Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

CONTRACT HUSBAND

Naranasan mo na bang umibig? Paano kung malapit ka na palang mawala ngunit ni minsan ay hindi pa tumibok ang iyong puso sa ngalan ng pag-ibig?

Si Franchesca ay hindi makahinto sa pagluluksa para sa mga magulang na naaksidente nang dahil sa kanya. Palagi niyang hinihiling na sana’y makapiling na niya ang mga mahal sa buhay.

Ngunit nang matupad ang gusto niya, bigla namang nagising ang puso niya at humiling na sana’y maranasan namang umibig. Saan siya maghahanap ng lalaking papayag na magpakasal sa kanya kahit sa loob lang ng dalawang taon?

Si Carlo ay pinamanahan ng isang kumpanyang malapit nang bumagsak. May gustong magbigay ng tulong pero kailangan muna niyang ibigay ang sarili sa isang babaeng nahihibang sa kanya. Ngunit nang si Franchesca na ang nag-alok ng tulong—at ng kasal, ni hindi sumagi ang pagtutol sa isipan niya. Nahulog kasi nang buung-buo ang puso niya…

How can he love someone who will be gone soon? How can she stop him from falling in love with her?

* * *

Franchesca, or Frankie to her friends, poured a generous amount of brandy into her crystal glass and automatically dropped a cube of ice.

Glumly, she watched the transparent square float for a while. Then she closed her eyes and took a huge gulp of the fiery liquid. She winced when the pure alcohol scorched her mouth, tongue, and throat but she bravely swallowed liquid fire.

Naglalasing siya dahil gusto niyang mamanhid ang kalooban at ma-blangko ang isipan. Ayaw niyang makaramdam at ayaw rin niyang mag-isip.

She wanted to lick her wounds — but not now. Not yet. Baka kung ano ang maisip niyang gawin kapag nag-isip siya ng nag-isip ngayon…

God! Bakit ako? Marami na ba akong nagawang kasalanan? bulalas niya sa sarili, sabay tungga uli ng matapang na alak.

“Ma’am Frankie!” Pabulalas ang pagsambit sa pangalan niya ng yaya/mayordoma na si Manang Chedeng.

“Ano’ng ginagawa mo? Bakit umiinom ka ng alak?” Dali-dali itong lumapit sa kinatatayuan niya. Agad siyang inalalayan. Kaipala, sumusuray na siya ng di namamalayan.

“Manang, pabayaan n’yo lang ako. Alam ko ang ginagawa ko,” wika niya, kahit na umiikot na ang kanyang paningin. “Bakit nandito kayo? May kailangan ba kayo sa akin?”

Bumuntonghininga ang matandang babae. Iiling-iling rin ito habang iginigiya siya patungo sa isa sa mga couches na nagkalat sa palibot ng living room.

The room was spacious and cozy with so many confortable sofa armchairs around. One could sit anywhere and still feel at home. She liked this room, next to her bedroom, which was her sanctuary.

Dapat pala sa kuwarto na lang siya uminom ng alak. She would have a solid privacy there.

“May tumawag sa telepono,” the older woman explained after she was seated with a pillow behind her spinning head. “Si Dr. San Luis. Nag-aalala siya sa ‘yo. Pinababantayan kang maigi dahil baka may, er, mangyari sa ‘yo.”

She giggled cheerfully but the sound had a desperate ring. Hindi siya nagtagumpay na itago ang nadaramang kalungkutan at desperasyon. “N-natatakot siya na baka mag-commit ako ng suicide, hindi ba?”

“Ma’am Frankie!” Naeskandalo ang tono ng matandang babae.

“Oh, c’mon, Manang Chedeng! ‘Wag n’yo na nga akong tawaging ‘ma’am’!” she cut in irritably.

Nakakunot ang noo niya. Parang may sasabog sa loob ng utak niya. Iyong kinikimkim niyang histerya marahil. She had been so calm and quiet eversince she heard the painful truth.

Parang bombang sumabog sa harapan niya ang katotohanan tungkol sa malimit na pananakit ng kanyang ulo at sa madalas na pagkahilo. Mayroon siyang brain tumor.

Sinapo ng isang nanginginig na kamay ang noo niya. Tinakpan ang mga matang nanghahapdi.

“Gusto ko sanang maranasang itinuring n’yo akong parang tunay na anak. ‘Franckie’ na lang sana ang itawag n’yo sa akin. Please?”

Manang Chedeng sighed gently. Nakaupo na ito sa matabang braso ng couch at hinahaplos na ng mga daliri ang mahabang buhok niya. Basag ang boses nito nang muling magsalita.

“P-pasensiya ka na sa pagmamatigas ko, F-Frankie. Ayaw ko lang kasing makarinig ng hindi maganda mula sa ibang tao,” paliwanag nito.

“Mali pala ang gayon. Huwag mo sanang isipin na hindi tunay na anak ang pagtingin ko sa ‘yo, iha. Magmula nung isilang ka ng iyong mabait na Mama, hindi na ako naghangad ng ibang trabaho. Hindi na ako umalis sa tabi mo dahil mahal na mahal kita, Frankie. Ikaw lang ang tanging ligaya ko dito sa mundo. Ikaw ang anak na hindi ako pinalad na magkaroon, iha.” Natapos sa paghikbi ang mahabang pahayag nito.

Nahawa si Franchesca sa pagiging emosyonal ng dating yaya. Napahikbi na rin siya. Ilang sandali pa, kapwa na sila umiiyak. Magkayapos na upang tangkaing aluin ang bawat isa.

Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Si Frankie ang unang bumawi sa nawalang kontrol. Sisinghut-singhot siya nang marahang ikawala ang sarili mula sa mga bisig na mapagmahal.

Ginawaran niya ng halik ang pisnging luyloy na sa katandaan at basa rin ng luha.

“Tumahan na nga tayo, Manang Chedeng,” wika niya. “Este, Inay Chedeng pala,” pagtatama niya. Nakatawa kahit na basag pa rin ang boses.

“Ang dapat nating gawin ay magsaya, hindi ba? Malapit na akong mawala. Ayaw ko namang maging malungkot hanggang sa pag-alis ko.”

“Oh, ang batang ito talaga,” the old woman sighed affectionately.

“Napakalungkot ng buhay magmula nung mawala ang iyong mga magulang. Kahit na nakalipas na ang maraming taon, hindi ka pa rin naka-recover, anak. Paano ba natin muling mapapasaya ang ating buhay?”

Nilunok niya ang lumutang na lumbay. Tutoo ang tinuran ng kausap. She had never recovered from the deep grief that had clutched at her eversince the simultaneous death of her parents.

Paano’y may halong guilt dahil mayroon siyang bahagi sa aksidenteng kumitil sa hininga ng kanyang mga magulang.

Kundi siya nagpagabi sa pag-uwi noong dumalo sa debut party ng isa sa mga kabarkada niya, hindi magkukumahog sa pagsundo sa kanya ang Mama at Papa niya.

Idagdag pa na kasama ng mga ito ang asawa ni Manang Chedeng bilang tsuper. Kaya ang kalunus-lunos na trahedya ay mas naging higit pa dahil dalawa silang nagluksa ng tagapag-alaga niya.

Sabay silang nawalan ng mga mahal sa buhay.

Kaya ang kanyang pagtitika ay halos walang katapusan….

Pero ngayong may kaparusahan na ang kanyang pagkakasalang iyon, puwede na siguro siyang magsaya. Para may maibaon naman siyang masasayang alaala sa kanyang pagpanaw.

“M-mag-party tayo dito sa bahay,” suhestiyon niya. “Gusto kong makita at makasama ang mga kaibigan ko. Gusto kong makakilala ng ibang tao.”

Halatang ikinatuwa ng matandang babae ang sinabi niya. Magkaharap na sila dahil lumipat ito sa katabing sofa.

“Naku, pihong matutuwa sina Senyor Fernan at Senyora Augusta!” bulalas nito. “Alam kong nalulungkot sila habang patuloy sa pagluluksa at pananahimik ang tahanang ito.”

Huminga muna siya ng malalim bago binanggit ang tungkol sa asawa nito. “Si Manong Pido? Matuwa rin kaya siya?”

The reply she received had no hesitation. “Siyempre, iha. Magpapaluto ako ng paborito niyang putahe para kung sakaling dumalaw siya ay may nakahanda para sa kanya.”

Ginagap ni Franchesca ang kulubot na kamay. Hinagkan niya ang likod niyon. Natural na ang ngiti niya.

“Salamat, Inay Chedeng,” sambit niya, halos pausal. Importante para sa kanya ang maramdaman na hindi siya nag-iisa. “Maraming salamat.”

Tila naunawaan naman nito ang mga tinitimping emosyon niya. Pinisil nito ang palad niya at tumango ng buong pagsuyo.

“Ako man ay nagpapasalamat din sa ‘yo, Frankie. Ikinararangal kong sabihin na isa ako sa mga taong nagpalaki sa ‘yo,” pahayag nito. “May awa ang Diyos, anak. May awa ang Diyos,” ang taimtim na dugtong nito.

A short but grave silence followed. Pinilit niyang palisin ang bigat na sumasakal sa kalooban. She forced a cheerful smile.

“Sana nga,” she agreed quietly, before changing the subject blithely.

“Gagawa na ako ng guestlist. Mga limampu muna, o isangdaang bisita na agad? Dapat siguro, kumuha na tayo ng catering service at mga taong mag-aayos ng ballroom at hardin, ano?” Tuluy-tuloy ang paglabas ng mga ideya sa bibig ni Frankie.

“Ikaw ang bahala, iha. Basta nandito lang ako palagi sa likuran mo para suportahan ka,” was the predictable response of the loyal employee.

“Basta’t hindi rin makakapagod sa ‘yo nang husto,” dagdag nito.

“Hindi ako magpapakapagod, promise!” pangako niya.

Nang gabi ring iyon, matapos siyang uminom ng mga gamot na inireseta at isang basong maligamgam na gatas, nag-surf siya sa mga kilalang tao, pero hindi naman niya kakilala ng personal.

It was time for her to do something daring and uncharacteristic because her time on earth was already limited.

Nailista na niya ang halos kalahati ng mga showbiz personalities na inirekomendang mayroong wholesome image kaya nagtungo naman siya sa business world, kung saan kabisado niya ang mga taong nagpapaligsahang magpayaman at magtagumpay sa pagnenegosyo.

Of course, inuna niya ang mga industry leaders. Ang sumunod na tiningnan niya ay ang mga medium-scale. Ang isusunod ay ang mga small-scale.

Her attention was arrested by a picture of a man who seemed to stare back at her — she searched for the appropriate word — arrogantly. Yes, the man was arrogant yet managed to look very, very sexy.

Sino kaya siya? tanong ni Frankie habang minamadaling i-click ang mouse.

Pamilyar sa kanya ang klasikong hubog ng mukha ng lalaki. Alam niyang kilala niya ito ngunit hindi niya maalala kung sino at saan niya nakita.

Magmula nung mamatay sa aksidente ang kanyang mga magulang, nawalan na siya ng interes sa maraming bagay sa paligid niya.

Oo, nakapagtapos siya sa pag-aaral. Disinuwebe siya noon at may dalawang taon pa siya sa kolehiyo.

Dahil ibinuhos niya ang buong panahon at konsentrasyon sa kursong komersiyo, nanguna siya sa klase nung graduation.

Nagtrabaho siya sa kumpanyang minana sa mga magulang bilang clerk muna. Makalipas ang limang taon, isa na siyang senior executive.

Umaasa siyang magiging presidente siya ng sariling korporasyon sa susunod na anim na taon.

Makakamit niya ang pinakamataas na posisyong iyon dahil sa sipag at talinong ipinamalas niya. Labas ang pagiging heredera niya.

Kaya naman nasa kanya na ang buong respeto ng mga nakatatandang miyembro ng board of directors and stockholders.

Pero ngayong may mabigat na karamdaman na siya, naglaho na ang lahat ng iyon para sa kanya. Para siyang saranggola na napakatayog na ng nililipad nang biglang mapatid ang pisi.

“Carlos Sanvictores is the heir to the Sanvictores Construction Company. The firm has been currently on the mark, due to mismanagement and untimely expansion. The sharp drop in the country’s economy does not help. Business analysts predict an immediate bankruptcy in the near future.”

“The thirty-one-year-old architect could have been the most sought-after bachelor of the milleneum because of his classic looks and perfect body. He is also very talented in the designing field. But money is the most powerful aphrodisiac. No sane, young and rich woman will look at him twice!”

Binasa ng malakas ni Franchesca ang huling paragraph. Medyo nanlaki ang mga mata niya dahil hindi maganda ang tono ng nagsulat ng naturang artikulo.

“Galit siguro ang writer sa lalaking ito,” she wondered aloud as she went on click-clicking.

Bumalik siya sa umpisa nang wala siyang makitang pangalan ng nagsulat, maliban sa initials na ‘C.D.S.’

Without hesitation, ipinasok niya sa guestlist ang pangalan ng binatang arkitekto. “Welcome to my party, Mr. Sanvictores,” bulong niya. “Sana, paunlakan mo ang imbitasyon ko. Hindi ka magsisisi,” pangako pa niya.

Habang namimili ng iba pang mga tao na iimbitahan, lihim na napapangiti si Franchesca.

Lumilipad na kasi ang isip niya. Iniisip na niya ang magiging pagkikita nila ng lalaki.

Napilitan siyang huminto nang sumakit ang kanyang ulo. Humulas na ang mild painkiller na kahalo ng ilan sa mga gamot na ininom niya kanina.

Minabuti niyang matulog na lang kaysa uminom ng purong mefenamic acid drug.

Hindi niya mawari ngunit napakagaan ng pakiramdam niya. Nakakapanibago dahil unang pagkakataon iyon, sa loob ng napakaraming mga taong nagdaan.

Nakatulog siyang may ngiti sa mga labi.

Nanatili ang magandang sumpong hanggang sa paggising niya kinaumagahan. Ang depresyon na palagi niyang kaulayaw nitong huli ay napalis ng di-maitagong pagkasabik.

Napansin agad ni Manang Chedeng ang kakaibang gana niya sa pag-aalmusal.

“Mukhang maganda ang pakiramdam mo, a, Frankie?” ang magiliw na bati nito matapos ang usual ‘good morning’. “Nakatulog ka siguro ng maayos kagabi?”

“Medyo,” ang nakangiting tugon naman ni Frankie. “Kayo? Masarap din ba ang tulog n’yo?”

Bahagyang nagulat ang kausap sa pabirong tono niya. Ngunit nakabawi rin ito agad.

“Lagi namang masarap ang tulog ko dahil lumalamig na ang panahon.” May idadagdag pa sana ito ngunit biglang kumuriring ang telepono sa salas. “Sandali’t sasagutin ko lang ‘yon,” paalam nito.

Tumango siya bago sumimsim ng mainit-init na gatas. Tumanaw siya sa di-kalayuang hardin na nakalatag sa harapan at tagiliran ng malaking bahay.

Mapupuno na naman ng mga taong nagkakasayahan ang bahaging iyon. Tumingin siya sa langit. Huwag lang sanang uulan sa gabing iyon.

Gumawi ang paningin niya sa dingding na may ornate carvings bilang palamuti. Nasa kabila niyon ang maluwang na ballroom. Puwedeng magkasya ang may isandaang katao doon kungsakali.

Sana, magustuhan ni Carlo Sanvictores ang bahay niya…

“Sir, narito na po ang laman ng inyong mailbox,” wika ng sekretarya ni Carlo. Pumikit-pikit ito habang nagsasalita. Ipinakikita marahil ang kulay asul na mascara na nakapahid sa maiikling pilikmata.

“Ibinukod ko na po ang personal sa business,” dagdag pa, sabay ngiti.

Ngumiti rin si Carlo. Kunwa’y hindi niya nakita ang smudge ng lipstick sa sungki-sungking ngipin ng empleyada.

Anyway, her flirtations were harmless because he ignored them as always.

“Salamat, Linda,” sambit niya, bago sumulyap sa kinaroroonan ng pinsang-buo na si Leynard.

Nakangisi na ito at papalapit na sa lamesa niya.

“Pakidalhan mo nga pala kami ng dalawang tasang umuusok na kape,” utos niya sa empleyada.

“Masusunod po, sir.” Maliksing tumalikod ang sekretarya para lumabas ng opisina niya. Kumekembot-kembot pa hanggang sa maisarado ang pinto.

He rolled his eyes as he stretched his arms towards the ceiling.

“Bakit hindi mo pa ilabas ‘yan, ‘insan?” Carlo mocked the other man. “Masamang pinipigil ‘yan — bumabaho.”

Bumunghalit ng tawa si Leynard. Umalingawngaw sa palibot ng airconditioned room ang malakas na pagtawa nito.

Nanatiling nakangisi lang si Carlo habang pinapanood ang pinsan. Nang makalma ito, saka pa lang siya nagsalita.

“Tell me, ano ba ang nakakatawa?”

“Well, kitang-kita naman na patay na patay sa ‘yo ang sekretarya mo. Your sex appeal is lethal, my dear cousin! Puwede mong gamitin ‘yan para malutas ang prublema ng kumpanya natin baka akala mo,” ang patudyong paliwanag nito.

His thick brows shot upwards. He pulled on an innocent mask. “Hindi ako ang kursunada ni Linda, Leynard. Ikaw,” salo niya. “Pinagseselos ka niya kaya nagpapakitang-giliw sa akin.”

Natigilan si Leynard. His cousin might have been handsome with the classic looks of the Sanvictores clan, but he did not inherited the sharp intelligence, too. Naniwala agad ito.

“Talaga?” Nangingislap na ang interes sa mga mata nito. “E, ikaw? Baka naman kursunada mo siya? I don’t want to trespass on private property, y’know.”

“C’mon, Leynard. Alam mong hindi gan’on ang tipo ko,” wika niya.

Halos wala na sa pinag-uusapan ang isipan. Tutoong napakabigat ng problemang kinakaharap niya. Siya na mismo ay nakakasiguro na ng isang masaklap na pagkalugi.

Ayaw niyang mangyari ang gayon ngunit wala siyang makitang solusyon na makakagawa ng himala sa kasalukuyang sitwasyon ng kabuhayang ipinamana sa kanya ng tusong agwelo.

Dahil sa lalim ng iniisip, halos hindi na rin niya napuna ang pagbabalik ng sekretarya. Bahagya na lang niyang natugon ang pagpapaalam ng pinsan.

“Sa labas na lang ako magkakape, ‘insan. Busy ka na, e. Coffee break na ni Linda, kaya sasabayan ko na lang siya.”

“Sure.” Wala sa loob ang tugon niya.

Nang mapag-isa, tumindig si Carlo at nagpalakad-lakad. Ngunit huminto agad nang mamalayang wala siyang direksiyon.

Paikut-ikot lang. Naupo uli siya sa swivel chair. Pabagsak. Sumandal at minasahe ng mga daliri ang magkabilang sentido.

Libu-libong mga empleyado ng kumpanya ang mawawalan ng hanapbuhay sa sandaling mabura sa mapa ang Sanvictores Construction Company. Hindi makakaya ng kunsensiya niya ang gayon. Wala na bang ibang paraan?

Si Carlota Delos Santos na lamang ba talaga ang tanging pag-asa?

Isang mayamang biyuda si Carlota. Napamanahan ng nasirang asawang Amerikano ng milyun-milyong piso. Na ginagamit ngayon para masilo siya ng buung-buo.

Ngunit hindi naman niya masisikmurang makisama sa isang babaeng halos kaedad na ng sariling ina.

He still had his good taste and delicadeza, of course. Nakahanda siyang magsakripisyo, pero hindi sa ganoong paraan.

Isipin pa lang ang kulubot na mukhang nakukulapulan ng makapal na make-up at ang luyloy na balat ng matrona ay gumagapang na ang ibayong kilabot sa buong katawan niya. Nangangalisag na ang mga balahibo niya.

Carlo grimaced with distaste. Hindi niya masisikmurang sumiping sa isang matandang hukluban kahit na isang milyon pa ang halaga ng bawat isang gabi!

Nasa gayong direksiyon ang pag-iisip niya nang tumunog ang signal mula sa computer. May pumasok na e-mail.

“Hi, Carlo Sanvictores! Have you received my invitation? Please, accept it. I need to meet you. Frankie,’ anang maikling mensahe nang buksan niya ang e-mail.

Kumunot ang noo ni Carlo. Wala siyang kilalang ‘Frankie.’

Pero nakaka-intriga ang pangungusap na ‘I need to meet you’.

Hinanap niya sa tumpok ng mga sulat ang invitation card na binanggit. Natagpuan naman agad niya.

Kapuna-puna naman kasi ang malaki at kulay peach na sobre. Humahalimuyak pa sa amoy ng mamahaling pabango.

Saglit siyang nag-alangang buksan iyon. Nangamba kasi na baka si Carlota na naman ang pinagmulan.

Ngunit may kung anong puwersa ang nagtulak sa mga daliri niya. Ilang sandali pa, hawak na niya ang card.

Personal ang design, pero mahirap hulaan ang gender. Tastefully done but unidentifiable.

Napukaw ang kuryosidad ni Carlo. Artist siya kaya palahanga sa artistry ng ibang tao.

Bumaling siya sa monitor ng computer upang tugunin ang e-mail. ‘Yes, I accept your invitation, Frankie. Thank you.’ Ganito kasimple ang mensahe niya.

Nagulat pa si Carlo nang makatanggap agad ng response. ‘Thank you. I’ll be waiting for you, Carlo. Cheers, Frankie.’

Matagal na napatitig si Carlo sa card. Hindi kaya gay si Frankie? Ang malas naman niya kung magkagayon. Kundi matrona ay bakla naman ang nagkakagusto sa kanya!

Maya-maya’y nagkibit na lamang siya ng mga balikat. Walang mawawala sa kanya kung dadalo siya sa isang pagtitipon ngayong linggong darating.

Kailangan niya ng dibersyon. Nobody could negate that fact. He was being overworked with so much worries.

Dinampot niya uli ang technical pen at nagpatuloy sa pagdo-drawing. He had nothing to do but go on and on…

Click here to READ MORE

Comments are closed.