specialty niya ang wax-molding. Ngunit mayroon din siyang hilig sa chemistry kaya napaghalo niya ang dalawang talento.

Naka-imbento siya ng mixture na naging ideal para sa wax-sculpting at candle-making. Nalagyan pa niya ng additional aesthetic value dahil nagawa niyang iba-iba ang mga kulay ng mga ningas kapag nakasindi ang mga wax figurines na gawa niya mismo.

Sabi nga ni Maestro Gordon, siguradong yayaman siya agad kapag nag-click sa publiko ang kanyang unconventional art. Nakukunsumo daw kasi ang kanyang mga obra.

“Gagawin n’yo naman akong makina, sir,” bawi naman niya, pabiro din.

Napapangiti siya habang naglalaro sa kanyang gunita ang pagbubuskahan nila ng guro nung nag-aaral pa lang siya.

“Eliza!” Tinapik siya ni Lani sa isang braso, kinukuha ang atensiyon niya. “Nandiyan na ang hinihintay nating guest!” Excited ang tono nito.

Eliza felt a sudden relief. “Mabuti naman. Gusto ko nang umuwi. Medyo pagod na ako sa kaiikot.”

“What a pity,” sabad ng isang tinig-lalaki sa gawing likuran niya. Unfamiliar iyon ngunit parang kilala na ng kanyang mga senses.

“I’ve just arrived. And the night’s still young.” The deep voice had a gravelly texture, para bang hindi palaging ginagamit. Still, it sounded sexy to her sensitive ears.

Dahan-dahan siyang luminga sa direksiyong pinanggalingan ng boses. Para bang inihahanda ang sarili sa isang nakabibiglang yugto ng kanyang buhay…

The man was — shockingly handsome.

‘Shocking’ ang napili niyang term dahil kumabog agad nang husto ang kanyang dibdib. Nanlambot ang kanyang pakiramdam na para bang nanginig sa takot.

His most overwhelming asset were his eyes. They were very dark and sharp, piercing in their blackness. Para bang telekinetic eyes na nakakakita sa kaloob-looban ng kanyang isipan.

“Y-you’re Mr. Torres?” paniniguro niya nang matagpuan ang nawalang boses.

The arrogant head with still dark hair inclined slightly to answer her hesitant question. “Yes, I am Mr. Torres. You’re Eliza Quizon, the new toast-of-the-town artist?”

Tumango ang namamalikmatang dalaga.

Kinuha ng lalaki ang isang kamay niya upang gagapin nang mahigpit. “I didn’t expect you to be so young. Inaasahan ko na isang may edad na ang nakagawa ng unusual work-of-art na nagustuhan ko,” he paid her a back-handed compliment.

A shade of pink painted her smooth cheeks as she tried to answer him with a smile. Ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong klaseng lalaki.

Rafael Torres was the epitome of a successful man in his prime. Self-confident. Suave. And cynically wise.

Nararamdaman ni Eliza na nilalagyan na siya ng category ng lalaki habang sinisipat siya ng isa pang ulit.

“T-thank you, sir. I’m glad you like my art,” she stammered huskily.

“I also like the artist — now that I’ve met you,” he murmured very softly. His words carressing her effortlessly.

“Drinks, Mr. Torres?”

Eliza gratefully turned towards Lani to accept the proferred wine glasses. “Take this, sir. Enjoy a glass before we start the highlight of this exhibit,” she stated with a forced calm.

Sinimsim ng lalaki ang alak ngunit sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata. Hindi tuloy makalunok nang maayos ang dalaga. Hindi sanay si Eliza nang tinititigan nang ganito kasidhi.

“Miss Quizon?” the rotund gallery owner called her. “Shall I call everybody’s attention?”

Si Rafael Torres ang tumugon. “Please, do that, Mr. Albino.”

Kinuha ni Mr. Albino ang microphone na nakapatong sa ibabaw ng malaking karaoke. “Ladies and gentlemen, may I have your attention, please? Nandito na ang pinakahihintay nating sandali. Ang pinaka — sa mga creations ni Miss Eliza Quizon!”

Yumukod pa muna ito bago sila itinuro ng dalawang matatabang kamay.

Wala sa plano ni Eliza ang makasama sa pag-aalis ng takip ng giant candle na may hugis ni Venus ngunit hindi siya nakahakbang palayo nang aakma siya dahil hinawakan siya ni Rafael sa isang siko at pinigilan sa tabi nito. She told him with her eyes to let her go but he did not heed her silent command.

Hawak-hawak pa rin siya nito hanggang sa matapos ang maikling pagtatanghal ng kanyang obra.

“You can let me go now, Mr. Torres,” utos niya dito. She did not try to hide her irritation.

Rafael Torres just smiled at her complacently. Hindi pa rin siya binitawan. Para bang bata lang siya na walang sariling disposisyon.

“Mr. Torres!” Hindi na mapigil ni Eliza ang manggigil. Uwing-uwi na siya. She’s feeling nauseous, sanhi marahil ng napakaraming tao sa paligid niya. And everybody was vying for her attention!

“As I have said, the night’s still young, my dear Eliza,” pahayag ng lalaki, pa-kaswal.

His elegantly clad arm snaked around her slim but shapely body, para hindi siya makakawala agad.

“I’ve reserved a dinner for two at a restaurant near here. We have exactly fifteen minutes more,” he informed her calmly.

Eliza felt scandalized. “Hindi ako puwedeng sumama sa iyo para mag-dinner, Mr. Torres!” bulalas niya. She felt oddly breathless.

“Why not?”

“B-because — ” Napahinto siya. Wala siyang maisip na idadahilan habang nakatitig siya sa mga mata ng lalaki.

God, she’s drowning! bulong niya sa kanyang sarili. Ngayon lang niya naranasan ang malunod sa mga titig ng isang lalaki!

“No reason at all, Eliza. Come with me tonight. I’ll cap your success with a celebratory dinner. That’s all.”

She should feel reassured but she could not shake off the unsettled feeling. Para siyang nakatungtong sa isang barko na malapit nang lumubog.

O para siyang nasa loob ng isang kulungan na kasama ang isang leon?

Anything could happen any minute…

Iwinaksi ng dalaga ang nakakagulong mga pangitain.

“I don’t think it’s safe,” she blurted without thinking. Nag-alala tuloy siya na baka ma-offend ang importanteng guest ng kanyang exhibit.

Ngunit tumawa lang ito. The sound was very sexy because of the natural huskiness of his male voice. Nagmistulang gitara ang kanyang likod, dahil umalon ang maraming nota ng musikang sensuwal sa kanyang mga kalamnan.

“I am very safe, my beautiful Eliza,” he stated with a sensual innuendo.

Ang tutoo, kanina pa naiilang si Eliza sa mga possessive way of addressing her ni Rafael Torres. Ngayon lang niya ito nakilala pero parang pag-aari na siya nito kung mag-aasta sa pakikipag-usap sa kanya!

“I’m sorry, Mr. Torres,” pakli niya, in an insistent tone. “Hindi ako puwedeng sumama sa iyo. You’re a stranger!”

“Gayon lang ba ang problema mo? No problem. I’ll ask your family to have dinner with us.”

Lalong na-eskandalo ang dalaga sa tinuran ng lalaki. “No, no,” tutol niya, kandautal. “I have a big family. It won’t be practical for you-”

“I can afford to feed a big family for one night, Eliza,” bawi ng lalaki. Naglilibot na ang mga matang matatalas sa paligid ng exhibition hall.

“Is that your mother? You look like her, but you’re still more beautiful.”

Hinila siya nito patungo sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.

Kabang-kaba ang dibdib ni Eliza. Kailanman, hindi niya nakita sa anumang panaginip na mangyayari ang isang gabing ito. Her world was very placid and peaceful–just the way she liked it to be.

Really, Eliza! pambubuska ng munting tinig sa loob ng utak niya. What about your wish to be swept off your feet by a dashing prince charming?

That was only a wish! pakli ng sarili niya.

Her mother’s expression was expectant. And excited, as she looked at Eliza and the tall man.

“Ma, this is Mr. Rafael Torres. Mr. Torres, meet my mother, Mrs. Ester Quizon.”

Yumukod nang buong galang ang lalaki sa harap ng may edad na ginang. Hinagkan nito nang buong lugod ang isang kamay nito, bago ngumiti nang buong giliw.

Si Eliza ang gustong matunaw nang mga sandaling iyon. Mabuti na lang pala, hindi ganoon ang naging pagbati ni Rafael Torres sa kanya kanina!

“Kuu, amoy sandwich spread ang kamay ko, iho,” ang wika ng napapahiyang ginang.

Ngumiti uli nang matamis ang lalaki. “I like the smell of foods, ma’am,” he quipped back charmingly.

Luminga-linga ang ina ni Eliza. Para bang naghahanap ng makakapitan. Namataan nito ang asawa sa di-kalayuan. “Dear, halika muna rito. Ipinakikilala ng anak natin ang bago niyang kaibigan.”

Lumapit naman agad ang lalaking may bahagyang umbok sa tiyan dala ng papatanghaling edad.

“Kilala ko na si Mr. Torres,” bungad nito habang sinisipat ang lalaking katabi ng anak na dalaga. Kinamayan nito si Rafael nang matapos ang sandaling imbentaryo sa kabuuan nito.

“I’m Jun Quizon.” He used his usual direct way of talking to people. Dating sales representative ng matatagumpay na produkto ang ama niya kaya may malaking self-confidence.

Eliza took after her father. Wala rin siyang kiyeme. But she’s also timid and reserved, kapag naunahan ng hiya.

“Iniimbitahan ko ang inyong dalaga sa isang celebratory dinner but she refused to go with me without her family. I’d like to extend my invitation to all of you, sir, ma’am,” ang pahayag ni Rafael nang matapos ang pormal na pagkikilala.

“G-ganoon ba?” Napatingin si Ester sa kabiyak.

Saglit na natigilan naman si Jun.

“Palagay ko, si Lani na lamang ang dapat mong isama, iha. If that’s okey with Mr. Torres?” pasiya ng ama ni Eliza kapagkuwan. “Kami na lang ang bahala dito,” dugtong pa.

“Anybody’s welcome, sir,” ang tugon naman ni Rafael.

“Sandali’t tatawagin ko si Lani,” pagpiprisinta ni Ester.

“Kunin mo na ang mga gamit mo, iha. Sa bahay na lang tayo magkikita-kita,” utos ni Jun sa dalagang anak.

Tumalima si Eliza. In a daze, nakuha niya ang kanyang handbag at cape sa locker. Kahit na nang nakasakay na silang dalawa ni Lani sa magarang kotse ni Rafael, hindi pa rin siya makapaniwala na nagkaroon siyang bigla ng dinner date.

“Ano’ng gusto n’yong kainin, girls?” tanong nito sa kanila nang makaupo na silang lahat sa loob ng esklusibong restawran.

Tumingin sa kanya si Lani, humihingi ng saklolo. Kung may pagka-mahiyain si Eliza, mas lalo ito.

Eliza cleared her throat. “Anything light, Mr. Torres,” tugon niya para sa kanila ng kaibigan. “Vegetable salad and fruits, maybe.”

“That’s rubbish,” pakli ng lalaki. Binuksan nito ang menu book at nagbasa ng kung anu-anong putahe. “Tell the master chef to provide the appropriate wine. Thank you, that’s all.”

Yumukod ang waiter bago umalis.

“We don’t want an elaborate dinner, Mr. Torres,” protesta ni Eliza nang mapag-isa na uli silang tatlo.

Nagkibit lang ng eleganteng balikat ang lalaki. “You’ll not regret eating here, Eliza. This restaurant is special,” he insisted mildly. “Pag-aari ito ng isang matalik na kaibigan na naging matagumpay sa Europa. He’s here to introduce excellent cuisine to the Filipino palate,” dugtong pa nito, banayad pa rin ang tono.

Na-curious si Eliza. “Pilipino ang kaibigan mo?”

Tumango si Rafael, bahagyang nakangiti. “May ninunong Pranses, pero mas malaki ang porsiyento ng dugong-Pilipino ni Pierre.”

“Aha! I can hear my name from the kitchen, my friend,” sabad ng isang tinig na exagerrated ang French accent. “You’re making rumors about me?” The man was smiling as he accused Rafael of gossiping.

Tumindig si Rafael pagkakita sa lalaking nakasuot ng putim-puting over-all at chef’s hat. “Ha! ha! Of course not, amigo. I’m glad you deign to give us your attention.”

Yumapos at tumapik sa isang balikat ang malaki at malapad na lalaki sa matangkad at balingkinitang si Rafael. “It’s been two years nang huli tayong magkita, Rafael Torres! Kumusta na?” His booming voice enveloped their table. Napatingin tuloy sa kanila ang mga parukyano sa mga kalapit-mesa nila.

“I’m still based in Australia,” wika ni Rafael. “I’ve just visited an old aunt in Makati City, kaya nagdaan na ako dito para kumustahin ka at ang negosyo mo.”

“Mabuti naman.” Tumangu-tango ang mala-Santa Claus na restaurant proprietor habang bumabaling kina Eliza at Lani.

“Forgive me, beauties, for ignoring you for a while. Matagal-tagal din kasi kaming hindi nagkita ng kaibigan kong ito. By the way, I am Pierre Santos. How about you?”

Kay Lani nakatutok ang mga matang nakatawa kaya napilitan itong magsalita kahit na halos magbuhol ang dila. “A-ako si Lani Perez. At siya naman si Eliza Quizon.”

“Eliza is an artist,” dagdag ni Rafael.

Nangislap ang mga mata ni Pierre. “Ah! An artist! What kind?”

“I’m a wax sculptor,” tugon ni Eliza dahil sa kanya nakatingin ang nagtanong.

“A sculptress! I am a collector of sculptures, pero hindi pa ako gaanong exposed sa wax medium.”

“She’s an artist in candlemaking, amigo. I think, you will be very interested to know about her expertise on creating figure candles,” Rafael informed his friend seriously.

Eliza would have thanked the man for endorsing her to a client-to-be, pero naiirita pa siya rito kaya ngumiti lang siya sa gawi nito.

“Ganoon ba?” Nanlalaki na ang mga mata ni Pierre. “May I have a calling card, Miss Quizon? I’d like to see your work when I have some time off.”

Kumuha ng calling card si Eliza sa handbag niya. Iniabot niya sa lalaki. “My showroom is also at home, Mr. Santos.”

“Good, good. Malapit lang pala pati dito, ano?” Ibinulsa nito ang card bago nakipagkamay sa mga dalaga.

“Sorry, guys. I have to go back to my kitchen. You just wait here. I have concocted a special dinner for all of you,” pangako pa nito bago lumakad palayo.

Hindi nga nakakapagsisi ang sumunod na mga sandali. Napakasarap ng putaheng inihanda ni Pierre para sa kanilang lahat.

Sanhi marahil ng iniinom nilang white wine na itinerno sa lutuing manok, naging matabil ang kaibigan at chaperon ni Eliza na si Lani.

Palibhasa, mahilig naman talagang magluto ito. In-interview nito si Pierre nang maki-umpok uli sa kanila.

“Paano nagiging ganito kalambot ang manok? May inilalagay bang meat tenderizer?”

Pierre was instantly enthusiastic. “You want to discover a secret of mine? Come to my kitchen, my lady,” anyaya agad nito.

Tumingin muna si Lani sa dako ni Eliza. Tumindig lang nang walang nakitang pagtutol sa ekspresyon niya. “Excuse me,” anito sa kanilang dalawa ni Rafael, bahagyang nakangiti.

“It’s okey,” tugon ng lalaki bago pa siya nakahuma. “Enjoy yourself, Lani.”

Nang mapag-isa sila sa mesang bilog, parang naging masikip ang lugar nila dahil nakatutok na naman sa kanya ang buong atensiyon ni Rafael Torres.

“More wine?” alok nito nang manatili siyang tahimik.

Umiling lang si Eliza. Iniiwas niya ang kopita nang akmang dadagdagan ng lalaki. “No, thanks.”

“Coffee?”

Umiling uli si Eliza. “I’m not a coffee drinker. Caffeine messes with my sleeping habit.”

Rafael chuckled lazily. “You’re really a safety girl, Eliza Quizon. No alcohol, no caffeine. What’s your weakness?”

She squirmed mentally. She didn’t like the way he looked at her. Para bang kinikilatis siya — without any clothes on…!

“Fruits, I guess. I eat any kind of fruit,” tugon niya para magpatuloy ang conversation.

“Fruits,” ulit ng lalaki, eyeing her thoughtfully. “Kaya pala napakakinis ng iyong balat. I was wondering earlier kung gaano kakapal ang make-up foundation na ginamit mo para matakpan ang mga skin pores.”

Eliza was dumbfounded. Tila sinasadya ng lalaking ito na biglain siya ng mga prangkang pananalita upang makuha ang kanyang pansin!

Ilang segundo muna siyang nakipaghamok sa kanyang sarili bago niya napagpasiyahang ignorahin na lamang ang tinurang iyon ng kaharap. Iginala niya ang paningin sa paligid ng eleganteng restawran matapos bawiin sa pagkakatitig sa mukha ni Rafael.

Narinig niya uli ang mahina at patudyong pagtawa nito kaya napilitan siyang tumingin uli dito.

“Ano ang nakakatawa, Mr. Torres?” pakli niya. Medyo matalim na ang tingin niya rito.

“Ikaw, Eliza Quizon,” tugon nito, pabuska. “I’ve never met an uptight woman before. Masyado kang maraming inhibitions. Maraming kang ipinagbabawal sa iyong sarili. Have you ever had a sexual fantasy? Do you think you’re a frigid?”

Lalong nanghilakbot ang dalaga sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na ganito ka-prangka ang lalaking ito.

“Oh!” she exclaimed. “I-ikaw naman ang pinakabastos na lalaking nakilala ko, Rafael Torres!”

Click here to READ MORE

Comments are closed.