Destined To Be Loved

Toni had to disguise as a boy due to necessity. But it took one glance for Eman to know she’s a lovely woman. They felt the flare of attraction at once but there were lots of complications.

Could she trust this stranger with her heart when he only wanted to buy her family’s much-coveted property?

Nasanay nang magpanggap na isang lalaki si Toni magmula pagkabata kaya laking gulat niya nang mahulaan agad ni Eman na babae siya. Lalo na nang mapaibig siya…

Dapat ba niyang pagkatiwalaan ang estrangherong may planong sumira sa kanilang kabuhayan?

* * *

Ilang beses na ba siyang nagdaraan sa kalsadang ito? Hindi na mabilang ang mga pagkakataong natatanaw ng kanyang mga mata ang mga wasak at yupi-yuping bubungan ng mga bahay na nilamon ng lahar. Ngunit sa tuwina, nagsisikip ang kanyang kalooban.

Ang pinakamatigas niyang opinyon ay ang tungkol sa ‘ang bahay ay ang pinakaimportanteng pangangailangan ng tao’. Pangalawa lamang ang pagkain, tubig at kuryente. Alam niya ito dahil ganito ang naging karanasan niya — matagal na panahon na ang nakakaraan.

Ipinilig ni Eman ang ulo. Nakaramdam siya nang kaunting pagkaliyo. Ganito palagi kapag sumasagi sa kanyang gunita ang nakaraan niya. Ito ang lihim niyang kahinaan. Ayaw niyang magbalik sa dati ang kanyang buhay.

Bumitiw ang isang kamay niya sa manibela para masahihin ang batok niyang nagsisimula nang manigas dahil sa pagod.

A, minsan ay naiisip niyang mas maganda pa siguro noong mahirap lang siya. Wala siyang gaanong problema kundi ang kakainin niya kinabukasan at ang bayad sa renta ng kanyang kuwarto ay palaging nakapauna.

Napasulyap ang kanyang mga matang nanghahapdi na sa bukas na porfolio. Nandoon ang resulta ng imbestigasyong ginawa ng kanyang assistant na si Jun Sergio. Kumbaga, huling hataw na itong ipinagawa niya. At para siguradong hindi na dadaplis pa, siya na mismo ang magsasagawa ng panibagong istratehiyang naisip niya.

Nasa ibabaw ng manipis na folder ang isang letrato na kinuha sa loob ng isang madilim at lumang motorist’s bar. Ang sentro ay ang mismong bar. Magugulat nga ang sinumang unang makakakita dito dahil maayos at malinis ang counter at ang mga bote ng alak, pati na ang mga basong kristal. Halatang alaga sa punas ang makintab at makinis na ibabaw ng bar.

Hindi rito nakatutok ang pansin ni Eman. Kundi sa tatlong mukhang nakatawa sa kanya. Bakas ang pagiging matapat at mapagtiwala sa mga mata ng dalawang matandang nakapagitna sa binatilyong anak ng mga ito.

“Magandang araw sa ‘yo, amang! Ano’ng maipaglilingkod namin sa inyo?”

Anak o apo na? Mahirap tantiyahin ang edad ng kabataan dahil sa enigmatikong ekspresyon ng mga matang tila singtanda ng edad ng mga kasama.

Napapiksi si Eman nang mamalayan ang direksiyon ng naglalayag niyang isip. Wala siyang pakialam sa edad o kawalan ng edad ng nangungunang sakit ng ulo ng kanyang kumpanya.

Ang dapat niyang pag-isipan ay kung ano ang magandang pasok sa sitwasyon para hindi na ito lumala pa.

Muling inisa-isa ni Eman ang mga puntos ng kinakaharap na suliranin. Kung tutuusin, napakaliit at napakadali lang nito. Mataas na presyo lang ang katapat ng ilang ektarya ng lupang kinatitirikan ng gigiray-giray na bar na may mga palayan sa palibot. Naging interesante ang bahaging ito dahil nakaharap sa highway.

Ayon sa impresyon at konklusyon ng report ni Jun, kaya panay pa rin ang pagtanggi ng mag-asawa ay dahil naiinpluwensiyahan ng naturang kabataan ang disposisyon ng mga matatanda.

Napailing-iling na lamang siya nang magsimulang sumikdo ang kirot sa kanyang ulo. Kinayayamutan niya ang mga kahinaan ng kanyang katawan ngayon. Ang kamay na nasa kanyang batok ay gumapang pababa sa kanyang bulsa sa suot na blazer na itim. Nandoon ang ekstrang botelya ng gamot niya sa migraine.

Sumulyap rin siya sa nakabukas na mapa sa dashboard. Ilang kilometro na lamang ang layo niya sa destinasyon. Malapit na siyang makapagpahinga.

Dakong alas nuwebe nang mamataan niya ang iba’t ibang ilaw ng karatula: ‘Wild Wild North Bar’. Hindi niya namalayang napaismid siya nang mabasa ang mga kataga.

Napuna niyang tatlo lang yata ang mga sasakyan na nakaparada sa unahan ng gusaling may dalawang palapag.

Ilang sandali pa siyang nanatili muna sa loob ng kanyang sasakyan matapos pumarada sa dakong malapit sa dobleng pintuan. Inayos niya ang loob ng briefcase, kung saan nakatambak ang mga papeles na dapat niyang pag-aralan nang husto.

Sa karaniwang empleyado, nakakabagot ang hitsura ng mga plastic na folder. Ngunit hindi siya empleyado lang dahil sarili niya ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Alaga niya ito sa atensiyon kaya napakabilis lumaki at lumago.

Dinukwang niya sa likuran ng upuan ang overnight case na dala niya. Binitbit niya ito at ang briefcase sa kanang kamay habang papaibis ng kotse. Tiniyak niyang sarado ang mga bintana at pinto bago niya ito iniwan para pumasok sa maingay na bar.

Hinanap ng kanyang paningin ang binatilyong kailangang tutukan ng deternminasyon. Natanawan niya itong nagtitimpla ng inumin sa likod ng counter, kung saan may matataas na stool sa harap.

Ang mangilan-ngilang kustomer sa gabing ito ay nakaupo sa ilang lamesang korteng bilog, kung saan nakaipon ang mga basyong bote ng beer.

Marahan siyang humakbang palapit doon habang sinisipat ang magiging katunggali sa pagbibilihan. Napansin niya ang malinis na hugis ng mataas na pisngi at determinadong panga na natapos sa bilugang baba, pati ang tila porselanang hipo ng makinis na balat.

Napakunot-noo si Eman. Inaatake ng pagtataka ang kanyang utak na pinarurusahan na ng migraine.

Kahit na isang anggulo pa lamang ang nabibistahan niya, natitiyak niyang babae ang nasa likod ng bar. Kahit na makapal at maluwang pa ang suot nitong jacket na maong, kita niya ang paraan ng madulas na pagkilos ng mga kamay at braso na sa babae lamang napupuna.

Eksperto sa babae si Eman Buena. Magmula pagkabata, may karisma na siya sa mga anak ni Eba. Masasabing nakapagtapos siya ng pag-aaral at nakarating siya rito sa kanyang kinalalagyan dahil sa kakayahan niyang magpaamo ng mga kliyenteng babae.

Simula nung ahente pa lamang siya habang nag-aaral hanggang sa ngayon na presidente na siya ng Buena Land Developer, Inc.

Muli siyang nagpatuloy sa paghakbang matapos ang unang estado ng kanyang obserbasyon sa paligid ng establisiminto. At parang munting hayop na nakaamoy ng panganib na papalapit ang ‘binatilyo’ nang ilang yarda na lamang ang layo niya rito.

Pabigla ang paglinga nito sa direksiyon niya.

Nagkaroon si Eman ng ilang sandali ng kakatwang karanasan nang magtama ang kanilang mga paningin. Para bang mayroong maliit na kamay na sumakal sa tubong hingahan niya kaya kinapos ng oksihena ang kanyang puso, sanhi para mabago ang tempo ng pagpintig nito.

Inisip niyang kaya siya nagkaganito ay dahil sa mga matang malalalim na puno ng lihim at kasalukuyang nakatutok sa kanya.

Pakiramdam niya, malulunod siya kung tatangkain niyang arukin ang kaluluwang nasa likod ng mahahaba at makakapal na pilikmata.

Bahagyang ipinilig ni Toni ang ulo. Naglaho ang maingay na ugong na pumuno sa kanyang mga teynga at nawala ang bisa ng mahika. Pero hindi ang epekto nito. Medyo bumuway ang kanyang paglakad dahil sa kaunting panlalambot ng mga tuhod.

Ang naging sabi-sabi sa kanilang baryo, anak si Toni ng isang Amerikanong sundalo sa isang kalapating mababa ang lipad. Nalito at natakot ang di-nakilalang ina sa responsibilisdad kaya naghanap ito ng mapapag-iwanan sa kanya.

Sanggol siyang nakabalot sa kumot, kasama ng kanyang sertipiko at liham mula sa ina, nang matagpuan ng mag-asawang Benito at Cita Guiao sa ilalim ng bar counter.

Nakita pa ng matandang babae ang kustomer nitong may dalang malaking bag na naupo sa pinakadulong stool at umorder ng brandy. Binuksan lang marahil nito ang zipper ng bag bago itinulak papasok sa kinaroroonan ng bartender nang malingat ang huli.

A, bakit ba iniisip niya ang mga bagay na ito ngayon? tanong ni Toni sa sarili.

Matagal na niyang inilibing sa limot ang kanyang nakaraan. Alam niyang masasaktan lamang ang kalooban ng mga nagisnang magulang kapag nagpatuloy siya sa paghalungkat sa mga alaala.

Bumuntonghininga siya habang nakatalikod sa bagong dating na kustomer. Iba ang aura ng isang ito. Halata agad na hindi tagarito, o taga-kalapit-bayan. Masyadong makinis ang ayos ng buhok, pati ang hitsura ng balat.

Mukhang taga-Maynila. Mayaman. May pinag-aralan.

Kaya ba nangungunti ka na naman? tanong niya sa sarili niya.

Napatiimbagang siya para palisin ang pangit na isipin. Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Kailangan niya ang lahat ng positibong elemento na maari niyang malikom.

May gusto siyang patunayan. Ipinapalit niya ang kinabukasan nilang lahat para lang ipaglaban ang prinsipyong pinanghahawakan.

Sumagi sa isipan niya ang maliit na lalaking nakakapagpaalala sa kanya ng dagang-palay. Gabi at maramihan kung sumugod para manira ng mga tanim sa bukid ang maliliit na hayop na ito. Walang lakas kung nag-iisa kaya umaasa sa puwersa ng mga kasama.

Babalik pa kaya ang Mr. Sergio na iyon? Patuloy siya sa pagmumuni-muni dahil madalang naman ang tao ngayon. Nagtungo siya sa dulong bahagi para maghugas ng mga ginamit na baso sa munting lababong nandoon.

Saglit lamang ang katahimikan ng mga sandaling pag-iisip niya dahil naramdaman na naman niya ang kakaibang paggapang ng init na animo mga mumunting boltahe ng kuryente sa kanyang batok at likod.

Ganito ang naranasan niya kaninang maulinigan niya ang pagbubukas ng pintong may dalawang dahon na kabilaan ang direksiyon. Napapamaang siya nang muling sumulyap sa kinaroroonan ng lalaking agad na umagaw ng kanyang pansin.

Andap ang kanyang kalooban na lumapit dito nang senyasan siya ng isang aroganteng kamay. Para bang mayroon siyang dapat iwasan sa lalaking ito ngunit hindi niya matanto pa kung ano iyon.

“Miss?” wika ng lalaki sa napakahinang boses. Tila sinadyang siya lamang ang talagang makakarinig.

Napapitlag siya. Namutla agad napigilan ang pagrehistro ng reaksiyon.

Muling sumenyas ang kamay. Napalunok si Toni. Para siyang nakalutang sa hangin nang humakbang palapit sa lalaki.

Sa unang pagkakataon ng kanyang murang buhay, nakaramdam siya ng kung anong pagkatunaw sa kanyang kaibuturan. Kumalat ang kakatwang pakiramdam hanggang sa kanyang mga buto sa tuhod.

Bahagyang nakangiti ang lalaki nang maaninag na niya ang mukha nito sa dilim.

“Kailangan ko ng kuwartong matutuluyan ngayong gabi. May nakapagsabi sa akin na mayroon dito.” Nasa likod ng mga kaswal na salita ang tanong tungkol sa kung mayroong bakante.

Segundo lang ang binilang ng pagtatalo ng loob at utak ni Toni bago napilitang tumango nang marahan. Habang ang mga isipin at alalahanin sa loob ng kanyang utak ay natatarantang nagsalimbayan.

“M-meron ho,” umpisa niya at agad ring napahinto dahil parang pipiyak ang boses niya. “Sasabihin ko kina Tatang.”

Umiling ang lalaki. “Alam nating dalawa na ikaw ang nasusunod dito, hindi ba? Huwag ka nang magtangkang lumusot.” Tumindig ito. Kaswal pa rin. Para bang hindi nagbabanta ang kinang sa mga matang nakatutok sa kanya. “Huwag kang mag-alala. Magbabayad ako.”

Isa na bang kasiguruhan iyon? tanong ni Toni sa sarili. Habang ang isang bahagi niya ay nagtatanong din kung paano nalaman ng lalaking ito ang lihim ng pamilya Guiao.

“Halika. Sumunod ka sa akin,” wika niya sa mas matatag na tinig. Kinatok niya muna ang dingding na nakapagitan sa kusina at bar. “M-may transient tayo, Tatang. Pakitingnan muna dito sa labas,” wika niya sa munting bintana ng kusina. Dito idinadaan ang mga short order o pulutan na bagong luto.

Iniwasan niyang tumingin nang diretso sa lalaking nakasunod sa bawat hakbang niya. Kundi lang siya nabigla kanina sa panghuhuli nito, baka puwede pa niyang mapagtawanan ang sariling karuwagan nang tawagin siyang ‘miss’.

Masyadong malikot ang imahinasyon niya nang mga sandaling iyon. Para bang sa pagkawala ng ilusyon sa kanyang tutoong kasarian, nawalan din siya ng kaignorantihan.

Sa loob lamang ng unang limang minuto nang pagtuntong ng lalaking ito sa kanyang teritoryo, napukaw ang mahihimbing niyang seksuwalidad.

Sa tagal ng panahong ikinukubli ang kanyang pagkatao, nakakalimutan niyang isa siyang babae. Maliban sa buwanang dalaw na itinuturing niyang parusa para sa kanya, hindi pa niya kailanman napapagtuunan ng pansin ang mga emosyon at damdamin na kaakibat ng kanyang kalituhan.

Nakatutok ang kanyang atensiyon at konsentrasyon sa pagdudugtong ng mga pisi ng kanyang dalawang daigdig — ang pagbabantay sa bar tuwing gabi at ang pag-aasikaso sa mga bukirin araw-araw.

Kaya nga gayon na lang ang pagkamuhi niya sa Mr. Sergio na nagpunta rito para silawin silang mag-anak sa kinang ng maruming salapi nito.

Napasikdo ang kanyang dibdib nang pumuslit sa kanyang isipan ang isang suspetsa. Hindi kaya magkasama sa kampo ang dalawang lalaking ito na magkasunuran sa pagdating sa buhay nila?

Panakaw niyang sinulyapan ang lalaking kasunod sa pag-akyat sa lumang hagdan.

‘Hindi,’ tugon ng kanyang bahagi na hindi sakop ng lohika.

Malayo ang kilatis ng lalaking ito sa munting lalaking nangulit sa kanila noon.

Noon? Nung isang linggo lang nangyari nang muntik magwala sa galit si Toni dahil nadatnan niyang malapit nang mabola ang mag-asawang matanda na nagpalaki sa kanya. Muntik nang mapirmahan ang paunang kontrata ng pagpayag sa bilihan ng lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan at kabuhayan.

Halos magkandarapa ang duwag na lalaki sa paglabas ng bar nang batuhin niya ng karit ang dingding na malapit na kalbong ulo nito.

Sinadya niyang doon ipatama ang panggapas ng palay at damo pero naunahan ng takot ang lalaki kaya nagtatakbo na itong pauwi sa kung saan ito nagmula.

‘Hindi nga marahil,’ bulong ng isang sariling biglang sumulpot mula sa likod ng utak.

Ang isang ito ay may ‘class’ o style’. O ang tinatawag na mga taga-maynila na ‘sex appeal’. Mas gusto niya ang naunang deskripsyon.

Maraming lumang pocketbook na Ingles sa bodega ng bar at ang mga iyon ang pinagtitiyagaan niyang basahin para mapunuan ang kakulangan niya ng edukasyon.

Bagama’t hindi sapat ang pagbabasa sa mga lumang libro para sa natitighaw niyang intelihensiya, nagkakaroon ng malakas na impluwensiya ang mga lumang kaisipan ng mga manunulat na kung pakakaisipin ng isa ay akma pa rin sa pangkasalukuyang panahon.

Dinala ni Toni si ‘Mr. Class’ sa silid na malaki at nasa gawing likuran ng bar. May malaking bintana ito na nakaharap sa mga berdeng palayan na abot hanggang sa balintataw bago umalsa sa kung saan ang matatayog at malalambong hugis ng kabundukang sakop ng ibang probinsiyang karatig ng Pampanga.

Kaipala, ibig niyang mabigyan ng ibang impresyon ang lalaking dumayo sa lugar nila. Ang nasa kabilang kalsada na katapat ng bar ay lupa na naglalarawan ng depresyon at kabiguan. Mas mababa ito kaya nang nasa grabeng sitwasyon ang pag-agos ng lahar noong sumabog ang Bulkang Pinatubo, inanod ang karamihan sa mga bahay doon.

Kahit paano, paggising ng ginoong antipatiko bukas nang umaga, maganda ang babati sa bagong araw nito. Mga buhay na alaala ng kalikasang malimit na ngayong makalimutan.

May umusbong na kaunting pananaghili para sa lalaking naglalapag ng mga dala-dala sa ibabaw ng malapad na kamang may lumang kutson sa ilalim ng malinis at makapal na kubrekama.

Nanggaling ang estranghero sa isang lugar na nakikita pa lang niya sa telebisyon at mga babasahin. Doon ito nakatira. Sinasabing masarap daw ang buhay doon pero bakit puno yata ng suliranin ang mga mata nito?

‘Tsk! Huwag ka nang maghanap ng problema, Toni!’ saway niya sa sarili.

Binawi niya ang tingin nang mapansing siya man ay sinusuri ng lalaki.

“Kung gusto mo ng hapunan, puwede kang um-order sa ibaba,” pahayag niya habang awtomatikong iginagala ang mga mata sa paligid ng silid.

Lumapit siya sa makitid na pintuang nakapinid na nasa isang sulok, malapit sa bintana. May sariling banyo ang kuwartong ito. Tutal, mukha namang may kaya ang lalaki at para ngang nakakahiyang ilagay sa mas maliit na silid kaya puwede na ang pinakamahal nilang rate.

“Sa unang bukas ng gripo ay medyo makalawang ang tubig na lalabas,” dagdag pa niya habang tinitiyak ang kalinisan ng kasilyas.

Katahimikan lamang ang naging tugon ng kausap niya. Napilitan tuloy siyang lingain ang kinatatayuan nito sa malapit sa pintuan na ni hindi niya naulinigang naisara nito.

Dagling kumabog ang kanyang dibdib nang mapatingin siya sa mga mata nito. Nakatutok pa rin sa kabuuan niya. Sinusuri siya magmula ulo hanggang mga paa.

Maikli ang buhok niyang itiman at unat. Ang kanyang jacket at pantalon na parehong maong ay maluwag sa katawan niyang balingkinitan. Sunog sa araw ang kanyang balat pero walang bahid na kahit na anong mantsa.

At dahil may dugo nga raw siyang banyaga kaya hindi siya gaanong nangingitim na katulad ng karaniwang nagtatrabaho sa bukid. Ang dati nang malalim niyang mga mata ay mas lalo pang lumalim nitong mga huling linggo nang pagdodoble-trabaho niya.

Nasiksik sa lakas ang kanyang mga payat na braso at hita. Manipis lang siyang tingnan pero kayang-kaya niyang magbuhat ng araro.

Nailang lalo si Toni nang lumapit ang lalaki. Marahan lang ang bawat hakbang.

Parang isang mangangaso na nakakaamoy ng hayop na sisilain. Imbes na umiwas siya para magtago, nanatili lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi dahil sa nagtatapang-tapangan siya kundi dahil sa nabihag na agad siya ng mapanrahuyong kislap na nasa mga mata nito.

Sinikil ng tensiyon ang kanyang ang kanyang paghinga nang simulang haplusin ng isang hintuturo ang kurba ng kanyang pisngi patungo sa kanyang panga at baba.

“Nakapagtataka,” bulong ng lalaki, habang sinusundan ng paningin ang landas na tinatahak ng malinis at maikling kuko. “Ang sabi sa akin, walang babae rito kundi ang matandang si Mrs. Guiao. Sinadya ba ang pagkakamaling nagawa ng tao ko?”

Nanlaki ang mga mata ni Toni. Tama pala ang kutob niya!

“Ibig mong sabihin, kasama ka ni Mr. Sergio?” simula niya sa nabiglang tono na naging paasik na nang bumangon ang poot na kanina pa niya inaapuhap. “Isa ka ring ahas na katulad niya! May mukha pa kayong makituloy dito gayong may masama naman kayong balak.”

Nanliit ang mga mata ng lalaki. “Ano’ng sinasabi mo?”

Hindi niya pinansin ang tonong bumaba at naging mapanganib. “Umalis ka na dito ngayundin!” ang paangil na utos niya. “Ilang beses ba kayo dapat tanggihan?’

Halatang hindi gusto ng lalaki ang narinig mula sa kanya. Hinawakan siya sa isang braso para ilapit siya nang husto. Tinangka niyang kumawala ngunit humigpit lang ang mahahabang daliri na bumihag sa kanya.

“Puwede siguro ang gusto mo kung sasabihin mo sa akin ang dahilan ng pagpapanggap mo,” wika nito sa malumanay na tinig ngunit may nakakubling tigas.

Pumiksi siya bago tumugon. “Hindi ako nagpapanggap!”

Habang nagsasalita siya, kinakalas ng isang kamay ng lalaki ang mga butones ng jacket niya. Inilantad ang suot niyang T-shirt na maluwang rin. Puwersahang hinila ang laylayan na nakakipit sa nasisinturunang pantalon at itinaas para ilitaw ang kanyang katawan na naka-binder na kulay balat.

“So, ano ito?” Iniangat rin ang garterized na gilid ngunit bago pa naitaas nang husto ay nagawa niyang pumiglas palayo.

“Bastos!”bulyaw niya ngunit pabulong rin. Talagang para sa kanila lamang ang labanang ito dahil alam nila pareho ang patakaran. Walang dapat makaalam!

Hahakbang na siya patungo sa pintuan ngunit siyang nasambitla ng lalaki. Hinaklit siyang palapit hanggang sa mapasubsob siya sa malapad na dibdib nito.

Sinadya niyang iuna ang ulo para masaktan ito at masorpresa nang mabitawan uli siya. Bahagya lamang napaigik ang lalaki sa ginawa niya. Agad siyang niyapos nang mahigpit para isama sa pagbagsak sa kama.

Napailalim siya at hindi agad nakahuma nang sandaling magdilim ang kanyang paligid matapos maliyo sa sobrang bigat na dumagan sa kanya. Pinilit niyang palisin ang panlalabo ng diwa para makapagtanggol sa sarili.

Tinangka niyang suntukin at kalmutin ang pisngi ng lalaking nakatingin sa pribadong bahagi niya. Ngayon lamang may nakakitang iba sa harapan niyang palaging nakatago sa dobleng kasuotan. Pakiramdam niya nabalatan siya at nabuksan ang kanyang kalooban. Parang napapaso siya habang nanlalamig.

Hindi niya alam kung bakit samantalang wala namang ekspresyon ang mga mata ng lalaki habang minamasdan ang namumurok na mga ituktok ng kanyang murang kalambutan.

“Maganda sila,” anito makaraan ang ilang sandali. “Hindi sila dapat itago.”

Hinagkan ng mainit na bibig ang isang mamula-mulang korona. Napaigtad si Toni. Daig pa niya ang napaso.

Sinubukan niya muling magpipiglas ngunit lalo lang humigpit ang pagkakapigil sa kanya ng mga bisig. Tinangka gamitin ang mga tuhod at paa ngunit maagap na dinaganan ng matitipunong mga hita ang mga ito.

Nakahulagpos ang isang kamay niya at naisapo niya sa matigas na panga nito para itulak. Saglit lamang nangibabaw ang kanyang lakas dahil agad naikulong ng mga daliring mala-bakal ang kanyang pulsuhan.

Sa isang iglap, natagpuan na lang ni Toni na nakadipa na ang mga braso niya at ang layo ng kanilang mga labi sa isa’t isa ay iilang pulgada na lamang. Na unti-unti na ring nauubos habang patuloy siyang nalulunod sa ipu-ipong nasa likod ng mga mata ng lalaki.

Nilunok niya ang mga bikig sa kanyang lalamunan para mapakapagsalita siya.

“B-bitiwan mo ako…” Ibig sana niyang isigaw iyon ngunit tila walang oksihena ang kanyang baga kaya parang pasinghap nang numulas ang mga kataga.

Ngumiti lang ang lalaki. “Maya-maya. Nagsisimula pa lang tayo,” pangako nito sa patudyong tono.

Kumabog na nang husto ang kanyang dibdib. Naghahalu-halo na ang takot, pangamba at — at ang kung anong damdamin na hindi niya mapangalanan dahil ngayon lang niya naranasan.

Click here to READ MORE

Comments are closed.