His Sweet Innocent-10

Ngayon, tinrato na siya kaagad na marumi.

“Uhm, m-maupo kayo, sir.” Inialok niya ang nag-iisang plastik stool.

Inignora ng lalaki ang upuan. Muling pumulupot ang mga daliring mahahaba sa malambot na bahagi ng braso niya.

Maingat pero mapilit na iniharap siya upang makita ang kanyang mukha.

“Nilalait ka nila ngayon dahil sa akin,” sambit nito. Tiyak ang tono. Hindi nagtatanong.

Gayunpaman, tumango pa rin siya. “T-talagang gano’n lang naman sila, sir. Masasanay rin ako.”

“Titiisin mo sila?”

Nagkibit siya ng isang balikat. “Tatlong taon na akong nakatira dito, sir. Hindi naman sila nananakit.”

“Hindi ba nasasaktan ang kalooban mo?”

Bumuntonghininga si Lorena. Pinaluluwag ang nagsisikip na kalooban.

[Want to read the Start of Stories Online titled – HIS SWEET INNOCENT…? Click Here!]

“Dito ang tirahan ko, sir,” ulit niya.

“Lorena, Lorena,” sambit ni Andro kapagkuwan. “Talaga bang hindi mo alam kung ano ang tinutumbok ko?”

Bumuka ng bibig niya pero tumikom rin agad nang haplusin ng isang hintuturo ang kurba ng pisngi niya. Nanlaki ang mga mata niyang bilugan.

Ang pader na tinangka uli niyang ilagay sa kanilang pagitan ay agad na gumuho at naglaho.

Ayaw niyang managinip pero…

“Pinagbintangan ka ng isang bagay na hindi mo ginawa. Hinatulan ng walang paglilitis,” sambit ng lalaki. “Bakit magtitiis ka pa sa lugar na ito?”

Napakurap si Lorena.

“Wala na siguro akong makikitang kuwarto na sing-mura nito, sir,” rason niya.

Pumikit sandali si Andro. Para bang naghanap muna ng kontrol. Bahagyang dumiin ang pagkakahawak nito sa braso niya.

“I don’t believe that you’re dumb, woman. And coyness doesn’t suit you,” sambit nito. Pigil ang tono.

“Naghihintay ang townhouse sa ‘yo, Lorena. Doon ka na umuwi.”

Muli siyang napakurap. Ilang ulit habang nakatitig sa mukha ng lalaki.

Hindi siya makapaniwalang tutoo ang narinig niya. Na tama ang naintindihan niya.

Masyadong kaswal ang pagkakasambit nito sa mga salita.

“A-ano’ng ibig n’yong sabihin, sir?” tanong niya, halos pabulong. Halos hindi siya humihinga.

“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Lorena,” anas ng lalaki.

Ang bilugang hubog naman ng ibabang labi niya ang hinaplos ng hintuturo.

“Gusto na kitang iuwi,” dagdag pa.

Napasinghap si Lorena. Umatras siya upang ilayo ang bibig sa paparating na halik.

Ngunit sinundan siya agad. At ang isang matipunong bisig ay nakakawit na sa beywang niya.

“I-iniinsulto n’yo ako, sir,” bulalas niya. Paos ang tinig.

Kumibot ang isang makapal na kilay. “I’m paying you a compliment, Lorena,” bawi nito. “Pinipili ko ang mga babaeng gusto kong iuwi.”

Ipinilig niya ng ulo bago ibinaling nang husto. Napapitlag siya nang dumapo ang nakakapasong init ng hininga nito sa pisngi at teynga niya, bago dumampi ang nagbabagang bibig sa sensitibong leeg.

Agad na nanginig ang kanyang katawan. Nanlambot. Nawalan ng lakas.

Para bang inilipad sa hangin.

“H-hindi ako katulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo, sir,” wika niya.

Isip na lang niya ang nanlalaban. Kailangan niyang magmatigas para may matirang respeto sa sarili niya.

“I-iba na lang ang alukin ninyo.”

“Tama ka, Lorena,” sang-ayon ni Andro.

Masuyong pinipisil ng mga daliri ang magkabilang pisngi niya upang ibaling pabalik ang kanyang mukha.

“Hindi ka nga katulad ng mga babaeng nakikilala ko. Kaya siguro nakuha mo agad ang pansin ko.”

Nangapos ang hininga ni Lorena nang magtama ang mga mata nila. Naramdaman niya ang masidhing pagnanasa ni Andro na maangkin siya.

Bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib. Magkahalong pangamba at pagkasabik ang dahilan. Gusto niyang mapahiya ngunit tila naging alipin na rin pati ang kanyang katwiran.

“O-ordinaryo lang ako, sir. Hindi ka masisiyahan sa akin — ”

“On the contrary,” pakli ni Andro.

Hinagod ng dulo ng dila nito ang gitna ng labi niya, ang mapuputing ngipin niya.

“You excite me, Lorena. And you puzzle me. Bakit umalis ka pa sa townhouse kagabi?”

Naghagilap siya ng tugon sa loob ng naguguluhang isipan.

“M-may trabaho ako — ”

Muli, hindi na naman siya nito pinatapos.

“Ako ang boss mo. You’ll be excused.”

“H-hindi ako doon nakatira,” giit niya. “A-at wala tayong — kuneksyon.”

‘Relasyon’ sana ang sasabihin niya pero nag-alangan.

“Meron na ngayon,” bulong ni Andro. Nakakakiliti ang pagkapaos ng malalim na tinig.

Nakakaliyo ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Parang tinatangay ng uliuli ang wisyo niya.

Bakit wala siyang magawa? Dapat ay nagpupumiglas siya, hindi nagpapaubaya.

Ginagamitan ba siya ng ibang klaseng kapangyarihan ni Andro Pedrigal?

“Sumama ka sa akin, Lorena,” anas ng mapanggayumang tinig. “Maipapagamot mo na ang iyong Inay.”

Napatigagal si Lorena sa narinig.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang humulas ang kalasingan na idinulot ng unang halik.

“A-ano’ng sinabi mo?”

“P-paano mo nalaman ang tungkol sa Inay ko?” tanong ni Lorena.

Nakatutok ang mga mata niya sa lalaki. Naghanap pa ng kasagutan gayong nahuhulaan na niya.

Pinawalan siya ni Andro nang itulak niya ang malapad nitong dibdib.

Isinuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot na tailored slacks.

Nang sundan niya ng paningin ang galaw, saka pa lang niya napagtantong naka-casual attire ito. Tila wala ngang balak na pumasok sa opisina.

“Binasa ko ang sulat ng kapatid mo,” paliwanag ni Andro. “Alam kong mali ang ginawa ko, but I’m not sorry.”

“P-pero, bakit — ?”

Hindi niya maubos-maisip na ang isang lalaking katulad ni Andro Pedrigal ay mag-aaksaya ng oras sa pagbabasa ng sulat ng isang dalagitang taga-probinsiya.

Kumpara sa milyun-milyong piso at dolyar na kailangan upang mapatakbo ang isang higanteng kumpanya ng makabagong teknolohiya, alikabok lamang ang problema nilang mag-ina.

Alikabok, nga subalit umagaw ng atensyon ni Andro Pedrigal!

Binawi niya kaagad ang direksiyong tinutugpa ng utak niya.

Nag-aalok ng tulong ang lalaking ito. At hindi niya puwedeng ignorahin kahit na may hinihinging kapalit.

Ano ba naman ang dangal at puri sa panahon ngayon?

Nang tumuntong siya sa konkretong sahig ng Maynila, nakataya na sa sugal ng kapalaran ang mga iyon.

Sa dami ng mga naglipanang masasamang-loob, nagtataka pa siya kung paano siya nanatiling ligtas.

Taliwas sa paniniwala niya ang iniaalok ni Andro Pedrigal pero kailangan niyang sunggaban ng dalawang kamay — kung ayaw niyang mawala uli ang oportunidad.

HIS SWEET INNOCENT-11

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age