An Extraordinary Love-15

Sumulyap si Larisa sa gawi ng asawa ngunit hindi siya humarap.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa kalangitan. Kapwa sila may suot na itim na shades kaya hindi nila pareho nababasa ang kanya-kanyang ekpresyon.

Nagkibit siya ng isang balikat.

“Hindi naman, kaya lang ay baka kailangan ka na ng mga negosyo mo sa Maynila,” pagsisinungaling pa rin niya.

“Nobody is indispensable, Larisa. Kahit na ako ang may-ari, tatakbo pa rin ang mga kabuhayan ko kahit wala ako ng ilang araw. Besides, this is my first vacation in so many years,” tugon ng lalaki sa malumanay na tono.

Kahit na banayad ang pagsasalita ni Jace, naramdaman ni Larisa ang pagbangon ng isang uri ng tensiyon sa kalooban nito.

Hindi na siya nagsalita pa uli. Bumangon siya upang magpahid uli ng suntan lotion sa batok at mga braso niya dahil padapa naman ang gagawin niyang posisyon.

“Let me,” prisinta ng lalaki habang kinukuha ang bote ng lotion sa kanya.

Pumuwesto si Larisa. Ni hindi pumasok sa isipan ang tumutol dahil kumpante siyang hindi gagawa ng kalokohan ang lalaki dito sa tabing dagat.

[Want to read the Start of Stories Online titled – AN EXTRAORDINARY LOVE…? Click Here!]

Natuklasan niyang mali ang kanyang akala nang makalipas ang ilang mahahabang sandali.

Naramdaman niyang nagbabago ang diin at tempo ng mga haplos na iginagawad ni Jace sa kanyang likod at beywang.

Umaabot hanggang sa kanyang mga balikat ang mahahabang daliri nito hanggang sa magkabilang ukab sa tagiliran ng kanyang maliit na beywang.

Bahagyang dumidiin ang mga hinlalaki sa tapat ng sugpungan ng beywang at balakang, doon sa bahaging uka na pinagkukublian ng isang pulsong sensuwal.

Napaliyad si Larisa nang masuyong sundan ng mainit na bibig ang landas na nililikha ng mga daliri.

“J-jace — ” protesta niya ngunit hindi niya natuloy dahil nadiskubre niyang mag-sisinungaling siya kung tatanggihan niya ang mga sensasyong inihahatid ng maalab na hagod ng balat sa balat.

“Larisa….” anas ni Jace habang itinitihaya siya. Nakahubad na rin ang mga salaming panangga sa sinag ng araw. Malinaw niyang nababasa ang kahulugan ng mga ningas sa mga mata nito.

“No, Jace…” bulong niya ngunit parang pasang-ayon ang kanyang tono. “T-this is a public place,” dugtong niya, pasinghap.

Hindi siya pinansin ng lalaki. Maliksi siyang naalisan ng mga kapiranggot na saplot sa katawan. Pamaya-maya pa, pati ito ay nakapaglantad na rin ng katawan at kasalukuyan nang naghahanda sa pag-angkin sa kanya doon sa buhanginan.

Tinunaw ng kung anong puwersa ang anumang pagtutol na namumuo sa kanyang utak nang siilin ng nag-aapoy na halik ang kanyang mga labing para bang kay tagal na nauhaw. Sinapo ng nagbabagang mga palad ang kanyang mga balakang at tuluyan na siyang iniangat sa ulap…

Makalipas ang maraming umaalimpuyong sandali, natapos ang isa sa mga bolatibong pagniniig na malimit mag-ugnay sa kanila.

Pakiramdam ni Larisa, habang naghahabol siya ng paghinga at ng pagbabalik ng normalidad, sumabog siya nang ilang ulit upang mabuong muli at maging isang panibagong katauhan.

Kung posible pang mangyari, mas lalo siyang naging pag-aari ni Jace nang matapos ang isa sa pinakamasidhing pagtatalik na nalasap ni Larisa sa piling ng lalaki.

“Oh!” bulalas niya habang paigtad na gumugulong palayo sa nakatalik. Dali-dali niyang isinuot ang kanyang roba. Hindi na siya nag-abalang huminto upang damputin ang kanyang mga saplot na nagkalat sa buhanginan.

Nagdumali siyang lumakad pabalik sa villa. Pakiramdam niya, napakaraming mata ang nakatingin sa kanya habang nagdudumali siyang umuwi. Hindi na siya lumingon sa kinaroroonan ng lalaki, kahit na narinig niyang tinawag ang pangalan niya.

“Larisa.”

Napapitlag siya nang halos magkasunuran nilang narating ang kanilang kuwarto.

“Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari sa atin sa tabing-dagat?” tanong ng lalaki habang pinipigil siya sa magkabilang balikat.

Bumuntong-hininga si Larisa. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang ‘hindi’, kaya hindi na lang siya umimik. Inusig niya na lang ng kanyang mga mata ang asawang nakatitig sa kanya.

“It’s a private beach, Larisa. Nobody could have seen us,” paliwanag nito habang bahagya siyang inaalog.

“K-kahit na, Jace,” katwiran niya, pabulong. “I — it became just s-sex…”

Huminga ng malalim ang lalaki. Papiksing umiling habang isinisiksik ang mukha sa sugpungan ng leeg at balikat niya.

“I never meant to make you feel dirty, sweetheart,” bulong nito. “I just want you to forget everything while we’re here.”

Inaalipin mo ako, Jace…

Tahimik lang na lumuha si Larisa. Naramdaman lang ng lalaki ang panggigipuspos niya nang humulagpos ang isang mahinang paghikbi sa kanyang nakatikom na bibig.

Walang imik na pinangko siya ni Jace upang dalhin sa banyo. Pinaliguan siya doon nang buong pagsuyo. Pinunasan ng tuwalya sa buong katawan bago ibinalik sa kuwarto.

“I’m sorry, Larisa,” bulong ng lalaki habang inihihiga siya sa kama.

“I — I’m sorry, too,” tugon niya. “I’m just being emotional.”

“You are getting homesick, I understand” salo ng lalaki. “Uuwi na tayo sa susunod na araw. Okey?”

Tumango si Larisa. Nangilid uli ang luha ngunit tinimpi na niya ang mga emosyon.

“T-thank you, Jace.”

Hinagkan siya ng lalaki sa noo bago sinimulang suklayin ang nakalatag na buhok sa unan.

Nagdaan ang ilang minuto ng katahimikan. Magkasama sila ngunit magkahiwalay ang tinutugpang landas ng kanilang mga isipan.

‘Is the honeymoon stage over?’ tanong niya sa sarili nang hindi siya makatiis na sumulyap sa dako ng asawang mayroong malalim na iniisip.

“Jace?” sambit niya nang tumindig na ang lalaki mula sa pagkakaupo sa sahig.

“Sleep tight, Larisa. Kailangan mo’ng magpahinga bago tayo lalabas para mag-dinner sa downtown,” anito bago lumabas ng pinto.

Sinarili na lamang niya ang kanyang pagkabahala. Minabuti niyang sumunod sa kagustuhan ng asawa. Madilim na ang loob ng silid nang muli siyang nagmulat ng mga mata. Dali-dali siyang bumangon.

Ang pangakong paghahapunan sa isang restawran ay napagkit sa kanyang isipan kaya iyon agad ang nasa ibabaw ng kanyang gunita pagkagising.

Nagsusuklay siya ng mahabang buhok nang bumukas ang pinto. Si Jace ang bumuglaw.

“Akala ko’y natutulog ka pa,” anito habang minamasdan ang kanyang kasuotan. Waring iniiwasang tumingin nang diretso sa kanya. “I like your dress. Give me a few minutes to be ready, too.”

Bahagyang napakunot-noo si Larisa sa pagiging pormal ng tono at anyo ng asawa ngunit pinalis niya ang anumang alalahanin.

AN EXTRAORDINARY LOVE-16

Comments are closed.