Have you ever reached the lowest point in your life? Nahulog ka na ba sa pinakamalalim na bangin ng kalungkutan?
Kapag may tumulong para makaahon ka at mapaligaya ka, dapat bang mahalin mo siya bilang pasalamat? Kung mamahalin mo siya, sigurado ka bang tunay na pag-ibig nga ang nadarama mo?
No one can tell. Only time will tell if love is really true love.
Nagkurus ang mga landas nina Randi at Von nung panahong pareho silang naliligaw. She was lonely and he was heart-broken. They were like two ships passing beside each other at night. They shared private moments without knowing one another.
Matapos ang gabing iyon, nagbalik na sila sa mga mundong pinagmulan. They had been passionate lovers for just one night but the memories remained vivid and intense. Parang imposible nang magkita pa silang muli kahit gustuhin pa nilang hanapin ang isa’t isa.
At kung sakaling magtagpo silang muli, maging lovers pa kaya sila? Was it really possible to fall in love with a stranger?
This love story was inspired by the song: “All I Wanna Do Is Make Love To You” song by Heart Band. Just follow the link to watch and listen to the love song dedicated to Randi and Von…
* * *
“C’mon, c’mon, c’mon!” Randi exclaimed impatiently as she pushed at her horn button a little too hard. Kanina pa kasi siya naiinis sa driver ng kotseng nasa unahan. Mabagal at walang diskarte sa pagmamaneho kaya palaging nasisingitan. Naiipit tuloy lalo sila sa traffic.
It was running late and she was feeling dead tired. She had been on the road since early morning. Maghapon siyang nasa kalsada mula pa kaninang umaga. At gusto na niyang umuwi para magpahinga. Pero kailangan muna niyang lampasan ang makapal na traffic jam na nagsimula sa Ortigas hanggang sa Cainta Junction.
Ang bahay na tinitirhan niya ay nasa Antipolo City pa. Malayu-layo pa ang kailangang takbuhin ng van na minamaneho niya.
She sighed thankfully when the car in front of her started to move. Napapalatak pa siya nang malakas nung lumiko iyon sa kaliwa. Sa wakas, nagkahiwalay na sila ng landas! Kanina pa siya nakabuntot doon.
Kumikidlat sa di-kalayuan at umaambon na nang makalampas siya sa arko ng ‘Welcome to Antipolo City’. Ayaw niyang abutan ng dilim kapag nagsusungit ang panahon kaya nagdudumaling makauwi. Sa ikatlong kanto pa ang paliko patungo sa subdibisyon na kinaroroonan ng bungalow na inuupahan niya mula nung isang taon.
Pero kahit na medyo matagal na siyang nakatira sa lugar na iyon, kaunti pa lamang ang nagiging kakilala niya. At wala pa siyang nagiging malapit na kaibigan.
May pagka-introvert kasi siya. And a little bit bizarre, being an artist. Bukod sa palagi siyang umaalis dahil abala sa kanyang trabaho. Isa siyang photography artist na bago pa lamang nakikilala sa makasining na larangan kaya ang sipag at tiyagang ipinamamalas ay doble o triple pa.
At twenty-seven years old, all her energies were directed in pursuing her career. Single pa siya at walang ganang maghanap ng ka-relasyon.
Kahit na hindi naman kailangan dahil may perang ipinamana ang mga magulang na parehong maykaya sa buhay. Magmula nang magkasabay na yumao ang mga parents dahil sa plane crash nung nineteen years old pa lang, namuhay na siyang mag-isa.
Nakatutok ang lahat ng atensiyon niya sa pagpapaunlad ng sarili at ng talento. Maybe because her talent was all she had to make her happy…
Pumiksi si Randi. Hindi ngayon ang tamang panahon para aminin niya ang pagkabagot na nadarama. Palagi rin naman kasing lumilipas ang mga pagsumpong ng kalungkutan.
Suddenly, a figure of a man materialized in front of her van. Nagulat si Randi. Her foot pushed on the brakes automatically.
While her hands turned the steering wheel reflexively. Sumagitsit ang mga gulong sa aspaltadong kalsada nang bigla siyang magpreno. Ngunit dahil madulas ang daan, hindi agad huminto ang sasakyan.
Nabundol pa rin ang taong biglang lumitaw sa daraanan.
Kitang-kita ni Randi ang pagtalsik ng anino sa madilim na bahagi ng highway. Tila nahulog pa nga sa kanal na nasa tagiliran.
“My God!” bulalas niya habang nagdudumaling iparada sa tabi ang van. Nanginginig na agad siya habang binubuksan ang pinto.
She donned the wide, waterproof hat before going out of the van. The drizzle had turned into a steady trickle of rain drops.
Dumalas at lumaki na ang mga patak ng tubig mula sa langit. Para bang nagbabadya iyon ng kung anong masamang pangitain.
Napatakbo si Randi nang makitang nakahandusay sa putikan ang nasagasaan. Laking pasalamat niya dahil hindi naman pala ito nahulog sa matubig na kanal.
Umuungol ang lalaki nang lapitan niya. Basang-basa na ang kasuotan kaya nahulaan niyang kanina pa ito naglalakad sa ulanan.
“M-mama? Mamang ano, nasaktan ba kayo?” What a foolish question! Meron ba namang nabundol na hindi nasaktan? “Kaya n’yo bang bumangon? Dadalhin ko kayo sa doktor.”
Umungol lang ang tinanong. Nagpumilit itong bumangon.
Nataranta si Randi nang bumagsak rin ito agad matapos bumigay ang mga braso sa pagsuporta sa sarili.
Nakatapat sa kanila ang mga headlights ng van kaya nakita niya nang malinaw ang hitsura ng biktima.
Her victim was a man. A very handsome man. She estimated his age in early thirties. The tall and lithe-looking body was clothed with rugged outfit. The jeans were cuffed at the edges and the jacket had patched elbows.
The overlong, curly black hair went along with the sloppy garb but not with the clean-shaved, classical features. The nose was long and patrician. The eyes deep-set, with long and thick lashes.
And the mouth… well, it was firm yet sensuous.
He looked dangerous, and yet he also seemed decent. Aywan kung paano niya natiyak na disente ang lalaki. Basta malakas lang ang kutob niya.
At gusto niyang gawing modelo ang estranghero!
She was instantly interested on the intriguing combination of the exquisite and the unruly. The artist in her was inspired at once.
Pero bago ang lahat, kailangang tiyakin muna niyang nasa ayos ang kalagayan nito.
“Mister? Kaya mo pa bang tumayo? Dadalhin kita sa ospital,” wika niya habang maingat na ineeksamin ang mahahalagang bahagi ng katawan para sa anumang pinsalang natamo.
“Pabayaan mo akoh!” Padaskol na pinalis ng lalaki ang mga kamay niya nang kapain ang ulo at malalapad na balikat.
Nakilala ni Randi ang amoy ng mamahaling alak mula sa hininga nito. Ngunit hindi siya nabahala kahit na halatang lasing ang lalaki.
“Kailangan mong magpatingin sa doktor,” she said insistently while trying to haul him up. Mas malaki at mabigat ang matipunong katawan kaya nahirapan siya.
“Tulungan mo akong ibangon ang sarili, mister,” ang pahingal na utos niya.
She hooked up a muscular arm around her shoulder to pull him up. The inebriated stranger remained uncooperative. He let her carry his whole weight so they teetered and staggered towards the parked van.
Ilang ulit niyang isinalya patulak ang lalaking lasing para maisakay ito sa behikulo. Pareho na silang nabasa sa ulan at narumihan ng putik.
Hinihingal at pinagpapawisan na si Randi, but strangely, she was not irritated. Parang biglang nawala ang pagod at pagkainis na idinulot ng maghapong biyahe.
Ikinabit niya ang seatbelt ng pasahero bago pinaandar ang van. Huminto siya sa tapat ng isang maliit na klinika. Minsan na siyang nagpagamot doon nung magka-trangkaso kaya alam niya ang eksaktong lugar.
Ang doktora mismo na nakatira sa second floor at ang katulong nitong dalagita ang umasiste sa kanya para maibaba ang lalaki at para maihiga ito sa examination table.
“Nap’ano siya?” tanong ng may edad na manggagamot.
“Nabundol ko ho siya, Doktora,” pagtatapat niya. “Tila wala naman siyang pinsala pero gusto kong makasiguro.”
“Kakilala mo ba siya?” tanong nito habang kinakapa ng mga prupesyonal na kamay ang kabuuan ng pasyente.
“Hindi ho. Bigla lang siyang lumitaw sa kalsada–”
Something flashed inside her mind. A figure had suddenly emerged from the shadows earlier. Para bang sinadyang magpasagasa ng lalaki.
Hindi napuna ng kausap ang pananahimik niya. Naging abala na ito sa paglilinis ng mga galos na natamo sa mataas na noo at kaliwang pisngi.
Pagkatapos malagyan ng maikling plaster ang maliit ngunit malalim na sugat, ang paghahanap naman sa identidad ng pasyente ang pinagkaabalahan.
“No wallets,” puna ng doktora. “No identification cards. Baka na-holdap na ito bago mo nabundol?”
Kumunot ang noo ni Randi. Hindi ganoon ang suspetsa niya. But she did not voice it.
“Baka tagarito lang siya kaya walang dalang wallet,” wika niya. “Puwede na kaya siyang umuwi?”
Nag-isip sandali ang doktora bago tumango.
“You didn’t do permanent harm on him. Puwede mo na siyang dalhin sa baranggay outpost. Doon na lang siya magpapalipas ng umaga–at ng kalasingan.”
Isang matipid na ngiti ang isinagot ni Randi bago nagtanong kung magkano ang babayaran. Tinawag ng doktora ang katulong upang ipakuha ang reseta at resibo.
“Tumawag na lang tayo sa baranggay outpost para sunduin na lang ng mga baranggay tanod ang mamang ‘yan,” suhestiyon ng may edad na manggagamot.
“Hindi na ho, Doktora,” tanggi ni Randi. Ayaw pa niyang mapahiwalay sa kanya ang estranghero. “Ako na lang ho ang bahala sa kanya.”
“Delikado, iha. Hindi mo siya kilala baka–”
“Naalala ko na ho pala,” she interrupted smoothly. Pinilit niyang ngumiti habang nagsisinungaling.
“Pamangkin ho pala siya ng isang kapitbahay ko. Bagong salta kaya hindi ko agad nakilala. Idadaan ko na lang siya sa bahay ng tiyahin niya.”
“Ah, gan’on ba? Okey, ikaw ang bahala.” The older woman was immediately convinced. “Pakibanggit mo na lang sa tiya ng lalaking ito na dalhin agad sa klinika ko kapag nakaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo ang pasyente.”
“Masusunod, Doktora. Maraming salamat.”
Tinulungan uli siya ng dalawa sa pagsasakay ng lasing na pasyente sa van.
“Thank you uli, Doktora,” Randi said with a strained smile.
“Sige, ingat sa pagmamaneho.”
Dalawang kanto pa ang layo ng subdibisyon na inuuwian niya. Tuloy pa rin ang pag-ulan kaya madulas na madulas ang daan. Ngunit wala sa kalsada ang buong atensiyon niya.
She could not take her mind off her passenger, who was still unconscious.
‘Talaga bang patutuluyin niya sa kanyang bahay ang estrangherong ito?’ she asked herself.
Nag-iisa lang siya doon. Paano kung gawan siya ng masama nito? She grimaced on her impulsiveness.
Randi thought fast and hard. Mas mabigat ang pag-aalinlangan niyang pakawalan agad ang lalaki. She did not know exactly why pero ayaw niyang matapos ang gabing iyon nang hindi sila nagkakakilala.
She was clutched by an unseen power…
Talaga nga sigurong gusto niyang gawing modelo ang lalaking ito!
Napailing na lamang si Randi nang sadyaing lampasan ang entrance ng subdibisyon. Kaipala, nakapagdesisyon na siya ng di-namamalayan.
Subconsciously, she had decided to take the man to a motorist’s hotel. Doon na lang niya ito iiwanan pagkatapos niyang makipagkilala. She just want to make sure that they would meet again after tonight.
She found the appropriate place a few kilometers down the road. Ipinarke niya sa tapat ng maliit na lobby ang van.
As a seasoned traveller, Randi was accustomed on the procedure of checking in fast and with no fuss. Sanay siyang tumuloy sa mga ganitong klaseng lugar kapag napapalayo ang mga location shootings niya.
“May bakante pa ba?” tanong niya sa lalaking receptionist.
“Gud ibning, mam. Meron pa po, mam.” Agad nitong itinulak ang bukas na logbook sa ibabaw ng counter. “Overnight po ba?”
Tumango siya habang pumipirma sa makapal na aklat-talaan. “May kasama ako, pero lasing siya. Puwede bang magpatulong?”
“Syur, mam.” Kinuha nito ang keychain na nakasabit sa dingding. “Cash po ba? O credit card?”
Dinukot ni Randi ang wallet sa bulsa ng pantalon. “Cash,” tugon niya habang kumukuha ng isang buong limandaan.
Mabilis na natapos ang transaksiyon, ilang sandali pa magkatuwang na nilang inililipat sa inupahang silid ang matangkad na lalaki. Inihiga nila ito sa isang panig ng double bed mattress.
“Salamat,” aniya sa receptionist/night porter.
“Walang anuman, mam.”
“Paki-padalhan mo kami ng mainit na kape. Naka-termos muna, ha? Baka mamaya pa siya magising.”
Tumango ang kausap. “Ano pa po, mam?”
“Atsaka mga hot towels at isang bandehadong sandwiches,” dagdag niya.
“Cold drinks po?”
“Isang pack na beer in can. Ice-cold.” After thought na lang ang huling order niya.
“Okey, mam.” Yumukod nang bahagya ang patpating receptionist bago lumabas.
Ibinalik ni Randi sa di-nakikilalang lalaki ang atensiyon nang mapag-isa na sila.
Halos wala sa loob, lumapit siya rito. Hinila ang isang silyang rattan sa tabi ng kama upang nakaupo siya habang tinititigan ang maskuladong kabuuan.
Ano ba’ng meron ang lalaking ito? Bakit na-engganyo siya nang husto?
Her eyes traced the strong, classic lines of high cheekbones, aristocratic nose, square chin and the stubborn jaws.
He really was a mixture of male beauty and strength. Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganitong klaseng kumbinasyon. Karamihan kasi ng mga lalaking modelo ay mga guwapo lang pero walang gaanong karakter.
She wanted character. And this stranger had tons of it.
Pinagsasawa pa rin niya ang mga mata sa pagtitig sa lalaki nang may kumatok sa pinto. Ang room service na siguro. Tumindig si Randi para lumapit sa pinto.
Isang babaeng medyo may edad na ang bumuglaw sa paningin niya. Nasa tabi nito ang isang double-decked trolley.
“Salamat ho.” Dumukot sa bulsa ng pantalon si Randi ng pan-tip.
“Salamat din, ma’am. Tawag ka lang sa intercom kung me kailangan pa.”
“Okey po.”
Itinulak niya sa malapit sa silyang kinauupuan ang trolley. Nagbuhos siya kape sa isang tasa.
Bigla siyang nakaramdam ng gutom nang malanghap ang masarap na amoy ng bagong timplang kape.
Hawak ng dalawang kamay ang mug, sumimsim siya ng maikli pero sunud-sunod. Sa ganitong paraan, naiinom niya ang kape kahit na bagong kulo pa.
Bigla siyang nakaramdam ng kakatwa. Para bang may nakatingin sa kanya.
Nagtaas siya ng tingin, at sa isang iglap ay bihag na siya ng isang pares ng mga matang tila may kapangyarihang manghigop ng katinuan.
Randi felt breathless suddenly. She had never seen eyes that were as powerful and as mezmerising such as the ones staring back at her.
“Sino ka?” The brief question was rapped out hoarsely. May hatid na kilabot ang gaspang sa maskulinong tinig.
Randi was taken aback.
There was a blazing hostility behind the raspy voice. Napamaang siya sa pagkamuhing nagpabangis sa paos na boses.
“Sino ka!” Pagigil na ang pag-ulit ng lalaki sa tanong. Bigla pa itong bumangon at pasuray na tumindig.
Nailang si Randi kaya tumindig rin siya ngunit kalahati lang ang pangamba para sa sariling kaligtasan.
Mas higit pa ang pag-aalala niya para sa lalaking tila lasing pa rin.
“May sugat ka, mister. Huwag kang pabigla-bigla sa pagkilos,” she reminded him. But as she spoke, the man swayed on his feet.
Maagap siyang lumapit para umalalay. Hinawakan ni Randi ang isang braso nang tila tutumba na ang lalaking nakayuko na habang nakasapo ang dalawang kamay sa noo. Umuro marahil sa matinding sakit ang sugat sa biglang pagkilos.
“Maupo ka nga muna,” utos niya habang iginigiya pabalik sa pinanggalingang kama. “Hindi mo pa kaya ang sarili mo.”
Tuluy-tuloy na napahiga ang lalaki. Umuungol habang nakapikit nang mariin. Para bang nasisilaw sa overhead lighting.
Maagap na sinindihan ni Randi ang lampshade na nasa tabi ng headboard bago pinatay ang fluorescent bulb sa kisame.
Agad na naiba rin ang ambience nang napalitan ng dilaw na iluminasyon ang puting liwanag. Parang nagkaroon ng intimacy dahil parang lumiit ang ispasyong kinaroroonan nila.
“Oh, God, my head hurts!” daing ng lalaki.
Randi suppressed her sympathy. She poured coffee in the second cup.
“Heto ang kape. Inumin mo–kung kaya mo pang bumangon.”
She tried to control the urge to be gentle to him. Ang isang mailap na hayop-gubat ay hindi dapat pinapakitaan ng kabaitan.
“Go away!” asik ng lalaki. “Iwan mo na lang ako!”
She almost gasped aloud. Nakakabigla kasing naapektuhan siya sa pagsusungit ng isang estranghero.
Nakakapagtaka ring hindi niya magawang iwanan na lang ito doon.
Sighing quietly, she poured more coffee into her cup. Habang inuubos ang kapeng bagong salin, nakamasid siya sa lalaking walang tinag sa pagkakahiga sa kama. Nawalan na naman siguro ng malay-tao.
‘Tsk! Nakatulog na ang modelo ko,’ bulong niya sa sarili habang dinadampot ang travelling bag na nasa paanan ng rattan chair.
She stood up and went to the bathroom on silent feet.
Kinalabit ni Randi ang light switch ng maliit na toilet-and-shower. Minasdan niya ang sarili sa salamin.
She got very short but curly hair. Makintab at itim na itim ang mga hibla ng buhok niya.
Sing-dilim naman ng gabi ang kanyang mga matang malalaki pero bahagyang patulis ang hubog sa dulo. Her lips were full and naturally reddish in color.
Medyo kayumanggi ang makinis na kutis niya pero ang kanyang mga labi ay parang laging may nakapahid na lipstick. Bihira siyang gumamit ng make-up dahil istorbo lang sa trabaho niya bilang professional photographer.
Wala sa loob, hinaplos ng mga daliri niya ang bibig at ang pisngi. Hindi pa niya naranasang magkaroon ng relasyon sa lalaki. She had never been kissed by a man because she had never felt physical attraction. Ngayon pa lang siya naakit sa isang Adan.
At sa isang masungit at suplado pa!
Ipinilig ni Randi ang ulo. If she’d listen to common sense, she should be running away now.
Pero nawawala ang wisyo niya nang mga sandaling iyon kaya pumasok siya sa cubicle para mag-shower.
Hindi niya maintindihan kung bakit nanginginig ang buong katawan niya pero nagbabaga ang kanyang pakiramdam.
Nakabalot ng tuwalya ang nabasang buhok ni Randi nang lumabas sa banyo. Nakasuot siya ng kupasing jeans at white t-shirt.
Sumulyap agad sa kama ang mga mata niya kaya napapatda nang makitang bakante na ang malapad na higaan.
Nakaupo na pala ang lalaki sa rattan chair na inokupa niya kanina. Kasalukuyang humihigop ng umuusok na kape habang hinahagod ng titig ang kabuuan niya.
Muling binalot ng mainit na sensasyon si Randi.
Hindi niya natagalang makipagtitigan sa estranghero kaya ibinaling ang pansin sa hawak na sapatos at travelling bag.
Ngunit naging parang gamu-gamo sa apoy ng lampara ang kanyang mga mata. Nakatitig pa rin ang lalaki nang muli siyang nagnakaw ng sulyap.