Engaged to a Stranger-16

Napapitlag si Amber nang marinig ang tinig ng ama.

Agad na pinahi ng mga daliring nanginginig ang pisnging binasa ng luha.

“You’re crying.”

Maliksing naupo si Carlos sa gilid ng kama para haplusin ng isang malaking kamay ang mahabang buhok ng anak. Nakalas ang mga itim na hibla mula sa pagkakatali at nakalatag sa unan.

“Nag-away ba kayo ni Ruan bago siya umalis?”

Umiling si Amber. Padausdos niyang ibinangon ang sarili para sumandal sa headboard. Niyapos niya ang isang unan bago sumulyap sa ama.

“Tinawagan niya po kayo?”

“Oo. Tumawag sa akin si Ruan para magpaalam.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – ENGAGED TO A STRANGER…? Click Here!]

“S-sa Sunday night daw sila darating.”

“Umiiyak ka ba dahil baka hindi siya tutupad sa pangako?” ang masuyong tanong ng kanyang Papa.

“Uh, bridal nerves?” Yumuko si Amber bago sinambit ang unang ideyang pumasok sa utak.

“Na katulad ko rin siyang indyanero?” dugtong pa ni Carlos.

Nag-angat ng mukha si Amber. Umiling nang bahagya pero hindi magawang aminin ang pangamba.

“Naiintindihan ko po kung bakit gan’on, Papa,” sambit niya. Medyo garalgal pa ang boses.

Ayaw niyang isipin ng kanyang ama na mayroon siyang kimkim na sama ng loob.

“I know that you’re very understanding, iha. Pero hindi talaga ako naging fair sa ‘yo.”

“Papa, I know that you love me.”

“Tutoo ‘yan, Amber. Ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng iyong Mama. You’re her most precious gift to me.” Huminga muna nang malalim ang matandang lalaki bago nagpatuloy.

“Ka-edad mo si Amanda nung magkakilala kami. Sa loob ng sandaling panahon, napaibig na kami sa isa’t isa. At nagpasiyang magpakasal.”

“Oh, Papa, I’m sorry hindi ko kayo palaging nauunawaan. Please forgive me sa mga panunumbat ko sa inyo noon.”

“There’s nothing to forgive. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo, iha. Kamukhang-kamukha mo ang iyong Mama… at palagi ko siyang naaalala sa ‘yo.”

“K-kaya ba ipinadala mo ako sa finishing school…?” Pilit na nilunok ni Amber ang alaala ng pagdaramdam tungkol sa pamimilit ng kanyang Papa na magkalayo sila.

“No, of course not. Iyan ang isa sa mga habilin ng iyong Mama noon. Gusto niyang maging isang mabuting babae ka na maipagmamalaki ng lalaking iibig at magiging kabiyak mo.”

Hinagkan ni Carlos ang isang pisngi ng anak.

“Katulad ng Mama mo.”

Parang gusto na namang maiyak ni Amber dahil ngayon lang nagpamalas ng pagmamahal sa kanya ang sariling ama.

“I am sorry for doubting your love, Papa,” ang pahikbing sambit niya. “Nagseselos ako sa trabaho mo noon. Ang akala ko, hindi ako ang mahalaga sa ‘yo kundi ang kumpanya lang.”

Tumawa si Carlos. Niyapos ng malalaking bisig ang balingkinitang katawan ng anak bago sinapo ng mga daliri ang baba ni Amber.

“Stop crying, my princess. Tiyak na nanonood sa atin ngayon ang iyong Mama.” Tumingala ang ama para ipahiwatig kung nasaan ang kanyang ina.

“Baka parusahan niya ako dahil palagi kong pinasasama ang iyong loob mula pa noong bata ka.”

Hindi napigil ni Amber ang mapahagikhik dahil umaapaw ang sobrang kaligayahan sa kanyang puso.

“I love you, Papa. Kahit gaano karaming beses mo ako indiyanin noon hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita!”

“I am so very glad to hear that, anak. Nakakapanghinayang lang na hindi tayo naging magkasama palagi.”

Hinugot ni Carlos ang isang panyo mula sa bulsa ng suot na blazer. Hindi pa ito nakakapagpalit ng damit na pang-opisina.

“I am also very thankful to Ruan dahil natauhan ako.” Masuyong idinampi ng ama ang panyo sa mga mata ni Amber.

“A-ano’ng sinabi ni Ruan sa inyo?”

“Sinermunan niya ako sa telepono kanina. Sinabi niyang ako pala ang naglalagay ng lungkot sa iyong mga mata. Na ang mga pagkukulang ko sa ‘yo ay nagdudulot ng paghihirap sa iyong kalooban.”

“H-ha?” Hindi makapaniwala si Amber. “Papa –”

“Huwag kang magalit kay Ruan, iha. Tutoo lahat ang mga sinabi niya. Hindi ko napansin na naging isang ganap na dalaga ka na kaya parang bata ka pa rin kung itrato ko. I am sorry for being a domineering father for so long.”

“Oh, Papa!” Wala nang masabi si Amber. Yumupyop na lang siya sa malapad na dibdib ng ama para ipadama ang ganap na pagpapatawad.

“Sana’y mapatawad rin ako ng iyong Mama. Sa patuloy na pagluluksa ko sa kanyang pagkawala, pati ikaw ay palagi kong napapabayaan.”

“Papa, kalimutan na natin ang nakaraan. I am so happy we’re like this now.”

“Thanks to Ruan, your husband-to-be.”

“Yes, thanks to Ruan,” sang-ayon ni Amber.

“I love you, princess. I promise to be good and attentive father to you from now on.”

“I love you, too, Papa.”

Medyo lumuwag na ang dibdib niya ngayon. Kung hindi man matuloy ang kanilang kasal, maayos niyang matatanggap dahil nagkaunawaan na sila nang lubos ng kanyang Papa.

Tila nabasa ni Carlos ang isipan ng anak. Tumikhim muna bago nagsimulang magsalita.

“I am regretful na hindi ako masyadong naging involved sa mga personal na bagay sa buhay mo, iha.”

Muling sumandal si Amber sa headboard ng kama para muli silang magkaharap ng ama. Gusto niyang pagtibayin ng katapatan ang bagong relasyon nila bilang magulang at anak.

“Wala po akong ililihim sa inyo, Papa,” pangako niya.

“I’ve been so shocked when I saw you with a man,” pagtatapat ng ama.

“I – I was shocked, too,” pag-amin ni Amber.

“At naging over-acting ako. Nag-demand agad ng kasal kay Ruan gayong hindi ko naman siya lubos na kakilala.”

Nag-alinlangan ang dalaga kung ipagtatapat niya ang masamang plano ng mag-asawang Mendez.

“Gusto ko sanang tiyakin na tunay bang nagmamahalan kayong dalawa bago magpakasal. Dahil ang kasal ay panghabambuhay na.”

“Yes, Papa.”

“Marriage is a serious business, princess. At hindi kita pipiliting magpakasal kay Ruan kung hindi ka siguradong-sigurado. kahit na maeskandalo pa tayo.”

Napalunok si Amber. Nandito na ang tsansa para makalaya siya at si Ruan mula sa isang sapilitang kasal.

Dapat ba niyang sabihing hindi ang karangalan ng pamilya nila ang isinaalang-alang ni Ruan nang pumayag na pakasalan siya?

ENGAGED TO A STRANGER-17

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.