An Extraordinary Love-14

Muling huminga ng malalim ang lalaki. Para bang mayroong katunggali sa kalooban.

“I don’t deserve you, Larisa!” tugon ni Jace, halos pabulalas. “You’re so clean, so pure… Halos takot akong hipuin ka. Baka marumihan ka.”

Napakurap si Larisa. Marami siyang iniisip na magiging dahilan nito sa pagtutol sa iniaalok niya ngunit hindi ang pagpapakita ng pandidiri sa sarili.

“Y-you’re not dirty!” bulong niya.

Umiling-iling ang lalaki. Parang saglit na nawala sa sarili.

“Hindi mo alam kung ano ang mga nagawa ko at kayang gawin kapag may gusto akong makamit,” pagtatapat nito.

Nanlaki ang mga matang inosente ni Larisa.

“No, hindi ako kriminal. Credit me with a small amount of finesse. I just — manipulate people to suit my needs…” Puno ng hesitasyon ang tono ni Jace.

“As — as you manipulated me,” bulong niya. “Dahil kailangan mo ako — dahil ninanasa mo ang katawan ko?”

Sinadya niyang lagyan ng tonong nagtatanong ang huling kataga upang muling tumugon ang lalaki.

[Want to read the Start of Stories Online titled – AN EXTRAORDINARY LOVE…? Click Here!]

“I’m sorry, Larisa…”

Parang gusto niyang magpalahaw ng iyak nang mga sandaling iyon ngunit pinilit niyang palisin ang panggigipuspos. Inapuhap niya ang katatagan ng kanyang karakter.

Tinuruan din siyang maging positibo ng kanyang ama kaya hindi siya maaaring magpatalo sa pangit na realidad.

“So, where do we go from here?” tanong niya uli pagkatapos ng ilang sandali ng tensiyonadong katahimikan.

“I still want you, Larisa,” pahayag ni Jace sa seryosong tinig. “I may not love you, but I’ll always want you.”

Ngumiti nang mapait si Larisa. “Desire fades, Jace,” bulong niya. Nagdurugo ang puso niya sa paghahayag ng kawalan ng pag-ibig para sa kanya.

“Kaya kong ibigay sa iyo ang kaginhawaang nakahiratian mo nung dalaga ka, Larisa,” patuloy ng lalaki. “At kaya kitang bigyan ng kasiyahang pisikal.”

Namula ang mga pisngi ni Larisa sa sinabing ito ng asawa. “No doubt about it,” pakli niya sa garalgal na tinig.

“Hindi mawawalan ng init ang kama natin, Larisa,” dugtong pa nito, halos pabulong na.

Niyapos niya ang kanyang katawan na nagsisimula nang manginig.

“Stop it, Jace. Sagutin mo na lang ang itatanong ko.”

“Okey,” buntong-hininga ng lalaki. Muling dinampot ang puswelo ng kape at nagsimulang sumimsim. Ipinahihiwatig ang pakikinig ng mga sasabihin niya.

“Gusto mo ba ng mga anak?”

Inaasahan niyang mabibigla ang lalaki ngunit nabigo siya. Malumanay itong tumango.

“Ibig bang sabihin, magiging pernamente ang pagsasama nating ito?”

“Kung matatanggap mo ako, Larisa. Ayaw kong isipin mo na gagamit ako ng puwersa para makuha ko ang gusto ko,” sambit ng lalaki.

“Ibig sabihin?” Gusto ni Larisa na sa mismong bibig ni Jace manggaling ang magiging tempo ng kanilang buhay mag-asawa.

“Ibig sabihin, gusto kitang maging kabiyak dahil may matindi akong pagnanais na maangkin ka. At gusto ko na ring magkaroon ng pamilya. Natitiyak kong magiging isa kang mabuting ina, At asawa.” dagdag nito na para bang naisip lang idugtong.

Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Larisa. Nakahanda siyang magsimula uli. Ganito niya kamahal ang lalaking ito.

“Sigurado ka ba sa huli mong sinabi?” tanong niya, medyo patudyo ang tono.

“Yes, Larisa. You were like a flame last night. I never had a passionate lover — and a virgin at that!”

“Oh, Jace!” bulong niya.

Kung ganito magnasa ang lalaki. Paano na kung umiibig na nang tutoo?

Siya na ang magiging pinakamaligayang babae sa buong mundo kapag dumating ang araw na mahalin siya ni Jace kahit na katiting lang.

Oh, God, maging sapat na sana ang nadarama kong pag-ibig para sa aming dalawa! usal niya habang ngumingiti nang buong pagsuyo sa lalaking bahagyang napapatulala sa ipinakikita niyang pang-unawa.

Walang kamalay-malay si Larisa kung gaano siya naging kabigha-bighani habang hinahayaan niyang kumislap ang nasa puso sa kanyang mga matang walang bahid ng pagkukunwari.

Ginagap ni Jace ang isang kamay niya. Ginawaran nito ng isang halik ang gitna ng kanyang palad.

Sapat na ang magaang na pagdampi ng bibig sa kanyang sensitibong balat upang makaramdam ng pagdagundong sa kanyang dibdib si Larisa.

Lumikha na iyon ng maraming mumunting boltahe ng kiliti na dumadaloy sa kanyang mga ugat. Iginagapos siya hanggang sa hindi na siya makagalaw gayong wala namang pumipigil sa kanya!

“I want you, Larisa,” bulong ng lalaki, habang masuyong pinagagapang ang mainit na hininga paakyat sa kanyang braso.

Nakasuot siya ng puting sundress na may tiranteng balikat. Bolga ang laylayan nito kaya madaling nahawi ng isa pang kamay na nagsisimula na namang maging pangahas.

Halos magkasabay na narating ng bibig at ng kamay ang destinasyon ng bawa’t isa. Ang una ay sa gawi ng punong-teynga at ang huli ay sa malambot na bahagi ng kanyang hita.

“I don’t know what is love, Larisa,” anas ni Jace habang hinahagkan ang sulok ng kanyang bibig. “But I know how to make love… especially to you, my sweet innocent bride!”

Ipinikit ni Larisa ang kanyang mga mata dahil ayaw niyang magkaroon ng pagkakataon na tumutol ang kanyang isipan. Ngayon lang niya papayagang mangibabaw ang kahibangan ng kanyang puso. Ngayon lang…

Umangat ang kanyang mga braso upang mangunyapit nang buong pagpapaubaya sa matipunong leeg ng asawa, kasabay ang pag-ungol ng pagsuko niya sa malakas na magnetong humihigop sa kanyang katinuan.

“Take me, my love, I’m yours,” sambit niya sa mahinang tinig.

Inubos nila ang mga sumunod na araw sa paglilibot at pagliliwaliw sa palibot ng villa. Marami silang mga pribado at matamis na sandali na itinutok lang nila sa pagkilala ng kani-kanilang mga sarili.

Para bang ang pagbubukas nila ng kanilang mga damdamin ay sapat na upang makamit ang isang lebel ng kakuntentuhan.

Nananatiling kontrolado niya ang kanyang isipan habang hinahayaan niyang tangayin siya ng kanyang mga emosyon.

“Kailan ba tayo, uuwi?” tanong niya minsan kay Jace. “Baka nalulungkot na si Daddy,” pagdadahilan niya, ngunit ang tutoo ay gusto niyang manatili sa mala-paraisong lugar na ito nang habang buhay. Dito ay hindi siya nag-iisip…

Nakatihaya si Jace sa kanyang tabi. Pareho silang nakahiga sa malaking tuwalya na inilatag sa buhanginan, nagbibilad sa init ng araw.

Dumapa ito nang marinig ang itinatanong niya. “Bakit? Naiinip ka na ba?”

AN EXTRAORDINARY LOVE-15

Comments are closed.