Have you even been obsessed with someone? Can you honestly say that obsession is similar to love? Both love and obsession can last for a long time…
Lora was expecting to be nun when a powerful man got obsessed with her. She was made captive to be his bride but managed to escape.
After a year, Lora was being released to once again experience life in the big bad world.
And she never expected to be kidnapped by the jilted bridegroom!
* * *
Tumingkayad si Lora Gomez para mahalikan sa pisngi ang may edad na madre. Her beautifully-shaped eyes brimmed with unshed tears as she smiled courageously.
Nagpapakita siya ng tapang, sa kabila ng takot na kanyang nadarama.
“Aalis na po ako, Mother,” sambit niya. Medyo garalgal ang likas na malamyos na boses niya.
“Mag-iingat ka, Lora. Ipagdarasal ka namin palagi.” Tigib naman sa pag-aalala ang tinig ng matandang madre.
“Sana’y makabalik ka, Sister Lora,” sabay-sabay na wika ng grupo ng mga batang madre.
“Oo. Pangako.” Pakunwari pa rin ang katatagan niya, dahil hanggang leeg na ang mga agam-agam at alalahanin na nasa kanyang isipan.
Ngayong nasa huling pagsubok na siya para maging isang ganap na madre — kailangan niyang mamuhay uli sa labas ng kumbento sa loob ng isang taon — matinding insekyuridad ang dinaranas ni Lora.
Aywan kung bakit nangangamba siya at natatakot.
Hindi naman iyon ang unang pagkakataong maninirahan siya sa labas ng makakapal na pader ng kumbento o bahay-ampunan, kungsaan siya iniwanan ng di-nakilalang ina. Doon na siya lumaki at nagkaisip.
Lumabas siya nung edad disiotso. Nanirahan sa isang pamilya ng magsasaka, ang pamilya Gomez at tumulong siya sa kabuhayang ornamental farm. At katulad ng plano niya, pagkaraan ng tatlong taon nagbalik siya sa kumbento para magmadre. Edad beinte uno siya nang maging nobisyada.
At ngayon nga ang huling pagsubok na dadaanan niya. Muli siyang babalik sa tahanan ng mga Gomez. Mamumuhay sa piling ng mga ito.
Bagama’t madali siyang nakapasa sa maraming pagsubok, hindi buo ang kumpiyansa niyang magiging madali rin ang darating na isa pang taon. Paano’y hindi na siya protektado ng matataas na bakod ng kumbento.
Ngunit hindi niya naihinga ang nasabing pangamba kaninuman sa mga kasamahan sa loob ng kumbento. Inisip na lang niya na kusang maglalaho ang mga ito kapag inilihim niya.
Niyakap siya nang mahigpit ng madre superyora. Nagpipigil pa rin ito sa pag-iyak.
“Mangungulila kami nang husto sa ‘yo, iha. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik sa susunod na taon.”
“O-opo. Kasasabikan ko po ang pagdating ng araw na iyon.” Yumakap din siya nang mahigpit sa babaeng itinuring na ina ng lahat ng mga batang ulila doon.
“Sumulat ka nang madalas, ha?” Idinampi nito ang isang puting panyolito sa mga mata. “O, siya, baka gabihin ka pa sa daan. Humayo ka na, iha.”
“Opo.” Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Dinampot niya ang itim na travelling bag at isinukbit sa isang balikat.
“Ate Lora! Paalam!” Isang grupo ng matitinis na boses ang biglang pumunit sa payapang katahimikan.
Tumingala si Lora. Ngumiti siya at kumaway sa mga batang nakasilip sa mahabang hilera ng mga munting bintana ng kumbento.
“Paalam, mga bata! Magpapakabait kayo, ha?” hiyaw niya.
“Babalik ka, Ate Lora!”
“Oo, babalik ako!” ang pahiyaw na pangako niya. Kumaway din siya sa munting grupo ng mga nakababatang madre bago tumalikod at tuluyang lumakad patungo sa tarangkahang yari sa solidong kahoy.
She had no inkling that danger was already awaiting for her the moment that she stepped out.
Wala siyang kamalay-malay na ang panganib ay matagal nang nakaabang sa kanyang paglabas…
TUMUNOG ang celfone na nasa bulsa ng blazer ni Damon Montecarlo. Wala sa loob, dinukot niya iyon para tugunin.
“Hello? Damon Montecarlo speaking.”
“Sir, positive na po,” anang boses-lalaki sa kabilang linya.
It was a baffling statement but conveyed a very clear message for him.
Biglang napadiretso sa pagkakaupo niya si Damon. His knuckles whitened as he gripped the expensive celfone tightly.
“Sigurado ka? Saan mo siya nakita?” Sunud-sunod ang mga tanong niya. Hindi halos makapag-isip dahil sa sumirit na tensiyon. “Nasaan siya ngayon?”
“Nakasakay siya sa traysikel. Tila pauwi na sa bahay nila, sir.”
“Traysikel?” taka niya. “Nakita mo ba kung saan galing ang dyip na sinakyan niya?”
“Sa kumbento ho siya galing, sir.”
“Sa kumbento — !” He almost shouted with frustrated anger. “Kung gayo’y nagsinungaling ang madre superyora!” bulalas niya.
A year ago, he had made a call to the convent. Tumawag siya sa kumbento para magbakasakali. Ang pinakamatandang madre pa nga ang nakausap niya. Kaya pala kalmado lang ito noon…
“Matagal na siyang wala dito, Mr. Montecarlo,” ang magalang na pahayag nito noon.
“Eversince she was legally adopted by the Gomez couple, three years ago.”
“I called them already. Kahapon pa siya umalis ng walang paalam.”
“Oh. Hindi kaya nagpunta siya sa mga kaibigan na nasa ibang lugar?”
“It’s possible, but I doubt it.”
“Er, bakit hinahanap mo siya, Mr. Montecarlo? Paano mo siya nakilala?”
“Mawalang-galang na, pero ayaw kong sagutin ang mga tanong na ‘yan, Mother.” His rebuff was gentle yet direct.
“Oh.” Natigilan ang kausap. “Kung gusto n’yo, magpadala kayo ng mga tauhan dito para maghanap,” mungkahi nito kapagkuwan.
“Thank you. Magpapadala ako ng mga tao d’yan.”
Nang araw ding iyon, sampung tauhan ang pinapunta niya para gumalugad at maghanap sa palibot ng kumbento. Ngunit umuwing bigo ang mga ito.
Napailing siya sa alaala.
“Sir? ‘And’yan pa ba kayo, sir?”
He came back to the present with a dark scowl. “Oo.”
“Ano’ng gagawin namin sa kanya, sir?”
He made a reckless decision, fired by fury. “Kidnap her,” utos niya. “But do not hurt her,” ang mahigpit na habilin.
“Okey, sir.”
Damon tossed aside the cellular phone and stood up swiftly. Nagpalakad-lakad siya sa malawak na balkon. Mistulang isang mabangis na leon na naiinip na sa paghihintay sa pagkain.
‘Damn her!’ bulalas niya sa sarili. Isang taon na ang nakakaraan, pero ganito pa rin kasidhi ang pagnanasa niya. Bakit — ?
Frustrated fingers combed through his short, curly hair. Ilang ulit na niyang sinabunutan ang sarili para matauhan. Bakasakaling nananaginip lang siya. This craziness had been going on for so long. Kailangang magamot na ang kabaliwang dumapo at gumulo sa isip niya hanggang ngayon!
Pero paano — ?
Muli niyang sinabunutan ang sarili. The turmoil in his body was as strange as the longing he felt. Paano ba papawiin ang hibang na pagkasabik niya? Maraming babae sa mundo. He had already tried to forget her in the arms of so many women. Pero hindi siya nagtagumpay ni minsan.
“Dammit!” bulalas niya.
Papiksing huminto sa iritableng pagpaparoo’t parito si Damon. Tumukod ang mga kamay niya sa malapad na pasamano ng konkretong balustrahe. His dark and razor-sharp eyes encompassed the lush greenery of the surrounding valley.
Hindi kayang abutin ng tanaw ang lawak at layo ng lupaing pag-aari ng Hacienda Montecarlo. Kungsaan may mahigit sa isang libong pamilya ang mga naninirahang manggagawa at magsasaka, na karamihan ay may mga ninunong nakapaglingkod na sa kanyang agwelo at ama. Kaya ang turing sa kanya ay isa nang panginoon.
Hindi mapigil ang mga tao sa pagtanaw ng utang na loob sa magagandang palakad at magandang pagtrato na natatamasa ng mga ito buhat sa pagtatrabaho sa asyenda niya. He did not relish the adoration but he had no choice.
Pero ngayong nadiskubre niyang sinadyang magsinungaling ng mga taong-kumbento sa kanya, nainsulto siya.
Bahagi pa ng asyenda ang lupang kinatitirikan ng sinaunang gusali ng kumbento. Hawak pa rin niya ang titulo kahit na pinaniniwalaan ng karamihan na naging donasyon na iyon ng Pamilya Montecarlo sa mga madreng nangangalaga sa maraming batang ulila na.
A cold smile stretched the hard line of his mouth. Napangisi siya nang maisip na isang alas iyon na maaari niyang gamitin para manalo sa humahaba nang pakikipaghamok sa pagkahibang na raramdaman niya para kay Lora!
‘I aim to be cured of this madness for you, Lora Gomez!’ asik ni Damon sa sarili.
“TIGIL!”
Nagulantang ang aalug-alog pero payapang paglalakbay ng sinasakyang karag-karag na traysikel sa baku-bakong kalsadang nasa gitna ng kabukiran nang palibutan ng dalawang armadong lalaki.
Dalawang maskuladong lalake na may hawak na mga baril ang biglang lumitaw mula sa nakapaligid na pilapil at pinaligiran ang maliit ang maliit na sasakyan.
“Huwag po! Huwag n’yo po kaming sasaktan!” pakiusap agad ng matandang tsuper. “Hindi po kami lalaban.” Itinaas agad nito ang mga kamay.
“Hindi kayo masasaktan, tata. Basta’t ibigay n’yo lang nang maayos ang binibini.”
“H-ha?” Napa-antanda ang drayber. “Pero ang binibini ay isang madre!” bulalas nito.
“‘Wag kayong mag-alala. Hindi namin siya sasaktan, tata.”
“Pero saan n’yo siya dadalhin?”
“Gusto siyang makausap ni Senyorito Damon.”
Lora became more paralyzed with shock when she heard the name of the most powerful man in that place. Si Damon Montecarlo ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang lalaki sa lugar na iyon.
“Pasensiya na, sister. Hindi ko maaaring suwayin ang nais ni Senyorito Damon.” Humingi ng dispensa ang matandang tsuper sa kanya.
Pinilit niyang itango ang ulo at ingiti ang bibig ngunit hindi pa rin siya makapagsalita.
“Tayo na, sister.” Inalalayan siya sa pagbaba ng isang lalake, habang ang isa pa ay maliksing binitbit ang travelling bag niya.
Medyo napanatag siya ng mapansin ang maingat at magalang na pagtrato sa kanya ng mga hindi niya kilalang lalake. Kahit papaano iginagalang ang kanyang abito at belo.
“H-hindi pa ako bayad sa pamasahe,” ang pautal na sambit niya.
Agad na dumukot ng pera sa bulsa ang lalaking may bitbit sa bag niya at iniabot sa matanda. “Sige na, alis na, tata!”
“Salamat, sister!” hiyaw ng huli. Nagitla pa muna ito.
“Tsk! Ang bait naman nitong kinidnap natin. Hindi kaya tayo tamaan ng kidlat, pare?” bulong ng umaakay sa kanya.
“‘Wag ka nang magtanong. Mas takot ako sa punglo ni Bosing Damon.”
“Talagang pinanindigan niya ang pangalan niyang Damon! Damonyo talaga! Pati madre pinapatos na.”
Kunwa’y walang naririnig si Lora. Pero panay-panay na ang pag-usal niya ng mga dasal.
She should have expected that her piqued suitor could resort to kidnapping. Hindi siya dapat nabigla sa pananambang. Hindi marunong tumanggap ng pagkabigo si Damon Montecarlo.
“Pare, mag-ingat ka sa pagsasalita mo. Tauhan lang tayo dito. Hindi natin alam ang puno’t dulo ng istorya,” paalala ng ikalawang kidnapper. “O, heto na ang sasakyan.”
Isang malaking behikulo na kulay itim ang dumarating buhat sa direksiyon ng bulubunduking bahagi ng asyenda.
“Sister, sakay na po,” was the respectful request from her captor.
Tumalima si Lora. Tumanaw siya sa labas ng bintanang may tinted glass at hinayaang maglayag ang isipan sa nakaraan. Nakakintal pa rin sa memorya niya ang mga detalye ng pagkikilala nila ni Damon Montecarlo…
Dalawang buwan bago sumapit ang ika-dalawampu’t isang kaarawan, nagkaroon ng malaking pagtitipon sa Montecarlo Mansion.
Ang ina-inahan niyang si Mrs. Corazon Gomez ang nakakuha sa posisyong maging official ornamental plants designer ng Montecarlo Mansion.
“Kailangang tulungan n’yo ako mga anak. Malaking trabaho itong pinasok ng negosyo natin,” paalala ng butihing ginang sa dalawang anak na babae at tatlong anak na lalaki.
Bale si Lora pa ang pinakapanganay at naging ikatlo sa mga anak na babae. Ang bunsong si Cris ay wala pang kinse anyos.
“Opo, Mama,” ang sabay-sabay na na wika ng anim na nakababata.
“Malaki naman ang kikitain natin,” dagdag ni Mr. Gomez.
“Kapag nagampanan natin ng maayos ang trabaho, makakabili tayo ng dalawa pang sasakyan at ilang makinarya na makakapagpadali sa ating production.”
“Wow! Pipilitin naming gampanan ang mga iuutos n’yo, Mama, Papa!” Mas masigla na ang tono ng tatlong lalaki.
“Kami rin po.” sagot din ng mga babae. Kasama na si Lora.
“Buweno, maghahati tayo sa dalawang grupo. Ang mga girls sa Mama n’yo, sa akin ang mga boys.”
“Sa ornamental plants sila, at tayo naman sa flower designs,” dugtong ng ginang.
“Pero tutulong pa rin tayo sa kanila kapag mabibigat na trabaho na. Maliwanag ba?” pagtatapos ng may edad na lalaki.
Tumaas ng kamay ang panganay sa lalaking si Felix. “Kailan ba ang big occasion, Papa?”
“Tatlong araw buhat ngayon.”
“Tatlong araw?!” There was a sudden panic in the small group of youngsters.
“Gaano naman kalaki ang Montecarlo mansiyon?”
“E, di, sing-laki ng isang maliit na palasyo!”
Ang sinaunang kumbento ang unang pumasok sa utak ni Lora. Mistulang isang lumang palasyo ang tingin ng mga batang lumaki doon dahil sa sobrang laki at sobrang luwang ng mga silid.
Pero siguradong hindi nilulumot o di kaya’y ginagapangan ng makapal na halamang-baging ang mga pader.
“Kayang-kaya natin ‘yon. Basta’t tulung-tulong.”
Lora silently agreed with her foster father.
“Wala kayong dapat ikatakot, mga anak. Lakas ng loob, sipag at tiyaga lang,” encouraged the older woman. “Hindi ba, Lora?”
“Opo, Mama,” she answered promptly. “Gagayahin na lang po namin ang mga designs n’yo.”
Tila nakapagdulot ng kalma ang banayad na pahayag niya.
“Oo nga naman,” anang ikalawang anak na babaeng si Rica. “Pulos arrangements na lang ang gagawin natin.”
“Okey, call na call na kami,” salo ni Rona, ang sinundan ng bunso. “Basta may celfone ako pagkatapos, Papa, ha?”
“Sure, may premyo ang mga pagsisipag ninyo, mga kids.”
Nagkaroon ng masigla at masayang tawanan sa sala ng Pamilya Gomez. Pero kahit kabilang na si Lora sa loob ng nagdaang tatlong taon, hindi pa rin niya makalimutang hindi siya tunay na ka-pamilya ng mga ito.
Paano’y nakatutok pa rin ang buong isipan niya sa pagmamadre. Malapit nang matupad ang pangarap niyang maging madre. On her twenty-first birthday, she would enter the solemn world of nunhood. Buo na ang pasiya niya.
That holy aspiration of hers had put a ‘no-touch’ aura around her. Hindi kaila sa mga ka-pamilya at ka-trabaho ang kanyang pangarap na bumalik sa kumbento kaya walang nangahas na manligaw o magpalipad-hangin man lang sa kanya. Pulos mga panakaw na sulyap at tanaw mula sa malayo na lamang ang ginagawa ng mga sikretong tagahanga ni Lora.
Ang mga opinyon na sayang ang kagandahan at kaseksihan niya kung itatago sa ilalim ng maluwang at makapal na abito at belo ay nauulinigan na lamang niya nang di-sinasadya.
But she ignored them all. Her whole heart was focused on her future plan. Nasa hustong edad na siya kaya wala nang makakapigil sa kanya ngayon.
Until she became the devil’s desire…
Hanggang sa makilala niya ang isang lalaking naakit at nagnasang angkinin siya. Damon was sinfully rich and devilishly handsome. He was also wickedly seductive and provocative.
Sa unang pagkikita pa lang nila ng lalaki, nag-umapaw na agad ang sindak sa kalooban ni Lora.
His short and slightly curling hair was jet-black. His dark eyes were deep and mysterious and spectacular. The firm shape of his mouth sensuous and mischievous.
Lalo pang nataranta si Lora nang may sumirit na init sa kaibuturan niya.
Naging paragasa ang daloy ng dugo niya sa mga ugat. Tinambol ng husto ang kanyang dibdib.
Her senses exploded and became numb. Felt helpless when a hot, hot flare gripped her taut body without warning. Her breasts ached. Her nipples throbbed. And dark heat curled and darted up between her thighs.
Sa isang kisapmata, parang sinakop ng malakas na kapangyarihan ang kabuuan niya–gayong nakatitig pa lang sila sa isa’t isa ng estranghero. Gusto siyang alipinin ng isang di-nakikitang puwersa.
Nanlaban siya.
“Gusto kitang makilala, magandang binibini. Ano’ng pangalan mo?” His deep voice broke the spell.
“I-isa kang demonyo…” She heard her husky voice declared shakily, rudely ignoring his gentle query.
Napamaang ang lalaki sa akusasyon niya. Maya-maya’y napangiti ito.
“That’s an original compliment, my beautiful temptress.” Masuyo pa rin ang tono nito. Bahagya pang nakangiti na para bang ikinatuwa pa ang tinuran niya.
“Ano’ng pangalan mo? Eva?”
Sunud-sunud ang pag-iling niya. She forced her limbs to move away from him.
Subalit naging sagabal sa kanyang pagkilos ang basa niyang kasuotan.
Kasabay kasi ng pagbibiyahe nila sa mga halaman, siya namang pagbuhos ng pinong ulan. Palibhasa apurahan ang trabaho, hindi na sila huminto at sumilong. Itinuloy na ang pag-aayos ng mga ornamental potted plants sa maluwang na bulwagang sayawan ng mansiyon.
The white and green mansion itself was a magnificent creation of classic architecture. Mistulang isang munting palasyo nga na tila umusbong sa ituktok ng mababang burol. It has turrets and towers and gateways. Bumagay na sa nakapalibot na kalikasan dahil sa tagal ng panahon at sa metikulosong disenyo.
Subalit hindi ito hinangaan ni Lora.
Kanina habang papalapit ang trak na sinasakyan nila at ng mga halaman, natatanaw niya ang makapal na ulap na nakalambong sa halos kalahati ng mansiyon at nakaramdam siya ng takot, kilabot at masamang pangitain.
“Sandali, binibini.” Long fingers wrapped themselves on a slim arm. Parang sumagitsit ang malamig na balat niya nang dumaiti ang mainit na palad. “Halika sa loob. Magsalo tayo sa mainit na tsaa.”
“A-ayoko,” tutol niya. “Bitiwan mo ako!” She shook his hand off hastily. Pasung-paso siya.
Tumawa nang patudyo ang lalaki. He chuckled mockingly as he stared at her flushed face.
“Wala kang dapat ikatakot sa akin, binibini,” he remarked silkily.
“Hindi ako marunong manakit ng babae. Lalo’t ng isang napakagandang dilag na katulad mo, miss.”
His sweet words sounded like wicked whispers to her ears. Nanatiling bingi at manhid si Lora sa malambing na pakikipag-usap ng lalaki. Paano’y hindi kapani-paniwala dahil putik-putikan ang laylayan ng kanyang kasuotan. Pati ang kanyang mga kamay.
She knew she looked a mess. Nakasambulat ang mahabang buhok niya sa likod at mga balikat dahil nakalas na sa pagkakatali. Ang manipis na koloreteng ipinipilit na ipahid ni Rona tuwing umaga ay kanina pa binura ng pawis at ambon.
Mas determinado na siyang makakawala. This time, she was able to go away. Ngunit sinundan siya ng paanas na banta ng lalaki.
“Hindi ka makakatakas sa atraksiyon natin sa isa’t isa, magandang Eba. Ako ang iyong Adan.”
Pilit niyang iwinaksi ang kakaibang takot na umalipin sa kanya. Nabigo siyang iwaksi ang malaking bikig na nakaharang sa kanyang lalamunan dahil sa takot. Matagal bago siya nakapagsalita uli.
That day had passed slowly and torturously, with her heart thrumming endlessly with suspense and anxiety.
But she did not see the disturbing devil again.
Hanggang sa makauwi na sila nung araw na iyon, hindi na niya nakita ang estranghero. Nang muli niya itong makita ay bisita ito ng kanyang mga foster parents, humihingi ng pahintulot na maligawan siya.
Higit pa nga roon ang nangyari. Halos ipamigay na siya ng mag-asawang umapon sa kanya. Botong-boto ang mga ito kay Damon na ubod ng galante.