Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

IN LOVE WITH THE BOSS

How painful is it to hide the love that bursts in your heart? Does the agony of unrequited love become a part of life with time? Will the pain become as normal as breathing?

Responsibility lies heavy on Victoria’s shoulders but her love for the only family she has provides the energy to go on fighting. But for how long?

* * *

Madilim-dilim pa nang bumangon si Victoria. She tried to be silent as she prepared breakfast. Ngunit…

“Torrie, iha? Ikaw ba iyan?”

“Opo, Mama,” tugon niya. Malamyos at medyo paos ang kanyang boses. It was a natural huskiness na sexy sa pandinig, but she didn’t know it. “Magpahinga pa po kayo habang ipinagtitimpla ko kayo ng gatas.”

Tumalima naman ang matandang babaeng nakaratay sa kamang nasa isang panig ng salas. Tila pagud na pagod ba. Parang hindi nakapagpahinga sa nagdaang magdamag.

Na naman.

“Nagdarasal ako sa Panginoon, Torrie,” daing nito, after a while. “Sana’y matapos na ang paghihirap mo na idinulot namin ng Papa Justo mo.”

“Ssh,” pigil ni Victoria habang hinahagod ng isang palad ang nanlalamig na noo nito. “Huwag na po kayong magsasalita at lalo lamang kayong nanghihina.”

“Hindi ganitong buhay ang ipinangako namin sa iyo noon, iha. Kung alam lamang namin na magkakaganito ang kapalaran namin, disinsana’y hindi ka na namin kinuha sa loob ng bahay-ampunan…”

“Mama Nena, inumin n’yo na po ang gatas habang mainit pa.” Pinigil ni Victoria ang paggaralgal ng kanyang boses. “Isasabay na natin ang gamot ninyo.”

The old woman continued her depressed litany. “Hindi ka na sana bumibili ng mga gamot na iyan. Napakamamahal at hindi ko naman kailangan… hindi ako gumagaling…”

The truth is, hindi sila makabili nang regular kaya mabagal ang epekto. Nalimas na ang bank account at mga kasangkapan sa loob ng malaking bahay na ito. Naibenta na upang may maibili ng mga pangangailangan sa pang-araw-araw at ng gatas ng mga kambal…

“Ang Mama naman. Tinatangggihan n’yo po ba ang pakinabang ng suweldo ko?” Victoria tried to joke but her words sounded brittle.

At age twenty-seven, she was accustomed to be quiet and self-effacing. Tinanggap niya ang pasang-krus na sitwasyon. Pamilya na niya ang mga Sotalbo. At ni hindi pumasok sa isipan niya na talikuran ang mga ito.

“Dapat ay ibinibili mo na lang ng mga damit at pampaganda ang perang kinikita mo, Torrie. Paano ka magkakaasawa kung ganyang mukhang manang ka na?” Tinangka ring magbiro ng ina-inahan ngunit walang gustong tumawa sa kanilang dalawa.

“Mas gusto ko naman pong magmukhang manang kaysa magmukhang madre, Mama. Atsaka, hindi ko kailangan ang mga damit at pampaganda dahil nandiyan pa ho ang mga binili n’yo sa akin ni Papa Justo.”

Gumawi uli siya sa kusina dahil hindi niya gusto ang topic. Ayaw niyang mapag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa dahil nakatanim na sa utak niya na hindi siya tatakas sa kanyang mga obligasyon.

“Mama, maliligo na po ako. Matulog po uli kayo para marami-rami ang lakas ninyo mamayang paggising ng kambal natin,” aniya habang kumukuha ng tuwalya at unipormeng inihanda niya kagabi, bago matulog.

“Sige, iha,” buntong-hininga ni Mama Nena. “Torrie?”

“Ano po iyon?” She stopped by the bathroom’s door to look back.

“M-maraming, maraming salamat sa iyo,” hikbi ng matanda. “Napakabuti mo!”

Patakbong bumalik si Victoria sa kinaroroonan ng pasyente.

“Oh, Mama Nena! Huwag na po kayong maging emosyonal. Baka makasama na sa inyo ‘yan,” paalala niya habang hinahaplos ng mga kamay ang maikling buhok na medyo kulot.

“Kayo ang pamilya ko at hinding-hindi ko po kayo iiwanan,” she promised fervently.

After that short but dramatic scene, Victoria just managed to be on time in her work. There was a hundred and one tasks to complete before she could leave the house.

“Miss Sotalbo, come here. Bring two cups of coffee, please.” Tila may bionic ears naman ang boss niya dahil nalaman agad na dumating na siya. O sanay lang ito na palagi siyang on time?

She didn’t bother to answer the intercom. Nagtimpla na siya agad ng kape.

Nagsimula ang trabaho niya nang maupo siya upang kumuha ng minutes of the one-on-one meeting ng amo at ng kliyente nito.

Awtomatiko ang bawa’t kilos niya, dahil mahigit walong taon na siyang naninilbihan kay Juancho Questa. Kahit na siguro natutulog siya, magagawa niyang gampanan ang pagiging sekretarya nito.

“Thank you for a most interesting conversation, Mr. Questa. Expect me back next week. I’ll bring my lawyer and my accountant to tie up this new venture of ours,” ang masayang pagpapaalam ng lalaking halos ka-edad lamang ng boss niya. Nakipagkamay rin ito sa kanya.

Victoria was momentarily confused because it was a first time that a client shook hands with her.

“By the way, you have a beautiful secretary. May I know her name?” Sincere naman ang ekspresyon sa mukha ng lalaki habang nakatitig sa namumulang mukha ni Victoria.

Tumikhim muna si Juancho Questa bago nagsalita. Pigil ang reaksiyon nito ngunit alam ni Victoria na nairita ito.

“She’s Victoria Sotalbo,” simula nito, in a bland tone. “Miss Sotalbo, meet our new friend, Harry Villa.”

“Pleased to meet you, Victoria.” Yumukod pa si Harry na para bang nagpupugay sa isang reyna bago muling ngumiti sa kanya. “Have dinner with me tonight?”

Si Juancho ang tumugon para sa kanya. “We have to work overtime. Sorry, Harry. Next time na lang siguro, kapag hindi na masyadong busy si Miss Sotalbo.”

Harry was unperturbed by the naked rebuke in Juancho’s hard tone. Talagang nabighani ang lalaking negosyante sa dalagang sekretarya.

“I’m regretful, Victoria. I’ll call you to set a convenient date, okey?”

Napatango na lang ang pobreng dilag. Ramdam niya ang matatalas na titig ng lalaking amo kahit na hindi pa siya tumitingin sa gawi nito.

She was galvanized into action when Harry was out of the room. Tinipon niya ang mga used cups and saucers, pati ang kanyang stenopad upang magmadali sa paglabas. Parang mayroong namumuong bagyo sa loob ng airconditioned office na iyon.

“Miss Sotalbo,” ani Juancho nang akmang tatalilis na siya.

Napilitan siyang huminto sa paggalaw. “Y-yes, sir?”

“Naniniwala ka ba sa pambobola ni Harry sa iyo?”

Napamaang si Victoria. Hindi niya naintindihan agad ang ibig sabihin ng lalaki.

“Don’t be a naive fool, Miss Sotalbo. Huwag mong sasabihing napaniwala ka ng matamis na dila ng lalaking iyon? Hindi mo pa ba alam kung ano ang tutoo at ang hindi?”

Pumiksi si Juancho Questa na para bang nayayamot sa kanya.

“Kahit na posteng sinuotan ng palda ay dinidigahan ng taong iyon!”

Lalong nanlaki ang mga mata ni Victoria. Bakas sa maputlang mukha niya ang pagkalito at pagtataka sa sinasabi ng kaharap.

“I’m warning you, Miss Sotalbo. Do not entertain that man inside the office. If you want to see him, have him call you at home. Understand?” he continued testily.

Para bang nahimasmasan ito sa mga sinasabi sa kanya. Ngayon lang nangyari na nagtaas ito ng tono kay Victoria.

Gustong magdamdam ng dalaga ngunit pinigil niya ang nadarama — as usual. Binawi niya ang tingin, habang tumatango.

“Y-yes, sir.”

“Okey, you can go now. I need that report this afternoon. And, please, call Attorney Reyes. Tell him to call me tonight.” Nagbalik na naman ang normal authoritativeness ni Juancho Questa.

“Yes, sir,” ulit niya, nakayuko pa rin.

Nanginginig ang buong katawan ni Victoria nang makalabas ng silid na iyon. Si Juancho lamang ang tanging lalaking may kakayahan na pangatugin siya na animo may trangkaso siya.

Stop acting like a naive fool, Victoria! Kinagalitan niya ang sarili. Pinilit niyang bawiin ang nawalang wisyo. Dapat ay matagal mo nang naiwaksi ang kabaliwan mo!

May lihim na pagtingin si Victoria kay Juancho magmula nang una niyang makita ang lalaki; ngunit itinago niyang pilit ang damdamin at tinangkang kitilin.

But her young emotion became sturdier as time goes by. It remained alive even while being hidden, for many years.

She continued her work in a trance. Mistula siyang robot na kumikilos sa bawa’t utos. Magulung-magulo ang kanyang kalooban dahil nasaling na naman ang pinakatagu-tago niyang pag-ibig…!

“Miss Sotalbo, please, bring the Romano file,” anang tinig-lalaki sa intercom.

Tumindig si Victoria upang kunin ang makapal na plastic folder sa drawer na may susi. Pulos confidential files ang mga naruroon. Dahil sa matagal na panahon na paglilingkod niya kay Juancho, malaking-malaki na ang tiwala nito sa kanya.

“Thank you, Miss Sotalbo.” Isinenyas ng lalaki na maupo siya habang dinadampot ang telepono na kumukuriring.

“Hello? Speaking. Ah, yes. Expect two diners tonight. I’m bringing somebody with me. Thank you for calling back, Pierre. We’ll be home at seven. Bye.”

Si Pierre ay kasama ni Juancho sa mansiyon nito. Bagama’t maraming katulong doon, ang lalaking patpatin at ubod nang tangkad ang malinaw na paboritong tauhan ng binata sa pamamahay nito.

“Where are we? The Romano files,” baling nito kay Victoria.

Iniabot uli ng dalaga ang dala niyang mga papeles. Hindi niya naiwasan ang mapasulyap sa relong nakasabit sa dingding na nasa gawing kaliwa. Habit na niya ang gayon, mula nang ma-stroke ang Mama Nena matapos mamatay sa heart attack si Papa Justo, tatlong taon na ang nakakaraan. Kahit wala nang mapainom na gamot, naka-program na sa utak niya ang mga takdang oras.

“Clock-watching, Miss Sotalbo?” panunuya ni Juancho sa kanya. “Hindi ko alam na may ganyang bisyo ka rin, katulad ng ibang mga empleyada ng kumpanyang ito.”

Nag-init ang mukha ni Victoria dahil sa matinding pagkapahiya.

“S-sorry, sir,” aniya, mababa ang boses. Wala siyang balak na ipaliwanag ang tutoo. Kaytagal niyang itinayo ang makapal na pader na iniharang niya sa sarili.

Hindi na kumibo ang lalaki, after staring at her searchingly. Saka lang uli siya nakahinga nang maayos nang lumipat na sa folder ang atensiyon nito.

“Tumawag ba si Harry sa iyo?”

The question was from out-of-the-blue. Hindi inaasahan ni Victoria ngunit maliksi siyang napailing. Kung maaari lang, ayaw na niyang marinig ang pangalang ‘Harry’. Parang iyon kasi ang naging susi na mabuksan ang bilangguan ng forbidden attraction niya kay Juancho.

“Good,” wika naman ng lalaki, pa-kaswal pa rin. “Gusto kong tapusin ang business proposal para dito sa Romano Incorporated. Maaari ka bang mag-overtime?”

Nag-atubili si Victoria sa pagsagot kaya parang nayamot na naman ang amo niya.

“May date ka ba ngayong gabi, Miss Sotalbo? Kung mayroon, cancel it. Mas importante ang business na ito kaysa sa sinumang Herodes na nakabola sa iyo.”

“Sir!” Napabulalas na si Victoria. She was so shocked to hear him talking to her in this way. Palaging pormal ito sa pakikipag-usap sa kanya, o sa sinumang empleyado nito. Kay Pierre lamang ito paminsan-minsan nakikipagbiruan.

“I’m serious, Miss Sotalbo.”

Pinilit niyang tumindig upang malayuan ang lugar na iyon. Inabutan siya nito sa may pintuan.

“Did Harry call you again? Nagsinungaling ka ba?” pang-uusig nito habang pinipigilan siya sa isang braso.

“Tell me,” he commanded when she remained silent.

“N-no, sir. Please, let go of my arm. You’re hurting me,” pahayag niya, her voice shaking and becoming huskier.

There was a sudden tension as their eyes met heatedly. Deep-setted ones darkened into a pair of glowing coals, pinapaso ang puso’t isipan niya.

“I’m not hurting you,” anas ni Juancho. Naging paos na ang boses na nalantayan ng di-maipaliwanag na emosyon.

“I can never hurt you!” dugtong pa bago yumuko upang magkalapit ang kanilang mga mukha.

His hard mouth swooped like a predating eagle on her soft, quivering lips. He kissed her with an intense desire to conquer her, to devour her whole being — body and soul.

Yumapos ang matitigas na braso nito sa kanyang katawan. Pumulupot na animo lubid sa kanyang beywang at likuran. Sinapo ng isang kamay ang tagiliran ng kanyang dibdib at ang isa naman ay sa kanyang puwitan.

Ngayon lang nahagkan at nayakap ng lalaki si Victoria. Halos gusto niyang mawalan ng ulirat; and at the same time, she felt like she was flying!

“Victoria, Victoria!” anas ni Juancho habang ginagalugad ng mainit na bibig ang kanyang leeg. “I’ve been wanting to do this for a very long time!”

Her rushing blood was roaring in her ears, kung kaya’t halos hindi niya mawawaan ang sinasabi ng kaniig. They were both short of breath and perspiring hotly.

Muling nagbalik ang bibig ni Juancho sa kanyang mga labi. Mas maalab ang halik na iginawad nito kaysa nung una na tila produkto lamang ng galit.

“Oh, Victoria! You’re so sweet. I want you to be mine!”

“S-sir — !”

Tinangka niyang itulak sa malapad na dibdib si Juancho ngunit animo sementong pader ito na hindi matinag.

“I can’t fight this attraction anymore, Victoria. I’ve reached the point of no return!”

His warm fingers groped under her black office skirt. He wanted more intimacy.

“Sir, please!” Victoria cried in shock and fright.

Parang isang bangungot ang dinaranas niya nang mga sandaling iyon. She was taken aback by sheer surprise. Hindi niya akalain na masisira ang ideal situation nila ng kanyang boss.

Juancho Questa was known to his employees as respectful and courteous to women, even to his chic and beautiful mistresses.

Kaya nga kahit na naghihirap ang kalooban ni Victoria sa pagtatago ng kanyang pagtingin sa lalaki, hindi niya naisip na umalis sa trabaho. Ayon kay Casandra, ang kalimitang problema ay ang mga preskong boss sa mga sekretarya.

She pushed and pushed but still could not get away from his embrace.

“Sir, bitiwan n’yo ako!” bulalas niya. She was panicking now, dahil nasa loob na ng blouse niya ang isa pang kamay nito.

Nanlambot siya nang humaplos ang mga daliri sa kanyang dibdib. Her lacy bra was not a protection to his questing fingers. They found the pebble-hard nipple easily.

“You want me, too!” he whispered triumphantly. His kiss cut off any denial that she might have made.

No! hiyaw ng dalaga sa kanyang sarili. Hindi siya dapat mapatangay sa atraksiyon. Nilalaro lamang siya ng lalaking ito!

Ngunit wala siyang lakas para tumutol…!

Agad na tumakbo patungo sa banyo si Victoria nang sa wakas ay pawalan siya ni Juancho. She was blinded by her tears kaya muntik na siyang mabunggo sa malaking metal filing cabinet.

“Victoria!”

Hindi niya pinakinggan ang pagtawag ng lalaki. Gusto niyang makalayo agad dito. Juancho represented her weakness as a mere human.

Niyapos niya ang sarili habang nakasandal sa isinarang pinto. Malamig ang pakiramdam niya ngunit pinagpapawisan siya.

She was icy and hot, with suppressed desire.

Napapikit siya habang inaamin sa sarili ang kanyang pagkakasalang nagawa. “Diyos ko, patawarin n’yo po ako. Ako’y mahina sa tawag ng tukso!”

“Victoria, buksan mo ang pinto!” Kinatok siya ni Juancho makaraan ang ilang segundo. Nabigla rin marahil ito sa pagtakbo niya. “Okey, I’m sorry sa nangyari. You can come out now.”

Hindi sumagot si Victoria. Binuksan niya nang todo ang gripo upang hindi na niya marinig ang iba pang sinasabi ng lalaki.

Naghilamos siya ng mukha hanggang sa mawala ang pag-iinit. Inayos niya ang kanyang blusang puti na nawala sa pagka-tucked-in at ang kanyang buhok na kinalas mula sa pagkakapusod. Wala siyang suklay at nanginginig pa ang kanyang mga daliri kaya hinayaan na lang niyang nakalugay ang tuwid na mga hiblang itim.

She could hide her face from her fellow employees, by looking down to her brown shoes and letting the shoulder-length hair curtain her expression.

“Victoria — ”

Napahinto si Juancho nang buksan na ni Victoria ang pinto. Tinitigan siya ng lalaki. Naghahanap ng kung ano sa kanyang reaksiyon.

“K-kakalimutan ko ang nangyari, sir,” umpisa niya sa pilit na pinatatag na boses. “Huwag n’yo na lang pong uulitin.”

Long, tapered fingers combed short, straight hair in agitation. Her boss’ handsome face looked really worried.

“Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang gayon, Victoria. I’m really sorry.”

She looked away from his attractive features. Ang mapatitig sa mga matang nangungusap ay isang panganib.

Yumuko ang dalaga atsaka tumango. “U-uuwi na po ako, sir,” paalam niya, halos pabulong.

Habang humahakbang siyang patungo sa pinto, dumadagundong ang kaba sa dibdib niya. Sinundan siya kanina ni Juancho nang papalabas siya. Ngayon ay ang paningin na lamang nito ang nakasunod sa kanya hanggang sa tuluyan siyang makalabas.

“Torrie! Torrie!” ang salubong ng kambal na sina Leo at Lea. “Patayubong namin?”

Pinilit palisin ni Victoria ang bigat ng pakiramdam habang dinudukot sa loob ng handbag ang dalawang pirasong tsokolate. “Heto, o. Maghugas muna ng mga kamay, ha?” pahabol niya sa dalawang paslit na edad limang taon na.

Inabutan niya ang ina-inahan at ang yayang si Nana Pilang na naghihimay ng gulay sa kusina.

Isang magandang pangitain ang makitang nakaupo sa silyang tumba-tumba si Mama Nena kaya tuluyan na niyang naitulak sa likod ng isipan ang insidente sa opisina.

“Mano po, Mama Nena. Kumusta po, Nana Pilang?”

“Kuu, ireng batang ire, parang ke-tagal naman nating hindi nagkita. Nagkasalubong tayo kanina diyan sa gate kaninang umaga, a?”

Napangiti si Victoria. Naaaliw siya sa kakatwang punto ng matandang kapitbahay na pumayag mag-alaga sa kambal kapag may pasok siya sa opisina.

“Kayo talaga, hindi na po nasanay sa akin. Ano po ba ang iluluto para sa hapunan, Mama Nena?”

“Pinakbet daw ang gusto ng mga bata.”

“Na walang bagoong siyempre,” salo ni Nana Pilang, nakangiti rin. “Ke-babait ng mga anak mo, Nena. Mula sa panganay hanggang sa mga bunso!” papuri nito.

“Pinagpapala pa rin kami ng Panginoon, Pilang,” pagmamalaki naman ng ina-inahan niya.

Iniwan ni Victoria sa gayong tagpo ang dalawang matanda, para makapagpalit ng damit.

Magaling mag-alaga ng bata si Nana Pilang ngunit hindi kasama sa mga obligasyon nito ang paglilinis kapag nagkalat na ang dalawang bata.

Hindi na nagpahinga si Victoria. Sinimulan niya ang banyo sa itaas, pagkatapos ay ang kuwarto nila. Nakasara na ang ibang mga kuwarto doon, pati ang master’s bedroom. Sa sala na lang namamalagi si Mama Nena. Hindi na nito kayang umakyat sa hagdanang marmol.

“Kakain na! Torrie! Kakain na!” hiyaw ng mga musmos mula sa ibaba.

“Sandali na lang ako!” tugon niya sa pinalakas na boses.

Minadali niya ang pagdampot sa mga punda at kumot na lalabhan. Hinahati-hati niya ang mga labahin kaya kahit na araw-araw siyang naglalaba, kaunti lamang ang kinukusot, binabanlawan at isinasampay gabi-gabi.

Papababa siya ng hagdan nang tumunog ang doorbell. Nagtaka silang lahat. Magmula nang mamatay ang padre de pamilya, wala nang nagiging bisita ang Sotalbo Residence.

Click here to READ MORE

Comments are closed.