Have you ever loved someone from afar? Do you believe in giving all of yourself to the one you love? Can a ravaged heart learn how to fall in love all over again?
Paano ba natuturuang umibig uli ang isang pusong labis na nasugatan? Paano ba napapawi ang sakit sa puso na idinulot ng malupit na pag-ibig?
Naging sinikal si Marcus dahil sa pagtataksil ng asawa — na pinsan ni Candice⦠Kaya wala talaga ni katiting na pag-asang mapalapit siya sa nag-iisang lalaking minahal niya.
Ngunit nang mailigtas ni Candice ang buhay ng anak ni Marcus, nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Dapat ba siyang maging maligaya kahit isang pagtanaw lang ng utang na loob ang atensiyon ni Marcus sa kanya?
* * *
Everything had happened in lightning-speed. But Candice’s reflexes had been as fast.
Parang nanonood ng pelikula, kitang-kita niya ang mga pangyayari — at mga mangyayari sana — kundi siya naging maagap.
Nakita niya ang sasakyan mabilis na paparating, animo lasing na paekis-ekis ang takbo. Lahat ng tao ay nagpulasan ng takbo palayo sa kalsada, maliban sa isang batang babae na walang kamalay-malay at tahimik na natutulog sa kanyang kulay rosas na stoller sa tabi ng daan.
“Oh, my God!” bulalas ni Candice, sa nasaksihan, sabay talon patungo sa direksiyon ng baby cart. Sinunggaban niya ang pink rubberized handles at buong puwersang itinulak palayo sa sasakyang nawalan ng kontrol.
Sa kasamaang-palad, siya ang nahagip ng nguso ng kotse. Ni hindi siya nakadaing sa sobrang sakit na pumulandit sa buong katawan dahil dagling nagdilim ang paningin. Ngunit naramdaman pa niyang lumutang siya sa hangin bago tuluyang pumanaw ang ulirat. Hindi na niya alam kung paano siya bumagsak sa matigas na semento.
Pero natatandaan niyang gusto niyang tumawa kahit mapakla. ‘Heto na naman ako, ospital!’ she told herself wryly.
MARCUS was astonished when he saw the woman in the hospital bed.
Nagulat talaga siya nang makita si Candice Sarmiento. Hindi ang babaeng ito ang inaasahan niyang makita nang hanapin niya ang tagapagligtas ng kanyang anak.
Bitterness welled inside his gut at once, as ugly memories from the past reared out unexpectedly. Bumukal agad ang pagkadisgusto sa kanyang kalooban, matapos sumulak ang mga pangit na gunita sa loob ng kanyang isipan. Hindi niya inaasahang biglang magsisilutangan ang masasamang alaala ng nakaraan.
Si Candice Sarmiento ay isang pangunahing saksi sa isang masakit na kabanata ng buhay niya. Ito ay isang malayong kamag-anak at alalay ng dating asawa niyang si Carlota Sarmiento, na hanggang ngayon ay isang sikat na artista at mang-aawit.
‘Bakit ang babaeng ito pa?’ bulalas niya sa sarili.
Ngunit sa halip na tumalikod at mabilis na lumayo, nanatili lang siyang nakapako sa kinatatayuan. Nagkaroon ng sariling isip ang kanyang mga mata. Minasdan pa ang babaeng dapat din niyang iwasan upang huwag nang masaktan.
Her right shoulder and upper arm were swathed with thick gauze. Her left leg was likewise padded very thickly and looked awkward and helpless while hanged by a wide padded belt.
Her face and her lips were very pale. There was a lividly dark bruise on the right jaw, marring the creamy skin.
Laban sa kalooban ni Marcus ang pagbangon ng simpatiya. Ayaw niyang maawa sa babaeng ito. Ang tanging obligasyon niya ay magpasalamat sa pagkakaligtas nito sa buhay ng anak niya. Bilang pagbabayad ng utang na loob, mag-iiwan siya ng isang tseke na may malaking halaga…
Napapatda si Marcus nang mapagtantong nilagyan niya ng halaga ang buhay ng kanyang anak. Ng tangi at kaisa-isang mahalagang bagay sa buhay niya!
His daughter was the most precious and priceless part of his life. Paano niya malalagyan ng presyo ang pagkakaligtas ni Candice Sarmiento sa tanging kaligayahan ng hungkag na buhay niya?
Whether he liked it or not, he was binded to this woman unconditionally. Hindi niya maaaring ipagwalambahala ang napakalaking sakripisyong ginawa nito para lang mailigtas ang bata. Isinugal nito ang sariling buhay.
With a slight wince, he recalled the description of the freak accident from a police officer.
Ayon sa isang pulis trapiko, ang aksidente ay naging sanhi ng isang kotse na nawalan ng preno. Bagito pa ang drayber kaya hindi alam ang gagawin. Nagmistulang ahas na lasing sa kalsada. Hindi raw napuna ang baby pram kaya hindi iniwasan. Salamat sa isang babaeng buo ang loob, mabilis na naitulak palayo ang pram.
The ending of the heroic story was inside the hospital. Bumagsak sa ospital ang babaeng magiting.
Maya-maya’y namalayan na lang niyang minamasdan na naman uli ang babae. Hindi na ang mga pinsala, kundi ang mga katangiang ngayon lang niya napuna kahit magkakilala na sila nang maraming taon…
Her brow winged delicately. Her cheekbones high and gently hollowed. Her lips absolutely kissable.
Palibhasa palagi lang sa background at mistulang anino lang ng isang plamboyanteng diyosang katulad ni Carlota, bihirang matapunan ng pansin si Candice.
Napapiksi si Marcus. Hindi talaga matanggap ng naturalesa niya ang utang na loob kay Candice Sarmiento. Gayundin ang paghanga sa nadiskubreng kariktan nito.
Minabuti niyang lumabas na muna siya. Magkape habang nag-iipon ng sapat na kalma para sa muling pakikipagharap kay Candice.
‘And how was that for a cowardly reaction?’ pang-uuyam niya sa sarili.
Kahit na! Ayaw na niyang masaktan uli. Si Marcus Valiente ay sumumpa nang hindi na susuko uli sa kahinaan ng emosyon. Minsan na siyang nagpaloko at nagpa-alipin sa isang babae. Iyon na ang una’t huli!
His jaw a hard line, his steps were purposeful as he went out of the hospital room. He went to the canteen and drank an unwanted cup of coffee. It was as hot and as bitter as the hatred inside his ice-cold heart.
Tumawag siya sa bahay gamit ang celfone. “Manang Lupe? Kumusta si Grace?” Kinumusta niya ang anak na dalawang taong gulang.
“Ayos naman po, sir. Natutulog na po siya.”
“Mabuti.”
“N-nakausap n’yo na po ba ang babaeng nagligtas kay Grace?” usisa ng may edad na babae.
“Hindi pa,” he replied with some reluctance. “Hindi pa siya natatauhan,” dugtong niya.
“K-kundi po n’yo mamasamain, sir, parang pamilyar po siya sa akin,” pahayag ng kausap sa kabilang linya.
Hindi na nagulat sa narinig si Marcus. Matagal nang katiwala ng Pamilya Valiente si Manang Lupe. Kilalang-kilala nito si Carlota Sarmiento, ang dating asawa at ina ng kaisa-isang anak.
But he refrained from explaining. Wala nang punto para malaman ni Manang Lupe na kadugo nga ni Grace ang naging tagapagligtas.
Lukso kaya ng dugo kaya naging maliksi sa pagliligtas si Candice?
‘What a crazy thought!’
“Buweno, maya-maya lang ay uuwi na ako. Bahala ka na muna sa anak ko, Manang Lupe.”
“Okey, sir. ‘Wag kayong mag-alala. Hindi ko iiwan kahit sandali ang bata.”
Isa pang alalahanin ang pagkawala ng tagapag-alaga ng bata. He had fired the negligent nanny straightaway. Matapos malaman ni Marcus na binitawan ng katulong na dalaga ang pram habang nagwi-windowshopping, pinaalis na agad niya ito.
“Siyanga pala, tumawag na ba kayo sa agency?”
“Areglado na, sir. Kaya lang, wala pa raw silang maibibigay sa ngayon. Baka next week daw.”
“O, siya, magli-leave na muna ako sa opisina.” Daglian siyang nagdesisyon.
“Naku, sir, hindi na kailangan. Kayang-kaya ko pa naman ang pag-aalaga kay Grace.”
“P’ano kung sumumpong uli ang rayuma n’yo?” bawi niya. “P’wede akong magtrabaho sa bahay, Manang. Hindi babagsak ang kumpanya kahit na wala ako doon.”
“Kuu, ‘kakahiya naman sa inyo, sir. Ano kaya kung magpalagay na rin ako ng pa-anunsiyo sa diyaryo?” suhestiyon nito. “Inamin sa akin ni Mrs. Santos na medyo mahirap humanap ng mapapagkatiwalaang nanny sa panahon ngayon.”
Hindi na ibang tao ang turing ni Marcus sa may edad na babaeng tumandang dalaga na sa paglilingkod sa pamilya niya, kaya lubos ang kanyang pagsang-ayon.
“Gawin n’yo ang inaakala n’yong makakabuti, Manang Lupe.”
“Salamat sa pagtitiwala, sir. Tatawag na ako agad sa mga diyaryo.”
“Okey, tatawag na lang ako uli mamaya.”
“Babay, sir.”
“Bye, Manang.” Ibinulsa niya ang celfone at dinampot ang babasaging tasa.
He took the last gulp of the repugnant coffee. Kinailangan niyang mag-imbak ng pait upang manatili ang antagonismo. He did not want to feel any sympathy toward the heroine-of-the-day!
Halos pikit-mata, nagbalik si Marcus sa kuwartong kinaroroonan ng isang saksi sa bangungot niya.
Isang nars ang dinatnan niyang nakatayo sa tabi ng hospital bed.
Ngunit ang umagaw ng kanyang pansin ay ang pasyente mismo. Gising na ito. At walang kurap na nakatitig sa kanya. Para bang hindi makapaniwalang nakikita siya.
Candice Sarmiento was as aghast at seeing him as he was to her. Parang nakakita ng isang nakakatakot na multo.
Good. Magiging madali na ang pamamaalam niya sa babaeng ito na may matibay na kuneksiyon sa kanyang madilim na nakaraan.
He gave her a thoroughly cold stare. Hindi niya ikinubli ang malamig na galit sa diretsong pagtitig niya sa babae.
Bumadha muna ang humiliyasyon sa maamong mukha bago naikubli ng blangkong maskara. Naunang umiwas ng tingin ang babae. Ibinaling ni Candice ang mga mata sa nars na walang kamalay-malay sa namumuong tensiyon.
“Kailan ako puwedeng lumabas, miss?”
Aywan kung bakit interesado pa, matamang nakinig sa kasagutan si Marcus.
“Matatagalan ka pa dito, ma’am. Hindi maganda ang x-ray results sa hip bone mo. Gayundin sa balikat at braso mo.”
Still very much conscious of his presence, Candice tried hard to hide her dismay and frustration. “One week lang siguro, puwede na akong makalabas dito?” she suggested hopefully.
“Hindi lang natin alam, ma’am. Ang mga doktor mo lang ang nakakaalam.”
Tumikhim si Marcus para ipaalam sa nars ang pagdating niya.
“Ay, and’yan na pala kayo, sir! Kagigising lang ng pasyente natin,” ang masiglang wika nito kahit medyo nataranta.
“Siya si Mr. Marcus Valiente, ma’am, ang daddy ng batang iniligtas n’yo. Siya rin ang kilalang airline tycoon, ma’am!” Puno ng pagmamalaki ang tono nito habang ipinakikilala siya.
Marcus ignored the idolization. Ikiniling niya nang bahagya ang ulo sa gawi nito bago itinutok ang buong atensiyon sa pasyente.
It seemed impossible, but she got paler. Tila lalo pang namutla ang maamong mukha at mga labi.
He killed the compassion instantly. Hindi siya dapat maawa sa kalaban. O sa kakampi ng naging kalaban.
“Kumusta?”
Hindi sumagot ang tinanong. Ibinaling uli ang tingin sa nars.
“P-paalisin mo siya, miss,” she requested in a weak and husky voice.
Marcus was stupefied. Hindi ganoon ang inaasahan niyang magiging reaksiyon ni Candice Sarmiento. Alam nitong may malaking utang na loob siya na handa niyang pagbayaran ng kahit na magkano…
“E, ma’am, parang kabastusan naman siguro ‘yon. Kausapin n’yo naman siya kahit sandali lang.” Nakiusap ang nars matapos ang sandaling pag-aalangan. Hindi makapaniwalang ayaw humarap ng pasyenteng si Candice ang simpatikong bisita.
“A-ayoko! Paalisin mo siya, please!” Pumikit ang babae at may gumiting ilang butil ng luha sa pagitan ng mga pilikmata.
“P-pakiusap, miss! Ayokong makipag-usap sa kanya!” Bumaon ang maiikling kuko sa kumot. Nabalisa nang husto.
“Naku, e, sir, mabibinat po ang pasyente. P’wede pong lumabas muna kayo?” Nang makitang umiiyak na ang pasyente, si Marcus na ang pinakiusapan ng nars. Tila saka pa lang naramdaman ang tensiyon sa paligid.
“Gusto ko lang magpasalamat sa kanya,” he insisted. “Wala akong balak na makipag-usap sa kanya nang matagal.”
“T-tinatanggap ko na ang pasalamat,” sabad ni Candice. Pagaw at nanghihina ang boses. “W-walang anuman ‘yon…” Hindi na ito dumilat uli. Hindi na rin tuminag.
“Ano’ng nangyari sa kanya?” tanong ni Marcus, makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.
“Nakatulog uli siya, sir.” Pinulsuhan uli ng nars ang pasyente. Kinuhanan uli ng blood pressure at body temperature. “Side effect pa rin ng anaesthesia.”
Bumuntonghininga si Marcus. “Gaano katagal bago siya magkamalay uli?”
“Hindi natin alam, sir. Ang mabuti pa’y bumalik na lang kayo bukas.” Her tone was a shade less friendly. Hindi nito nagustuhan ang ipinakitang takot ng pasyente sa kanya.
With some effort, he disregarded the slight hostility. Nagkunwari siyang walang anuman ang pagtabang ng pakitungo ng nars habang pakaswal na gumagawa ng tseke.
“Baka wala na akong panahon para bumalik bukas. As I’ve already thanked her. Iiwan ko na lang ito sa kanya. Kaunting financial assistance lang para sa malaking hospital bill na naghihintay sa paggaling niya.” Iniabot niya sa napatigagal na nars ang malutong na kapirasong papel.
“Please, give this to Miss Candice Sarmiento.”
“Y-yes, sir.”
“Thank you. Goodbye.” Walang lingon-likod na lumakad palayo si Marcus.
‘Thank you and goodbye.’ Ganito rin ang mga huling katagang sinambit ni Marcus Valiente kay Candice, may dalawang taon na ang nakakaraan.
Hindi nakatulog ang dalaga na katulad ng akala ng nars. Pinatay lang niya ang lahat ng reaksiyon upang hindi na maging histerya.
Ngunit sa kanyang kaibuturan, ang lahat ng mga hinanakit na ibinaon sa limot ay isa-isang nagsialpas. Kasabay ng mga alaala ng lumipasā¦
Tandang-tanda pa niya ang huling tagpo nila ni Marcus. Yapus-yapos niya ang isang sanggol na wala pang muwang sa lahat ng pasakit ng mundo. Nakabalot iyon ng makapal at malaking lampin, bukod pa sa white cotton jacket niya na hinubad upang idagdag na proteksiyon.
Tanghaling-tapat nang iniwan sila ng taksing sinasakyan ni Carlota sa tapat mismo ng gate ng bahay ni Marcus.
With a clammy finger, she pushed the doorbell button. Inaamin niyang natatakot siya. Natatakot siyang makaharap si Marcus, pero wala siyang opsyon. She had no choice but to do the dirty job for Carlota, as always. Pero iyon na ang huli dahil umaayaw na siya. She had resigned as personal assistant to the country’s most talented and most popular singer-actress.
Ang may edad na mayordoma ang nagbukas ng tarangkahan.
“Diyos ko po! Bakit — ? Nasaan ang ina ng bata?” Napa-antanda si Manang Lupe. “Halika, pasok. Pasok ka.”
“H-hindi na ho siguro, Manang Lupe. I-ipinabibigay lang ho ito ni Carlota kay Marcus.” Kandautal siya sa pagsasalita. Napakapangit kasing pakinggan ng munting mensahe ni Carlota.
“Naku, ikaw ang magsabi kay Sir Marcus. Siya ang dapat mong pag-abutan ng ipinabibigay ni Ma’am Carlota,” giit ni Manang Lupe.
Her wooden legs followed the bustling older woman inside the opulent house. Napakalaki ng bahay ni Marcus Valiente. Napaka-elegante ng arkitektura, maging ang interior design. Bagay na bagay sa manicured garden.
Dinala siya ng katiwala sa study room. “Nandiyan siya sa loob,” anito habang kumakatok sa solidong pinto.
Nang maulinigan ang ngamol na sagot, pinihit ni Manang Lupe ang metal na seradura pero iniwan na siya agad.
“Bahala ka na,” she mouthed compassionately.
Katulad ng inaasahan, madilim na madilim ang anyo ng lalaki. Halatang naglalatang ang galit at poot sa kalooban nito pero mistulang isang maskarang yari sa bakal ang ekspresyon. He was wearing a blank iron mask to cover his emotions.
At katulad ng inaasahan, siya ang pinagbuntunan ng umaalpas ngitngit nito.
“Ano ba ang kapangyarihan sa ‘yo ni Carlota? Bakit sinusunod mo siya sa lahat ng ipag-utos niya sa ‘yo?” pang-uusig nito habang paulit-ulit na hinihila ang isang ginintuang lubid.
Muling lumitaw ang mayordoma. “T-tinawag n’yo po ako, sir?” Nanginginig na ito sa nerbiyos.
“Pakidala n’yo sa nursery ang sanggol, Manang Lupe.” Magalang ang pag-uutos ng lalaki. Walang bahid ng pagkasuklam na ipinakikita kay Candice.
“G-gising ba siya?” tanong ng nakatatandang babae habang maingat niyang iniaabot ang malambot na balutan.
Umiling si Candice. Hindi siya makapagsalita. Nagsisikip nang husto ang dibdib habang inilalayo ang sanggol na pinrutektahan ng yakap kahit sa sandaling panahon lang.
When they were alone once again, giant waves of abhorrence washed over her repeatedly. Nang mapag-isa, saka lang pinawalan uli ang higanteng alon ng pagkamuhi.
“A-aalis na ako — ” she announced in a choked voice. Para siyang nalulunod.
“Sandali.” She heard the crackling noice, as though a piece of paper was being torn apart.
Tama pala ang narinig niya. Isang pahina ang pahilang pinunit mula sa checkbook.
“Nagpapasalamat pa rin ako sa pagiging masunurin mo kay Carlota. Heto ang premyo mo,” wika ng lalaki. Nagyeyelo ang matigas na tono.
Candice went speechless. Ni hindi siya makagalaw.
“C’mon, kunin mo na ‘to. Nagkakamali ka kung umaasam kang tatanggapin kita dito pagkatapos kang iwanan ng amo mo!” Padaskol na iniitsa nito ang tseke sa mukha niya, habang dumadaan sa tabi niya patungo sa pintuan.
“Thank you and goodbye!” asik nito bago tuluyang lumabas.
Naiwan si Candice na naparalisa dahil sa matinding sakit ng kalooban. Wala siyang hinahangad na kapalit sa pagsunod sa napaka-imposibleng utos ni Carlota. Hindi ang pang-iinsulto ni Marcus o ang isang bahagi ng kayamanan nito.
But beggars could never choose. Mistulang isang matandang hinang-hina, yumuko si Candice upang damputin sa sahig na alpombra ang tseke. Maingat na isinuksok iyon sa bulsa ng puting cotton jacket at tahimik na lumakad palabas ng elegante at marangyang bahay.
It had been two years since that last painful meeting.
Pero hanggang ngayon, purong pagkasuklam pa rin ang namamahay sa dibdib ni Marcus Valiente.
At hanggang ngayon din, dalisay pa rin ang pag-ibig na nadarama ni Candice Sarmiento…
Makalipas ang tatlong araw, kalmado na ang pakiramdam ni Candice. Maliban sa pabugsu-bugsong pag-atake ng kirot sa mga sugat na tumatagos hanggang sa mga buto, masasabi niyang maayos na ang kanyang kalagayan.
The hot flashes of pain in her flesh and bone wounds were nothing compared to the numberless deep, deep heart wounds. Walang binatbat ang mga pinsalang natamo sa matinding hapding idinudulot ng malalalim na sugat sa puso niya. A painkiller capsule could wipe out the throbbing ache like magic.
Pero ang napakatagal nang sakit ng puso niya ay talagang wala nang lunas.
“Kumusta ang pasyente ko,” ang masiglang bati ng nars na naging kaibigan na niya.
“Mabuti na, Arlene.” Hindi peke ang abot-teyngang ngiti ni Candice. “Malapit na siguro akong lumabas dito?” panghuhula niya.
“Tumpak. Basta’t naging positibo ang resulta ng latest x-ray tests, mga isa hanggang dalawang araw ka na lang mananatili dito.”
“Dalawang araw pa?” Kung ang katawan lang niya ang tatanungin, puwede na siyang umuwi ngayon mismo. Sanay na siyang magpagaling ng sarili sa bahay.
“Naku, magandang senyales ‘yang pagkainip mo, Candice. Ibig sabihin, papagaling ka na nga talaga!” pagbibiro ni Arlene. “Gustung-gusto mo na sigurong bumalik sa trabaho, ano?”
“Wala na akong trabaho. Kare-resign ko lang nung araw ng aksidente. Talaga nga ‘atang accident-prone ako.”
“Ano ba’ng trabaho mo?” was the curious question.
“Isa akong medical personnel sa isang rescue team. Pero madalas na nagiging pasyente rin ako pagkatapos ng mga maseselang misyon.”