Dance With Fire-39

“M-maraming, maraming salamat, Jeff,” ang malamyos na sambit ni Mikaela. “Ito ang pinakamagandang regalo na tinanggap ko mula sa ‘yo. Ibinalik mo ang mga magulang ko.”

Jeff gave her a forced smile. “Hindi lang ako ang may sorpresa sa ‘yo. Sila rin.” Pinukol niya ng isang makahulugang sulyap ang matandang lalaki. Isang senyas iyon na agad namang naintindihan.

Natatarantang tumindig si Mang Diony para buksan ang isang pinto. “Buweno, sandali lang, iha. May nais pala kaming ipakilala sa ‘yo.”

[Want to read the Start of Stories Online titled: DANCE WITH FIRE…? Click Here!]

Dalawang lalaki ang iniluwa niyon. Si Bart at ang tiyuhin nitong abogado.

Nanlaki ang mga mata ni Mikaela nang makilala ang mga panauhing nanggaling din sa bayang pinagmulan.

“Hello, Mikaela,” bati ng kaibigan ni Jeff sa dalaga. Maluwang at presko ang ngiti.

Jeff gave his friend a warning glance but the other man just winked at him teasingly.

“Magandang hapon sa inyong lahat,” ang pormal na bati naman ng abogado.

“Umpisahan n’yo na, Attorney,” pahayag ni Jeff.

Tumango ang matanda habang binubuksan ang dalang attache case. Kinuha ang isang papel na naninilaw na sa kalumaan.

“Babasahin ko nang malakas ang nilalaman ng testamentong ito,” umpisa ng paos na boses. “Ako, si Miguel Figa, nasa legal na edad, ay humihirang kay Mikaela Dionisio bilang heredera ng lahat ng mga ari-arian ng aming angkan. Siya ang kaisa-isang supling namin ng aking pinakamamahal na kabiyak na si Carmela.”

Inilahad ng abogado ang papel upang ipakita sa kanila ang pirma sa ibabang bahagi.

“Tunay ang pirmang ito. Kaya ikaw, Mikaela Dionisio, ay isa nang napakayamang babae,” pahayag nito.

Pinapanood ni Jeff ang dalaga. Nakita niyang namutla ito nang husto bago pumikit. Nag-unahan pa sila ni Bart sa pagsalo kay Mikaela nang mawalan ng malay-tao.

“Sorry, pare,” Bart grimaced apologetically nang tingnan niya ito nang matalim.

‘This girl is mine!’ ang mabangis na wika ng mga mata niya.

“Dito mo siya dalhin,” wika ni Mang Diony. Itinuturo ang mahabang sopa na binakante.

Inihiga niya roon ang dalaga.

Panay naman ang paypay ni Aling Daleng. “Ano ba namang bata ire, Diony? Kung kailan nagkaroon ng ginhawa, atsaka naman naging himatayin!” Halatang pilit na itinatago ang pag-aalala.

“Paamuyin n’yo nito,” wika ni Bart. Nakakuha na agad ng bulak at ammonia mula sa banyong malapit sa kusina.

Ilang sandali lang, natauhan na si Mikaela. Umungol muna bago dumilat ang mga mata.

Jeff wanted to delude himself that she looked for him first. Ngunit ayaw na niyang mag-ilusyon. Isang realidad na ang sorpresang pagbabago ng kapalaran ni Mikaela. Ngayon ay mas mataas pa ang katayuan ng dalaga sa kanya. Mayaman lang siya pero wala namang maayos na family background.

“I-inay? I-itay?” Ang mga magulang ang sumunod na inapuhap ng mga mata ng dalaga. “T-tutoo po ba ang mga sinabi ni Attorney?”

Sabay na tumango ang dalawang matanda.

“Tutoo ang lahat, Mikaela. Ang tunay na pangalan mo ay Mikaela Figa,” sabad ng abogado.

“M-mikaela Figa?” ulit ng dalaga. Para bang ninanamnam ang tunog ng bagong pangalan.

Nakamasid lang si Jeff. Hindi na niya alam kung ano na ang kahihinatnan ng ugnayan nila ni Mikaela.

Mas malamang na mabibigo siya. Hindi na siya kailangan ng babaeng mananayaw na dinampot niya mula sa kalye…

Umalalay si Mang Diony nang bumangon si Mikaela.

“Jeff?” Medyo matatag na naman ang tinig ng dalaga. “Maaari ka bang makausap nang tayong dalawa lang?”

Napalunok si Jeff. Hindi niya inasahan ang kahilingan ng dalaga. Hindi siya makapagsalita. Nabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Parang iisang taong nagsilabas ang mga kasama nila sa silid na iyon. Ilang sandali lang, napag-isa na silang dalawa.

Kapwa sila walang tinag habang magkahinang ang kanilang mga mata. Aywan kung gaano katagal ang piping komunikasyon ng kanilang mga isipan.

Si Mikaela ang unang nagsalita.

“Jeff? Halika dito sa tabi ko,” hiling ng malamyos na tinig.

The soft light in her beautiful eyes beckoned at him. Halos hindi niya namalayan nang humakbang siyang palapit dito. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakaluhod na sa harap ni Mikaela.

Sinapo ng dalawang malalambot na palad ang mga butuhang pisngi ni Jeff upang manatiling diretso ang titigan ng kanilang mga mata.

“Isang beses ko lang sasabihin ito, Jeff Avienza. Kaya makinig kang mabuti,” she whispered softly.

“A-ano ‘yon?” untag niya nang ibitin ng babae ang susunod na pangungusap.

“Mahal na mahal na mahal kita,” pahayag ng malambing na boses. “Iniibig kita nang higit pa sa sarili ko. At patutunayan ko ‘yan sa pamamagitan ng pag-alis dito.”

Napamaang si Jeff sa kanyang narinig. “Aalis ka? Iiwan mo ako — para patunayan mong tutoo ang nadarama mo para sa akin?”

Tumango ang dalaga.

Jeff stared at her with perplexity.

Ngumiti nang matalinhaga si Mikaela. “Babalik ako sa pagsasayaw sa kalsada, Jeff,” patuloy nito.

Saka lang nawala ang pagkatigagal ng binata. “What?” bulalas niya. “Hindi kita maintindihan, Mykah.”

Hinaplos ng mga hinlalaki ang mga labi ni Jeff habang ngumingiti ang mga matang bilugan sa kanya.

“Gusto kong ipakita sa ‘yo na hindi mahalaga sa akin ang lahat ng yaman sa mundo — kung wala ka naman sa piling ko,” sambit ni Mikaela habang unti-unting inilalapit ang bibig.

“A-are you serious, Mykah?”

“Kahit na ang mga ari-arian na ipinamamana sa akin ay hindi ko rin tatanggapin, Jeff,” dugtong nito, halos pabulong na. “Ikaw lang ang gusto ko.”

“Oh, Mykah! Sabihin mo sa akin kung paano ako makakapasa sa pagsubok,” pakiusap niya.

His hands were hesitantly caressing her hips as he spoke in a tender manner.

“Dahil hindi ko alam kung paano kita mapapaniwalang tunay na pag-ibig ang nadarama ko para sa iyo.”

Saglit na napatulala si Mikaela. “J-jeff?”

Tumango si Jeff bilang pagtugon sa tanong na nakalakip sa kanyang pangalan.

“Mahal din kita, Mikaela,” pagtatapat niya, buong taimtim. “Pinakamamahal kita. Maniniwala ka ba sa kabila ng mga pangit na ipinakita ko sa ‘yo?”

There was a short silence. But it passed by like an eternity as he waited for her reply.

“Oh, Jeff, Jeff!” Pumulupot sa batok niya ang mga bisig ni Mikaela. Hinapit siya upang maubos na ang distansya sa pagitan ng kanilang mga labi.

“I love you, my street girl, my fiery dancer… my generous lover,” anas ni Jeff. His whispered declaration was a vow in itself.

Agad na naglagablab ang mga sabik na init nang magtagpo nang buong alab.

“Pakakasal tayo, Mykah. Para maging akin ka na!”

Umungol ang babae. Tumututol dahil pinutol niya ang nag-aapoy na halik.

“Pakakasalan mo ba ang isang katulad ko, Mykah?” tanong niya. Hindi naikubli ang biglang pagsulak ng insecurity.

Tumitig sa kanya ang mga matang namumungay. “Alam mong hindi mo na kailangang gawin ‘yan. Habangbuhay na akong nakagapos sa ‘yo, Jeff.”

“Ah, Mykah, Mykah,” protesta ni Jeff, padaing. “Hindi ako magkakaroon ng katahimikan kung hindi ko masisigurong akin ka na talaga!”

Ngumiti nang buong tamis ang babae. “Hindi mo na ba gusto ang maging malaya?” panunudyo pa nito.

Hinigpitan niya ang pagkakayapos dito. Siniil ng halik ang mahalimuyak na leeg at bahagyang kinagat ang sensitibong balat.

“Jeff!” Napapitlag si Mikaela ngunit yumapos din nang mahigpit ang mga braso nito sa kanya.

“Payag ka bang magpakasal tayo, Mykah?” he questioned her impatiently. “Sagutin mo na ako,” pakiusap niya.

“Kung iyan ang nais mo, Jeff,” tugon ni Mikaela. Naging masuyo na ang tono.

“Oh, Mykah! I will love you till the end of time!” he promised as his mouth possessed her lips ever so gently. As their skin touched, everything went ablaze in raging passion.

***           WAKAS           ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age