Have you ever been an extension to other people’s dreams? Have you ever felt trapped and imprisoned by other people’s obsession? Can ever escape from your loved ones?
Engaged to be married si Natalie sa isang lalaking pinili ng mga magulang para sa kanya. Dahil sa masidhing pagtutol niyang magpakasal sa isang estranghero, tumakas ang dalaga.
Sa kanyang pagtakas, natagpuan niya ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang puso – si Jordan.
Paano kung hindi naman pareho ang damdamin nila para sa isa’t isa?
* * *
There was a ringing sound while Jordan was sipping his coffee.
Kunot-noo, tinugon niya ang celfone. Papalabas na sana siya para mangisda sa look.
“Hello?’ His deep voice bit out the curt greeting.
“Hello, si Charlie ‘to. May emergency!”
Jordan rolled his eyes upwards. Pabagsak siyang naupo sa malaki at malambot na sofa. Lahat ng mga kakaibang pangyayari ay ‘emergency’ na para sa kausap.
“Ano naman ang emergency mo?” tanong niya.
His tone was calm as he hung a long, tannel leg over a fat arm of the comfortable chair. He was wearing a pair of cut-off from old jeans.
“Er, nawawala daw ‘yung ano mo…”
“Ano’ng ano ko?” He asked with mild suspicion. Gusto lang siyang pauwiin ni Charlie mula sa kanyang sikretong kinaroroonan.
“C’mon, Jordan, alam mo na,” pakli ng kausap. “Bumalik ka na dito sa Maynila. Kailangan mong tumulong sa paghahanap — ”
“Bakit pa?” pakli niya. “Papaalis ako. Tumawag ka na lang uli mamaya.”
“H-ha? Pero — ”
“It’s bad news but it’s not important,” he cut in with a final tone, bago pinutol ang linya.
Pagkatapos ibalik sa loob ng drawer ang celfone, kinuha niya ang binocular na nasa ibabaw ng lumang kabinet.
Lumapit siya sa bintana para silipin ang di-kalayuang talampas na nasa kabilang panig ng Laguna Lake. Doon nakatayo ang isang lumang tore, na nuong araw ay nagsisilbing lighthouse para sa mga naglalakbay na bangka.
The old tower was converted into a charity home. Naging paborito niyang tanawin ang naturang istruktura nitong mga huling taon…
Nauntol ang paglalakbay ng isipan nang may maulinigang mga yabag na papalapit. Si Tonyo marahil.
“Ka Jordan?” His guess was right. Boses ng kapitbahay niya ang tumawag sa kanya. “Nakahanda na ang bangka. Lalakad na ba tayo?”
“Oo.” maliksi siyang tumalikod sa bintana. Isinukbit niya sa isang balikat ang duffel bag na itim at dinampot ang dalawang modernong fishing rod mula sa likod ng pintuan bago lumabas.
“Pasensiya na, napaghintay ko kayo,” wika niya habang isinasara ang pinto.
There were two men outside the small cottage, waiting for him. Like Jordan, the two were also wearing shorts and carrying fishing rods, too. They all looked brown and scruffy, but he was the tallest and had the most muscled body.
“Ka Dorong, nainip ka ba?” tanong niya sa ikatlo bilang pagbati.
“Hindi naman. Kararating ko din lang.”
Nauna nang sumakay sa bangka si Tonyo. “Tiyo, baka nakalimutan mo na naman ang mga bulateng pamain.”
Ipinakita ng may edad na lalaki ang isang lata na pinagmulan ng gatas. “Punum-puno. ‘Are, o, tingnan mo.”
“Mabuti’t marami ang dinala n’yo, Ka Dorong,” wika naman ni Jordan. “Nakalimutan kong maghukay kaninang umaga pagkagising ko.”
“Bibigyan kita ng pain kung may dala kang whisky, amang,” ang pabirong tugon ng kaharap. “Nagbibiro la’ang ako, ha?” bawi rin nito agad.
Tumawa si Tonyo. “Birong tutoo naman ‘yan, Tiyo, e. Ang aga-aga pa, a? Baka makagalitan na naman kayo ni Tiya. Manghuli muna kayo ng isda, hane?” May tonong seryoso ang panunudyo nito.
“Yan ang dahilan kung bakit kinalimutan kong dalhin ang whisky, Ka Dorong,” salo ni Jordan. “Baka pati ako’y mapagalitan na rin ni Ka Sista. Paborito ko pa naman ang laing niya.”
Nagkatawanan ang magtiyo. Pati siya ay nakitawa pero ang kanyang utak ay abala na sa paggawa ng mga plano.
Abala rin siya sa panenermon sa sarili. Masyado kang mabagal, Jordan! You’re too slow for your own good!
That night was so quiet, no noise would have gone unnoticed. And so the two shadows snuggling close to each other spoke in hushed whispers.
Gayunpaman, ang pagbubulungan ay madalas na mauwi sa pigil na singhalan dahil sa pagtatagis ng mga ugali. Parehong superyor ang dalawa.
“Bakit nakukuntento ka sa patawag-tawag lang, Pedro? Bakit hindi mo pag-aksayahan ng panahon na puntahan ang mansiyon?” pang-uusig ng boses-babae.
“Marunong ka pa sa akin, Mercedita,” angil naman ni Pedro. “Diskarte ko ‘to — huwag kang makialam!”
“Nakikialam ako dahil baka mapalpak ang plano natin! Alam mo ang ugali niya — rebelde, matigas ang ulo, makulit — ”
“Manang-mana sa ‘yo,” salo ni Pedro. “Kilala ko rin siya, Mercedita. Kaya nga dapat tayong maging maingat. Kapag nagduda siya — tapos na ang maliligayang araw natin sa alta sosyedad. Kaya dapat tayong makasiguro na maayos na ang lahat bago natin siya galawin sa kasalukuyang kinalalagyan.”
Mababa na ang tono ni Mercedita nang muling magsalita. Tila napa-buntonghininga pa nga muna ito.
“I guess, you’re right, Pete. Pasensiya ka na. Alam mo namang ‘yan ang pinakamasamang bangungot na dinaranas ko nitong mga huling araw — ang maging mahirap pa sa daga!”
“Ssh! Huwag kang magsalita ng ganyan, Merced,” saway ng nag-aalalang si Pete. “Hinding-hindi ko papayagang mangyari ang ganyan. Over my dead body!” The last bit was over-acting but seriously desperate.
“Oh, sana nga, Pete! Pumunta ka na sa mansiyon. Sabihin mo na kay Sir J.P. na nakahanda na ang pambayad-utang natin!” Nabahiran na ng desperayon ang pakiusap ng babae.
“Nakalimutan mo na bang nasa bakasyon si Sir J.P? Lulutang lang ‘yon sa Pasko at sa Bagong Taon, pero sandali lang. Ayon sa majordoma, baka sa Pebrero na uli bumalik ‘yon.”
“H-ha?” Dismayado si Merced. “Unang linggo pa lamang ng Disyembre ngayon. A-dos pa lang. Paano kung madiskubre ni Natalie ang sikreto natin? Tiyak na magagalit ‘yon. Baka tuluyan nang mapoot sa atin at — oh! Nawawala na siya sa atin!”
“Magpakahinahon ka nga, Merced,” saway ni Pete. “Nawawala ang focus mo dahil nagiging emotional ka na naman.”
“Heh! Huwag mong kalimutan na si Natalie ang susi sa lahat ng mga pintuan patungo sa walang hanggang ginhawa. Kapag nawala siya, wala na rin ang tsansa nating maging tunay na don at donya!”
“You’re right, of course,” pang-aalo agad ni Pete. “Nagpapaalala lang naman ako. Alam mo namang may asthma ka. Baka sumpungin ka ngayon, mahihirapan tayo. Ubos na ang allowance natin. Sabi ng accountant natin sa bangko, baka ma-delayed raw ang fund transfer dahil magpa-Pasko nga,” ang mahabang paliwanag pa nito.
“G-gan’on ba?” Sumiguk-sigok ang babae. “Don’t worry, pipiliting kong huwag sumpungin. May bonus kaya tayo?”
“Honey, huwag kang umasa. Nakapag-advance tayo nung June. Baka ibawas na ‘yon kaya ‘wag kang umasa.”
“Sana naman, may pamasko man lang. Matataas na ang presyo ng mga bilihin.”
“Huwag na muna ‘yan ang isipin mo, honey. Kapag ikinasal na sina Natalie at J.P., tiyak na hindi na natin magiging problema ang pera magpakailanman.”
“Hay! Ang sarap namang pakinggan n’yan, honey!” bulalas ni Merced. Pabulong pero pa-hagikhik. “Ipahatid na uli natin sa kumbento si Natalie. Mahirap na — baka may maging nobyo pa ‘yan dito sa labas. Baka masalisihan pa si Sir J.P.”
“Naka-iskedyul na siyang umalis bukas ng umaga, honey. Kapag nandito sa bahay ang dalaga natin, palagi akong kinakabahan. Kanina lang daw, nahuli ni Bestre na naglalambitin sa puno ng sampalok. Hindi kaya lesbian ang anak natin?”
“Hay, naku! Hindi na natin problema ‘yon, ano? Bahala na si Sir J.P. do’n!”
“Kuu, matulog na nga tayo. Madaling araw na ‘ata.”
“Sinusumpong ako ng insomia ko. Ikaw na lang ang matulog.”
“May gamot ako d’yan, honey. ‘Lika na.”
“Teka — Pete! Ibaba mo ako ngayundin!”
Tumawa lang si Pete. “Sa palagay ko, hindi lesbian ang anak natin, Mercedita. Mas gusto lang niya ng kaunting puwersa sa kama.”
“Che! Napakalaswa ng bibig mo!”
“Hindi lang ang bibig ko ang malaswa, Mercedita. He! he! he!”
“Ay! Ano ba!”
Biglang kumapal ang katahimikan nang mawala na ang mahinang pag-uusap ng mag-asawa. Manaka-nakang kaluskos na lamang ang nauulinigan.
Ngunit hindi na interesanteng pakinggan ang mga iyon para sa lihim na tagapakinig.
Halos sasabog ang dibdib ni Natalie habang patalilis na lumalakad palayo sa pinto ng master’s bedroom. Masamang-masa ang loob niya. Masakit ang katotohanang natuklasan niya.
Sino ang Jaypee na iyon? Bakit parang panginoon na ang tingin ng mga magulang niya sa lalaking iyon?
Until she arrived to her own room, there was no available answer to any of her questions.
But when dawn came, she already had several plans of her own.
Actually, she was just switching to Plan B. Her Plan A was to speak with her parents seriously. Gusto niyang lumabas ng kumbento.
Kukumbinsihin sana niya ang mga magulang na hindi para sa kanya ang pagmamadre. Pero ngayong natuklasan na niya ang katotohanan, hindi iyon ang tamang gawin.
Siguradong hindi makikinig sina Pete at Merced sa mga pakiusap. Nakatuon ang mga isipan ng mga ito sa pagbibigay-kasiyahan sa isang Sir Jaypee.
What a ridiculous name for a disgusting man! And what a despicable idea! Ipapakasal siya sa lalaking ni anino ay hindi pa niya nakikita — at pupuwede lang iyon kung birhen pa siya!
Ano ba siya? Isang gamit lang na mala-priceless antique kaya interesanteng bilhin ng isang lalaking ubod ng yaman?
Go to hell, Jaypee! bulalas niya sa sarili. Bahagya ring namula ang mga pisngi niya nang maalala ang magiging reaksiyon ng mga madre kung malalaman ang masasamang isipan ng lumulutang sa loob ng utak niya.
The nice nuns would surely blush and be shocked. Lalo na kung madidiskubre ng mga ito ang plano niyang gawin pagdating niya sa kumbento bukas. Thankfully, the gullible old ladies would be ignorant.
And they would also be thankful that she would be gone…
Katulad ng narinig niya kagabi, maaga pa lang ay nakahanda na ang lahat ng mga dadalhin ni Natalie pabalik sa kumbento.
Hindi siya nagpahalatang may nalalaman na siya. Umasta siyang nayayamot at sinusumpong dahil babalik na naman sa nakakainis na lugar.
“That place is so stuffy, Daddy! I don’t wanna go back!” she shrieked in a shrill voice, while stomping her small foot.
“Please, Mummy, let me stay here! I want to see some friends!” Iyon ang sinabi niya para masigurong hindi lang imahinasyon ang mga nadiskubre niya kagabi.
But Natalie suffered another disappointment when her mother looked appaled. “Naku, naku! Hindi puwede! Makakagalitan kami ni Mother kapag nahuli ka sa pagbalik sa kumbento,” was the lame reasoning of the heavily made-up woman.
Kahit na yata sa pagtulog, napakakapal pa rin ng kolorete ni Mercedita Benitez sa mukha. “Atsaka, huwag kang mainip, Natalie. Malapit na ang graduation mo doon. Hanggang March na lang yata, di ba, honey?”
Pinanood ni Natalie ang pagkataranta ni Pete Benitez sa pagtango sa asawa. Mga magulang nga ba talaga niya ang mga ito?
Parang hindi siya makapaniwala dahil nga sa narinig niya kagabi. Para sa mga ito, isa lang siyang instrumento.
For her parents, she was just a stepping stone towards an everlasting rich life. She was just a pawn in their games.
Grimly, she marched towards the waiting car–and promised to herself that she would be free tonight!
“Goodbye, Dad, Mum!” Paangil ang pagpapaalam niya. Ni hindi siya nagpahalik sa mga ito.
“Tsk! She’s having her tantrums again, hon,” observed her father while shaking his head.
“Don’t worry, she’ll get over them when she reached the convent. The nuns will know what to do with her,” was the casual reply from her mother.
Lalong naghimagsik ang kalooban ni Natalie.
I’m not a child anymore, you foolish bums! bulong niya sa sarili, pagalit. Kaya pala. Kaya pala kahit na paulit-ulit akong tanggihan ng mga madre — pilit pa rin akong ipinagduduldulan doon.
Meron palang dahilan. Kanino kaya galing ang perang ipinagpaayos sa opisina at sa basement ng kumbento?
Malamang sa tinatawag na ‘Sir Jaypee’! panghuhula niya.
Pihong napakayaman ng taong iyon. At napakamaimpluwensiya pa. Hindi basta-basta mapapayag ang istriktang madre superyora na tanggapin ng paulit-ulit ang isang malditang katulad niya.
In the last three years, she was a harridan. She had done everything to destroy the peaceful life in the convent.
When she turned eighteen last year, akala niya ay makakalaya na siya mula sa bilanguang pinagkukulungan sa kanya ng mga magulang.
The convent had been a prison for her. And she had been repeatedly explaining this to her parents. Ngunit kagabi pa lamang niya napagtanto kung bakit nananatiling bingi ang mga ito.
She was being preserved so that she could be an expensive virgin bride for a wealthy and unknown stranger!
Mag-uumpisa pa lang ang buhay niya. She was so young. She hadn’t had a taste of life yet. Marami pa siyang hindi nararanasan. Marami pang hindi natitikman.
Papayag ba siyang matapos na agad ang saya ng buhay?
No! Of course not. She would escape. She would change her destiny. Her domineering parents had no right to manipulate her life. Siya lang ang may karapatan na lumikha ng sariling tadhana niya.
Pagdating na pagdating sa kumbento, nagmaktol agad siya. Nagbasag ng dalawang paso ng halaman sa hardin pagkaibis mula sa kotseng naghatid. At ibinalibag ang overnight case sa damuhan.
Nagkagulo ang mga madreng itinalaga para sumalubong sa kanya. “Mother! Help!” Naghiyawan ang mga ito. May isang nagtatakbo papasok sa loob para magsumbong sa madre superyora.
“Ay, naku, ano na naman bang gulo ‘yan? Ikaw na naman ba, Natalie? Sa bartolina ka manananghalian!”
Ang salitang ‘bartolina’ ay katawagan lang sa isang kuwarto na nakahiwalay sa main building. Tanging ang mga huni ng mga ibon at mga kulisap sa paligid ang naririnig ng nasa loob.
Recalcitrant students were always asked to stay there to meditate about the mistakes and wrong doings.
Natalie was supposed to do penance while inside that little hut, but she had other plans. Nasunod ang inaasahan niyang mangyari kaya tuluy-tuloy na ang pagtupad sa mga balak niya.
“Magdasal ka ng isandaang ulit ng Aba Ginoong Maria, Ama Namin, At Pagsisisi, Natalia! Bilang dagdag parusa, tubig lang ang magiging pananghalian mo. Mamayang hapunan ka pakakainin,” comanded the strident voice of the elderly nun, before the door was locked.
Dahil inaasahan niya na ganito ang mangyayari, nakahanda na siya. May mga sandwiches at chocolate na nakasuksok sa mga bulsa ng kanyang jeans at blazer.
Mayroon ding penlight, posporo at plastic coat. She was wearing sturdy clothes and shoes, appropriate for hiking through the woods and climbing down the rocky face of the cliff.
Her attire was completed when she donned the round cloth cap which was stuffed into the waisband of her pants.
Her long, black curls were a bit of a problem when they refused to remain hidden beneath the wide khaki hat. Kailangan pa niyang ulit-ulitin ang pag-iikot at pagpupulupot para masanay na nakabalumbon.
Matagal na niyang gustong putulin ang mahabang buhok pero nanghihinayang naman siya. Onse anyos pa lamang yata siya nung umpisahan ang pagpapahaba sa mga hiblang itim.
Halos walong taon na pala ang edad ng mga ito. Hindi nakapagtatakang umabot na sa balakang niya ang haba.
She should have braided them first but her fingers were shaking with too much excitement. She was itching to start the adventure. Hindi pa niya napapagtanto kung gaano ka-delikado ang nais niyang gawin…
Nang distrongkahin ni Natalie ang kandado ng pinto at tumakbo patungo sa gawi ng bangin, hindi niya inisip ang mga panganib na naghihintay sa kanya.
Nagsimula lang siyang kabahan nung huminto makaraan ang mahigit isang oras ng maingat na paglalakad sa masukal na sahig ng kadawagan. Naupo siya sa isang malaking bato para kumain.
Ngunit hindi na nangangalahati ang sandwich ay nabitawan na niya.
Shock had turned her into a statue as she stared at the scaly reptile that was crawling nonchalantly by her feet. Walang anuman na gumagapang ang isang mahabang ahas sa malapit sa mga paa niya.
Nakakilos lang uli siya nang mawala na iyon sa paningin niya.
“Oh, God, a snake!” she whispered huskily, horrified and aghast. “I’m afraid of snake!” She almost screamed the admission.
Her body still shaking with shock, she started to walk again. Pikit-mata ang pagpapatuloy niya. Talagang desperada nang lumaya kaya hindi pinakinggan ang utos ng utak na umatras na at bumalik na lang sa kumbento.
She was extra-careful after the frightful incident. Tinititigan niyang maigi ang lahat ng bahagi na tatapakan ng paa bago siya humakbang. Ang nangyari, inabutan siya ng dilim nang halos di namamalayan.
Her eyes were getting strained when she noticed the arrival of nightfull. Hindi pa rin siya nakakaalis sa loob ng gubat.
Inaasahan niyang makakarating agad siya sa bahagi ng tubig-tabang na nakalatag sa paanan ng burol na kinaroroonan ng kumbento. Pero nawala siguro siya sa tamang direksiyon nang matakot sa ahas.
Ginamit niya ang penlight para makita ang dinaraanan. At ang paligid. Naghahanap na siya ng lugar na mapapagpahingahan ngayong gabi.
A small clearing in the midst of large sprawling tress surprised her. Ang akala niya ay wala ng katapusan ang kadawagan.
“Thank God!” bulalas niya. Her voice was husky with too much exertion. Ngayon lang niya napansin na hinihingal na pala siya.
Namulot siya ng tuyong sanga at dahon sa palibot. Nang makaipon ng isang maliit na tumpok, sisindihan na iyon agad. Sa tulong ng malabo at sumasayaw na liwanag, nangalap siya ng mas malalaking piraso ng mga kahoy.
That night was the longest and the coldest one for Natalie. The skies above was pitched black. The darkness around her was rustling. Walang hinto sa paggalaw ang karimlan sa paligid niya.
Kaya hindi rin siya nakapagpahinga. Ang kanyang puso ay hindi huminto sa pagsikdo at pagtalon. Palaging nagigitla. Palaging nagugulat.
Yapus-yapos niya nang mahigpit ang sarili. Nakabalot na ng manipis na kapote ang katawan para proteksiyon sa hamog pero nangangatal pa rin siya sa matinding lamig.
Balewala ang naglalagablab na siga sa kanyang harapan. Mas malaki ang sindak na nililikha ng mga di-nakikitang nilalang sa dilim.
Gayunpaman, nananatiling matigas ang pasiya niya na maglayas. At makaganti.
Talagang ininda ni Natalie ang mga pailalim na manipulasyon ng kanyang mga magulang. She was deeply hurt by their conspiracy againts her.
She must have dozed off while sitting and staring at the dancing tongues of flames because the next time she knew, it was already dawn.