Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

BEWITCHING EYES

How do you know if someone loved you more than he pitied you? How do you tell love is genuine when your eyes are blind? Do our hearts really have eyes to see?

Aziza is a blind woman who fell in love with Tyrone even without seeing him because of his kindness.

Napaibig kaya ang dalagang bulag sa binata dahil nag-alok na ipagagamot ang kanyang mga mata?

* * *

The door’s Chinese bells chimed melodiously when the door opened and then closed again.

Aziza did not bother to raise her head from the clay basket that she had been doing.

Kinalimutan na niya ang pag-aangat ng mukha upang ‘tingnan’ ang bagong dating.

Hindi naman niya makikita kung sino iyon hanggang hindi nagsasalita upang ipakilala ang sarili.

Her delicate-shaped nose wrinkled slightly when she smelled the expensive aroma of masculine perfume.

Nahulaan niyang lalaki ang nakatayo sa malapit sa kanyang work table dahil sa pabangong panlalaki.

Although many women wore men’s cologne nowadays, the virility of the wearer was too much underlined.

Hindi niya napigil ang sarili na huminga nang malalim. She appreciated the suave and clean and purely male fragrance.

“Miss Verdan?” anang tinig-lalaki na matatag at baritono.

She was not mistaken.

“Yes, who is it?” tugon niya, while silently congratulating her ability to guess. Hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin.

Nakarkula niyang isang matangkad na tao ang panauhin. Probably in his late thirties. He sounded authoritative and very sure of himself. Must have lots of money.

Para bang sanay na palaging nasusunod.

She mentally pictured his distance from her.

Sukat niya sa pamamagitan ng normal na hakbang ang lawak ng kanyang munting shop. Pati ang mga pagitan ng mga kagamitan.

“Ikaw ba si Aziza Verdan?” tanong ng lalaki. His tone was curiously hard.

“Ako nga si Aziza Verdan,” she agreed serenely. Nagsasalita siya habang patuloy sa pagmolde ang kanyang mga daliring eksperto na sa paghuhubog. “Ano’ng kailangan n’yo, mister?”

“Maaari ka bang makausap, Miss Verdan?”

“Maupo kayo, mister,” tugon niya. “Make yourself comfortable, please.”

Her cheeks were curiously getting hot. As though somebody was staring at her intently.

Naramdaman niya ang pagtitig ng kaharap sa kanya kaya napilitan siyang mag-angat ng mga mata.

She guessed her guest’s exact position because she could feel the intensity of his gaze.

“Maupo kayo, Mister — ?” Ibinitin niya sa patanong ang kanyang ikalawang alok.

“Mr. Tyrone Rodriguez,” anang lalaki.

After a second or two, the chair on the front left of her table was scraped back as an occupant sat down carefully.

Tumango si Aziza, nang matantiya niyang nakaupo na ito. Unknowingly, her eyes were staring at him directly.

“Kumusta kayo, Mr. Rodriguez?” she asked with stilted courtesy. While her fingers were continually pinching and molding the malleable material of the unfinished basket.

“Hindi ako nagpunta rito para makipagkumustahan, Miss Verdan,” pakli ng matigas na tinig.

Napamaang si Aziza. Napahinto agad siya sa kanyang ginagawa.

Hindi siya sanay mapagsalitaan nang ganito.

She was not accustomed to rudeness. People always tend to be extra kind and extra helpful to her. Mainly because of her blindness.

“Uhm, ano po ba ang ipinunta n’yo rito?” Her tone was careful. Her wariness was clearly registered on her tone, but her expression was freezing with suppressed fear.

“Magpapagawa ako ng obra sa ‘yo. You were specifically referred as an expert on bust figurines.”

“Oh,” sambit niya. Unti-unting nagbalik ang kalma niya. “Uhm, pasensiya na kayo, Mr. Rodriguez. Medyo magulo ang shop ko ngayon. W-wala po siguro kayong appointment?”

She knew she was babbling but she could not stop herself.

“Do I have to have an appointment first?” The hard voice remained cold and distant. “I came all the way from Quezon Province just to see you.”

“Oh,” sambit uli niya. Pinilit niyang ngumiti, even though she was feeling flustered. “I’m sorry for giving a wrong impression, sir. N-nagulat lang kasi ako. Hindi kasi ako sanay magkaroon ng mga bisitang — ”

Napahinto siya nang mapagtanto ang katagang nunulas sa bibig. ‘Mayaman’ sana ang masasabi niya.

“Hmm, your place is nice,” pahayag ng lalaki, but his tone was disdainful. Tila nag-o-obserba na ito sa paligid. “Ikaw ba ang gumawa ng Neptune bust na ‘yon?”

There was a slight softening in the deep, masculine voice. Para bang may naalala.

Tumango si Aziza. Hinayaan niyang humugot ng isang tahimik at malalim na hininga ang sarili.

Hindi man niya nagagamit ang paningin, nakikita naman ng mga mata ng isipan ang pigurin na tinutukoy.

Gawa niya iyon nung nag-aaral pa siya — at mayroon pang paningin…

Dali-dali niyang iwinaksi ang pagsungaw ng mga alaala. Nostalgia never helped anybody.

Natapos na ang bahaging masasaya at maliliwanag sa buhay niya…

“Pati ang Apollo at ang Zeus busts,” dagdag niya. “Those were my works during my college days.”

“Hindi ka ba gumawa ng Aphrodite or Venus?”

“Gumawa, pero may bumili na.”

“Kilala mo kung sino’ng nakabili?”

“Isang babae ang bumili ng aking Venus bust. Uhm, Teresita Miranda ang pangalan.”

“Kapatid ko siya,” pahayag ng baritonong tinig.

“M-magkaiba ang apelyido ninyo,” puna niya.

“Dahil isa siyang biyuda. She still used her husband’s surname.”

“Biyuda?” Nagulat si Aziza. “She didn’t sound old! Parang ang bata-bata pa niya.”

“Tama ka. She’s just about your age. Ilang taon ka na ba?”

“Twenty-nine na ako, Mr. Rodriguez.”

“You look younger. Twenty-six lang si Teresita.”

She did not know what to say kaya nanatili lang siyang tahimik.

Tumahimik rin ang lalaki.

Parang nagpapakiramdaman sila. But she had no way of knowing for certain. She could not see the man.

Aziza was not gifted with oral communication. She was more on visual expression.

Ang kanyang trabaho ang paraan niya para maipahayag ang mga iniisip at nadarama niya.

Her fingers were idle as she waited for the resumption of the peculiar conversation with the stranger.

Kakaiba para sa kanya ang mga sandaling iyon.

At kakatwa, dahil may epekto sa kanya ang lahat ng gawin at sabihin ng di-nakikitang panauhin.

Eversince she got blind, her senses had tripled their sensitivity. Her nose, her ears, her tongue and her hands were especially responsive to everything around her.

Nararamdaman niyang tila nayayamot ito. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit.

Pamaya-maya, tumikhim ang lalaki. “Are you also temperamental, as well as a rude snob?” he snarled suddenly.

Her head snapped back with shock. “A-ano’ng ibig mong sabihin?”

“You ignored my offer of a handshake earlier. And now, you’re ignoring me altogether,” he lashed at her in a stinging tone.

“K-kinakamayan n’yo ako?” she asked disbelievingly.

“Are you so full of your self-importance, Miss Verdan?” he continued to rant. “You think, you can make me wait like a damned and foolish fan?”

“I — I’m sorry, Mr. Rodriguez,” she stammered. “I–I didn’t mean to make you wait — ”

“I should’ve known that coming here was a waste of time!” bulalas ng lalaki. Hindi pinakikinggan ang mga paliwanag niya.

Napatalon siya nang padaskol na tumindig ito sabay bayo ng isang kamao sa lamesa.

She caught the plastic chisel when it rolled down on her lap.

“M-mr. Rodriguez — ”

“You’re an artist and a damned self-egotist!”

Napatigagal si Aziza nang marinig ang masasakit na salitang ipinupukol sa kanya ng kaharap.

“S-sandali lang — ” Napatindig na rin siya.

Huminto siya nang marinig ang papalayong yabag nito.

He’s gone, bulong niya sa sarili.

Nanlumo siya. Kailangan niya ng kustomer ngayon. Malapit na ang yearly check-up ng mga mata niya.

Pero hindi siya dapat mawalan ng pag-asa.

She forced herself to cheer up as she took her seat again.

Kinapa niya ang basket at nagpatuloy sa paggawa niyon.

Her future was gloomy, as far as she was concerned.

She was resigned to live in the dark forever. After all, she had been blind for so many years now.

Sa loob ng walong taon, medyo sanay na siyang mamuhay bilang isang bulag.

Gayunpaman, hindi pa tuluyang nawawala ang pangarap niyang makakakita pa uli, pagdating ng araw.

May diyes porsiyento pang natitira sa pag-asa niya.

Isang freak accident ang umagaw sa kanyang paningin at sumira sa kanyang kinabukasan.

Graduation day niya noon. Masayang-masaya ang buong pamilya niya. Pakanta-kanta pa silang tatlo habang daan.

Walang kamalay-malay ang Pamilya Verdan na iyon na ang huling sandali na magkakasama-sama silang lahat.

Mabilis ang nangyaring aksidente. Ni hindi niya nawawaan kung paano tumilapon ang sasakyan nila. Nalaman na lang niya ang mga detalye nung mapakinggan ang mga detalye sa radyo.

Tumalsik ang hulihang gulong ng isang ten-wheeler na humahagibis sa kabilang lane ng kalsada. Tumama sa kotse nila ang higanteng gulong, na naging dahilan ng pagkawala ng kontrol nila.

Ang tanging natatandaan niya ay ang mga pagibik nilang mag-ina, ang pagkabasag ng mga salamin at ang paghapdi ng kanyang mga mata.

Ilang araw siyang na-coma at ilang linggong naratay sa ospital.

Ginusto na rin kasi niyang mamatay noon. Kahit na walang nagsabi sa kanya, naramdaman niyang wala na ang mga magulang niya.

Nang palabasin siya ng mga duktor, wala pa rin siya sa sarili niya.

She ate and she slept but she did not live. She just existed against her will. Halos isang taon siyang ganito. Parang ayaw nang humilom ng kanyang mga sugat.

But time could really heal the wounds inflicted by fate.

Natagpuan na lang niya ang sarili na nagsisimula na naman.

Kusang bumabangon ang paghahangad niyang mabuhay uli. Ang lumikha uli ng magagandang bagay.

Ang mga daliri niya ay naging mga mata na rin.

Dahan-dahang nanumbalik ang interes niya sa kanyang propesyon. Sa tulong na rin ng ilang mga kapitbahay na may mabubuting kalooban.

Dinadalaw pa rin siya ng kanyang paboritong guro noon, si Maestro Gordon. Inalalayan siya sa kanyang mga unang taon bilang isang bulag na eskultora.

“Don’t lose hope, Aziza. Your talent is still intact inside your brain. You may not have your eyes but you still have your hands. Maximize their use. There are certain limitations but all will be well when you have a strong will to succeed,” pangangaral nito. “Kaya mo ‘yan, iha.”

Natanim sa utak niya ang mga ginintuang katagang iyon.

Kaya kahit na wala na ang presensiya ng butihing guro, mayroon pa din siyang gabay.

She should not let the arrogance of a pompous man deter her determination to overcome her problems.

Hindi ang isang Tyrone Rodriguez lang ang makakapigil sa ‘yo, Aziza Verdan! bulong niya sa sarili.

Tyrone felt poleaxed.

Para siyang pinitpit.

Ang dila niya ay parang naumid.

Nang mag-angat ng mukha ang babae… at makita niya ang pinakamagandang pares ng mga mata.

He was immediately lost when he saw the most bewitching eyes he’d ever seen.

He was seduced.

He was mesmerized. Captivated. Fascinated. Spellbound…

Napakaraming salita ang puwede niyang gamitin upang ilarawan ang kanyang nadarama ngunit hindi pa rin siya makatagpo ng naaangkop.

His first reaction was gladness. Then, rebellion.

He did not want to feel like this to any woman.

But the heavy web of sensual attraction cloaked over his consciousness stickily.

Para bang pulot-pukyutan na malagkit at makapit ang atraksiyon na nadama ni Tyrone para sa babaeng iskultor.

And he also felt strangely soft and mushy inside.

Dammit, Tyrone, you don’t need another cloying female right now! bulalas niya sa sarili niya.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang ex-girlfriend na ubod nang ganda ngunit napakataas ng tingin sa sarili.

Beautiful women were often vain and egotistic.

And he was tired of feeding a woman’s ego to make her feel good.

Kailangan siya ngayon ni Teresita.

“Maupo kayo, Mister — ?” Nagsalita ang babae kaya ipinilig niya ang ulo niya.

Christ! She’s got a gorgeous voice, too! bulalas niya sa sarili.

“Mr. Tyrone Rodriguez.” Automatically, he spread his hand to shake hers, as he introduced himself.

But she remained unmoving.

He felt snobbed. Hindi siya madaling maapektuhan pero napahiya talaga siya nang ignorahin ng dalaga ang pakikipagkamay niya.

Dali-daling iwinaksi ni Tyrone ang pagkapahiyang naramdaman. Artists were known for being capricious.

He decided to ignore her outright rudeness.

Naghanap siya ng mauupuan. His knees were slightly wobbly. Malakas pa rin ang epekto ng nakakabighaning kariktan ni Aziza Verdan.

Their eyes were on the same level now. Napatitig siya nang diretso sa mga matang malalaki. Napapalamutian ng makakapal at malalantik na pilikmata ang mga tau-tauhan na sing-itim ng gabing maraming bituin.

O sing-lalim ng karagatan.

The dark depths were lustrously mysterious.

Any gullible man could drown easily.

God, I could easily write a poem about her beauty! Tinuya ni Tyrone ang sarili.

Muli niyang ipinilig ang kanyang ulo nang mapagtantong unti-unti na nga siyang nalulunod.

“Kumusta kayo, Mr. Rodriguez?” The woman sounded cool as a cucumber.

While he was as hot as a blazing inferno.

Ngunit parang walang anuman sa babae ang nadarama niya.

Imposibleng hindi nito mahalata ang pagkatigagal niya sa angkin nitong ganda!

“Hindi ako nagpunta rito para makipagkumustahan, Miss Verdan,” pakli niya. Matigas ang kanyang tono dahil dito niya naibubunton ang pagkayamot sa sarili.

Ngunit nang bumadha ang sakit at pagkabigla sa mala-diyosang mukha, parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya.

But he could not do that anymore.

Dagli namang nakabawi ang babae. Naging pormal na naman uli ito.

“Ano po ba ang ipinunta n’yo rito?”

Tyrone winced mentally. Hindi pa naman siya gaanong matanda.

“Magpapagawa ako ng obra sa ‘yo. You were specifically referred as an expert on bust figurines,” tugon niya.

She seemed at a lose momentarily. “Oh. Uhm, pasensiya na kayo, Mr. Rodriguez. Medyo magulo ang shop ko ngayon. Wala po siguro kayong appointment?”

“Do I have to have an appointment first?” singhal niya. Hindi niya makontrol ang pagkainis. “I came all the way from Quezon Province just to see you.”

“Oh.” Pilit ang ngiti ni Aziza Verdan. “I’m sorry for giving a wrong impression, sir. N-nagulat lang kasi ako. Hindi kasi ako sanay magkaroon ng mga bisitang…”

Hindi na nakikinig si Tyrone. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ayaw niya mawala sa ayos uli, for Teresita’s sake.

“Hmm, your place is nice,” obserba niya. “Ikaw ba ang gumawa ng Neptune bust na ‘yon?” He sought for some distraction almost desperately.

Tumango si Aziza Verdan. She was still formal. Her expression was icy.

Ni hindi nito tinapunan ng sulyap ang kinaroroonan ng pigurin na pinupuri ni Tyrone. Mas mabuti sigurong magpaalam na lang siya.

Sasabihin na lang niya kay Teresita na isang walang kuwentang tao ang sculptress na hinahangaan nito.

“Pati ang Apollo at ang Zeus busts,” dagdag nito. “Those were my works during my college days.”

Napahinto si Tyrone nang magsalita uli ang babae. She seemed trying to be nice. Hindi naman siya conceited, pero alam niyang attractive siya sa opposite sex.

“Hindi ka ba gumawa ng Aphrodite or Venus?”

“Gumawa — pero may bumili na.”

“Kilala mo kung sino’ng nakabili?”

“Isang babae ang bumili ng aking Venus bust. Teresita Miranda ang pangalan.”

“Kapatid ko siya,” pag-amin niya. He was impressed because she remembered his sister.

“Magkaiba ang apelyido ninyo.”

“Dahil isa siyang biyuda. She still used her husband’s surname.”

“Biyuda? She didn’t sound old. Parang ang bata-bata pa niya.”

Tyrone settled on his seat again. “Tama ka. She’s just about your age. Ilang taon ka na ba?”

“Twenty-nine na ako, Mr. Rodriguez.”

“You look younger. Twenty-six lang si Teresita.” Tyrone was surprised to hear her admit her true age.

Naghari ang katahimikan nang hindi na magsalita ang babae. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Ngunit parang hindi sa kanya nakatingin.

She was looking right through him.

Para bang hindi siya ang nakikita. Harap-harapang sinusopla si Tyrone.

This deliberate let-down piqued him immensely. Aywan kung bakit naging sobrang sensitibo niya nang mga sandaling iyon. Ni hindi niya magawang magkontrol sa pagkayamot na patuloy sa pagyabong.

Tumikhim nang malakas si Tyrone. “Are you also temperamental, as well as a rude snob?” He could not stop himself from snarling.

“Ano’ng ibig mong sabihin?” Tila gulat na gulat ang babae.

“You ignored my offer of a handshake earlier. And now, you’re ignoring me altogether,” he lashed at her in a stinging tone.

“Kinakamayan n’yo ako?” tanong ng babae.

Was she blind? tanong ni Tyrone sa sarili, with distaste.

“Are you so full of your self-importance, Miss Verdan?” panenermon niya. “You think, you can make me wait like a damned and foolish fan?”

“I’m sorry, Mr. Rodriguez. I didn’t mean to make you wait.”

“I should’ve known that coming here was a waste of time!” pakli niya. Matigas ang kanyang tono.

Bigla siyang tumindig atsaka binayo ng isa ang lamesa. Nagtalunan ang mga nasa ibabaw niyon, pati na ang babae.

“Mr. Rodriguez.”

“You’re an artist and a damned self-egotist!” pang-aakusa niya.

“S-sandali lang.”

Ngunit hindi na niya ito nilingon. He was fed up with her already. Tuluy-tuloy siyang lumabas ng pinto.

He would not admit it but his pride had suffered a blow when she ignored his handshake. Ngayon lang siya ipinahiya ng isang babae.

Babae ka lang, Aziza Verdan! ang nagpupuyos na wika niya sa sarili.

Padaskol niyang binuksan ang pinto ng kotse at pabagsak na naupo sa upholstered seat.

Dinukot niya ang cellular phone. Kinontak niya si Teresita.

“Hello? Teresita? I’ve met your Miss Aziza Verdan,” he said without preamble.

“Talaga, Kuya?” Excited naman agad si Teresita. “Mas maganda ba siya sa personal? Pumayag ba siya sa alok ko?”

Bumuntong-hininga si Tyrone. Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi siya makasagot agad.

Damn you, Aziza Verdan! pagmumura niya habang nakatingin nang matalim sa lumang bungalow na nasa kabilang kalsada.

“Kuya?” untag ng tinig-babae mula sa kabilang linya.

“I haven’t asked her,” he admitted reluctantly. “She seemed — very busy. Let’s forget your idea, little sister. She’s not worth the time and money,” he added coaxingly.

Ilang sandaling hindi nakapagsalita si Teresita. “P-pero hindi mo pa naman siya inaalok,” she pointed out in a wobbly voice. “Please, ask her, Kuya Tyrone. Use all your persuasive powers. I’m sure, you can convince her.”

Tyrone sighed defeatedly. Nasukol na siya.”I don’t like her,” he admitted. “She’s pompous and overly self-important.”

Click here to READ MORE

Comments are closed.