Most men are still turned off when women show signs of attraction. Why? Isn’t it unfair to have double standards when there’s equality of the sexes now?
Si Cassandra ay isang modernang dalaga na may tiwala sa kanyang sarili. She is beautiful and has loads of sex appeal.
Pero ang crush niyang si Leonardo ay conservative pero playboy. Dapat pa ba niyang pag-aksayahan ng panahon ang ganitong lalaki?
Tiyak na masasaktan lang naman siya…
* * *
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!” ang malakas na awit ng Pamilya Mayor para sa dalagang inampon, mag-a-anim na taon na ang nakakalipas.
Si Casandra.
Cassie, as affectionately nicknamed by her new and instant family, was a tallish woman of twenty-four. She had a waist-long, curly hair. It was the color of a starry midnight, shining in its blackness.
Her curves were always hidden under loose-fitting clothes to shun male attention. But her beautiful face was enough to command unwanted masculine attraction.
With her luscious and kissable lips plus her pair luminous and mysterious eyes, Casandra was often in trouble with her bosses.
‘Bosses’ in plural form, dahil pulos manyakis ang mga natatapatan niyang amo magmula nang mamasukan siya bilang sekretarya sa mga opisina.
After almost three years of job-hopping, napirme din siya sa isang amo. Matagal na para sa kanya ang pitong buwan na pamamasukan niya kay Leonardo Estuar.
Dati-rati, dalawang buwan lang ang pinakamatagal niya.
“Hoy, Cassie! Ano pa ang tinititigan mo diyan,” untag ni Lenita, ang pinsan-pinsanan niya. “Blow the candle and make your wish!”
Tumalima naman siya. Please, please, make my dream man notice me for once!
“Uuy! Ang haba ng wish niya,” panunukso ni Merlina, ang kapatid ni Lenita. “Gusto na sigurong magka-boyfriend!”
“Sira!” salo naman ng bunsong si Junie. “Kita mong si Cassie ang ‘original suplada’ ng baranggay natin. Ni wala ngang makaligaw, e.”
Umirap si Lenita, ang panganay. “Kaya nga, e. ‘Wala’ nga kasing makaligaw,” diin nito.
Humagikgik si Merlina. “Awat na! Ang ibig kong sabihin sa gusto nang magka-boyfriend ni Cassie ay ‘yung may dumating na sanang ‘prince charming’ sa buhay niya. Wala naman tayong itutulak-at-kakabigin sa mga suitors ni pinsan, e.”
Nagtawanan ang lahat. Pati si Casandra ay napatawa na rin kahit na parang ibig na niyang mapikon nung una.
Ang akala niya kasi’y napalakas ang pagkakasambit niya sa pangalan ng kanyang… boss!
Head-over-heels in-loved na yata siya kay Leonardo Estuar! Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niyang pa-charming para lang makuha niya ang pansin ng pihikang lalaking iyon!
“O, siya, siya, tama na muna ang tuksuhan na iyan,” awat ng Mommy Elsa niya. Iniabot nito ang cake knife. “Cut your cake, iha. Para masarhan na muna ang mga bibig ng mga makukulit na iyan.”
Automatic ang mga kilos ng dalaga. She was day-dreaming about her boss.
She likes his eyes the best. They were like a lion’s gleaming topaz, full of sly watchfulness. Para bang naghihintay ng magandang tsansa na makasalakay.
Oh, how she wanted to be his unsuspecting prey! Payag siyang silain ni Leonardo kahit na araw at gabi pa. Hinding-hindi siya tututol.
“Hoy, Cassie! Ano ba ang tagal naman ng cake namin!” hiyawan ng mga kapitbahay nila sa compound na tinitirhan ng magkakapatid na Pamilya Mayor.
“S-sino pa ba ang wala pa?”
Nagtaasan ng mga kamay ang mga bisitang wala pang laman ng mga hawak na platito ng cake.
“Nangangarap kasi ng gising,” pambubuska ni Lenita sa kanya bago tumalilis patungo sa kusina, habang tumatawa nang malakas.
“Sorry, ha? Hindi na yata ako sanay maghiwa ng cake.”
Masayang magulo ang birthday celebration ni Casandra dahil animo children’s party ang nangyari gayong pulos mga growns-up ang mga participants nang maglabas ng pabitin si Mommy Elsa.
“Mommy, babaan n’yo pa nang kaunti,” udyok ni Junie. “Masyado namang mataas ‘yan, e.”
“Tange, e, di nakuha n’yo agad ang mga premyo?” tutol naman ni Merlinda. “Mommy, taas-taasan pa natin dahil maaabot agad ng mga kapreng iyan!”
Sigawang umaatikabo ang pumuno sa gitna ng compound na iyon. Malakas pa ang patugtog sa karaoke. Palibhasa, sinuhulan na ni Mommy Elsa ang mga karatig-bahayan ng masasarap na handa, at inimbita pa ang mga kabataang miyembro, walang nagrereklamo kahit na magkagulo pa at magrambulan sa nagaganap na bertdeyan.
Kahit na gusto nang magpaka-matured ni Casandra, natural talaga sa kanya ang pagiging mahilig sa mga larong pambata.
She was as childlike as a happy cherub that day. Nakipag-agawan siya sa mga nahuhulog na kendi sa sahig na semento kahit na naka-uniporme pa siya ng pang-opisina.
Pawis-pawisan na siya dahil sa katatawa at katitili ngunit hindi niya alintana iyon. Alam niyang ganoon ang nais ng Mommy Elsa niya na maging reaksiyon niya sa inihanda nitong surprise party for her.
It was common knowledge to all that Casandra had brought happiness to Elsa and Nicanor Mayor’s house.
Twenty years married na ang mag-asawa nang mawalan na ng pag-asang magkaka-anak pa. Pinagpasyahan ng mga ito na mag-ampon ng isang batang babae na nasa edad na malapit sa imaginary child na inalagaan sa loob ng maraming mga taon.
The child turned out to be the eighteen-year-old Casandra. Plano sana ng mag-asawa na nasa edad diyes o dose lang ang kukunin mula sa mga madre ngunit nang makita ni Mommy Elsa ang winning smile ni Casandra, nahulog agad ang loob ng ginang.
Tanggap agad sa buong compound ang dalagita-dalagang si Casandra dahil sa pagiging friendly niya. Maaliwalas kasi palagi ang bukas ng magandang mukha at maliksi pang kumilos. Sa trabaho man o sa paglalaro.
The Mayor couple was very thankful when Casandra refused to have a boyfriend at an early age. She was an industrious student.
Pinili nito ang kursong secretarial dahil ganoon ang napagkasunduan nilang magkakaibigan sa bahay-ampunan na pinanggalingan.
And she graduated with flying colors kahit na so-and-so lang ang kurso. Kaya nga kahit na saan mag-apply ay natatanggap agad. Si Casandra nga lang ang malimit na umaayaw dahil sa mga nagiging amo na mahilig manantsing.
“Iha, magpalit ka kaya muna ng damit,” suhestiyon ni Mommy Elsa nang maghatid siya ng mga used cups and plates sa kitchen. “Ako na muna ang bahala sa mga bisita mo.”
“Opo, Mommy,” sang-ayon niya agad. Ang pagiging masunurin niya sa lahat ng gustuhin ng ina-inahan ay tanda ng kanyang pasasalamat dahil inialis siya nito sa drudgery ng orphanage.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang isa pang sorpresang regalo ng mga magulang sa kanya. Nakalatag ang isang puting sundress sa kanyang kama. At sa ibabaw nito ay ang isang kahita na may lamang kuwintas at bracelet.
Naluluha siya habang tumatawa nang lumapit sa kama upang damputin ang bagong kasuotan at mga alahas. Isinuot niya ang mga ito upang makabalik agad sa ibaba.
Sinalubong siya ni Mommy Elsa at ni Daddy Nicanor sa may hagdan. Nakatingin ang mga ito sa kanya, mga ngiti ang mga labi habang nangingislap sa luha ng kasiyahan ang mga mata.
“Oh, napakaganda ng anak natin, Kanor!” bulalas ni Mommy Elsa.
“Oo nga, Elsa. Kamukhang-kamukha mo siya nung ganyang edad ka, sweetheart,” ang malambing na tugon naman ng lalaki.
Kinurot ng ginang ang asawa nang buong suyo. “Ikaw talaga, bolero ka pa rin.”
“Mommy, Daddy, maraming salamat po sa inyong mga regalo sa akin!” pahayag niya habang hinahagkan sa pisngi ang mga kinikilalang mga magulang. “Sobra-sobra na naman po ang lahat ng pinagpapaguran ninyong ibigay sa akin.”
Hinaplos ni Nicanor ang kanyang mahabang buhok na inilugay na lang ni Casandra nang makalas mula sa pagkakapusod. “Anak ka namin, iha, kaya lahat ng magaganda’y gusto naming maibigay sa iyo.”
“Oo nga, anak. Ang makitang may ngiti ka palagi ay kaligayahan na para sa amin ng ama mo.”
Niyapos niya uli ang mga magulang. Sinamantala niya ang mga sandaling private circle of happiness sa gitna ng pagtitipon.
“Thank you very much!” bulong habang humahakbang papalabas ng pinto. “Thank you very much, Lord!”
Nagpatuloy ang kasayahan hanggang magtakipsilim. Pulos sayawan at kantahan ang mga pakulong ginagawa ng mga bisitang katulad rin ni Casandra na may kaunting talento at malaking hilig sa pagsayaw at pag-awit.
Pawis-pawisan na naman ang dalaga but she didn’t mind being dishevelled while having such fun with her friends and neighbors.
Walang nakapansin sa paghinto ng isang magarang kotse sa tapat ng gate na bukas para sa mga gustong makisaya sa kaarawan ni Casandra, ang paboritong muse ng baranggay.
Kasalukuyang nagpapakitang-gilas ang dalaga sa pagsasayaw ng Boogie, ka-partner ang isang baklang dance instructor, kaya hindi niya nakita ang matangkad na lalaking umibis mula sa itim na BMW at pumasok sa gate with bold arrogance.
Para bang pag-aari nito ang bawa’t ispasyong tinatapakan ng mga paang nasusuotan ng black and expensive leather shoes.
“Dito ba nakatira si Casandra Mayor?”
Napapitlag ang dalaga nang marinig ang deep and husky voice ni Leonardo Estuar. Kahit na malayo sa kanya ang lalaki, at hindi siya ang kausap, kilala niya agad ang boses na iyon.
Nilinga niya ang direksiyong pinanggalingan kahit na hindi siya makapaniwalang makakarating sa lugar nila ang boss niya.
Nanlaki ang mga mata ni Casandra nang makitang nakatayo nga sa may pagpasok ng compound ang lalaking amo sa opisinang pag-aari din nito.
“S-sir?” bulalas niya sa medyo paos nang boses. Medyo gasgas na sa kakakanta ang kanyang lalamunan.
At burado na pati ang manipis na make-up niya dahil sa kasasayaw. Gustuhin man niyang magtatakbo patago upang makapag-repair ng kanyang anyo, hindi siya makakagalaw.
She was paralyzed with shock — and excitement.
Lord, napakaganda namang regalo nito! usal niya habang unti-unting humuhulas ang kanyang pagkabigla.
A slow smile lit up her heart-shaped face while she left her partner to go to the waiting man.
“Miss Mayor,” wika ni Leonardo nang makalapit na siya rito. Napaka-pormal ng ekspresyon habang sinisipat ang kanyang kabuuan.
“S-sir,” ang tanging nasasambit ng kanyang dilang napaparalisa pa rin.
May tumawag marahil kay Mommy Elsa, lumabas ito mula sa unang pinto ng mga apartment na nakahilera sa isang panig ng compound.
“O, may bagong dating na bisita ka pala, anak. Bakit hindi mo papasukin dito sa loob? Hala, dalhin mo ang binata sa sala, iha. Maghahain ako para sa kanya,” utos ng ina-inahan bago pa nakahuma ang dalaga.
“E, s-sir, puwede po — ?” Hindi alam ni Casandra na nakikiusap na ang kanyang mga mata.
Her tongue would not cooperate so that she could persuade the stern man to go inside the house.
Leonardo Estuar hesitated for a moment before capitulating. Ikiniling nito nang bahagya ang ulo bago nagpasiyang pumasok sa pintuang binuksan ni Casandra.
Para siyang nakalutang sa alapaap nang mga sandaling iyon. Hindi niya akalaing darating ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso sa mismong araw ng kanyang kapanganakan!
Para siyang dinala sa langit.
Maliksing nakapaghain ng handang pagkain ang ginang.
Gustong tumulong ni Casandra kahit na nangangatog ang kanyang mga tuhod ngunit tumutol ang may edad na babae.
“Estimahin mo na lang ang bisita mo, iha. Ako na ang bahala dito,” ani Mommy Elsa habang nakangiti nang buong giliw sa lalaking sinisipat nang panakaw.
Nag-blush si Casandra kahit na nasisiyahan siya nang ma-realized na inaakala ng ina-inahan na nobyo niya ang bagong dating.
Nakamasid lamang si Leonardo. Nakatingin sa kanya habang binabasa ang mga emosyon na nagsasalimbayan sa bukas na mukha niya.
While his hard face remained enigmatic, hers was full of her secret dreams and desires.
Napuna ni Casandra ang bahagyang pagngiti ng lalaki habang nakatitig sa kanya ngunit ipinagwalambahala niya kahit na parang calculating and cold ang slight movement na iyon.
“I need to get you out of here, Miss, Miss — I mean — Casandra,” pahayag ng lalaki nang muli silang mapag-isa sa maliit na sala.
“Well, I want to ask a small favor from you. Kung hindi ako makakaabala nang husto, puwede ba akong magpasama sa iyo sa opisina?”
Hindi iyon ang inaasahan niyang hihilingiin ng lalaki matapos nitong sambitin nang buong lamyos ang kanyang pangalan — ngunit enough na para sa kanya ang yakagin siya nito, kahit na saan pa siya nito dalhin…!
“S-sandali lang po, sir,” wika niya, halos pabulong. “M-magpapaalam lang ako kay Mommy at Daddy.”
Pinayagan naman siya ng mga ito pero, siyempre, ipinakilala muna niya ang lalaki bilang amo niya.
Mommy Elsa was flustered to hear the truth but she retained her poise while Daddy Kanor was cooly polite.
“Matatagalan ba kayo, anak?”
Sumulyap si Casandra sa matangkad na lalaking nakamasid lang sa kanilang lahat. Napilitan siyang sumagot nang manatiling tahimik si Leonardo.
“B-babalik po ako agad.”
Nasa sasakyan na sila nang makabawi ng wisyo si Casandra. Nilinga niya ang lalaking tahimik na nagmamaneho bago siya nagtanong.
“A-ano po ba ang kailangan n’yo, sir? May nakalimutan ba kayong ipagawa kanina sa opisina?”
Napangiti ang lalaki. It was a cold smile kaya nag-shiver ang dalaga.
“Mabuti naman, Miss Mayor, you got my message loud and clear. And it was very good for you, now that you’ve abandoned flirting with me,” umpisa nito sa kalkuladong tono.
“Of course, trabaho lamang ang magiging dahilan ng paghahanap ko sa bahay ninyo — on a Saturday. Nakaalis ka na nang maalala kong hindi pa ako nakakapagpagawa ng computation report para sa conference ko bukas sa Japan. I was desperate kaya napilitan akong puntahan ka.”
She felt hot and then cold after the full force of her humiliation washed all over her.
Tutoong naging flirt siya nung mga unang buwan na napakatindi pa ng kanyang crush sa amo.
Na-karma siguro siya nang tamaan siya ng ibang klaseng infatuation para sa lalaking mababa ang pagtingin sa kanya.
Because she was a first-class snob sa mga lalaking hindi niya gusto pero habul na habol sa beauty niya.
Hindi siya makapagsalita nang ilang minuto. She tried to remain stoically calm. Ayaw na niyang ipahalata sa lalaki kung ano ang kasalukuyang damdamin na naghahari sa kanyang kalooban.
“No comment?” Leonardo prodded sardonically.
Umiling si Casandra habang nagbubuntong-hininga. She borrowed a few pages from her good friend’s, Victoria, book of calmness and senerity.
“None, sir,” tugon niya.
Parang nabaguhan marahil ang lalaki sa itinugon niya, luminga ito sa kanyang gawi at sinipat siya nang ilang saglit bago ibinalik ang atensiyon sa pagmamaneho.
Naghari ang katahimikan sa loob ng magarang sasakyan. Pamaya-maya, nagpatugtog ng isang instrumental tape ang lalaki.
Piano solo ng mga love songs ang pumailanlang sa airconditioned interior ng kotse.
Nakaramdam siya ng ginaw dahil nakalimutan niyang magpalit ng damit. Mabuti na lang, naalala niyang kumuha ng blazer sa kanyang kuwarto. Hinapit niya ang magkabilang laylayan ng makapal na kasuotan upang palisin ang panlalamig.
“Medyo malayu-layo rin pala ang bahay n’yo sa trabaho, ano?”
Nagulat pa si Casandra nang muling binasag ni Leonardo ang katahimikan.
“Mabuti, hindi ka nale-late?”
Napapamaang na umiling ang dalaga. “I always wake up at four o’clock. It was a childhood habit kaya maaga ako palagi sa trabaho.”
Hindi niya maidugtoong ang tungkol sa buhay na kinagisnan sa bahay-ampunan, kungsaan nagsisipagdasal ang lahat pagsapit ng alas singko nang madaling-araw.
“Nice habit,” kumento ng lalaki.
Muling tumanaw sa labas ang dalaga. Giniginaw na talaga siya! She tried to control the tremors that were starting to shake her whole body but with no success.
Mabuti na lang, makapal ang blazer na nadala niya. Naitago nito nang husto ang kanyang kabuuan.
“Here we are,” pahayag ni Leonardo matapos ang kinse minutos. “Mabuti na lang, hindi na masyadong traffic.”
Madilim na sa labas. Nangakasindi na ang mga ilaw sa palibot ng car park ng Estuar Computers Building.
Hindi na nagpaalalay ang dalaga sa pagbaba. Baka ma-misconstrued na naman ng lalaki na nagpapa-charming siya rito.
God, hinding-hindi na siya magpapapansin sa lalaking ito! pangako niya sa kanyang sarili, in a desperate attempt to allay the pain of rejection na dinanas niya kanina sa mga snobbish comments ni Leonardo Estuar.
Sumaludo ang security guard nang mamataan ang pagdating ng batam-batang president ng kumpanyang mala-imperyo ang laki.
“Good evening, sir,” ang magalang na bati nito.
“Good evening,” tugon ni Leonardo habang tumatango sa empleyado. “If anybody wanted to see me, call Miss Mayor first. Mag-o-overtime kami ngayon.”
Tumango ang security guard habang nginingitian nang buong giliw si Casandra.
The stooping man had an advanced age but he was not blind to her unfailing cheerfulness every morning, kapag binabati niya ito habang aantuk-antok pa sa puwesto ng panggabing trabaho.
“My, my, but you’re lethal, Miss Mayor,” Leonardo chided her with heavy sarcasm. “Hindi mo pala pinapaligtas kahit na ang may mga edad na, ha?”
Nabura ang ngiti ni Casandra sa tinurang iyon ng amo. Kinagat niya ang kanyang dila upang hindi siya makapagsalita.
Ang hirap palang magpaka-martir! bulong niya sa kanyang sarili.
Nararamdaman niya ngayon kung gaano kasakit ang dinanas ng mga unang tao na naging santo at santa dahil sa pagkakaroon ng superhuman ability to ignore irritating challenges!
Casandra almost laughed out loud nang malimi niya ang mga naisip niya.
Superhuman, ha? ulit niya habang napapangiti.
She was silently thanking her sense of humor na nag-rescue sa kanya mula sa ibayong sakit ng kalooban nang punahin siya ni Leonardo.
“What’s funny, Miss Mayor?” His tone was irritated.
Casandra controlled her mirth with difficulty. “N-nothing, sir.”
He gave her a straight stare while waiting for the elevator but she ignored him by watching her tapping shoes.
Nang mga sandaling iyon, in an abnormal and unusual situation — ngayon pa lamang nangyari na mag-o-overtime silang dalawa ni Leonardo Estuar! — parang may nagbabago sa pagitan nilang mag-amo.
Para bang lumipat sila ng ibang level…
He was barking orders when they reached their floor.
“I want three copies of that computation report, Miss Mayor. And if possible, I need to see a rough copy before you do the final draft. Understand?”
Tumango lang si Casandra. Hindi niya inaalis ang mga kamay sa malalalim na bulsa ng kanyang blazer. Her fingers would be blue with cold!
“Miss Mayor,” patuloy ng lalaki habang dinudukot ang susi sa bulsa ng ash-blue tailored pants, “don’t be shocked when you see your table. I tried to retrieve some files from your computer but I failed. Sorry.”
“It’s okey, sir,” salo niya.
Ngunit kung nakita niya muna siguro ang devastated state ng kanyang lugar trabahuhan, baka hindi siya naging ganoon kadaling magpatawad.
Aba’y parang dinaanan ng isang ‘twister’ ang masinop at maayos na lamesa niya! Pati ang kanyang filing cabinet ay luwa ang mga laman!
Grrr….!