Have you ever been disgraced? Will you sell your soul in exchange to a better future? Can you face the unknown for the sake of your loved ones?
Sacrifice in the name of love…
Graciella has to be strong and brave when she decided to help support the family – and become a plaything for sale.
Allon is a rich playboy easily bored with women. Unknown to him, a trap is laid out to catch him.
And force him to marry the seductive siren he bought for pleasure.
* * *
Naalimpungatan si Graciella nang may humintong sasakyan sa di-kalayuan.
Nasa pangalawang pinto sila ng isang seven-door apartment compound.
Bagong lipat pa lang sila doon. Bale isang linggo pa lang. Kaya hindi pa siya sanay gaano sa mga ingay sa palibot.
But then, she had never been able to get accustomed to their lifestyle. Her childhood had been a series of constant changes of neighbors and schools…
Si Mommy na kaya iyon? tanong niya sa sarili habang bumabangon.
Marahan siyang dumausdos patungo sa gilid ng kama. Ayaw niyang magising ang dalawang kapatid na dalagita, sina Morena at Anamarie.
Tatlo silang magkakapatid pero iba-iba ang ama.
Malimit kasing mabigo sa pag-ibig ang kanilang ina…
Bumuntonghininga si Graciella. Alam niyang hindi pag-ibig ang naging dahilan ng paglitaw nilang magkakapatid sa mundo.
They were the results of her mother’s indiscretion and foolishness.
Sila ang ibinunga ng tatlong beses na pagtitiwala ni Merlina Decena sa matamis na dila ng mga lalaki.
Bumuntonghininga uli siya habang bumabangon.
She padded towards the window on barefoot. Hinawi niya nang bahagya ang manipis na kurtina para makasilip sa labas.
Isang lumang modelo ng Nissan ang nakahinto sa kabilang panig ng kalsada.
Papaibis ang isang babaeng parang dalaga pa tingnan. Sa suot na maikling bestida na hapit sa katawan na medyo may korte pa naman — at sa maputing balat, hindi pa gaanong halata ang tunay na edad nitong treinta’y otso.
Lalupa’t ang kasama nito ay isang lalaking halatang may edad na.
Her mother’s profession was the oldest one since man discovered civilization. She was highly-paid and much-sought after prostitute.
Ngunit mabilis na kumupas ang kinang ng tagumpay ni Merlina–nang dahil na rin sa sunud-sunod na pagkabigo sa pag-ibig.
Mula sa pagiging star stripdancer ng isang sikat na nightclub, naging floor manager na lang ito sa isang semi-class night spot.
At sa wari niya, siya ang susunod sa mga yapak ng ina…
Graciella stopped short with the unpalatable thought. Ayaw niyang tumulad sa kanyang ina ngunit –
Pumiksi siya. Para mawaksi ang mga negatibong pangitain.
She continued thinking positively.
Paminsan-minsan naman, nakakatisod pa rin ng matabang isda si Merlina Decena.
Katulad nga ngayon.
Nasa isang disenteng apartment na naman sila. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam kung gaano katagal silang mananatili doon bago sila kailangang lumipat uli.
Marami na namang pangako ang kanilang ina. Kung anu-ano.
Ililipat daw sa ibang eskuwelahan ang mga kapatid. At siya naman ay makakapag-aral na uli.
Ngunit hindi naniniwala si Graciella na magkakatutoo ang lahat ng mga pangarap na hinahabi ng kanilang ina.
Bagama’t gustung-gusto niya.
Nais niyang magkaroon ng ibang kapalaran ang mga kapatid. Nais niyang mabago ang takbo ng buhay nilang lahat.
Ngunit paano? tanong niya sa sarili.
Ang kariktan at ang kabataan, para sa isang katulad niyang anak ng isang kalapating mababa ang lipad–ay hindi maituturing na mga biyaya.
Ang mga ito pa ang magiging susi ng pagkapariwara niya.
Youth and beauty, in her case, were not blessings. They were her passport to the hellish life of being a prostitute.
Or a mistress. Someday, she would be a mere plaything to appease a rich man’s boredom.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Graciella. Tumatanggi ang puso’t isipan niya na tanggapin ang anumang ihahatid ng kapalaran sa kanya. Ngunit…
Kinagat niya ang mga labi upang hindi makahulagpos ang mga hikbing pasinghap habang pinapanood ang pakikipaghalikan ng ina sa may pagpasok ng tarangkahan.
She forced herself to watch the lewd scene. Baka balang araw, ganito na rin ang eksena niya…
A, sana ay hindi na lang siya napag-aral ng ina! bulalas niya sa sarili. Para hindi na niya nalaman na mali ang gayong asal…
Tinalikuran niya ang eskandalosong eksena sa ibaba.
Nagtungo siya sa banyo upang uminom ng tubig. Naghilamos din siya bago minasdan ang sarili sa salamin.
Alam mo na kung ano ang magiging palad mo, hindi ba, Graciella? tanong niya sa sarili habang nakatitig sa hugis-pusong mukha.
Tinitigan niya nang maigi ang sarili.
Maganda nga siyang talaga.
Her skin was flawless. Her lips were bow-shaped and velvety soft, like a red rose petal.
Her eyes were arresting with their almond shape and sparkling blackness.
Her nose, brows, chin, cheeks, and jaws were all delicately-shaped.
Just like her firmly-rounded breasts and trim waist and hips.
She was already perfect for the waiting job for her…
Kumbaga sa prutas, hinog na siya para pitasin.
Isa-isang hinubad ng dalaga ang mga saplot.
Ineksamin niyang maigi ang kanyang kabuuan.
Her palms cupped her naked nipples protectively. Her nudity embarrassed her.
Paano ba niya magagawang magsayaw sa harap ng maraming tao?
Malapit ka nang mag-disiotso, Graciella, pero wala ka pa ring silbi! pang-uusig niya sa sarili.
Isipin mo na lang ang buong pamilya mo, bulong ng utak niya. You’re being selfish. A damned hypocrite. Isa kang duwag na nagtatago sa kung anu-anong katwiran!
She lashed out at herself with cold and vicious words.
“Wala kang silbi!” panunumbat niya sa sarili. Hindi niya namalayan na nasabi na niya nang malakas ang iniisip.
Umalingawngaw ang matatalas na kataga sa lahat ng sulok ng maliit na banyo.
Pati sa lahat ng sulok ng makitid na isipan niya.
A, sana ay hindi na lang siya nakapag-aral! ulit niya sa sarili.
Having an education had just turned her into a bigot and narrow-minded extremist.
Naging panatiko lang siya sa kung alin ang tama at ang mali. Nagkaroon lang siya ng obsesyon sa kadisentehan.
But what was the real meaning decency? Did it ensure respectability?
Kapag disente ba ang trabaho, siguradong respektable na ang isang tao?
Paano ang mga opisyales na corrupt? O ang mga lalaking mukhang disente nga pero nagbababad naman sa mga bahay-aliwan.
Kung tutuusin, ang mga babaeng nagiging prostitute ang talagang biktima. Hindi naman sila magbebenta ng aliw kung walang bibili, hindi ba?
Graciella swallowed a bubble of histerical laughter.
Ano na ba ang mga naiisip niya? Binibigyan pa niya ngayon ng katwiran ang mga maling gawain ng mga babaeng kauri ng kanyang ina!
Magiging katulad na rin siya ng mga babaeng iyon!
She would join their immoral status — soon.
Sinapo ng mga palad na nanginginig ang mga pisnging nanlalamig bago inamin ang isang mapait na desisyon.
Panahon na para magpunta siya sa lugar na dapat paglagyan.
Bukas na bukas — maghahanap na siya ng mapapasukan…
Graciella had been accepted at once.
Isang first-class and very expensive na pleasure spot ang napili niya. Malakas ang kanyang loob dahil alam niyang may hitsura at katawan siya.
Idagdag pa ang sariwang kabataan niya.
Natatandaan pa niya ang araw ng pag-a-apply niya.
“Ilang taon ka na, iha?” The manager, who had a very thin moustache, peered at her carefully.
Sinusukat sa tingin ang kanyang tunay na edad.
“Eighteen,” tugon niya, sabay hugot ng xeroxed copy ng birth certificate sa kanyang wallet.
“Hmm.” Tumatangu-tango ang manager matapos sipatin ang manipis na papel na iniabot ni Graciella. “Buweno, tanggap ka na. Pumunta ka sa sekretarya ko, siya na ang bahala sa ‘yo.”
Graciella had been giddy by the quickness of the successful interview.
Na madali ring nawala nang makaharap na niya ang empleyadang mukhang ibon pero parang kambing dahil sa kangunguya.
“Bago ka pa lang, ano?”
Hindi pa siya nakakasagot, may karugtong na ang tanong.
“May bra ka pa, e,” puna pa nito. Inikut-ikutan siya habang sinisipat ang lahat ng anggulo ng kanyang katawan.
“Maghubad ka nga,” ang pabruskong utos.
Nagdalawang-isip siya bago tumalima.
Ang sekretarya na mismo ang nagbaba ng zipper sa likod niya. Ito na rin ang nagkalas ng hook ng suot niyang cotton bra.
“Wow! ‘Yan ang wang-kata!” palatak ng babaeng may magaspang na attitude habang pinaghihimas ang mga palad.
“Tiyak na jackpot ang unang makakakuha sa ‘yo — pero siguradong jackpot ka rin dahil tiyak na paldo ang lalaking makaka-afford sa ipi-presyo sa ‘yo ni Boss Pearl,” dugtong pa habang ngingisi-ngisi.
Hindi inaasahan ni Graciella ang sumunod na ginawa nito. Pinisil nito ang isang dibdib niya.
Napaigtad siya sanhi ng pagkabigla.
Tumawa nang malakas ang babaeng isa palang tomboy. Tila lalong natuwa. “Wowow!” bulalas nito. Lumapad pa nang husto ang ngisi. “Inosente pa! Tiyak na matutuwa si Mr. Patriaca!”
Magtatanong sana siya kung sino ang ‘Mr. Patriaca’ na nabanggit ngunit biglang sumungaw ang ulo ni Boss Pearl sa pinto.
Agad na hinila ni Graciella ang bestida papaitaas para isuot uli.
“Sinasabi ko na nga ba’t sumusuway ka na naman, Orlanda.” The tall manager looked instantly irritated.
“Magbihis ka na, Graciella. Bumalik ka dito sa kuwarto ko. Ako na lang ang magsasabi sa ‘yo kung ano ang mga tungkulin mo bilang G.R.O.”
“Boss Pearl, sorry ho.” Biglang naging maamong tupa si Orlanda.
Isang matalim na tingin ang ipinukol ng manedyer sa tauhan. “Basta’t lubayan mo siya. Huling pagkakataon mo na ngayon.”
Naramdaman ni Graciella na hindi siya ang unang pinagtangkaan ni Orlanda.
Kaya hindi niya kinalimutan ang insidenteng iyon. Palagi siyang maingat kapag nasa paligid na si Orlanda.
Kaya nang lapitan siya nito matapos ang isang buwan na pag-iwas sa kanya, kinabahan agad siya.
“Tawag ka ni Boss Pearl.” Napasimangot ito nang makitang agad siyang umiwas na mapalapit ito nang husto. “Kayo rin, Venus, Janus, Erotica, at Strawberry.”
Saka lang siya napalagay nang marinig na may mga kasama pala siya.
Inirapan nito si Graciella bago tinalikuran.
“Ang init ng dugo n’un sa ‘yo, ha, Graciella?” puna ni Venus.
“Hindi siguro naka-iskor kay Graciella,” wika ni Erotica.
“Tena kayo, girls. Baka mainip si Boss Pearl. Alam n’yo namang mas mataray pa ‘yon sa atin,” paalala naman ni Janus.
“‘Graciella’ ba talaga ang pangalan mo?” usisa naman ng malambing na boses ni Strawberry.
Ito ang pinakamalapit sa kanya. Palibhasa, pareho silang baguhan. Nauna lang siya rito ng isang linggo.
“Oo,” tugon niya habang bahagyang nakangiti.
“Ano kaya ang sasabihin ni Boss, ano?” Venus mused aloud.
“Tungkol ‘yon sigurado sa gaganapin na ‘Beauty Auction’ next week.”
“Beauty auction?” ang halos sabay na tanong nina Graciella at Strawberry.
“Isang garbong okasyon iyon na dadaluhan ng maraming mayayamang tao. Mga very rich men lang, ha?” paliwanag ni Erotica.
“Ay, hindi pa nga pala kayo nakakaranas ng gan’on, ano?” salo ni Janus.
“Aba, ang suwerte pala ng dalawang neneng na ito,” dagdag ni Venus. “Isinama kayo ni Boss dito, e, kabagu-bago n’yo pa lang. Malaki ang kikitain natin dito, mga girls,” dugtong pa.
Nanlaki ang mga mata ni Strawberry. “Talaga? E, ano ba ang gagawin natin d’on sa auction?” May karanasan na sa gayong trabaho ang babae ngunit medyo mahina nga lang ang utak kaya parang ignorante pa.
Tumikhim muna si Erotica bago tumugon. “Magpapalabas tayo ng magandang-maganda. Magpapabongga nang husto. Kailangang maduling ang mga kustomer, mga ‘day. Para ganahan silang maglabas ng datung,” tugon nito sa tonong nambibitin.
“Ipapakita natin ang lahat-lahat, girls,” dugtong ni Janus. “Wala ng kiyeme-kiyeme ngayon.” She was looking at Graciella pointedly.
“Alam n’yo bang posible tayong kumita ng isang milyon?” patuloy ni Venus.
“Milyon?” bulalas ni Strawberry. “Talaga? Walang istiran?”
Nanatiling walang imik si Graciella. Hindi siya makapaniwala…
“Nagbibigay daw kasi sa charity ng ilang porsiyento mula sa kikitain kaya napipilitang maglabas ng malaki ang mga parukyano,” ang pahapyaw na paliwanag ni Janus.
“At kailangan siyempre, all-the-way na ang labanan,” dugtong ni Erotica.
“All-the-way?!” Hindi na napigil ni Graciella ang tunay na reaksiyon. Napabulalas siya.
“Pero hindi ba bawal nga sa atin ang magpalabas sa mga kustomer?” usisa ni Strawberry.
“Dahil nga, ayaw ni Boss Pearl na malaspag ang mga beauties natin. Bale kinukundisyon niya tayo para sa mga talagang parukyano ng klab na ito — ang mga mayayaman at ang mga madadatung!” ang matiyagang tugon ng nakatawang si Venus.
“Magkano ba talaga ang puwede nating kitain?” Interesado talaga si Strawberry.
Si Janus ang tumugon. She mentioned a six-digit figure. “Puwede pang lumaki ‘yan, kapag napiling ‘queen of the night’.”
Lalong nanlaki ang mga mata nina Strawberry at Graciella.
“Ay! Tutoo ba talaga ‘yan?” bulalas ng una.
Graciella could not say anything. Ngunit nangangarap na siya nang gising. She tried to curb her nervous anticipation.
Mayroon na siyang mga plano.
Hindi siya tutulad sa kanyang ina na naging pabaya sa mga ginintuang pagkakataon na ibinigay ng kagandahan at kabataan.
Magiging masinop siya.
Magiging matalino.
She planned to retire at the age of twenty-five. Kailangan, meron na siyang malaking ipon sa pagsapit niya sa edad na iyon.
Sapat na para ipansimula sa isang bagong negosyo.
Para makatikim naman siya ng isang buhay na marangal — na pangmatagalan na, kahit sa huli na lang.
Basta’t ang importante, nasagip niya ang dalawang kapatid na babae mula sa pagbagsak sa putikan.
Such noble motives cannot wash off your sins! Habangbuhay ka nang magiging kalapating mababa ang lipad! panunuya ng isang munting tinig sa likod ng isipan.
Ngunit nasanay na siyang magbingi-bingihan.
Isang buwan pa lamang siyang namamasukan bilang G.R.O. sa Sweet Oasis ngunit malaki na agad ang naipapasok niya sa savings account niya.
The job had been too easy. She just had to smile and look interested to her customers’ sob stories or braggings.
Nagkukunwari lang siyang interesado sa mga sinasabi ng sinumang kaharap nagkakaroon na siya ng malaking tip. Pulos mayayaman kasi ang mga nagiging kustomer niya.
The club had a seeming respectability. Hindi sila puwedeng basta-basta ilabas ng mga nagiging kustomer.
Ngayong nalaman na ni Graciella ang tutoong dahilan parang ibig niyang madismaya. Ngunit nawaksi din agad ang disilusyon dahil nga sa malaking kikitain kapag pumayag na sumali sa beauty auction.
Mapapag-aral na niya ang mga kapatid hanggang sa makapagtapos sa kolehiyo…
Gaganda na ang kinabukasan ng buong pamilya niya…
Her decision was already made by the time they reached the manager’s office.
Sa kanya agad nakatingin si Boss Pearl. “Payag ka ba, Graciella?”
Tumango ang dalaga.
Tila saka lang nakahinga nang maayos ang manedyer.
“Okey, girls, upo, upo,” aya nito sa kanilang lahat. “Ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang mga gagawin sa gabing iyon.”
Naupo sila sa mahabang sopa. Ginaya ni Graciella ang pagde-dekuwatro ng mga kasama.
“Magkakaroon kayo ng kanya-kanyang titulo, mga girls,” patuloy nito. “Kayong tatlo, alam n’yo na ang mga dapat gawin, hindi ba?” wika nito kina Venus, Janus at Erotica.
“Ito’ng si Strawberry, puwede nating bansagan na ‘Sweet Sundae’, okey? Ito’ng si Graciella naman — ah, ano nga ba?”
Sinisipat-sipat siya nito habang nag-iisip.
“‘Seductive Siren’ ang babagay sa kanya, boss,” sabad ni Erotica. “Mukhang inosente pero malakas ang panggayuma.”
Pumalakpak ang manedyer. “Tama! Salamat, Erotica. Si Graciella ang magiging ‘Seductive Siren’! Okey ba, Graciella?”
Pilit ang pagtango ni Graciella. Inaatake na naman siya ng nerbiyos. Natatakot siya — !
Agad niyang sinupil ang tensiyon na nararamdaman.
“Buweno, ganito ang gusto kong maging motiff para sa gabing iyon,” Boss Pearl continued his lecture.
Habang pinapanood ni Graciella ang matangkad at medyo payat na lalaki, nahuhulaan na niya ang tunay na kasarian ng amo.
Nagtatalsikan ang mga daliri habang kumukumpas ang mga kamay kasabay ng pagsasalita. Isa palang gay si Boss Pearl pero may angking talas at talino sa pagnenegosyo.
They spent a half hour listening to the slender man.
“O, tapos na. Any questions?”
Halos sabay-sabay na nagsi-iling ang mga tinanong.
“Okey, balik na sa trabaho, mga girls. Magmi-meeting uli tayo sa makalawa. Erotica, ikaw na ang bahalang magpaliwanag kung may mga tanong pa ang mga baguhan, ha?” habilin nito sa babaeng tila matagal nang nagtatrabaho doon.
“Yes, boss,” tugon ni Erotica.
Si Boss Pearl ang nagbukas ng pinto para makalabas sila. Isang lalaking mukhang disente ngunit may edad na ang nakatayo sa harap niyon.
Gulat na gulat ang manedyer.
“M-mr. Patriaca!” bulalas nito. “Ano’ng — este, magandang gabi sa inyo. Nasorpresa n’yo ako sa biglaang pagdalaw na ito, sir!” Nakabawi naman agad si Boss Pearl.
“Magandang gabi rin, Pearl,” wika ng malalim na boses. “Gusto ko lang magkaroon ng preview sa mga kandidata mo para sa Second Quarter Beauty Auction,” explained the authoritative voice.
Piercing black eyes zoomed in on Graciella’s face and body.
Pakiramdam ng dalaga, nahubaran siya nang mga sandaling iyon.
Ngunit hindi agad siya nakapag-react dahil saglit lang ang pagtitig nito sa kanya.
Bumaling na uli ito kay Pearl. Kinamayan ang napatulalang manager, bago inilapit ang bibig sa isang teynga at bumulong nang mahina.
Sunud-sunod na tango ang naging tugon ni Pearl.
“Okey, Mr. Patriaca. Uh, ‘yan lang ba ang request n’yo?”
Siniko ni Erotica si Graciella. “Ang suwerte mo, ‘day. May kumursunada na agad sa ‘yo, o,” bulong nito. “Mayaman ‘yang si Patriaca. Kahit na medyo matanda na.”
“Loka, huwag mong iisnabin ang isang ‘yan. Matindi ‘yan sa kama,” sabad naman ni Venus. “At galante pa!”
Humagikhik si Janus. “Oo nga!”
Tumaas nang husto ang mga kilay ni Erotica. “Hmp! Nang-iinis ba kayo?”
“Hindi,” bawi agad ni Janus. Huminto rin sa paghagikhik si Strawberry.
Si Venus naman ang bumulong kay Graciella. “Napipikon ‘yang si Erotica dahil siya lang ang inaayawan ni Mr. Patriaca. Masyado daw kasing agresibo ang dating, e.”
“Tumigil ka nga, Venus!” Napipikon nga si Erotica.
Pumalakpak nang malakas si Boss Pearl. “Okey, girls! Back to work!” utos nito. “Maiiwan ka, Graciella.”
Kumabog ang dibdib ng dalaga ngunit hindi niya puwedeng suwayin ang gusto ng amo. She could not afford to lose her job.
“Gusto kita’ng makausap, Graciella,” pahayag ni Mr. Patriaca.
Her companions eyed her with blatant envy as the door closed on them. Kasama ng mga ito si Boss Pearl sa paglabas.
“Come here, Graciella. Huwag kang matakot. I don’t eat young girls.”
Hindi makakilos ang dalaga. Parang naparalisa ang kanyang buong katawan.
Hinawakan siya nito sa isang siko para akayin palapit sa mahabang sopa.
Nanlalambot nang husto ang mga tuhod niya. Kaya napaupo na rin siya kahit na ayaw ng isipan.
He sat down on the chair in front of her. Para matitigan siya nang husto.
Para bang hinihipnotismo siya.