Dance With Fire-38

Mahina at medyo basag ang boses ni Mikaela kaya hindi agad naintindihan ni Jeff ang mga salitang sinambit.

“What?” bulalas ni Jeff makalipas ang ilang sandaling kabiglaanan. “What did you say?”

Nagbuhul-buhol ang mga daliri niyang nasa ibabaw ng kandungan. Doon nakatutok ang kanyang mga mata. Napalunok muna siya bago nagsalita uli.

“Hindi ba’t sinabi mo sa akin noon na magsasama tayong parang mag-asawa — pero walang kasal?”

[Want to read the Start of Stories Online titled: DANCE WITH FIRE…? Click Here!]

Nabalisa si Jeff. Inihinto ang sasakyan sa isang tabi bago bumaling sa kanya. Ngunit hindi ito nagsalita. Tumitig lang sa kanya ang mga matang mapang-arok.

“Pero nagbago ang pagtingin mo sa akin, hindi ba? Parang nawalan ka na ng gana sa akin,” anito kapagkuwan. Matigas ang tono. Halatang may pinipigil na emosyon.

Nag-angat ng tingin ang dalaga. “N-natatakot kasi ako noon,” pagtatapat niya.

Napamaang ang lalaki. Sinukat ang sinseridad niya. “Bakit ka natatakot sa akin, Mykah?”

Habang pinaglalabanan ni Mikaela ang pangamba, parang hinihingal siya. Ngayon na ba ang nakatakdang sandali ng importanteng desisyon niya?

Pigil-hininga si Jeff habang hinihintay ang pagtugon ng dalaga. Mayroon siyang nababasa sa mga mata ni Mikaela ngunit ayaw niyang maniwalang tutoo ang piping kasagutan sa kanyang damdamin.

A dainty pink tongue moistened the bow-shaped lips before sweet, honest words gushed out.

“N-natatakot akong malaman mo na — na umiibig ako sa ‘yo, Jeff!”

Jeff was stupefied. “Iniibig mo ako?” bulalas niya. His shock was evident in his husky voice.

Nakayuko si Mikaela habang tumatango. She was trembling. Her lips were colorless with distress.

“Mahal na mahal kita, Jeff!” dugtong nito. Nakabahid ang paghihirap ng kalooban sa garalgal na boses.

Hindi makapagsalita si Jeff. For the first time in his hedonistic life, Jeff Avienza was tongue-tied.

“K-kahit bawiin mo na ang lahat ng mga regalong ibinigay mo sa akin, payagan mo lang akong maging malapit uli sa ‘yo,” patuloy ng babae. Nagsisimula nang humikbi.

He shook his head in amazement. “Magagawa mo ‘yan?” sambit niya. “Hindi ba’t ang mga ‘yan ang importante para sa ‘yo?”

Sunud-sunod ang pag-iling ni Mikaela. “H-hindi na ngayon, Jeff!” tanggi nito. Itinutok sa kanya ang mga matang nahihilam na sa luha. “Ikaw na lang ang pinakaimportante para sa akin!”

Jeff wanted to believe her very badly. But he had to put her to test. Pinaandar niya uli ang sasakyan.

Na ikinatigagal ni Mikaela.

“H-hindi ba mahalaga sa ‘yo ang pag-ibig ko, Jeff?” she asked him in a small voice.

He sighed before answering. “Maiintindihan mo ako kapag nalaman mo na kung ano ang sorpresa ko, Mykah,” ang tanging sinambit niya.

But Mikaela was not listening to him. “H-hindi ka naniniwalang mahal kita?” she whispered huskily.

“I want to believe you, Mykah,” wika niya matapos ang ilang mahahabang sandali ng mabigat na katahimikan. “Gusto kong maniwala — ngunit ayaw kong umasa habang hindi mo pa natitiyak ang sarili mo.”

“Oh, Jeff!” bulalas ng babae. “Ano ba ang gusto mong gawin kong patunay para maniwala ka sa akin?”

He heaved a deep breath but he continued driving. He couldn’t afford to stop. Baka makalimot siya! Kumapit nang husto ang mga daliri niya sa manibela. Para bang doon nakasalalay ang kanyang buhay.

“Hayaan mong subukan muna natin ang isa’t isa, Mykah,” tugon niya. Seryosong-seryoso ang tono, pati ang isang sulyap na ibinigay niya rito.

Kinagat ni Mikaela ang ibabang labi upang impitin ang mga hikbi. “K-kung iyan ang nais mo,” anito matapos makakuha ng sapat na tatag sa tinig.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Jeff. Wala pang gaanong traffic kaya madali nilang narating ang destinasyon. Dinala niya sa isang pribadong ospital si Aling Daleng. Nanatili ito doon ng isang linggo. Nakumbinsi niya si Mang Diony na kailangan din itong magpalusog muna bago humarap kay Mikaela.

“Pasensiya na kayo, Mang Diony. Pero kayo man ay aamin na nagpabaya kayo sa inyong mga sarili magmula nang mawalay kay Mikaela,” ang paliwanag niya habang tinatapik nang marahan ang hukot na balikat. “Samahan n’yo na lang muna si Aling Daleng dito. Alagaan n’yo siya habang nagpapataba rin kayo.”

“Napakasuwerte ng aming anak sa ‘yo, Jeff,” ang tanging nasabi ng matanda. Halos maluha-luha na naman dahil sa matinding katuwaan.

“Siguradong magiging masaya ang muling pagkikita ninyong tatlo, Aling Daleng,” ang wika naman niya sa matandang babae.

He had avoided analyzing his motives then. Basta’t ang natitiyak niya, nais niyang matuwa nang lubos si Mikaela.

‘Why won’t you admit it now, man?’ singhal niya sa sarili. ‘Say you love her, man! Very much!’

Pinagpawisan siya nang malamig, habang nag-iinit ang buong katawan niya. Hindi na niya magagawang lokohin ang sarili ngayon. Kaya pala nakapaghintay siya nang matagal. Hindi lang pagnanasa ang nadarama niya para kaya Mikaela. May paggalang din, may pag-aalala. At marami pang iba!

Pasadsad ang pagpipreno niya sa driveway ng bungalow.

“Good afternoon, sir!” bati ng guwardiyang nagbukas ng gate para sa kanila.

“Good afternoon din,” tugon naman niya. “Nandiyan na ba silang lahat?”

“Yes, sir. Nauna lang ho nang kaunting oras sa inyo.”

Bumaba siya habang binubuksan ng guwardiya ang pinto sa side ni Mikaela.

“Let’s go inside,” yaya ni Jeff habang hinahawakan sa isang siko ang dalaga.

Tahimik lang ito. Ni hindi tumitingin sa kanya habang nagpapatianod sa pag-alalay niya. Nasaktan dahil nais pa niyang idaan sa pagsubok ang pagmamahal nito. Ni hindi napagtantong pati siya ay kailangan ding masubukan.

He had personally inspected and approved all the furnitures inside this house. Simple but elegant. With earthy tones that compliment her natural warmth and sensuality. Sigurado siyang magugustuhan ni Mikaela ang lahat ng mga nandito sa loob ng bungalow.

Lalo nang magugustuhan ng dalaga ang mga taong naghihintay sa loob ng maaliwalas na sala. Sina Aling Daleng at Mang Diony.

Napapatda sa matinding pagkabigla si Mikaela nang mabuglawan ang mga magulang na nakaupo sa mahabang sopa na may bulaklaking upholstery.

“I-inay?” sambit nito, in utter disbelief. “Itay!”

Tumakbo si Mikaela palapit sa dalawang matandang kapwa nakangiti. Lumuhod sa sahig upang yapusin at hagkan isa-isa ang mga taong malapit sa puso nito.

“Oh, Inay, Itay! Ang akala ko’y hindi na tayo magkikita uli!”

Habang emosyonal ang tagpo ng tatlo, lumapit si Jeff sa malaking bintanang nakaharap sa swimming pool at isang parte ng hardin. He studied the perfect landscaped gardens clinically. Ngunit wala doon ang isip niya. Nasa hinaharap. His mind was imagining the future.

Would it be bleak? Or would it be bright?

“Utang namin ang lahat kay Jeff, iha. Napakabuti niyang tao.”

Naulinigan niya ang boses ni Mang Diony kaya napilitan siyang humarap uli sa mga ito.

“J-jeff?” Lumapit sa kanya si Mikaela. Hinawakan siya sa isang braso habang nakatingala sa kanya. She was giving him a dewy smile of gratitude.

He brazed himself. Nagtimpi siya kahit na ibig na niyang kulungin sa mga bisig ang dalagang nakatitig at nakangiti sa kanya.

“Ano ‘yon, Mykah?” tanong niya nang hindi na nagsalita ang babae.

DANCE WITH FIRE-39

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age