Bought by the Boss-5

“Your white rose is as young as you, Honey,” wika ni Myrza habang buong giliw na iniaalay sa bata ang bulaklak.

“And as sweet as your beautiful smile, too,” dugtong niya.

Nginitian din niya ang kaibigan na nanonood sa kanila ni Honey.

“Oh! Thank you!” ang pabulalas na pasasalamat ng bata. Dalawang maliliit na kamay ang tumanggap ng bulaklak.

“S-sa akin na po ito?” Tila hindi pa rin makapaniwala si Honey sa nasaksihan.

“You’re a genius, Myrza,” obserba ni Rad. Kanina pa pala ito nanonood sa kanila. Enigmatiko ang ekspresyon nito.

“Remind me to double your fee,” dugtong pa.

“Papa! She’s a charming magician. She gave me a white rose, just like Mama always did!” pagmamalaki ng bata habang ipinakikita ang bulaklak sa ama.

Nag-init muna bago nanlamig ang buong katawan ni Myrza.

[Want to read the Start of Stories Online titled – BOUGHT BY THE BOSS…? Click Here!]

Kaya pala parang nang-uusig ang titig ng lalaki sa kanya! Iniisip marahil na sinadya niyang bigyan ng puting rosas ang bata upang makuha niya ang approval nito.

“Uh, excuse me,” sabad ni Alejandra habang tumitindig. “Kukuha lang ako ng plastic bags. Hindi kami dito kakain. Manonood kami ng sine,” paliwanag nito nang magtanong ang mga mata ni Rad Velasco.

“Manonood din po kami,” pahayag ng bata. “Puwede po bang sa amin na lang kayo sumama? Maganda naman po ang papanoorin namin ni Papa, e.”

Pare-pareho silang hindi nakahuma agad sa sinabi ng paslit.

Si Alejandra ang unang nakabawi.

“Naku, pasensiya ka na, Honey. Horror kasi ang papanoorin namin,” pagsisinungaling nito.

Halatang-halata ang disappointment ng bata.

“G-ganoon po ba?” Bumalik na naman ang dating lungkot. “Papa, I’ll just wash my hands,” paalam nito sa ama matapos bitiwan ang rosas sa lamesa.

Tumingin sa kanya si Rad nang malayo na ang nalalakad ng bata.

“Tatanawin kong isang malaking utang na loob kapag pinagbigyan n’yo ang anak ko sa request niya, Myrza, Alexa,” pahayag nito sa mababang tono.

Napamaang ang dalaga. Humingi siya ng saklolo kay Alejandra sa pamamagitan ng nakikiusap na tingin.

Napabuntonghininga na lang ang kaibigan habang tumatango ng isa.

“Ang tutoo, animation ang panonoorin namin ni Mar. Kung okey sa kanya, okey na rin ako,” tugon nito.

Tumango lang si Myrza para ipakitang tama ang sinabi ng kaibigan.

“Maraming salamat. Your kindness won’t go unrewarded,” ang makahulugang wika ng lalaki.

Nawala ang matipid na ngiti ni Alejandra.

Samantalang si Myrza ay namula nang husto.

“Mr. Velasco, kung gusto n’yong magkasundo tayo – kindly stop mentioning about money every five minutes!” pakli niya. Hiyang-hiya siya kay Alejandra!

Nanliit sandali ang mga mata ni Rad bago ikiniling ang ulo.

“I’m sorry,” wika nito kapagkuwan. “I guess I was overwhelmed when I saw my kid smiling joyously for the first time since my wife died,” ang mahabang paliwanag nito.

“K-kailan ba namatay ang asawa mo?” tanong niya kahit na naninikip pa ang lalamunan sa tinimping pagkayamot.

“Ten months ago,” tugon nito. Saglit ring lumamlam ang ekspresyon bago natakpan ng maskara ng katatagan. “I didn’t mean to insult you, ladies,” dugtong nito matapos mabawi ang wisyo.

“It’s alright.” Si Alejandra uli ang tumugon para sa kanilang dalawa. “Paano ba ngayon? Dito na lang tayo kakain? Nasaan nga pala ang resibo namin?”

Ngumiti si Rad. Pormal pero medyo natural na.

“I took care of it,” pahayag nito habang tinatapik ang bulsa.

Inilahad ni Myrza ang isang kamay.

“Kung gusto mong sumama kami sa inyong mag-ama, hayaan mong kami ang magbayad ng pagkain namin, Mr. Velasco.”

Umiling ang lalaki. “Kayo na lang ang magbabayad ng tickets namin sa sinehan. Okey na ba’ng deal ‘yan?”

Papabalik na ang bata mula sa paghuhugas ng mga kamay kaya napilitan siyang pumayag.

“S-sige na nga.”

“Honey? I’ve got good news for you. Nakumbinsi ko sina Myrza at Alexa na mas maganda ang movie na panonoorin natin,” salubong ni Rad sa anak.

Halos mapaluha rin si Myrza nang mapanood ang pagbabalik ng kasiyahan ni Honey.

“T-talaga po? Sasama kayo sa amin?” Bumaling sa kanya ang paslit.

“Oo, Honey. Talaga bang maganda ang pelikulang panonoorin n’yo?” Kunwa’y kaswal lang ang pagsasalita niya kahit na gusto na niyang maiyak.

Hinawakan siya ng bata sa isang kamay habang dinadampot ng isa pa ang binitiwang bulaklak sa ibabaw ng lamesa.

“Dito po kayo maupo,” aya nito sa excited na tono. “Tabi po tayo.”

Sumulyap muna siya kay Rad bago siya naupo. Hindi niya mabasa ang emosyon na umaalimpuyo sa likod ng mga matang matitiim kaya nagbaba uli siya ng tingin.

Si Alejandra ang naging kasabay ni Rad nang patungo na sila sa sinehan. Samantalang si Honey ay hindi maubusan ng ikukuwento sa kanya.

Silang dalawa rin ang magkatabi sa upuan.

At bagama’t nalipat ang atensiyon ni Honey sa higanteng screen, hawak-hawak pa rin nito ang isang kamay niya. Pati ang bulaklak na bigay niya.

Sa loob ng tatlong oras na nagdaan, naramdaman ni Myrza ang ganap na pagkabihag.

Isang paslit lang ang gumagapos sa kanyang kalooban. Upang kaipala’y ikulong ang lahat ng pagmamahal na tinitimpi niya sa loob ng mahabang panahon.

Takot magpakita ng lambot si Myrza dahil takot siyang maging sunud-sunuran.

Tandang-tanda pa niya nung gumagawa siya ng mali para sa mga taong pinag-ukulan ng pagpapahalaga. Naging kriminal siya sa murang edad noon dahil inakalang iyon ang tamang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at utang na loob…

Kinalabit siya ni Alejandra. Nasa kabilang panig niya ito.

“Mar? Kanino ka sasabay sa pag-uwi?”

Napamaang si Myrza. “Siyempre, sa ‘yo,” tugon niya.

“Pumayag kaya si Honey?”

Hindi agad siya nakatugon. “I — ”

“Hahayaan mo bang ma-attached nang husto ang bata sa ‘yo?” patuloy ni Alexandra, pabulong pa rin. Nakahilig ang pisngi nito sa balikat niya upang siya lang ang makarinig.

Napa-buntonghininga na lang si Myrza. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

“Surely, you don’t like to be a stand-in mother for her?” ang patudyong tanong ng kaibigan. “Then, a stand-in wife later on?”

“Of course not!” Halos napabulalas siya.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang defensive siya.

“Ssh,” pigil ni Alexandra. “I’m just pointing out the danger of the situation to you, Mar.”

“Thanks, Andy.” Tigib ng sinseridad ang pasasalamat niya.

“Pasensiya ka na kung nagiging pakialamera ako, Mar.”

BOUGHT BY THE BOSS-6

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age