Desired by the Boss-20

Saglit na natigilan si Froilan bago tumango. “Sandali lang. Maghuhubad lang ako ng sapatos ko.”

Yumupyop si Ofelia sa malapad na dibdib ng lalaki nang nakahiga na ito.

Yumapos ang kanyang mga braso matitipuno sa katawan niya.

Ilang sandali silang walang tinag habang tila pinakikinggan ang mala-dagundong na pagtibok ng mga puso nila.

“Ganito ba ang ginawa ko sa ‘yo kagabi?” tanong ni Ofelia. Ang tinukoy ay ang mahigpit na pagyapos niya kay Froilan.

“Uh-uh.” Tumango ang lalaki. “Magkayapos tayo sa buong magdamag, Lia.”

“At — at hindi ako natakot sa ‘yo?”

Sinapo ng mahahabang daliri ang pisngi niya upang itingala nang marahan ang kanyang mukha.

“Hindi, Lia. Hindi ka natakot sa akin.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – DESIRED BY THE BOSS…? Click Here!]

Napakurap ang dalaga. Hindi siya makapaniwala.

“Bakit mo itinatanong?”

“D-dapat kasi, natatakot ako sa ‘yo,” pagtatapat niya, paanas.

“Dahil ba kay — Tiyo Maning?”

Tumango siya habang pinipigil ang paghikbi.

“Wala na siya, Lia. Matagal na siyang wala. Hindi ka na dapat natatakot sa kanya. Atsaka, nandito na ako. Poproteksiyunan ka ng pag-ibig ko.”

“Oh, Froilan!” bulalas niya nang hindi na niya mapigil ang mga emosyon.

“P-paano kung hindi kita kayang paligayahin?”

Parang may nabunot na tinik sa kanyang dibdib nang maisiwalat na niya ang nag-iisang dahilan ng pagtanggi niya sa iniluluhog na damdamin ng lalaki.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Paano kung – oh! H-hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag!” pag-amin niya.

“Parang alam ko na kung ano ang ibig mong ipaliwanag sa akin, mahal ko,” pahayag ng lalaki kapagkuwan.

“And there’s only one way to find out the answer.”

“P-paano?”

“Do you trust me?”

Sandali lang ang hesitasyon ni Ofelia.

“Yes, I trust you.”

Sinimulan siyang hagkan ni Froilan sa noo, pagapang sa ilong.

“Isang halik lang ang makakatugon sa lahat ng mga kalituhan mo, Lia…” bulong ni Froilan.

Huminto na ito sa pagsasalita habang masuyong idinadampi ang bibig sa kanyang pisngi.

Halos hindi humihinga si Ofelia pero hindi siya tumutol.

Pinagapang uli ang nagbabagang init hanggang sa makarating sa kanyang teynga.

Sinundan ng dulo ng dila ni Froilan ang sensitibong hubog upang kaipala’y lumikha ng sanlaksang sensasyon na nagawang bumalot sa kanyang buong katawan.

Na nagawang manuot sa bawa’t himaymay ng kanyang kabuuan.

Na nagawang gumising sa kanyang sensuwalismo na natulog nang mahabang panahon…

Nang mag-angat ng ulo si Froilan, parehong namumungay ang kanilang mga mata.

“Ano ang nararamdaman mo habang hinahalikan kita, Lia?” tanong ni Froilan, paanas.

“W-wonderful. Gloriously wonderful,” bulong niya.

“Then, you’ve no more to be afraid of, sweetheart.”

Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito habang sinusuklay ng mga daliri ang maikling buhok ng kaniig.

“A kiss is not enough,” pahayag niya.

“If I did more than one kiss, I won’t be able to stop,” pag-amin ng lalaki.

Sa unang pagkakataon, pinasilay ni Ofelia ang isang mapanghalinang ngiti sa kanyang mga labi.

“Then, don’t,” wika niya.

Paos na naman ang kanyang boses ngunit hindi na dahil likha ng karamdaman.

“Baka mabinat ka,” paalala ni Froilan.

“Ang sabi ng Mama mo, walang hindi napagagaling ang pag-ibig,” bawi niya. Ngumiti uli siya.

“Hindi pala trangkaso ang naging sakit ko, Froilan. Lovesickness pala. Dahil inakala ko noon na hindi magkakaroon ng katugon ang pagmamahal na sumisibol sa puso ko.”

Hinagkan niya ang dulo ng ilong ng lalaki, na katulad ng ginawa nito kanina.

Napaungol si Froilan.

“Lia, you don’t know what you’re asking,” pakiusap nito. “If I kissed you once more, I’ll lose control. I won’t be able to stop making love with you!”

“Then lose control,” ang malambing na salo ni Ofelia. “Show me your love, Froilan, please.”

“Oh, God, help me! Lia — ” sambit pa ng lalaki bago niya muling binihag ng mainitn na bibig ang kanyang mga labing bahagyang nakaawang.

Buong puso niyang ipinadama sa lalaki ang lubos na pagpapaubaya niya.

Tapos na ang mga kabanata ng karuwagan niya.

Ngayong natagpuan na ni Ofelia ang isang lalaking minsan lang darating sa buhay ng isang babaeng katulad niya, hindi na ito dapat pabayaang mawala.

“I hope you won’t regret this later, sweetheart,” bulong ni Froilan habang isa-isang inilalaglag sa sahig ang kanilang mga saplot.

“No, I won’t,” tugon niya. Hinaplos ng mga daliri niya ang matatag na hubod ng mukha ng katalik.

“I love you, Froilan. I love you very much, my strong man.”

“Oh, Lia, Lia! I love you, too!”

Habang papalapit sila sa takdang sandali ng pagiging isa, pinakikiramdaman ni Ofelia ang kanyang sarili.

Nakatuon ang kalahati ng atensiyon sa nagiging reaksiyon ng kanyang katawan.

Ibig niyang makatiyak na magiging isang normal na babae siya para sa lalaking iniibig.

Hindi siya pumikit nang inuumpisahan na ang ganap na pag-angkin sa kanya. Tumitig siya sa lalaki.

At nakatitig rin ito sa kanya.

“K-kung babaguhin mo ang pasiya mo, ngayon na ang huling pagkakataon, Lia,” wika nito.

Bakas ang hirap ng pagkokontrol sa tinig.

“Sabihin mong huminto ako, gagawin ko.”

Umiling si Ofelia.

“No, no, Froilan. Make love to me. Take me, take me,” tugon niya.

Dahil hindi puwersahang kinukuha, inialay niya nang buong pagmamahal ang kanyang sarili sa lalaking magmamay-ari sa kanya habang siya ay nabubuhay!

At nagsimula na nga ang isang masuyo at marahang pagtatalik.

Banayad at malumanay ang bawa’t munting alon na nililikha ng mga payapang pag-indayog.

Walang puwang ang anumang kirot o sakit.

Bumalong ang luha ni Ofelia dahil natamo niya ang isang napakahalagang katiyakan.

Huminto ang paggalaw ng lalaki nang makita ang pagluha niya.

“Lia? Umiiyak ka,” sambit nito nang magtanong ang mga mata niya.

Niyapos niya ito nang mahigpit.

“Sa labis na kaligayahan lang, Froilan,” tugon niya. “Malaya na ako. Malayang-malaya na!”

Napasinghap ang lalaki nang yumapos din ang mga hita niya sa matipunong balakang nito.

“Oh, God — !” ungol nito habang pumipikit. “Please, don’t do that again. I wanted this to be gentle…”

Hindi siya nakinig. Inulit niyang gawin ang ipinagbawal ng kaniig. Ibig niyang maglayag sa daigdig ng mga sensasyon ngayong malaya na siya.

Ginaya ni Ofelia ang lahat ng mga halik at haplos na inihandog sa kanya hanggang sa tuluyan nang mapatid ang pisi ng kontrol ni Froilan.

“I love you, Lia!”

Sabay nilang sinambit ang matatamis na katagang tanging makakapaglarawan ng luwalhating nararanasan.

Sinambitla siya ng mga bisig ni Froilan upang isama sa pabulusok na paglalayag tungo sa makulay at makapigil-hiningang kasukdulan…!

Ang naglalagablab na pag-ibig na iyon ang tumupok sa mga masamang panaginip na umalipin kay Ofelia sa loob ng mahabang panahon.

“I love you, Froilan!”

Natagpuan rin niya ang kapayapaan at ang kaligayahan – sa wakas!

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.