Falling in love is the most dangerous thing to do in the world. You have to trust someone with your heart, with your future, with your happiness…
But getting attracted to someone risky is the easiest, especially to those who live and court danger.
Alondra was a fearless woman who often defied death to earn money for the family.
Lawrence was an angry man who enjoyed deadly challenges to exact revenge against a traitor friend.
He kidnapped Alondra to help him complete the dark mission, in exchange to money. Lawrence didn’t expect that his icy heart would be involved, too.
How did he start feeling this strange but magnetic attraction? He had been heartless for a long time!
* * *
Dahan-dahan, hinila ni Lawrence ang lubid.
Dahan-dahan…
Habang panay ang senyas ng taong nasa malayong dulo na dalian niya.
‘Dali! Ayaw kong mahulog!’ anang mensahe ni Raymund.
Still, he remained calm and slow. Inch by inch, he pulled at the black nylon rope with exquisite laziness.
Para bang sinasadya niya, ngunit ang tutoo ay iyon lang ang dapat.
Dahil kapag nagpadala siya sa panic ni Raymund, magiging nobenta porsiyento ang bulilyaso.
Masasayang ang matagal na preparasyon nila para sa trabaho ngayong gabi.
‘Maghintay ka lang, amigo. May mga bagay na hindi talaga puwedeng madaliin,’ he whispered to himself while pouring all his concentration on the painstaking task.
Hindi na siya sumulyap sa mukha ng partner at kaibigan. Para wala nang distraksiyon sa ginagawa.
Nang mga sandaling iyon, nakasalalay sa mga daliri at pulso niya ang isang buhay.
At alam din iyon ni Raymund.
Kaya naman may dahilan talaga ito para nerbiyusin nang husto.
Nakabitin ito sa lalim na limampung palapag. Isang pagkakamali lang sa parte niya, magmimistulang kamatis na napisa ang buong katawan nito pagbagsak sa sementadong kalsada sa ibaba.
Pati ang mamahaling hiyas na dahilan ng lahat ng paghihirap nila ngayon ay mawawala rin.
This is the job of a lifetime! ‘ika nga ng mga taong katulad nilang dedicated sa mga piniling propesyon.
Sila ay mga ‘class’ na ‘catburglars’. Tanging mga mamahaling hiyas na pag-aari ng mayayamang tao ang kanilang tinatalo. Mas mapanganib kunin pero mas malaki naman ang ganansiya. At mas maliit ang bigat ng kasalanan dahil wala naman silang inaapi.
Laruan na lamang para sa mga mayayaman ang magkaroon ng expensive jewel collection. Hindi naman magugutom o maghihirap kapag nawala iyon.
Ang tinrabaho nila ngayong gabi ay ang ‘North Star’, the largest diamond in the world. And it would be lost forever, kapag nawalan siya ng pag-asa.
Ang katumbas niyon para sa kanilang dalawa ni Raymund ay humigit-kumulang sa dalawang daang milyong piso. Dahil nagkakahalaga iyon ng limang milyong dolyar.
Ginawa niyang inspirasyon ang bagay na iyon upang manatili ang lakas sa mga braso niya.
Tila lalong bumagal ang paglipas ng mga sandali. Parang isang buong magdamag na ang lumipas bago umikli ang nakalawit na lubid.
“Hurry up, Law!” ang impit na utos ni Raymund nang halos isang dipa na lang ang layo nila sa isa’t isa.
Hindi siya kumibo. Wala pa sa ligtas na lugar ang kaibigan. Hindi pa siya maaaring bumitaw.
Sa tulong ng mapusyaw na liwanag ng mga neon lights ng mga higanteng advertisement boards sa mga tuktok ng mga sangkatutak na skycrapers sa paligid, nakikita niya na ang pawisang bahagi ng mukha nito na nakalantad.
Pareho silang basa ng pawis kahit na ubod ng lamig ang gabi.
Hindi pa makapaniwala si Lawrence malubos na ang kaligtasan ng kaibigan.
Nanatili siyang nakadapa habang binabawi ang normal na paghinga.
He waited for his heartbeats to get normal before he rolled onto his back.
Nakatihaya na rin si Raymund. Ngunit magkabaligtaran sila. Ang mga paang may suot na black mountaineering boots ang katapat ng ulo niya.
Pumikit uli siya. Nagtagumpay sila…
“Oh, God!” bulalas ni Raymund, hinihingal pa rin. “Sa wakas, ligtas na ako!”
“Yeah,” sambit niya habang nangingiti. “Thank God!”
“Akala ko, tapos na ako. Salamat, Law,” ang seryosong wika nito.
Pinilit niyang bumangon. Nakakaramdam siya ng antok dahil sa malamig na ihip na hangin.
“Hindi kita pababayaan, Raymund.”
“Alam ko, pero pakiramdam ko’y namatay na ako at nabuhay na uli habang nakabitin sa ere kanina,” pahayag nito. “Second life ko na ito, pare. Talagang dapat na akong magbago ng landas!”
“Ganyan din ang naiisip ko. Huling biyahe na natin ito,” pagtatapat niya.
Tila biglang nanumbalik ang lakas ni Raymund. Masigla na ito nang bumalikwas ng bangon. “Iisa talaga ang likaw ng bituka natin, Law.”
Ngumiti lang siya habang maliksi na ring tumitindig.
They were both wearing black elastic over-alls, with black head bonnet and black rubber gloves.
“‘Lika na,” aya niya habang nagpapauna sa paglakad.
Nakakailang hakbang pa lang siya nang dumapo ang isang malakas na hampas sa likod ng ulo niya. Agad na umikot ang kanyang paningin at padapang nalugmok sa matigas na sahig.
Pinilit niyang dumilat para alamin kung ano ang nangyari bago man lang siya mawalan ng ulirat.
Ang nakita niya ay ang nakangising si Raymund. Nakayuko ito sa pagkakatunghay sa kanya.
“Ang tanga mo talaga, Law,” panunuya nito. “Para magtiwala sa isang kaibigang putik!” At humalakhak nang malutong.
“H-hudas ka pala…” Iyon lang ang nagawa niyang sambitin. Padaing pa.
Blood was already seeping from the large wound at the back of his head.
Tumawa uli nang nakakaloko si Raymund. “Paalam. Salamat na lang dito sa share na ibinabalato mo sa akin.”
Magkikita pa rin tayo, Raymund! pagbabanta niya, ngunit sa loob na lang ng isipan. Lumilipad na siya palayo…
Makalipas ang isang buwan, naging laman ng mga pahayagan ang malagim na kamatayan ng isang lalaking nakilala lamang sa pangalang ‘Ray’.
Biktima ng isang karumal-dumal na krimen sa kamay ng isang sindikatong sangkot sa droga.
“Ayon sa mga awtoridad, ang lalaking natagpuang lulutang-lutang sa isang ilog sa Laguna ay biktima ng foul play. Bukod sa mga saksak na tinamo sa iba’t ibang parte ng katawan, ang kaawa-awang biktima ay sinakal pa ng alambre sa leeg,” pagbabalita ng isang news reporter sa telebisyon.
Nagngitngit sa matinding panghihinayang si Lawrence, matapos mapanood ang naturang balita.
He had been looking for his ex-partner and ex-bestfriend in vain. Naunahan na pala siya!
A, nakakaawa ka lang Raymund. Dahil sa sobrang pagkaganid, nawala pa pati ang pinakamahalagang pag-aari sa ‘yo — ang buhay mo mismo!
Maging sa sarili niya ay mayroon ding nawala — ang kakayahang magtiwala pa sa ibang tao.
At marahil ay ang kakayahang magmahal.
He had always been cold and detached. Pero sa kasuluk-sulukan ng madilim na kalooban niya, mayroon pang munting pag-asa na matututo rin siyang umibig pagdating ng araw.
Kinitil ng panghuhudas ni Raymund ang munting liwanag na iyon.
That fateful night had turned him into a ruthless individual.
He became heartless…
NAKATAYO si Alondra Bediola sa gilid ng isang abandonadong gusali.
Nakapagkit ang likod at mga palad niya sa pader na pinaitim na ng panahon.
Nakatutok ang paningin niya sa paanan. Medyo mataas pala ang panggagalingan niya.
Nang karkulahin niya sa tingin ang apat na palapag kanina, inakala niyang mababa lamang iyon. But her eyes had done a grave mistake in calculation.
“Oh, Diyos ko, makaya ko sana ito!” usal niya sa sarili.
Hindi na niya inisip ang maaaring mangyari kapag di narinig ng nasa Itaas ang panalangin niya.
She took a number of deep, slow breathes. There was a hushed quiet around her.
Para bang pigil-hininga rin ang buong paligid.
“Go!” Isang pabulong na hiyaw iyon mula sa kanyang likuran.
Inisip niya ang matatamo kapag natapos na ang pagtalon. Hindi niya makukuha iyon kapag hindi niya nagawa ang trabahong ito.
Huminga uli siya nang malalim.
Talon na, Alondra! utos niya sa sarili.
Pamaya-maya nga, nakabitin na siya sa ere. Nakasakay na siya sa hangin.
Her heart was palpitating wildly. Her mind was getting intoxicated with so much oxygen.
Sumirku-sirko siya para maging mas magaan ang pagbagsak ng katawan sa pinagpatung-patong na kutson.
Yapus-yapos niya ang mga tuhod nang tila bola siyang lumapag sa ibaba. Tumalbug-talbog muna bago gumulong.
“Cut! Good take!” hiyaw ng direktor. “Nice, Alondra!”
Nagtakbuhan palapit ang mga kasama niyang stuntmen. Tinulungan siyang tumindig kahit na kaya naman niya.
“May damage ba siya?” sigaw uli ng direktor, kahit na nasa malapit na rin.
“Meron ba, Ali?” tanong ni Brutus, ang head stuntman na singkatawan ni Arnold Schwarzenneger.
Umiling siya, gayong liyung-liyo na. Hindi niya aaminin ang mga bukol at mga galos na natamo. Sa pangamba na baka pagpahingahin muna siya sa pagtatrabaho.
“Galos ba ‘yan?” usisa ng first-aider na binatilyo. Nakatingin sa manggas na kasalukuyang namamantsahan ng sariwang dugo.
“Wala ‘to. Malayo sa bituka,” tugon niya habang pilit na ngumingiti. “Okey lang ako.”
“May isang take pa tayo, ha? Okey ka pa talaga?” paniniguro ng direktor.
“Opo, Direk.”
Pinilit niyang tumayo mag-isa. Ngunit hindi pa rin siya binitiwan ni Brutus.
“Kaya ko nang maglakad, Brut. Salamat sa pag-aalala,” wika ni Alondra.
May pagtingin sa kanya ang coach and mentor nila. Ngunit pilit siyang nagbubulag-bulagan.
Alondra had to ignore his ardent attention. Wala siyang panahon na makipagligawan. Abot hanggang leeg ang kanyang mga responsibilidad.
It would not be fair to any man, kung idadamay niya agad sa mga problemang pampamilya gayong bago pa nga lang sana magsisimula.
Atsaka, tiyak naman na walang kukuha sa kanya dahil nga package-deal sila ng mga kapatid niyang pulos mga bata pa.
Si Alondra ang panganay sa apat na magkakapatid.
Kinse anyos siya nang lubusang maulila sa mga magulang. Magmula noon, siya na ang tumayong ama at ina sa tatlong batang lalaki at dalawang batang babae.
Malaking bulas siya at may malusog na resistensiya kaya nakapasok agad siya sa grupo ni Brutus, bilang isa sa mga stuntwoman.
Kapitbahay lang nila ang ensayuhan ng mga lalaki at babaeng gumagampan sa mga delikadong eksena sa pelikula, kaya naging madali ang pagpasok niya.
“Dito ka na pumasok, Ali. Mas madali ang pera, lalo na kung masipag at mahusay ka,” aya sa kanya ng mabait na lalaki. “Maliksi ka naman, e. Siguradong madali ka lang matututo,” dugtong pa nito para tuluyan na siyang makumbinsi.
Sa hitsura lang ito brusko, pero ang kalooban ay ubod ng buti.
Without hesitation, she accepted the offer.
Pinili niya ang mapanganib na gawain kaysa naman maging labandera lang siya na katulad ng nasirang ina. O kaya’y maging factory worker na katulad ng namatay na ama.
She had been the breadwinner for about ten years now.
At sa awa ng Diyos, hindi pa naman nagutom ang mga ito nang matagal. Medyo kakalam lang muna ang mga bituka, pero nagagawan naman niya agad ng paraan.
“Pa-make-up ka uli, Alondra,” ang pahabol na utos ng direktor. “Magpalit ka rin ng costume. Wall-climbing naman ang eksena mo.”
“‘Nak ng tupa naman ‘tong si Direk!” reklamo ni Brutus nang nakalayo na ang amo sa pelikulang iyon. “Bakit iniunang kunan ang pagtalon? Dapat ay ang wall-climbing muna, hindi ba? Tiyak na pagod ka na ngayon.”
Alam na ni Alondra kung bakit. Ipinaliwanag na ng direktor iyon kaninang umaga, pagdating pa lang niya.
“Para daw maging mas realistic,” wika niya. Tinapik niya sa isang balikat ang kausap. “Sige, Brut. Salamat sa concern. Pupunta na ako sa make-up.”
“Hindi ka pa kumakain ng lunch, hindi ba?”
“Busog pa ako.”
Napailing na lang ang malaking lalaki. “Strong woman, pansinin mo naman ako,” bulong nito, pero narinig niya nang malinaw.
Hindi siya nagpahalata. Nagpatuloy siya sa paglakad palayo.
Ang tutoo, gutom na siya. Nanginginig na ang mga laman niya. Nangangatog na ang mga tuhod niya.
Ngunit mahihirapan lang siya lalo kapag nakinig siya sa pagkulo ng sikmura.
Kailangan muna niyang matapos ang susunod na eksena.
“Ay, Alondra, mabuti’t nandito ka na,” ang salubong ng malanding bakla na naglalagay ng meyk-ap. “Halika na, retokehin na natin ang mukha mo, darling.”
Naupo siya sa isang canvass chair.
She let her shaking limbs get a rest while fresh make-up was being put on her face. But she dared not close her eyes.
“Alam mo, tita, mas maganda ka pa kaysa sa star natin, a? Bakit kaya hindi na lang ikaw ang gawing leading woman?”
Hindi siya umimik. Wala siyang panahong makipag-intrigahan sa kaharap.
She was busy gearing up all her remaining energies.
“An’tagal mo na ring stuntwoman, a? Bakit hindi mo subukang mag-artista na nang tuluyan?” Niyugyog siya nito. “Huy! Pambihira ka naman. Satsat ako nang satsat dito, hindi mo ako pinapansin.”
“Pasensiya ka na, Sugar. May iniisip lang ako,” she apologized readily. “Ano ba’ng sinasabi mo?”
“Ang sabi ko, bakit hindi na lang ikaw ang maging leading woman dito, e, ikaw na naman halos ang gumawa ng lahat ng mga eksena.”
“Hindi ako bagay maging artista, Sugar. Wala akong ‘k’.”
“Naku, ikaw ang taong napaka-humble! Aba’y ako na ang nagsasabi. Puwede kang maging star! Ayaw mo pa ring maniwala.”
“Wala akong hilig, Sugar. Pang-stunt lang talaga ako.”
“Masaya ka na ba talaga sa pagtalun-talon? Aba’y napakadelikado ng trabahong ‘yan. Paano kapag naaksidente ka? At mabalda na habang buhay?”
“Naku, Sugar. Please, don’t say bad words. Iyan ang iniiwasan kong isipin.” Napabulalas siya dahil iyon ang isa sa mga lihim niyang kinatatakutan.
“A, basta! Sa susunod na makausap ko ang butihing producer natin, babanggitin ko sa kanya na puwede kang maging artista,” Sugar insisted persistently.
“Sugar, ano ka ba naman? That’s a crazy idea!”
“Basta, basta, basta!”
Nahinto ang pagkukulitan nila nang lumapit ang assistant director.
“Hoy, bakla, bilisan mo diyan,” anang maliit na babae kay Sugar. “Alondra, hinihintay ka na ng wardrobe, ha?” paalala pa nito.
“Oo,” tugon niya. “Tapos na ba, Sugar?” Tumindig siya matapos tumango ang bakla.
“Oo. Sige, lakad na. Baka mahuli ka pa sa set,” pagtataboy nito. “Basta ako ang kukunin mong manager, ha?”
Alondra could not stop from smiling. Nakakataba ng puso ang mga naririnig niya. But she was not taking the conversation seriously.
Para sa isang tulad niya, imposibleng mangyari ang mga pantasya ng isang karinyosang bakla.
SIYA ang kailangan ko! bulong ni Lawrence sa sarili.
Nasa di-kalayuan siya ng kasalukuyang ginaganap na shooting.
Pinapanood niya ang pagwo-wall-climbing ng isang stuntwoman na tila buo ang loob at walang takot sa height.
He took a long drag from his cigarette. Sa unang pagkakataon, matapos ang halos isang taong paghahanap, nakaramdam siya ng kaluwagan sa paghinga.
Nang mamatay si Raymund, naglaho na rin ang higanteng diamante na ninakaw nila sa pangangalaga ng mismong may-ari na si Don Narciso Victoriano.
Naging ganid ang kaibigan niya. Naghangad ng kagitna kaya isansalop ang nawala.
Ang naging resulta, hindi pa rin siya retirado sa kanyang propesyon hanggang ngayon.
Sa kasalukuyan, mayroon na naman siyang ipinaplanong isang malaking trabaho. All the initial preparations were complete and what he needed now was a good partner.
Isang katulad ni Raymund na lang ang kailangan niyang matagpuan.
Slim, lithe, and agile. Parang katulad ng babaeng kanina pa niya tinititigan.
She was perfect for what he had in mind.
Maskulado pero balingkinitan. Mataas. Maliksi. At matapang.
Ang tanging sagwil ay kung paano niya ito makukumbinsi.
He was somewhat wary of the female species. Dahil nga kilalang parang bagyo sa bilis ng pagbabagu-bago ng direksiyon ng utak.
A female partner was not a very good idea — but he was getting desperate.
Tumatanda na siya. Dapat na siyang magretiro habang may panahon pa.
“Cut! Good take, Alondra!”
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang marinig ang malakas na sigaw ng direktor.
“Puwede ka nang umuwi at magpahinga, Alondra. Kunin mo na ang fee mo sa sekretarya ko,” dugtong pa nito.
Malinaw niyang naririnig ang mga usapan ng mga ito dahil patungo sa kanya ang direksiyon ng ihip ng hangin.
Alondra pala ang pangalan. Hmm, nice name…
Aywan kung bakit napagtuunan pa niya ng pansin ang pangalan ng babae.
He should assess only her physical abilities and athletic qualities.
“Salamat, Direk.” Nagpupunas ng bimpo sa pawisang mukha ang babae habang lumalakad palayo.
“Uuwi ka na ba, Ali?” habol ng isang malaking lalaki na balbas-sarado. Naka-leather vest ito at masikip na jeans.
“Oo, Brut. May ibibilin ka ba?”
“Wala naman. Este, kaya mo na bang umuwing mag-isa?”
Tumango ng isa ang dalaga. Tila nagpipigil lang ng reaksiyon sa pag-aalalang nakikita sa mukha ng kaharap.
“Sige, Brut. Mauna na ako sa ‘yo.”
Tumalikod na ang babae. Tuwid na tuwid ang likod at mga balikat. Para bang ipinakikita na may natitira pang lakas sa mga kalamnan.
His lean body straightened from a relaxed pose. Tumuwid sa pagkakasandal sa puno ang katawan niya para makapaghanda sa pagsunod sa babae.
What he had in mind was not very nice. But his instincts told him to take this woman by surprise.
May inuupahan siyang bahay sa di-kalayuan dito. Iyon ang hide-out niya, may tatlong buwan na ngayon. At ang lumang gusali ay ang naging lugar-ensayuhan niya sa pag-akyat sa pader.
It was an abandoned government property. Kaya medyo masukal at hindi gaanong puntahin ng mga tao.
Kanina, nang makita niyang may nagaganap na shooting, he decided to just hang around and observe.
Talaga nga sigurong nakatakdang magkurus ang mga landas nila ng stuntwoman. Dahil pinili niyang magmasid kaysa umuwi sa talagang bahay niya, katulad ng naunang desisyon.
Lawrence waited patiently when she disappeared inside a trailer van. Hindi siya nabahala kahit na medyo nagtagal ito sa paglabas.
Alam niyang nagpapalit ito ng damit.
Nagsindi uli siya ng isa pang sigarilyo, matapos kunin sa suot na beltbag ang isang botelya ng likidong gamot na pampatulog.
I must get rid of this filthy habit, panenermon niya sa sarili.
He had abandoned smoking years before. Nagsimula lang uli ang bisyo nang ma-depressed siya nang husto dahil sa pagtataksil ni Raymund.
Karugtong na ng bituka niya ang matalik na kaibigan.
They were street urchins who became close friends and business partners.