His Secret Bride-10

Nagsisimula nang mahati ang kaloobang niya. Para bang pinaghaharian na ng kalituhan ang kanyang katinuan.

anggang sa wala na siyang mawawaang liwanag mula sa nagdidilim nang kamalayan. Tanging ang init na nakadadarang na lamang ang natitirang importante sa kanya. A, kaytagal na niyang kinasasabikan ang ganitong pakiramdam!

Napaungol siya nang dahan-dahang kumalas ang mga labi ni Jude mula sa nag-aapoy na paghihinang. Ang mga daliri niyang pasabunot na humihila sa buhok nito una ay pasapo nang pumipigil sa ulo nito para hindi agad makaangat palayo.

“Danica, later. We’ll continue this later,” anas ni Jude. Idinampi-dampi ang mamasa-masang bibig sa kanyang leeg at balikat, pababa sa paggapang ang basang apoy…

Napaliyad siya nang tahakin ng mapangahas na init ang mga dating landas na kabisado ng kaniig. “Jude…” Gusto niyang itanggi ang labis na pangangailangang nagpupumiglas sa kanyang kaibuturan. “Hindi dapat ito. Ayaw ko nito,” singhap niya.

Tumawa nang mahina si Jude. Mapanudyo. “Iba ang sinasabi ng katawan mo, Danica,” anas nito. “Akin ka pa rin.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – HIS SECRET BRIDE…? Click Here!]

Sinikap niyang labanan ang kahinaan ng sarili. Ibig niyang iwaksi ang kanyang pagkababae, dito nag-uugat ang kanyang panghihina. Ito ang nagiging kalaban niya, ang kanyang damdamin na pilit niyang iwinaglit noon. Akala niya naging lubos na ang pagkamuhi niya sa lalaking nagdulot sa kanya ng ibayong pasakit ng kalooban at ng kalusugan.

“No! Please, Jude…” Hindi na niya alam kung ano ang tinututulan niya. Lumuluwag na ang mga bisig na nagkukulong sa kanya. Unti-unti nang lumalayo ang bigat na nakasandal sa kanya kaya naging bihag siya ng malamig at matigas na dingding na bakal.

“Later, my sweet, I promise,” pangako nito.

Tila di napigil ang sarili na muli siyang kinuyumos ng halik sa kanyang mga labing bahagyang nakawang.

May kumatok sa pinto ng trailer.

“Boss, sunod na number ka na!” hiyaw ng pamilyar na boses ng barubal na crew.

“Cover yourself,” utos ni Jude sa kanya habang sinusuklay ng mga daliri ang mahabang buhok. Paigtad na lumayo ito sa kanya.

Saglit siyang hindi nakakilos o nakapag-isip agad. Sa isang iglap, nawala ang init na nakadaiti sa kanyang kabuuan na kaytagal na palang nangungulila nang lihim. Nang maunawaan niya ang sinabi ng lalaki, sumulyap siya sa kanyang harapan at agad siyang napabulalas.

Hindi niya namalayan na halos nahubaran na siya ng mapangahas na mga kamay ng kaniig. Naibaba ang zipper hanggang sa beywang niya ng hindi niya nararamdaman. Ang suot niyang sando na kulay itim ay nakaangat.

Nabiyayaan siya ng balingkinitang pangangatawan kaya kahit na anong dalas ng pagkain niya, hindi rumerehistro sa kanyang beywang at balakang. Matangkad siya kaysa sa karaniwang Pilipina. Mahahaba ang mga biyas, makitid ang kanyang balikat at balakang, at maliit ang kanyang hinaharap.

May ninuno daw siyang taga-Eupropa nung panahon ng mga kastila. Parang siya ang naging ‘throwback’. Mayroon ngang larawan na lumang-luma sa attic ng ancenstral house nila sa probinsiya. Kamukhang-kamukha niya, maliban sa ekspresyon na pormal at mayumi.

Hindi siya magkandatuto sa pag-aayos ng sarili. Sinuklay niya ang maikling buhok na alun-alon ang pagkakulot. Habang pinagagalitan niya ang kanyang katinuan na agad na napalis.

Anupa’t naging abala sila sa kani-kaniyang pag-aayos ng kabuuan. Para bang walang nangyaring makayanig-daigdig, kani-kanina lang, sa pagitan nilang dalawa.

“Danica,” pigil ni Jude nang bubuksan na niya ang pinto. “Sabay na tayong lumabas.”

Hindi makatanggi si Dani. Umaalon pa ang dinadaanan niya. Para siyang sumakay sa isang munting bangka na tinatangay ng malakas na unos sa gitna ng laot. Walang patutunguhan.

Magkasabay nga silang iniluwa ng makitid na pintuan. Nakamata sa kanila ang lalaking nagiging tinik na sa tagiliran ni Dani. May malisya ang pagsipat nito sa kanya habang sinusundan siya ng tingin. Luminga siya dito nang papaakyat na siya sa hagdan. Nakangisi ito habang nakatingin sa likuran niya.

Parang lumalaki ang ulo niya habang namumuo ang inis sa kanyang kalooban. Tinitigan niya nang masama ang lalaki, sabay irap nang matalim.

Sinalubong sila ng masigabong palakpakan, este si Jude Juarez lang pala. Tila punum-puno ng enerhiya ang lalaki sa buong gabi ng pagtatanghal nito. Panay ang sulyap kay Dani.

Kunwa’y hindi niya napapansin ang inaasal na ito ng lalaki. Nagpatuloy siya sa kanyang pagtatrabaho. Sumenyas ang batang lalaki na gusto nitong umakyat sa stage para makausap siya ngunit umiling siya nang paulit-ulit para maintindihan nito na hindi pa puwede. Ikinumpas niya ang mga kamay na ‘saka na’. Masunurin naman si Daniel. Kumaway ito bago umuwi, kasama ang mga barkadang kabataan at ang isang binatang kapitbahay nila sa subdibisyon.

Hi, miss,” anang pamilyar na boses sa gawing likuran niya.

Nagliligpit sila nina Lito at Bimbo ng mga kable at kordon. Dakong madaling-araw na, mga alas dos na siguro. Naikahon na nila ang mga kamera at naisalansan na sa trailer.

Alam na niya kung sino ang may-ari ng malisyosong tinig kaya hindi na siya nag-aksayang ng sulyap dito. Ang bastos na crew na naman. Nagpatuloy sila sa paghahakot ng mga materyales na isa-isang ikinakahon nang maayos. Bukas, pahinga muna sila. Mga dalawang araw na bakasyon matapos ang tatlong sunud-sunod na gabing pagpupuyat. Namamanhid na ang isipan at katawan niya sa labis na pagod.

“Dani, puwede bang umidlip muna tayo bago umuwi? Hilo na kami sa antok, e,” suhestiyon ni Lito. Kakamut-kamot ng ulo habang naghihikab.

Nag-isip muna si Dani. “Saan naman tayo matutulog? Puno na ang loob ng trailer,” tanong niya. Hindi na rin mapigilan ang paghihikab.

“Kahit sa stage na lang kami siguro,” tugon ni Bimbo. “Ikaw dito ka na lang sa loob. Mamaluktot ka na lang sa tabi ng manibela.”

“Okay,” tugon niya. Napapakusut-kusot na sa mga matang nanlalabo. Binantayan siya ng dalawang kasama habang papaakyat siya sa unahan ng truck. Si Lito ang nagsara ng pintuang nasa tapat ng pasahero. “Dito ko na isususi,” wika niya. Isinusuot ang jacket na maong.

Naulinigan niyang nagpapaalam ang mga ito sa labas. Ginawa niyang unan ang carry-all-bag na lagi niyang dala. Kahihiga pa lang niya nang may magsimulang mambato sa gilid at bubungan ng sasakyan.

HIS SECRET BRIDE-11

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age