His Sweet Innocent-15

Iginiya niya si Lorena pagpasok sa townhouse.

“Dito ka na titira magmula ngayon,” pahayag niya. “Magustuhan mo kaya dito?” Dinala niya ito sa salas, sa kumedor, sa kusina, at sa laundry room.

“Well?” untag niya nang manatiling tahimik ang dalaga.

“M-maganda naman ang lugar na ito,” sagot nito. “Maayos at malinis. Malayung-malayo sa pinagmulan ko.”

Aywan kung ano ang nasa banayad na tono pero mayroong hindi nagustuhan si Andro.

Marahil ay nabakas na naman niya ang pagkaawa ni Lorena sa sarili.

“Nakita mo na ba ang mga kuwarto sa itaas?”

Umiling ito. “Iyung isa lang.”

“Dalawang bedroom at isang bathroom. Siyanga pala, ang silid ni Miding ay kalapit ng laundry room.”

Tumango lang ang dalaga. Tila nakakaramdam na din ito ng tensiyon na katulad ng nagaganap sa sarili niya.

[Want to read the Start of Stories Online titled – HIS SWEET INNOCENT…? Click Here!]

“Iiwan muna kita para makapagpahinga ka,” paalam niya matapos silang pumasok sa loob ng isa sa mga kuwarto. Iyon din ang ginamit niya kagabi.

“May malinis na robe at towel sa bathroom. Puwede kang mag-shower habang wala ako,” suhestiyon niya.

“Er, o-oo,” tugon ni Lorena.

Kahit na pautal, halatang naiintindihan ni Andro ang ibig sabihin ng dalaga.

Pinilit niyang lunukin ang pagkasabik na gusto nang mag-umalpas.

“Good. Babalik ako agad,” pangako niya bago lumabas sa pinto.

Niyapos ni Lorena ang sarili nang mapag-isa na. Pamilyar na sa kanya ang paligid ng silid dahil nanggaling na siya rito.

Hanggang kailan kaya siya magtatagal dito? tanong ng isip niya.

Nanginig siya na parang gininaw. Hindi na niya kailangang itanong iyon.

Sa sandaling matuklasan ni Andro ang pagiging ignorante niya sa larangan ng sex, tiyak na kakalasan siya nito ora mismo.

Paalisin agad siya, para makahanap ng ipapalit sa kanya na magaling at marunong magbigay ng kasiyahan sa lalaki.

A, paano ba niya mapapaligaya si Andro?

Nag-apoy ang mga pisngi ni Lorena. Sinapo ng mga palad na nanlalamig habang nagpapalakad-lakad. Naghahanap siya ng inspirasyon.

Nahagip ng mga mata niya ang wine cabinet. Doon siya dinala ng mga paa. Halos wala sa sarili, nagsalin ng alak sa isang basong kristal.

Pikit-mata, tumungga siya.

Napaluha siya nang masamid sa huling lagok. Nagdumali siyang nagtungo sa banyo. Hanggang doon ay umuubo siya.

Masakit na masakit ang kanyang lalamunan pero malakas na ang kanyang loob. Tiningnan pa nga niya ang repleksiyon habang naghuhubad.

Sa unang pagkakataon, nakita at napagmasdan ni Lorena ang buong katawan sa salamin.

Bumaling siya sa kaliwa at sa kanan.

Sinipat niya ng tingin ang balingkinitang beywang, ang bilugang balakang, ang mahahabang binti at hita na may magandang hubog, at ang kanyang dibdib. Biniyayaan siya ng morena at makinis na balat.

Tumayo siya ng tuwid. Lumiyad nang bahagya itinaas ang baba. Tinitigan ang mga bilog na kalambutan ng dibdib. Pantay. Malusog pero katamtaman.

Sinakop ng mga palad niya ang kambal na korona. Wala sa loob na hinaplos ang mga bubot na korona ng sensuwalismo.

Naging sunud-sunod ang pagtibok ng pulso niya. Naging paragasa ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mga ugat.

Iaalay niya sa isang lalaki ang kanyang katawan.

‘Alam kaya ni Andro na pati ang kanyang kinabukasan ay kalakip rin?’ muli ay tanong niya sa sarili.

Pagkatapos ng umaalimpuyong kabanatang ito sa buhay niya, alam ni Lorena na hindi na siya magkakainteres sa ibang lalaki.

Kinagat niya ang ibabang labi at pasinghap na huminga ng malalim, bago nagtungo sa ilalim ng shower spout.

Habang marahang umiikot sa ilalim ng pinong bugso ng maligamgam na tubig, sinasabon niya ang sarili. Hinayaan niyang mabasa ang mahabang buhok kahit gabi na.

Tiyak na mapupuyat siya. Matutuyo iyon bago siya makatulog.

Humalimuyak ang amoy ng mamahaling shampoo nang gamitin niya. Hanggang sa matapos siyang maglinis ng bibig at mga ngipin, nakahalo pa rin sa hangin ang bango ng sari-saring bulaklak.

Sinundan siya sa paglabas sa kuwarto.

Napapatda siya nang mamataan si Andro. Katulad rin niya, bagong ligo rin ito. Nakasuklay na ang maikling buhok pero basa-basa pa rin. Nakasuot rin ng roba. Bagong ahit na naman.

“Hi,” bati nito. Pa-kaswal pero hindi ang paraan ng paghagod ng titig sa kabuuan niya.

“K-kanina ka pa — ?” ang pautal na tanong niya.
“Medyo.” Dinampot nito ang dalawang kopita ng alak na naghihintay sa ibabaw ng wine cabinet.

“Here’s something to relax you.” Iniabot nito ang isa sa kanya matapos humakbang palapit sa kinatatayuan niya.

Dalawang kamay niyang tinanggap iyon. Agad na sinimsim matapos gayahin ang ginawang pagsamyo ng lalaki.

“Inutusan ko si Miding na kunin ang mga gamit mo sa dati mong tirahan,” pahayag ni Andro. “Bukas na siya babalik dito.”

Muling lumagok ng matamis at matalas na likido si Lorena. Hindi siya makatingin ng tuwid sa kaharap.

“Nahihiya ka pa ba?” Inalis nito ang tuwalyang nakabalot sa ulo niya. “Natatakot?”

Tumango siya. Panakaw sa sumulyap sa nagtanong.

“Don’t be.” Masuyong kinuha nito ang kopita mula sa mga daliri niya.

“I won’t hurt you, Lorena,” anas nito habang hinihila siya nang marahan patungo sa kama.

Bahagya na lang rumehistro ang mga sinabi ni Andro. Halos bingi na siya sa anumang bagay, dahil sa sobrang lakas ng kaba niya.

Higit sa lahat ang iniiwasan niyang marinig ay ang mga bulong ng kanyang kunsensiya.

“A-andro…” Kusang sinambit ng mga labi niya ang pangalan ng lalaki.

Nakalakip sa isang katagang iyona ng itinatagong damdamin. Ang pamumungay ng kanyang mga mata ay isang malinaw na imbitasyon.

“Oh, Lorena,” ganting-sambit ni Andro habang binibihag siya ng matitigas na bisig.

Mistulang isang pantastikong panaginip ang mga sumunod na tagpo.

Animo isang babasaging kristal si Lorena kung hipuin at haplusin ni Andro.

Maingat. Magaan. Masuyo.

Ngunit nakadadarang pa din. Marahang tinutupok ang mga inhibisyon. Habang unti-unting naglaho ang kani-kanilang kasuotan.

Nang lumatag ang kanilang mga katawan sa malambot na kama, kapwa na sila walang saplot na anuman.

“You’re beautiful,” papuri ng baritonong tinig.

Tigib sa paghanga habang hinahagod ng mga mata at mga daliri ang mala-kremang kutis ng kanyang pisngi, leeg, balikat…

Napaliyad siya nang dumako na sa malambot na dibdib at sa namumurok na korona.

Umungol siya ng mahina habang nakapikit nang bahagyang pisilin ang mala-rosas na ituktok.

HIS SWEET INNOCENT-16

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age