Blackmailed by the Boss-18

Huminga nang malalim ang dalaga. Nagtitimpi siya.

“Kung sakaling maging positive ang prediction mo, Dante — hindi ikaw ang kikilalanin niyang ama!” diin niya.

Hindi nagustuhan ng lalaki ang sinabi niyang iyon. Dumilim ang anyo nito habang nakatingin sa malayo.

Nang tumutok na sa kanya ang mga mata ni Dante, nakaramdam ng takot si Alejandra.

Ngunit nagtapang-tapangan pa rin siya.

“Ni biro, huwag mong sasabihin sa akin ang ganyan, Alexa. Magsisisi ka kung bakit ipinanganak ka!” pagbabanta nito.

Nawalan ng kulay ang mukha ng dalaga.

“Akala mo ba, hindi pa ako nagsisisi?” Tumikhim siya habang ngumingiti nang mapakla. “Listen to us, Dante. Nagtatalo tayo tungkol sa isang bagay na hindi pa natin nasisiguro,” dagdag niya, patuya.

Ngumiti nang makahulugan ang lalaki bago tumugon.

[Want to read the Start of Stories Online titled – BLACKMAILED BY THE BOSS…? Click Here!]

“Oo nga naman. Tama ka diyan, Alexa. Dapat palang — ” ibinitin nito ang sasabihin, “siguraduhin muna natin na magkakaanak tayo.”

Nanlamig ang dalaga sa tinurang iyon ng lalaki dahil may dalawang kahulugan ang pangungusap nito.

Mabuti na lang, dumating na si Ernie. Tulak-tulak nito ang isang trolley.

Saglit na nakalimutan ni Alejandra ang mga agam-agam nang magpamalas ng kakaibang seremonya ang kusinero sa paghahain ng mga pagkaing estranghero sa harapan niya.

“Tikman mo, Alexa. Hinihintay ni Ernie ang magiging reaksiyon mo,” utos ni Dante sa kanya.

Tumalima ang dalaga. Ngumiti siya habang dinadampot ang isang tinidor upang tusukin ang isang pirasong karne na sumiklab sandali matapos sabuyan ng kaunting alak at sindihan ng posporo.

“Masarap,” sambit niya.

Bakas sa kanyang nagulat na ekspresyon ang nasorpresang panlasa niya. Hindi niya akalain na magiging malinamnam ang pagkain matapos silaban ng alkohol.

“Nakakapagpasarap pala ang sinindihang alak sa pagkain. Tiyak na mai-intriga si Eli,” dagdag niya. Wala sa loob na nakangiti.

Yumukod pa nang ilang ulit si Ernie sa kanya matapos ilagay ang mga hotplate nila sa kanilang harapan.

“Tawagin n’yo na lang ako kapag may kailangan pa kayo, sir,” habilin nito bago umalis.

Tahimik sila pareho habang ninamnam nila ang malasang pagkaluto ng karneng baka.

“Sino si Ely?” untag ni Dante nang nangangalahati na sila sa kanilang kinakain.

Wala pa rin sa loob ang tugon ni Alejandra.

“Kaibigan ko.”

“Kaibigan o nobyo?”

Saka lang nag-angat ng paningin ang dalaga. Nabasa niya ang emosyon na nabakas niya rito kagabi.

Puwede ba siyang maniwalang naninibugho si Dante sa ibang lalaking iniisip nitong napaugnay sa kanya? usisa niya sa sarili.

“Kaibigan ko si Eli,” diin niya.

Parang ibig sumingasing ni Dante ngunit nagtimpi lang ito.

“Kahit na ano mo pa si Ely, hindi ka na makikipagkita sa kanya. I don’t share, Alexa. Tandaan mo sana ‘yan habang tayo pang dalawa.”

Pagak ang pilit na pagtawa ng dalaga.

“Tell me, Dante, kailan ba tayo nagkaroon ng relasyon? Parang hindi ko alam na nagkausap tayo tungkol sa sinasabi mong ‘tayo na’, a?”

“Huwag mo akong tuyain, Alexa. Ano pa ba ang tawag sa nangyari sa atin kagabi?”

“Well, what about it? It was a one-night stand. Nalasing ako. Minalas akong maisahan ng isang lalaki. Tanggap ko na ‘yon. I won’t hold you responsible kung nagbunga ang kagagahan ko,” pahayag niya.

Prangka na ang kanyang pananalita dahil napipika na siya.

Tila nawala na sa kontrol ang galit na tinitimpi ni Dante.

“Like hell it was a one-night stand, Alexa!” ang pabulalas na wika nito habang tumitindig upang hawakan siya sa isang kamay.

Hindi nakailag si Alexandra. Hinila siya nito hanggang sa mapatayo na rin siya.

“Bitiwan mo ako, Dante! Ano ba? Nasasaktan ako!”

Inignora siya ng lalaki.

“Saan mo ako dadalhin?” bulalas niya nang simulang kaladkarin ni Dante.

Hindi pa rin sumagot ang lalaki.

Isang silid-tulugan ang pinagdalhan sa kanya. Pasalya siyang itinulak sa direksiyon ng kama matapos nitong ikandado ang pinto.

“Ano naman kaya ang itatawag mo sa magaganap sa atin ngayon, Alexa?” panghahamon nito.

Maliksing kinakalas ng mga daliri ang mga butones ng suot nitong puting polo na nasa ilalim ng light brown conservative business suit kanina.

Nanlaki ang mga mata ni Alejandra.

“P-palabasin mo ako rito, Dante. Hindi magandang biro ito.” Walang kuwenta at walang epekto ang sinambit niyang iyon.

Ngunit wala naman siyang maapuhap na mas mapuwersang mga salita sa loob ng kanyang isipan.

Dahil kasalukuyan nang nagpapasiya ang kanyang kamalayan na magpaubaya na lang….

“Hindi biro ang nadarama kong ito para sa ‘yo, Alexa,” pakli ni Dante. Seryoso at masidhi na ang ekspresyon nito.

“Magmula pa nang una kitang mahalikan, nagulo na ang pag-iisip ko. Ikaw na lang ang palaging laman ng utak ko. Naging obsesyon na kita — lalo na nang matuklasan kong ako pala ang unang lalaking nakaangkin sa iyo.”

Umatras si Alejandra habang umiiling. Napilitan siyang huminto nang maramdaman ang matigas na dingding sa likod niya.

“Isang pagkakamali ang nangyari sa atin kagabi, Dante. Hindi dapat nangyari iyon. Ayoko nang maulit iyon. Please, palabasin mo na lang ako dito.”

“Hindi mo na mapipigilan ang isang bagay na nakatakda nang mangyari. Nagkurus ang mga landas natin dahil nakatakda tayong maging mahalaga sa isa’t isa, Alexa,” pakli ni Dante.

Patuloy ito sa paghakbang habang isa-isang nawawala ang mga kasuotan. Unti-unting lumalantad sa kanya ang matipunong katawan nito.

Ayaw niyang tumingin sa makinis at kayumangging balat ni Dante ngunit may sariling isip ang kanyang mga mata.

“Dante, please,” pakiusap niya uli.

Hindi siya pinakikinggan ng lalaki.

“Ano naman kaya ang itatawag mo sa mangyayari sa atin ngayon?” tanong nito. “One-noon stand?”

“Dante — ”

Ubos na ang distansiya sa pagitan nila. Tinangka niyang umiwas sa mga kamay na bumibihag sa kanyang mga braso ngunit mas malakas ito kaysa sa kanya. At mas mabilis.

Sa isang kisapmata, natagpuan na lang ni Alejandra ang kanyang sarili na nasa ibabaw na ng di-kalayuang kama.

Nakadagan na sa kanya ang lalaki. Nakatitig ito sa kanya nang buong pagkasabik.

“Nagsisi ako kagabi kung bakit pa kita hinayaang makauwi. I had a hell of a hard time getting asleep,” pag-amin nito.

“Hindi ko makalimutan ang malambot na mga labi mo. O ang makinis na balat mo.”

BLACKMAILED BY THE BOSS-19

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.