Blackmailed by the Boss-19

Nagdudulot ng mga kakatwang kilabot ang mga salitang pabulong na sinasabi ni Dante sa kanya.

Habang hinahagod ng masusuyong halik ang kanyang pisngi at panga. Pati ang mga kanyang mga mata.

Upang kaipala’y mapapikit na siya–at maging madali ang makalimot.

Naramdaman ni Alejandra ang marahang pag-aalis ng kanyang mga saplot.

Ngunit hindi niya magawang tumutol. Habang nilalasing siya ng matatamis na salita, tinutupok naman ng mga haplos ng bibig at dila nito ang kanyang katinuan.

Hanggang sa maging lubos na naman ang kanyang pagpapaubaya, ang kanyang pagpapatangay, at ang pagkalimot…!

“It will be different this time, my sweet Alexa. I’ll be gentle with you. Our lovemaking shall be exquisitely slow and deliciously languorous,” anas ng lalaki matapos hubarin ang pinakahuling piraso ng kasuotan niya.

“It’s better late than never.”

Isang maliit na bahagi ni Alejandra ang nais tumutol, ngunit walang lakas iyon para matupad ang gusto.

[Want to read the Start of Stories Online titled – BLACKMAILED BY THE BOSS…? Click Here!]

Ayaw niyang payagan ang sarili na maniwala sa masasarap na pangako ng lalaki ngunit wala na siyang pagkakataong tumutol.

Bihag na naman siya ng mala-magnetong puwersa ng atraksiyon. Hinihigop na naman siyang papalubog sa dagat ng mga sensasyon.

Napasinghap siya nang maramdaman ang inaasahang pagkalunod.

Halos mapugto ang kanyang paghinga nang simulan na ng katalik ang pagtugtog ng sinaunang musika na tanging ang dugo lamang nila ang makakarinig upang maturuang umindayog ang mga kalamnan na pumipintig na sa matinding pagkagising.

“Oh, Dante…” ungol niya habang niyayakap ng mga binti ang matipunong balakang na buong gilas na kumikiwal.

“Alexa, oh, Alexa!” ang paungol na bulong ni Dante sa mahalimuyak na pagitan ng makikinis na dibdib niya.

Nakagat niya ang kanyang labi nang giyagisin ng mapuputing ngipin ang mamula-mulang mga korona. Inimpit niya ang isang sigaw na magpapahiwatig ng luwalhating nalalasap.

“You’re like a thorn, Alexa.” May bahid ng hesitasyon ang pag-amin na iyon ni Dante. “Kapag pinipilit kong alisin ka, lalo ka pang bumabaon papasok!”

“Angkinin mo na lang ako, Dante,” utos niya, paanas. Ibig niyang mag-ilusyon na pareho sila ng nadarama ng katalik habang pinag-iisa ng marubdob na pagnanasa ang kanilang mga katawan…

Sinunod ng lalaki ang nais niya. Hindi na ito nagsalita pa uli. Ginamit na lamang nito ang bibig sa pagdadala sa kanya sa rurok ng pisikal na pag-ibig.

Paulit-ulit iyon.

Tila walang kapaguran.

Tila walang katapusan.

Ngunit sadyang matatapos rin ang anumang may simula. At magbabalik din sa ibaba ang anumang itinaas.

Halos ayaw na niyang bumalik sa kasalukuyang sitwasyon nang humupa na ang unos ng sensuwalismo.

Pero hindi maaari ang gusto niya.

Inutusan ni Alejandra ang sarili na ibalik na sa normal ang lahat ng pakiramdam. Tapos na ang diliryo ng mga damdamin.

Bumangon siya upang makapag-ayos na uli ng sarili.

“Don’t move, darling,” pigil ng lalaki. Nakapikit pa rin ito habang nakayapos ang isang braso sa kanyang balingkinitang beywang.

“Tapos na ang lunchbreak, Dante,” paalala niya habang pinipilit niyang makakawala sa pagkakapulupot ng matigas na bisig. “Babalik na ako sa opisina.”

“Alexa, you’ve nothing to worry about being late. You’re with the boss,” pakli nito, may himig panunudyo.

Nanikip ang lalamunan ng dalaga sa tinuran na iyon ni Dante. Lalo siyang nagpumiglas.

“Ito na ba ang bago mong strategy ngayon, Dante?”

Nakahalata na marahil ang lalaki. Nagmulat na ito ng mga mata upang titigan siya.

“Ano’ng strategy naman ang sinasabi mo, Alexa?”
“Hindi ko makakalimutan ang pangako mo sa akin, Dante,” tugon niya. “Sisirain mo ang reputasyon ko. Pati ang career ko. Ito na ba ang simula?”

Naglaho ang malambot na ekspresyon ng lalaki. Bumangon na rin ito ngunit hindi pa rin siya binibitawan.

“Matutuwa ka ba kung sasabihin ko sa ‘yong hindi na sumasagi sa isip ko ang paalisin ka o sirain ka?”

“Ano ang panghahawakan ko na nagsasabi ka ng tutoo, Dante?”

“Wala… Ang salita ko lang.”

“Isa kang kaaway. Paano ako magtitiwala sa salita mo lang?”

Sinuklay ng lalaki ang medyo kulot na buhok habang tila nag-iisip ng itutugon sa kanya.

Sinamantala ni Alejandra ang saglit na pagkalingat na iyon ng lalaki. Pumiksi siya nang malakas upang makahulagpos.

Dinampot niya ang namataang saplot na panloob. At dali-dali niyang sinamsam ang malalaking kasuotan niya, pati ang bag, bago tumakbo patungo sa banyo.

Napag-aralan na niya ang kanyang gagawin habang nakikipagsagutan siya sa lalaki.

“Alexa!”

Ang pabagsak na pagsasara ng pinto ang tanging itinugon niya sa pagtawag na iyon ni Dante.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita sa salamin nang humarap siya sa bathroom sink and counter upang mag-ayos ng sarili.

Isang estranghera ang kanyang kaharap.

Ngayon lang niya napagmasdan nang husto ang kanyang hitsura. May angkin pala talaga siyang ganda.

Ang hubog ng kanyang mga mata ay mapanghalina. Pati ang hugis ng kanyang mga labi.

Ordinaryo lamang ang kanyang ilong, noo at baba kaya ang nakadagdag sa kanyang kariktan ay ang hugis-pusong mukha niya at ang makinis na kutis.

Pati ang mahabang buhok niya.

Ganito rin kaya ang nakikita ni Dante? tanong niya sa sarili habang tinititigan ang mga markang iniwan ng pagniniig nila sa kanyang balat.

Napapitlag siya nang kumatok ang lalaking laman ng isipan sa pinto ng banyo.

“Alexa, buksan mo ito,” utos ni Dante.

Umiling lang ang dalaga habang itinotodo ang pagbubukas sa gripo ng lababo. Sinabuyan niya ng tubig ang kanyang mukha matapos magsabon ng mga kamay.

“Alexa!”

Medyo ngamol na ang boses ni Dante dahil sa maingay na lagaslas ng tubig.

Nagpatuloy sa paghihilamos ang dalaga. Nang matapos, ginamit niya ang tuwalyang nakasampay sa towel rack.

Naglagay siya ng fresh make-up bago ipinusod uli ang mahabang buhok. Pagkatapos, maingat niyang ipinagpag ang kanyang palda at blazer upang maalis ang gusot.

Napansin niya ang isa pang pinto sa kabilang panig ng banyo kaya nakatiyak siya na makakaalpas siya kay Dante.

Doon siya nagdaan. Iniluwa siya sa isa pang silid-tulugan na bakante.

Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng kanyang dibdib habang patakbo niyang tinatawid ang kaluwangan ng kuwarto.

Laking-pasalamat niya nang wala siyang nakasalubong habang tuluy-tuloy siyang palabas ng penthouse.

BLACKMAILED BY THE BOSS-20

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.