An Instant Desire

Lana was an abandoned child and rescued by a tomboy. She grew up beautiful but lacking on ladylike manners.

Devlin was commissioned to find her. He found her and felt an instant desire for the rough beauty.

He seduced her with every kiss.

She became addicted to his kisses.

But she balked when he said: Marry me.

How could he convince her that they were destined to be together?

CHAPTER ONE:

IT was a dark and moonless evening. An eerie silence cloaked everything and everyone.

It was a night that invited secrecy…

Pamaya-maya nga, isang anino ang patalilis na bumababa sa isang malaking mansiyon.

Sinasamantala ang kadiliman ng gabi. Sumakay iyon sa isang sasakyan, bitbit ang isang bagay na nakabalot ng makapal na kumot.

“Oh, anak ko, kailangan kong gawin ito,” bulong ng anino, pahagulgol.

“Mas gusto kong mawalay ka sa akin, basta’t buhay ka lang. Papatnubayan ka na lang ng aking mga dasal!”

Matapos ang ilang daang ulit na paghalik at pagyakap, inilapag ng anino ang balumbon na kulay rosas sa lilim ng isang punongkahoy.

“Paalam, anak ko. Magkikita pa rin tayo balang araw!”

Pagkatapos ng huling halik na puno ng pagsuyo, tumalikod na ang anino.

Nagdudumaling sumakay sa kotseng naghihintay at pinaharurot iyong palayo.

* * *

MATAAS na ang araw nang maisipang huminto ni Vicencia. O Baldo sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.

“Anak ng tupapaw na buhay ‘to, oo! Napakainit! Parusa talaga ang mabuhay sa mundo!” Panay ang busa niya habang umiibis sa malaking trak na minamaneho.

Hila-hila niya sa likuran ang isang mahabang container van. Kinuha niya pa iyon sa dulo ng Bulacan.

Walang ibig sumundo sa naturang bagahe dahil nga napakalayo, kaya ang pobreng si Baldo na naman ang naisubo ng management.

Tinungo ng maliit ngunit maskuladong babae ang malaking punongkahoy na ‘kumaway’ sa kanya kaninang nasa malayo pa siya.

Panay ang paypay niya sa sarili ng hawak na sumbrero habang pasalampak na nauupo.

“Pambihira talaga!” patuloy niya.

“Ako na lang palagi ang pinakukuha sa malalayo. P’ano na lang ang lovelife ko? Tiyak na pagbalik ko sa Menila, wala na ang aking si Celia!”

Inilabas niya ang sisidlang metal na halos napangalahati na ang laman. Lumagok siya ng ilan mula sa makipot na bibig.

“Pwa! Wala bang malamig na tubig?” Lalong umasim ang dati nang maasim na mukha ni Vicencia Guerra.

Iiling-iling siya habang hinuhugot mula sa beltbag ang isang balutan.

“Mauubos na ‘tong pagkain ko, wala pa ‘kong nakikitang tindahan!”

Gustuhin man niyang isubo na lahat ang kalahating sandwich, nagpigil pa rin siya.

In-imagine na lang niyang nginangasab iyon habang nasa loob ng bunganga ang kawawang tinapay.

Titipirin pa sana niya ang tubig nang magkaroon ng kaltog ang utak.

“A! Bahala na kung maubusan ng inumin!” bulalas niya bago ibinuhos ang natitirang laman ng sisidlan sa kanyang ulo.

Nasa akto siyang inihihilamos ang mainit-init na likido sa mukha at leeg nang may maulinigan siyang matitinis na uha ng sanggol.

Tila napakalapit sa kanyang kinasasalampakan…

“Ops! Hindi ka duwakang, Vicencia!” ang pagalit na singhal niya sa sarili nang akmang tatakbo na siyang pabalik sa trak.

“Hindi tiyanak ‘yon! Hindi na uso ‘yon!”

Gayunpaman, nangangalisag pa rin ang mga balahibo niya sa batok at naninigas ang kanyang leeg habang pilit na inililinga sa direksiyong pinanggalingan ng iyak.

“Uha! uha! uha!”

Ipinilig ni Baldo ang kanyang ulo. Ikinurap pa niya nang ilang ulit ang mga mata bago siya naniwalang tutoong sanggol ang kanyang nakikita.

“Juice ko! Bata nga! Bata, ha! ha! ha!” ang pabulalas na sambit niya ay nauwi sa malalakas na halakhak.

Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng anak-anakan. Dangan nga lang, walang bahay-ampunan ang nais magtiwala sa kanyang maaskad na pagmumukha.

Nagtatalon siya sa matinding katuwaan.

“May anak na ‘ko! Hindi ko na kailangan si Celia! Ha! ha! ha!”

Mistula siyang si Rumpelstiltskin na nagpalundag-lundag sa palibot ng umiiyak na sanggol.

Ilang sandali pa muna bago niya nakontrol ang sarili upang damputin nang buong ingat ang malambot na balumbon.

“Tutoo nga pala ang Diyos!” sambit niya, pabulong na.

Pinayagan niyang lumambot ang parating matigas na ekspresyon habang buong paghangang pinagmamasdan ang maamong mukha ng munting nilalang.

“Biruin mo, pinakinggan Niya ang mga dasal ko, kahit na g-ganito lang ako? Binigyan Niya ako ng isang anghel na–ano ka nga ba?” Halos mapahikbi siya.

Bahagya lang ang pagkadismaya niya nang makitang babae ang sanggol.

“Isang anghel na babae!” wika niya.

“Puwede na rin. Gusto ko sana, lalaki. Para hindi mahirap turuan ng self-defense. Pero bakit ba ako? Marunong ako ng lahat?”

Tumindig si Baldo, yapos na ang sanggol na huminto na sa kaiiyak.

“Ano ba ang magandang pangalan para sa ‘yo? Vicencia Junior? Ngi! Ang bantot!”

Nakalimutan na ni Baldo ang pagod at gutom na nagpapasama sa sumpong niya.

Masigla siyang sumampa sa trak at maingat na inilapag ang makapal na balumbon sa katabing upuan.

“Siguro, nagwiwi ka ano?”

Kinalas niya ang makapal na kumot na nakabalot sa maliit na nilalang.

“Naku! Init na init ka rin palang katulad ko,” Baldo crooned gently. “At pihong gutum na gutom na!”

Katatapos lang niyang magsalita nang mapansin ang supot na nasa paanan ng sanggol.

“Aba! Ano ‘to?”

Isang sulat, isang feeding bottle na puno ng tubig, at isang sisidlang plastik ng powdered milk ang nilalaman.

“May baon ka pala, ha?” Isinalin niya ang gatas na pulbos sa boteng may tsupon atsaka inalog nang inalog.

Naamoy marahil ng paslit ang pagkain, kaya nagsimula na naman itong umuha.

“O, ayan na po. Ikaw talaga, hindi ka rin makapaghintay, ha? Mukhang magmamana ka pa sa akin na mainipin, ha?”

Siyang-siya si Baldo sa panonood. Nakalimutan na niyang butabutin ang sulat.

“Naku, ubos agad? Ang takaw-takaw mo pala! Pero huwag kang mag-alala. Kayang-kaya kitang pakainin. Maraming pera si Daddy Baldo mo!” pagmamalaki niya.

Nang maubos ang gatas, dinampot niya uli ang bata upang mapa-dighay.

Ganoon ang nakikita niyang ginagawa ng mga asawa ng mga kasama sa trabaho matapos magpadede. Para daw hindi magkaroon ng kabag.

“Hay! Diyan ka nga muna, anak. Baka abutin pa tayo ng dilim dito. Magmamaneho na muna ang Daddy Baldo!”

Pinihit niya ang ignition key bago nagkambyo.

“Huwag kang masyadong malikot, ha? Baka gumulong ka diyan,” paalala pa niya.

Ilang sandali pa, binabagtas na ng malaking trak ang kahabaan ng isolated highway.

Wala na siyang naramdamang gutom hanggang sa makarating sa Maynila. Ni hindi na niya naisip na huminto sa mga karinderyang nadadaanan.

Sabik na siyang maiuwi ang bata sa bahay, este, sa kuwarto lang pala.

“Maliit lang ang silid ko, pero tiyak na kakasya tayong dalawa d’on, anak,” ang masiglang kuwento niya sa sanggol na natutulog nang mahimbing kahit na maingay ang ugong ng higanteng makina ng trak.

Nakapasok na sila sa loob ng tinitirhan nang matapunan niya ng sulyap ang nakaligtaang sulat.

Nahulog kasi iyon sa sahig nang mailapag niya sa katre ang sanggol. Dinampot niya iyon nang buong ingat.

“Hmm, ano kaya ang nasa loob nito? Marunong pa ba akong magbasa?” wika niya sa sarili habang binubuklat ang nakatiklop na papel.

“Hmm… Lana pala ang pangalan mo talaga,” patuloy niya.

Nag-isip muna nang matagal si Baldo. Pinipisa-pisa niya ang hugis-kamatis na ilong habang matamang nakatitig sa kawalan.

“Hindi mo puwedeng gamitin ang tunay na pangalan mo. Kaya Val Guerra ka na magmula ngayon. Ha! ha! ha!” halakhak ni Baldo, kapagkuwan. “Val. Parang Junior ng Baldo.”

* * *

TWENTY-ONE years after…

Nagkakaingay sa loob ng malawak na bodega ng West-East Cargo Services & Enterprises.

Linggo nang tanghali iyon. Walang pasok at araw pa ng suweldo kaya ginaganap na naman ang nakagawian nang dibersyon: ang contest ng pag-inom ng alak at ang arm wrestling match.

Ang naglalaban ay ang dalawang parehong maskulado at malakas. Sina Val Guerra at Boy Bustos.

Lalaki si Boy Bustos. Limayado na kaya dito nakapanig ang mga miron.

“Dehado ang anak mo, Baldo,” bulong ng isang miron sa maliit na babaeng may puti nang buhok at kulubot na balat.

“Hmmph! Manood muna kayo bago n’yo tawaran ang anak ko!” singhal ni Baldo.

“Oo nga naman,” salo ng isang kakamping miron. “Nakita ko nang lumaban si Val. Magugulat ka talaga.”

Tumaas ang noo at lumiyad ang dibdib ni Baldo.

“O, kanino kayo tataya?” panghahamon pa sa mga kaharap.

“Kay Boy kami. Heto ang dalawang daan,” anang unang miron.

Nagkakindatan sina Baldo at ang ikalawang miron.

“Buweno, ipupusta namin ang lahat ng suweldo namin!”

CHAPTER TWO:

HABANG nagaganap ang pustahan, nagko-concentrate naman si Lana sa kanyang kalaban.

Her beautiful eyes gazed deeply into a pair of beady eyes.

She was mesmerizing her enemy with her beauty.

Pamaya-maya, binasa ng dila niya ang mga labi.

Ganoon ang nakikita niyang paraan ng pang-aakit ng mga babaeng nakatambay sa labas ng mga night club.

She hid a smile when the opponent started sweating.

Nababasa na niya ang pagnanasa sa mga mata ng katunggali.

Alam niyang nabibighani sa kanya si Boy.

Palagi niya itong nahuhuling nakatitig sa kanya kapag nakikita siya.

And she was using this attraction to her advantage–shamelessly.

“Kapag natalo kita, magiging akin ka, Val!” ang pagaril na banta ni Boy.

“Ikaw naman ang titihaya at kukubabawan! He! he!”

“Kasing baho ng hininga mo ang laman ng utak mo!” ganting-wika naman ni Val habang pilit na ngumingiti.

Dahan-dahan lang para maging kaakit-akit.

Hindi niya ipinakikita ang pandidiring nadarama.

Kilalang takot sa tubig si Boy Bustos. Kaya ang lagkit-lagkit ng balat nito dahil sa dumi.

“Kapag natikman mo ang romansa-brutal ko, tiyak na magiging tunay na babae ka na, Val! Ako na lang ang hahanap-hanapin mo, he! he!”

Ipinangako ni Val sa sarili na tatadyakan niya ang mabahong mukha ng kaharap–mamayang nanalo na siya sa laban.

“Tingnan natin, Baho. Kapag hindi ako nasarapan, putol ang kaligayahan mo!”

Nanlaki ang mga mata ni Baho. Muli na naman itong napalunok.

“T-tiyak na masisiyahan ka,” pangako nito sa nanginginig na boses. “Hinding-hindi mo ako makakalimutan!”

“Hmmm, tingnan natin,” sambit niya, sabay kindat nang pasimple. “Mamaya na ba…?” pambibitin niya.

Lihim siyang nasiyahan nang mabawasan ang lakas at tigas ng brasong nakasingkaw sa bisig niya.

Malapit nang matalo ang kalaban! bulong niya sa sarili.

Siya lang ang nakakaalam niyon.

Wala pang malay ang mga miron sa paligid nila na malapit nang tumaob sa mesa ang kinatatakutang siga sa bodega ng West-East.

Na si Val Guerra na ang tatanghaling bagong kampeon!

Binigyan pa niya uli si Baho ng mapang-akit na ngiti bago niya ibinuhos ang buong lakas.

Sa isang kisapmata, biglang tumumba ang braso ng babaeng maskulada. Gulat na gulat ito.

Maging ang mga manonood.

“P’ano nangyari ‘yun?” hiyawan ng mga miron.

“Sabi ko sen’yo, champion ang anak ko! Ha! ha!” Nangingibabaw ang boses ni Daddy Baldo.

“O, akina ang mga pusta n’yo. Kami ang nanalo!”

Sa saliw ng pagkakaingay na iyon, magkalaban pa rin ang mga mata nina Val at Baho.

“Hindi ako papayag na matalo sa ‘yo, Val! Babae ka lang!”

Hindi na niya itinago ang galit. Umigkas ang isang kamao niya.

She gave her a sharp jab on the jaw. And a left hook.

Talsik ang layaw at dugo ng babae. May nakasama pang ngipin na nangingitim na sa nicotine.

“‘Yan ang napapala ng mga katulad mong mahilig mangmaliit ng mga babae!” bulyaw niya rito bago tumalikod.

“Tena, anak. Magpahinga ka na,” aya ni Daddy Baldo sa kanya.

“Oo, Dad,” tugon niya sa mas malumanay na tono. Itinago ang pananakit ng kamao.

Tinapunan pa niya ng matalim na sulyap si Baho bago tuluyang lumakad palayo.

“Tamang-tama ang pagkapanalo mong ito, anak. May panghanda na tayo sa Pasko,” ang tuwang-tuwang sabi ni Baldo.

Tumango si Val. Tuluy-tuloy siya sa katre niya.

“Magtitimpla ako ng kape, anak,” wika ng tomboy na kinikilalang magulang habang nagbubukas ng gripo para lagyan ng laman ang lumang takuri.

“Gusto mo ba?”

“Hindi na, Dad. Mamaya na lang ako babangon. Gusto kong matulog.”

“O, magpalit ka muna ng damit. Basa ka ng pawis,” paalala nito.

Hinubad ni Val ang suot na pulang t-shirt. Naka-sports bra siya sa ilalim ng sandong manipis.

“Oo, Dad,” aniya. Isinampay niya ang mga saplot sa likod ng silya bago pabagsak na nahiga sa manipis na kutson.

Tumingin siya sa kisame. Naaalala niya ang malaswang kislap sa mga mata ni Baho.

Hindi pa iyon ang katapusan ng pagtutuos nila.

Alam niyang napagtanto na ng nakatunggali ang ginawa niyang pandadaya kanina.

Kilos- at asal-tomboy si Val, pero hindi siya lesbian. Hindi siya nagkagusto kailanman sa kapwa-babae.

In fact, she regarded herself as sexless.

Dahil hindi rin siya naaakit sa lalaki.

She scorned the male population who always looked down at them females.

Palagi na lang silang sinusukat at minamata ng mga lalaki—at ng mga nag-aastang lalaki. Maliban syempre kay Daddy Baldo.

Pero gayundin sa ina-inahan. Palagi na lang itong minamaliit ng mga lalaking kasamahan sa trabaho.

Kaya hindi siya nahihiyang aminin sa sarili na ginamitan niya ng feminine wiles si Baho.

Kung hindi niya matatapatan ng lakas sa lakas ang kalaban, mayroon pa siyang ibang sandata–ang kanyang kariktan.

A hard smile curved her voluptuous lips.

Wala namang masama sa ginawa niya–pero humanda lang sana siya sa magiging ganti sa kanya.

At hindi mabuting tao si Baho…

This was her last thought before she drifted into a tired sleep.

* * *

SINIPAT ni Devlin Santana ang letrato.

Ilang ulit niyang tinitigan ang hawak sa iba’t ibang anggulo bago siya nagtaas ng tingin sa kaharap na may edad na babae.

“Misis, ito lang ba ang picture ng anak n’yo?”

Tumango ang tinanong. “I-iyan lang ang naitabi ko.”

“Wala na ba kayong latest?”

Umiling ang ginang na mala-donya ang dating.

“Kailan n’yo siya huling nakita?”

“T-twenty one years ago.”

“Twenty one years ago,” ulit ni Devlin. Hinimas-himas niya ang baba at panga. “Ano’ng edad niya rito, misis?”

“Five months old pa lang siya diyan.”

Tumangu-tango siya. Kapagkuwan, tumindig siya upang kamayan ang bagong kliyente.

“I’m very honored, ma’am. Sa akin n’yo ipinagkakatiwala ang paghahanap sa anak n’yo.”

The older woman looked at him beseechingly.

“Tell me the truth, Mr. Santana. Ilang porsiyento kaya ang magiging tagumpay mo?”

Nagkibit ng malalapad na balikat si Devlin.

“Hindi ko pa alam, misis. Marami pa akong kailangang gawin para masagot ko nang eksakto ang tanong na ‘yan.”

Habang nagsasalita, kinakalabit niya ang mga switch ng computer set.

Binuksan niya ang scanner machine at inilatag sa ibabaw niyon ang letrato.

“Kamukha ba kayo ng anak n’yo, misis?” he asked her idly.

Tumango ang tinanong.

Tinitigan niya ang image na rumehistro sa computer screen.

Ilang minutong naghari ang katahimikan.

“Tingnan n’yo ang ginawa kong magiging hitsura sana ng anak n’yo, misis,” alok niya habang ibinabaling nang bahagya ang screen padako sa kinatatayuan ni Mrs. Esguerra.

Napabulalas ang ginang nang makita ang resulta ng ginawa niya.

“Oh, you’re such an expert, Mr. Santana! Napakagaling ng ginawa mo!”

Devlin just inclined his dark head. “Ganyan ba ang hitsura n’yo nung dalaga pa kayo?”

Tumango nang sunud-sunod ang kaharap niya. Maluha-luha na nga.

“G-ganyang-ganyan nga ako nung kabataan ko, iho!”

“Mayroon ba kayong picture diyan?”

Nagdudumaling dumukot sa bag ang ginang.

Isang maliit at lumang album ang hinugot nito.

“Heto,” anito habang iniaabot sa kanya.

Binuklat-buklat ng binata ang album.

“Bakit nga pala siya nawalay sa inyo, misis?” ang pakaswal na tanong niya kapagkuwan.

Napabuntong-hininga ang tinanong niya. Wari ba’y inaasahan na nito ang pagtatanong niya.

“Maaari bang dito ako maupo, iho?” she asked first before pulling one of the chairs nearer his computer.

“Please,” tugon naman niya.

“Nagsimula ang lahat dahil sa kayamanan,” umpisa nito nang makaupo na.

“Panganay ang aking asawa sa apat na magkakapatid kaya sa kanya naipamana ang malaking bahagi ng yaman ng Pamilya Esguerra.”

“Nang mamatay ang asawa ko sa isang aksidente, naghari-harian na ang mga kapatid niya sa aming bahay. Hindi pa man naililibing ang labi ng aking asawa, nilulustay na ng mga bayaw ko ang kabuhayang iniwan ni Augusto.” Dinampian ng isang lace handkerchief ang mga matang namumula.

Hindi umimik si Devlin upang huwag masira ang kuwento ng kaharap.

“Nanganib ang buhay ng anak namin, nang malaman nilang nalipat na dito ang lahat ng mga ari-arian ng asawa ko. Tinangka nilang patayin ang walang laban na sanggol–” Napahinto ito upang kontrolin ang paghagulgol.

“K-kaya napilitan akong itapon siya para mailigtas siya!”

“Itinapon n’yo ang bata?” Devlin repeated in amazement.

“Oo, pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa kong ‘yon,” salo nito.

“Gan’on pa rin ang gagawin ko kung mauulit ang kahapon!”

Nag-print ng isa si Devlin.

CHAPTER THREE:

“SIGURADO ba kayong buhay pa ang anak n’yo, misis?”

He asked after staring at the beautiful face that was a product of his computer.

The sophisticated software had cleverly matured the prominent features of the baby from the picture.

And turned it into a very attractive young woman.

“Ito na lang ang ipapalathala natin sa mga diyaryo,” aniya kapagkuwan. “Payag ba kayo?”

Kinuha ni Mrs. Esguerra ang glossy paper. Buong pagmamahal na tinitigan at hinaplos ng ilang daliri ang maamong mukha.

“Oh, my baby! I knew she’d turn into a lovely creature!” gushed the older woman with the shameless admiration of a mother.

“Kung makikita ka lang ngayon ng iyong Papa, tiyak na magiging maligaya siya!”

Hindi umimik si Devlin. He disliked soft emotions.

Lumaki siyang mag-isa. He had always been a loner.

Natuto siyang mamuhay mag-isa dahil ang mga magulang niya ay parehong ‘lotus eaters’, o mga taong walang inatupag kundi ang magpasarap sa buhay.

At habang nakatingin siya sa larawan ni Lana Esguerra, he was feeling a peculiar sense of affinity.

Para bang nagkaroon sila ng kuneksiyon dahil pareho silang naapektuhan ng makamandag na epekto ng kayamanan.

His parents had become irresponsible because of excessive wealth. And were destroyed by it in the end…

Ipinilig ni Devlin ang ulo. Hindi niya gustong binabalikan ang nakaraan.

“H-hindi kaya makasama kung ipapalathala ang larawang ito sa mga diyaryo?” tanong ng ginang makaraan ang ilang sandali.

Naputol ang pagmumuni-muni niya. Nag-angat siya ng tingin upang sulyapan ang kausap.

“Bakit naman makakasama?” Devlin was curious to know her reasons. They might be relevant to the case.

“Baka namumuhi siya sa akin,” wika nito. “Dahil nga itinapon ko siya.”

Nag-isip si Devlin. “May punto nga kayo, misis,” tugon niya kapagkuwan.

“Kung magiging manu-mano ang paraan ng paghahanap sa inyong anak–baka matagalan,” he forewarned her.

Bumuntong-hininga ang ginang. “Nakapaghintay na ako ng dalawampung-taon, iho. Gusto ko lang makasigurong magkikita pa kaming mag-ina.”

“Kung iyan ang gusto n’yo,” patianod niya. Dinampot niya ang mga kopya ng letrato ni Lana Esguerra.

“Ipamimigay ko na lang ang mga ito sa mga assets ko.”

Pinagulong ni Devlin ang inuupuang computer chair palapit sa kinaroroonan ng telepono. Papupuntahin niya ang mga alagang informers sa opisina.

“Magtatagal ang panahon ng paghahanap natin sa anak n’yo, misis.” Inulit niya ang babala upang matiyak na hindi lang nabibigla ang kaharap sa naging desisyon nito.

Tumango ito. “Nakahanda akong maghintay,” pahayag nito, in a resigned manner.

Devlin nodded briskly. He assumed a businesslike demeanor.

“Tatanggap kayo ng weekly report mula sa amin. At kapag may biglaang development sa kaso, tatawagan namin kayo agad-agad,” wika niya habang kinukuha ang black notebook.

“Nandito ang paunang bayad.” Inilapag ni Mrs. Esguerra ang isang tseke.

“Bukod ang ibabayad ko sa mga tauhan na kukunin mo para matagpuan ang anak ko.”

He examined the check carefully. Metikuloso siya sa lahat ng bagay.

Ngumiti siya nang matipid sa may edad na babae.

“Thank you for the full support, Mrs. Esguerra. Maaasahan n’yong gagawin namin ang lahat ng makakaya namin,” pangako niya rito.

“I give you my whole trust, iho,” anito. Kinamayan siya nito uli bago tumindig.

“Bukas, ipapadala ko sa messenger namin ang kontrata natin.” Inihatid niya hanggang sa may paglabas ng pinto ang ginang.

“Maaari bang humiling sa ‘yo, iho?” ang seryosong tanong nito nang aktong papalabas na.

“Ano ‘yon, misis?”

“Puwede bang ikaw na ang personal na magdala ng kontrata bukas, at ng mga weekly reports, sa bahay ko?”

Hindi iyon ang inaasahan niyang hihilingin ng bagong kliyente pero saglit lang ang pagkabigla niya.

“Kung ‘yan ang nais n’yo, misis. We always try to give our customers full satisfaction,” tugon niya.

“Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa ‘yo, iho. Malakas ang kutob ko na matatagpuan mo ang aking anak!” papuri pa nito.

Kumiling ang ulo ng binata. Although he was accustomed to success, in his work as a bounty hunter–hindi pa rin siya nakakatiyak ng tagumpay.

Ang tanging natitiyak niya ay ang pagbibigay niya ng buong kakayahan sa paghahanap ng mga taong nawawala–kapalit ng malaking halaga.

Iyon ang minana niya sa mga magulang na bohemyo, ang pagpapahalaga sa pera.

He liked the creature comforts that only money could give.

He was able to buy back the old Santana estate.

Paisa-isa, nabili niya at naibalik sa lumang bahay ang mga mamahaling antigo na naipagbili nung nabubuhay pa ang mga magulang.

Lingid sa kanyang kaalaman, nawaldas na pala ng mga ito ang kabuhayang dapat ay mamanahin pa niya…

Napailing na naman si Devlin, nang mapagtanto ang direksiyon tinatahak ng isipan.

What’s the matter with you, man? tanong niya sa sarili, paasik. Bakit ngayon ka pa nag-iisip ng mga walang kuwentang bagay?

“I’ll grant your wish, madame,” ang magalang na wika niya matapos yumukod sa harap ng may edad na babae.

“Ano ang convenient time para magpunta sa inyo?”

“Anytime, iho.” Nakangiti na si Mrs. Esguerra. “Basta’t ikaw ang dumating, I’ll always have time for you!”

Hindi niya napigil ang bumilib sa brave front ng ginang.

Marami na itong pinagdaanang hirap ng kalooban, ngunit nananatili ang katatagan na hinubog na ng panahon.

“You’re a very hopeful person, madame,” he said with a serious smile. “We’ll try our best to find your daughter.”

“I know, iho. I’ll count on it.” Tinapik nito ang isang pisngi niya bilang paalam. “See you tomorrow.”

Napatunganga sa kanila ang sekretarya niyang may ordinaryong utak.

The simple-minded girl was awed and petrified of his reputation as a womanizer and a philanderer.

“Nellie, dalhan mo ako uli ng kape,” utos niya rito, dala ng sandaling pagkayamot.

Napatalon ang nerbiyosang empleyada. “O-opo, sir!”

Or she was just a poor soul who was terrified of her own shadow! bawi ni Devlin sa sarili.

“May tumawag ba sa akin?”

“Wal-wala po, sir,” tugon ng babaeng natataranta sa pagtitimpla ng kape.

“Pero nag-blink po kanina ang private line n’yo,” dugtong nito.

“Ako ang gumagamit ng line na ‘yon,” salo niya.

Lumapit siya sa lamesa ng sekretarya upang rekisahin ang mga draft na ginagawa nito.

“Tapos na ba ang mga idinikta kong sulat kanina?”

“Er, hindi pa po, sir,” tugon nito. “Katatapos lang po ng i-repair ng technician ang computer ko.”

Kumunot ang noo ni Devlin.

“Bakit ba pirming nasisira ang computer mo?” ang pausig na tanong niya. “Ano ba ang malimit na nagiging problema?”

“E, nasisira po daw ng virus–?” Hindi pa ito sigurado sa tugon sa kanya.

“Nasisira ng virus?” ulit ni Devlin. “Baka naman kung saan-saan galing ang mga usb na pumapasok diyan sa drive mo, Nellie?”

Tila namutla lalo ang babae. Hindi ito nakasagot agad.

“Nasisiguro mo bang malinis ang mga usb na pumapasok diyan sa computer, Nellie?”

“E, p-paano po ba nalalaman kung malinis ang—ang usb, sir?” Nanginginig na talaga ito.

Nagpigil si Devlin sa sarili. Ibinaba niya ang tono.

“By doing the usual checks,” tugon niya. “Hindi ka ba marunong mag-scan?”

Umiling ang tinanong.

“Hindi ka marunong?” paniniguro niya.

Umiling uli si Nellie.

“Then, don’t use any usb from the outside,” he suggested in a tight voice.

“Y-yes, sir.”

Umiling-iling siya.

Matagal na niyang gustong palitan ang tauhan na ito dahil marami-rami na itong nagagawang kapalpakan, pero andap na siyang makipagsapalaran uli sa paghahanap ng bagong sekretarya.

Mas maigi na rin ang isang ito kaysa sa magkaroon na naman siya ng problemang empleyada.

At least, this one did not have vampire-red, long nails and lips!

He sighed again.

“Isunod mo na lang sa loob ang kape ko, Nellie,” utos niya habang tumatalikod dito.

“And take your stenopad with you,” he added tersely.

Click here to READ MORE

Comments are closed.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age