Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

FORBIDDEN LOVE

Adrienne was married when Chase came into her small world. Her peaceful life was instantly blasted with a fiery attraction for the only man who made her heart beat faster.

Chase had never met any woman like the alluring but very innocent Adrienne. Unfortunately, she was wedlocked with a possessive, insecured, and impotent old man…

Tumatanaw sa malaking utang na loob si Adrienne nang magpakasal siya kay Don Mel. Kuntento siyang namumuhay sa piling ng masungit at selosong asawa nang biglang dumating si Chase.

Si Chase ay anak ng kapatid ni Don Mel. Isang binatang isinilang at lumaki sa ibang mundo — ibang-iba sa mundong kinalakhan ni Adrienne. At sa unang pagkakataon, hindi niya puwedeng makuha ang babaeng nagustuhan sa unang pagkakita pa lang.

Hanggang saan hahantong ang bawal na pag-ibig?

* * *

Sa isang munting isla sa gawing hilaga ng Luzon na malayo sa kabihasnan… Isang dalaga ang nakadapa sa isang malapad na batong makinis na nakalubog sa dagat.

Nakasubsob ang ulo nito, lubog ang mukha sa tubig.

Walang katinag-tinag si Adrienne.

She was not breathing…

“Audrie! Nasaan ka?”

Umalingawngaw ang paos na tinig ng isang lalaki sa mga batuhan na nakakalat sa dalampasigan.

Napapitlag si Adrienne nang makarating sa kinaroroonan ang naturang boses. Dali-dali siyang bumangon mula sa pagkakadapa.

Her nimble feet climbed at the rough face of the small rock mountain of the seaside with practiced ease.

“Nandito lang ako, Mel,” hiyaw niya nang nasa ituktok na ng mataas na tumpok ng mga bato. She smiled at the tall man below.

Nakatayo si Don Melino sa buhanginan. Nakahawak sa antigong tungkod habang nakatingala sa kanya.

At nakasimangot.

“Nandiyan ka na naman,” angil nito, kunot-noo. “Hindi ba’t binabawalan kitang magpunta diyan?”

Hindi ininda ni Adrienne ang pabugnot na pagsalubong ng lalaki. Nakangiti pa rin siya hanggang sa makarating sa ibaba.

Patakbo niyang nilapitan si Don Melino. Yumapos siya sa beywang nito at humalik sa isang humpak na pisngi.

“Nanonood lang ako ng mga isda,” paliwanag niya sa masiglang tono.

“May malaking aquarium sa bahay, Audrie. Marami ding isda,” pakli ni Don Melino.

“Mas masarap silang pagmasdan kung nasa natural na tirahan.” Umabrisiyete siya sa isang luyloy na braso. “Halika na. Baka mainitan ka nang husto dito.”

Unti-unting nabura ang pagkayamot sa mukha ni Don Melino. Bumuntong-hininga ito.

“Pasensiya ka na, Audrie. Nag-aalala lamang ako nang husto kapag nawawala ka sa paningin ko,” pag-amin nito.

Tumingala siya rito. Sumeryoso na din. “Ako ang dapat na humingi ng paumanhin, Mel,” bawi niya. “Pinairal ko na naman ang katigasan ng ulo ko.”

Gnarled, athritic fingers caressed the delicate shape of her head.

Pati ang matamis na hubog ng makinis na pisngi ay hinaplos din ng mga daliri.

“Napakabait mo, Audrie. Isa kang biyaya ng langit sa akin.” Ginawaran nito ng halik ang noo niya. “Natatakot akong mawala ka sa akin…”

“Oh, Mel! Hinding-hindi ako mawawala sa ‘yo!” bulalas ng dalaga.

“S-sana nga, Audrie,” sambit ng matandang lalaki. “Ngunit ika-labingwalong taong kaarawan mo na ngayon. Puwede mo nang gawin ang anumang nais mo. Hindi na kita kayang pigilan kung gusto mo nang umalis sa poder ko, Audrie.”

Huminto siya sa paglalakad. Hinarap niya ito. “Hindi ako aalis sa poder mo, Mel. Mahal na mahal kita!”

Napapikit si Don Melino. “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Audrie,” bulong nito.

Yumapos siya nang mahigpit na mahigpit sa payat na katawan ng matandang lalaki.

“Ikaw ang maysabing nasa hustong edad na ako, Mel,” salo niya. Puno ng emosyon ang mababang boses. “May sarili na akong pag-iisip. Alam ko na kung ano ang ibig ko. Ikaw ‘yon, Mel. Ikaw lang ang tanging lalaki na mamahalin ko!”

Niyakap na rin siya ni Don Melino. “Oh, Audrie, mahal na mahal din kita. Kaya lang, napakatanda ko na at — ”

“Hindi! Hindi ka matanda,” pakli ng dalaga. Tumunghay uli ito sa kanya. “Nagkasakit ka lang. Kaya ka nanghina. Kapag gumaling ka na nang magaling na magaling, magiging malakas ka na katulad nang dati.”

“I must be crazy for encouraging you, Audrie,” bulong nito habang hinahagkan ang kanyang noo. “Pero hindi ko na alam kung ano pa ang tama at ang mali.”

“Ikaw lang ang tanging pakakamahalin ko, Mel,” anas ni Adrienne. “Ikaw lang ang lalaking pinangarap kong makasama nang habangbuhay!”

Any man would be lost with that kind of fervor!

At si Don Melino Montelibano ay hindi sanay mabigo sa anumang bagay na ginugusto.

“A-ang ibig mong sabihin, papayag kang magpakasal sa akin, Audrie?”

“K-kasal?” bulalas ng dalaga. Namilog ang mga matang may malalantik na pilikmata. “G-gusto mo akong pakasalan?”

Tumango ang matandang lalaki. “Kung tatanggapin mo ang alok,” anito. “Nais kong matiyak na magiging akin ka na habangbuhay.”

“Oh, Mel! Maligayang-maligaya ako!” Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. “Maligayang-maligaya ako!” ulit pa niya.

“Payag ka? Magpapakasal tayo?”

“Oo, Mel!” Sa sobrang katuwaan, napatalon ang dalaga habang niyayapos nang mas mahigpit ang matanda.

“T-teka, Audrie. Matutumba tayo. Huwag kang masyadong malikot — ”

Ngunit nahuli na ang babala ni Don Melino.

“Matutumba na tayo, Audrie!”

“Ay!”

Tuluy-tuloy silang bumagsak sa buhanginan.

Nagkumahog sa pagtayo si Adrienne. “Mel? Mel, nasaktan ka ba?”

Umiling ang tinanong ngunit nakangiwi ito at umuungol.

“Ano’ng masakit?”

“W-wala. Parang nalinsad lang itong balakang ko. Sunduin mo si Teryo. Magpapatulong ako sa kanyang bumangon.”

“Ako na lang. Halika, tutulungan na kita,” alok ng dalaga.

“No! Sinabi kong tawagin mo si Teryo. Sundin mo na lang kung ano ang utos ko!” bulyaw ng matanda.

Kapag ganito na ang tono ni Don Melino, natatakot na si Adrienne. “S-sige — ” aniya, halos pahikbi.

“Dalian mo! At huwag ka nang sasama sa kanya pagpunta niya rito!” dugtong pa nito.

“P-pero — ”

“Audrie, sundin mo na lang ako,” pakli ng matandang nakahiga nang patihaya sa buhangin. Ibinaba nito ang tono pero paangil pa rin ang pagsasalita.

Saka lang naintindihan ni Adrienne na nagtatago ng nadaramang sakit ang kausap.

“Uhm, s-sige. Susunod na ako sa nais mo.”

Tumakbo siya nang mabilis patungo sa malaking bahay na yari sa bato.

Itinulak niya ang kalawanging tarangkahan sa likod at humangos papasok sa malawak na bakuran.

“Mang Teryo! Mang Teryo!” sigaw niya nang malapit na sa kusina.

Nandoon palagi ang lalaking katiwala dahil ang asawa nito ay ang kusinera naman.

Pupungas-pungas ang tinawag. Nagkasalubong sila sa pintuan.

“Bakit, Audrie? Ano’ng nangyari? Nasaan si Don Melino?”

“N-naiwan siya sa dalampasigan,” hingal ni Adrienne.

“Ha? Bakit naiwan siya doon?”

“Natumba kami at hindi na makabangong mag-isa,” paliwanag niya. “Nagpapasundo siya sa ‘yo, Mang Teryo.”

Nagkamot ng ulong nakakalbo ang katiwala. “Kundangan naman kasi, ka-tigas ng ulo. Hindi na dapat nagpupunta sa mga lugar na delikado, punta pa rin ng punta!” Nagbubusa ito dahil sa labis na pag-aalala.

“A-ako ang may kasalanan, Mang Teryo. Patawarin n’yo ako,” sambit ni Adrienne.

Yukung-yuko ang ulo ng dalaga. Larawan ng sariwang kabataan at likas na kainosentihan.

Bumuntonghininga si Mang Teryo. “Audrie, iha, bata ka pa. At malakas. Kaya mong magpunta sa kahit na saang lugar mo nais. Pero si Don Melino, matanda na. Dapat ay alam na niya ang mga limitasyon ng kanyang katawang masasakitin!”

Iiling-iling ito habang papalayo.

Naiwan si Adrienne na nakatigagal.

“Audrie, iha. Pumasok ka na rito. Halika, nagtimpla ako ng mainit na tsokolate, ‘yung paborito mo.”

Awtomatiko ang pagtalima ng dalaga.

Ilang taon na ba niyang naririnig ang pag-aalok ni Aling Maring ng mainit na tsokolate sa kanya?

Napamahal agad siya sa mga taong nandito sa pamamahay ni Don Melino Montelibano sa unang araw pa lang ng paninirahan niya rito.

Namatay sa panganganak sa kanya ang ina. Sinikap siyang palakihin ng ama ngunit naging malulungkutin na ito.

Siyam na taon siya nang maging ganap na ulila.

Kinupkop siya ni Aling Maring at Mang Teryo, ang mag-asawang katiwala na walang anak.

Nang makita siya ni Don Melino, inako nito ang responsibilidad sa kanya.

Inalagaan siya at pinalaki nang maayos ngunit kailanman ay hindi siya nito itinuring na anak.

‘Papa Melino’ ang itinuro nina Aling Maring na itatawag niya sa butihing don.

“‘Mel’ ang gusto kong itatawag mo sa akin,” kontra naman matanda.

“Kaibigan lang ako, Audrie. Hindi ko maaaring palitan ang iyong ama.” Iyon ang palaging sinasabi ni Don Melino.

Kaipala, mayroon itong ibang damdamin para sa kanya.

Na tinugon naman ng kanyang puso…

Their engagement was announced during dinner that night.

Kasalo nila ang mag-asawa sa espesyal na hapunan na inihanda para sa kaarawan ni Adrienne.

“May magandang balita kami sa inyo,” umpisa ni Don Melino. “Magpapakasal na kami ni Audrie sa isang linggo.”

Sabay na napanganga ang dalawa.

Halatang-halata ang matinding pagkabigla ng mga ito.

“A-ano po, Don Melino?”

“Magpapakasal kami ni Audrie,” ulit ng matandang don.

Hindi nito pansin ang reaksiyon ng mga kaharap. Ang mga mata nito ay nakatutok sa maamong mukha ni Adrienne.

Parang namumutla ang kulubot na balat nito ngunit hindi naman kasi ito palalabas ng bahay.

“Ipinangangako kong paliligayahin kita, Mel,” pangako niya habang nakatitig nang buong pagmamahal sa kasintahan.

“Susmaryosep!” bulong ni Aling Maring, sabay pag-a-antanda. “H-hindi ba nag-iisip ang matandang ito?”

“Maring, huminahon ka. Wala tayong karapatang magsalita. Alam na nila ang ginagawa nila,” saway naman ng asawa nito.

Si Adrienne lamang ang nakakarinig dito. Medyo mahina na ang pandinig ni Don Melino.

Luminga siya sa gawi ng mga ito at ngumiti ng pasasalamat sa lalaki.

“Batiin n’yo naman kami, Teryo, Maring,” utos ng matandang don.

Awtomatikong sumunod ang mag-asawa.

“M-maligayang bati po, Don Melino. Napaka-suwerte n’yo,” sambit ni Aling Maring.

Tumawa nang malakas ang don. “Tama ka, Maring. Suwerteng-suwerte ako kay Audrie!” sang-ayon nito. “Teryo, kumuha ka ng alak sa basement.”

Tumindig si Aling Maring nang lumabas ng kumedor ang asawa. “Uh, k-kukunin ko ang dessert,” pagdadahilan nito.

Naiwan silang dalawa.

Ngumiti sa kanya ang nobyo. “Halika dito, Audrie.”

Maliksing tumalima si Adrienne.

Her slim body was sheathed with a ruffled white silk dress. She looked — and felt — beautiful. Like a warm breeze during a summery day.

Pumulupot sa beywang niya ang mga bisig ni Don Melino. “Napakaganda mo, Audrie. Ang iyong mga mata, ang iyong mga labi…” anas nito. “Ibinabalik mo ang aking kabataan magmula nang dumating ka sa buhay ko.”

Adrienne shook as she stood before him. Her slender arms embraced him lovingly.

“Binigyan mo naman ako ng talino at magandang bukas, Mel,” ganting-bulong niya. “Kailanman, hindi ko mababayaran ang mga kabutihang ipinakita mo sa akin.”

Lumamlam ang mga matang malalalim.

“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng mga tao sa akin, Audrie,” wika ng matanda, kapagkuwan. “Disiotso ka lang at ako naman ay singkwenta y kuwatro. Triple ng edad mo ang edad ko. Posible ngang maging apo na lang kita,” dugtong pa nito.

Hinagod ng mga daliri ni Adrienne ang malalim na kunot sa pagitan ng mga kilay nito.

“Bakit mo sila iintindihin, Mel?” tanong niya. “Maibibigay ba nila ang kaligayahan mo?”

Natahimik ang matandang lalaki. Para bang may pinipigil na emosyon.

“I-ikaw, Audrie? Maibibigay ko ba ang kaligayahan mo?”

Ginawaran niya ng halik ang mataas na noo bago isiniksik ang mukha sa leeg.

“There’s no doubt about it, Mel. Ngayon pa lang, maligayang-maligaya na ako!” pahayag niya.

“Hindi mo ako iiwan kahit na kailan?”

“Hinding-hindi, mahal ko,” she vowed fervently.

Ngunit hindi lang isang linggo ang ipinaghintay ng kanilang kasal.

Nag-collapse si Don Melino. Kailangan itong ma-ospital.

Alalang-alala si Adrienne. Araw at gabi siyang nakabantay sa tabi ng matandang lalaki.

“Huwag kang mag-alala, Audrie. Mabubuhay pa raw ako ng matagal, sabi ng duktor.”

Gayon nga ang narinig niyang sinabi ng espesyalista.

“Alam ko,” wika naman niya sa masuyong tono. “Kaya lang, mas dapat na magpahinga ka muna. Hindi pa naman naka-set ang petsa ng kasal natin, hindi ba?”

Nagmatigas ang matanda. “Hindi. Gusto kong makasal na tayo. Baka maagaw ka pa ng iba sa akin.”

Humagikhik si Adrienne. “At paano naman mangyayari ‘yon? Nandito lang ako lagi sa tabi mo?”

“Hindi mo ba nakikita ang mga duktor na batam-bata at mga guwapo pa?”

“Hindi ako tumitingin sa kanila, Mel. Baka ikaw? Ang daming magagandang narses dito, ha?”

Ngumiti ang matanda, pero malungkot.

“Magaling na magaling ka na ba talaga?” paniniguro niya. Maputlang-maputla pa ito.

Tumango si Don Melino ngunit parang may itinatago.

“Ano ba ang naging sakit mo?”

Nagkibit ito ng mga balikat na lalong nahukot nang mamalagi sa ospital nang ilang araw.

“It was nothing. Katulad nga ng sinabi ng duktor ko, mabubuhay pa ako nang matagal.”

Hinagkan niya ito sa noo bilang pagpapakita ng kasiyahan.

“Natutuwa ako para sa ‘yo, Mel,” sambit niya, buong pagmamahal.

Nagulat siya nang maging maanghang ang tono at ang ngiti ng matandang don.

“E, ikaw, matuwa ka pa kaya kapag nabagot ka na sa piling ko?”

“Mel!” Napamaang siya. “A-ayaw mo na ba akong pakasalan?”

The old man readily shook his sparsely-haired head. “Hindi nagbabago ang isip ko, Audrie. Bata ka pa, ipinangako ko na sarili ko na magiging akin ka pagdating ng araw.”

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa sinabing iyon ng nobyo, ngunit masayang-masaya siya nang mga sandaling iyon.

Nakalimutan na niya ang pag-usisa sa naging karamdaman nito…

Isang linggo pa ang lumipas, nang matuloy ang simpleng kasal nina Don Melino Montelibano at Adrienne Jarque.

Ang tanging saksi ay sina Mang Teryo at Aling Maring. At ang abogadong inimbita ng matandang don.

May mga bisita sila ngunit pawang mga tauhan lamang sa mansiyon.

Walang inimbitahang taga-labas si Don Melino.

“Attorney, ibinibigay ko kay Audrie ang lahat ng mga ari-arian ko,” pahayag ng lalaking bagong kasal. Walang abug-abog.

Katatapos lang nilang kumain ng masarap na pananghalian. At kasalukuyang nagkakape sa verandah.

Nagdudumaling umalis ang paring nagkasal sa kanila sa hardin dahil mayroon pa itong bibinyagan sa kabilang bayan.

Nagulat si Adrienne sa narinig. “M-mel,” sabad niya. Nanlalaki ang mga mata niya. “H-hindi mo kailangang gawin ‘yan.”

Ginagap ng lalaking napangasawa ang kamay niyang nanlalamig.

“Hayaan mo lang ako, Audrie. Ibig kong tiyakin na nasa ayos ang bukas mo kahit na ano pang mangyari.”

“Oh, Mel! Iyan ba ang dapat sabihin sa mismong araw ng kasal natin?”

“Audrie, Audrie,” sambit ni Don Melino, sa tonong inaalo ang pagkabigla ni Adrienne. “Nais kong ipadama sa ‘yo ang kaligayahang nadarama ko ngayon. Hindi mo ba tatanggapin ang wedding gift ko para sa ‘yo?”

“P-pero — nakakabigla ka kasi. Sana man lang, napag-usapan muna natin ang tungkol dito.”

“Sinadya kong huwag banggitin sa ‘yo dahil alam kong tatanggi ka.”

Umubo ang abogadong nasa harapan nila. “Tama po si Aud – este — Donya Audrie, Don Melino. Isang importanteng hakbang ang nais n’yong gawin,” sabad nito nang tumingin sila dito. “Paano ang kapatid n’yong si Senyorita Rosa?”

Kumunot ang noo ng matandang don. Isang pahiwatig iyon na nauubos na ang pasensiya nito.

“Attorney Orrion, hihingin ko ang opinyon mo kung kailangan ko. Entiendes?”

“O-o-opo, pasensiya na po.”

Bumaling uli ang asawa sa kanya. “Hindi na mababago ang pasiya ko, Audrie. Ikaw na ang magmamana ng lahat ng mga ari-ariang nasa pangalan ko,” anito. “Isa pa, ‘yon man lang ay maitumbas ko sa pagmamahal na iniuukol mo sa akin.”

Adrienne paled considerably.

“Mel, pakiusap,” bawi niya. “Ipagpaliban na lang natin ang pag-uusap na ito. Ayaw kong mabahiran ng mantsa ang pagmamahal na nadarama ko para sa ‘yo.”

Nagtitigan silang dalawa.

Kapagkuwa’y bumuntong-hininga si Don Melino. “I’m sorry,” sambit nito. “Hindi kita gustong bigyan ng sama ng loob.”

Saglit na naghari ang katahimikan habang sabay-sabay silang sumimsim sa kani-kanilang tasa.

Tumikhim nang malakas ang abogado. “Nais ko nang magpaalam, Don Melino. Mayroon pa po akong pupuntahan.”

“Sandali lang, Attorney.”

Naudlot sa pagtindig ang pinigil.

“Audrie, pakikuha ang bote ng alak na ipinabalot ko kay Maring kagabi.”

Tumango si Adrienne. “‘Yon ba ‘yung nakapatong sa ibabaw ng chest drawer?”

“Oo, ‘yun nga.”

Ngumiti siya nang matipid sa abogado bago tumindig.

Sinundan ng dalawang lalaki ang paglakad niya.

Nang makalampas sa pintuang yari sa salamin, huminto si Adrienne.

Nais niyang marinig kung ano ang sasabihin ni Don Melino na ayaw iparinig sa kanya.

“Buweno, Attorney, ituloy mo lang kung ano ang nais kong mangyari sa huling testamento ko.”

“Paano si Donya Rosa?”

“Aah, punyeta siya! Ni hindi man lang nga ako maalalang sulatan ng babaeng ‘yon,” pakli nito. Matigas at malamig ang tinig. “Tumelegrama ako sa kanya pero wala akong natanggap na sagot. Lumipat na siguro sa ibang tirahan.”

“Baka naman abala po.”

“Wala akong pakialam kung abala siya o kung anupaman ang dahilan at hindi niya ako nasusulatan! Basta’t ang gusto ko ang sundin mo!” singhal ng aristokratikong don.

“Pero, Don Melino–”

“Pakinggan mo muna ako, Attorney! Ilagay mo sa subclause, mawawala sa kanya ang kayamanan kapag iniwan niya ako. Maliwanag?”

“Mas maganda po sigurong, huwag n’yo na lang ilipat sa kanya ang inyong kayamanan. Napakabata niya. Tiyak na lolokohin lang niya kayo pagdating ng araw,” panunulsol ng abogado sa kliyente.

“Zimbirguenza! Sabihin mo lang kung hindi mo alam ang paggawa ng ganyang papeles. Hahanap ako ng ibang abogado,” pananakot ni Don Melino.

Nataranta na naman ang pobreng abogado. “Naku, huwag po! Gagawin ko na ang mga papeles po!”

Malungkot na nagpatuloy sa paglayo si Adrienne.

Ang narinig niyang sinabi ni Don Melino tungkol sa ‘subclause’ ay labis na nagpasakit sa kanyang kalooban.

Hindi pala ito naniniwala nang lubos sa pagmamahal na iniuukol niya rito.

Ngunit pinilit niyang iwaksi ang paghihinampo. Araw ng kasal nila ngayon.

Na nakalimutan yata ni Don Melino…

Nang gabing iyon, naghintay siya sa pagdating nito sa kanyang kuwarto.

Buong magdamag iyon.

But she had waited in vain. Her new husband had neglected his new wife on their wedding night!

And many nights after…!

Makalipas ang anim na taon…

The situation between husband and wife was still the same.

They have separate rooms.

Adrienne didn’t feel married.

But she was very much wedlocked.

Nawalan siya ng kalayaan. Nawala rin ang karapatan niyang magdesisyon para sa sarili.

Mas naging malala ang pagiging insecured and demanding ni Don Melino.

Halos minu-minuto kung hanapin nito si Adrienne.

She tried to be the ideal housewife — pero paano niya magagawa ang gayon kung hindi pa niya nararanasan ang maging isang asawa?

“Senyora Audrie, nakahanda na po ang pananghalian.” Pinutol ng tinig ng katulong ang pagmumuni-muni niya sa gitna ng hardin.

Napa-buntong-hininga muna si Adrienne bago siya tumindig.

“Salamat, Desta,” aniya habang pilit na ngumingiti.

These days, her smiles were brittle and artificial.

Click here to READ MORE

Comments are closed.