Lady Luck and the Gambler-10

Through Sara Ledesma, his luck had returned back to life again. The young woman was his Lady Luck. She was his first prize for winning the most dangerous gamble he’d ever played.

Kung natalo si Leandro sa sugal na ang nakataya ay si Sara, malamang na pati ang buhay niya ay naipatalo rin.

Wala ka bang nakakalimutan, Leandro?

Napapatda siya. Saka lang naalala uli kung ano siya. At kung anong buhay meron siya.

He was a vagabond. A wanderer with no place of his own.

Walang lugar ang isang babaeng katulad ni Sara sa uri ng pamumuhay niya.

“A-ano ang dapat kong gawin?” tanong ni Sara, nang tila nainip sa paghihintay ng iba pa niyang sasabihin. “N-napanalunan mo ako, hindi ba?” dugtong nito, apprehensively.

“Dadalhin mo ba ako sa pag-alis mo dito?” Her fearful eyes grew wider with panic as she stared at him anxiously.

Hindi makatugon si Leandro. Tumitig lang siya sa dalaga. Paano nga ba ang dapat niyang gawin?

“O ipupusta mo na lang uli…?” she suggested, in a tortured voice. Her fright was evident in the tremulous lips.

Leandro shook his dark head as he stood up.

“Sagutin mo naman sana ako, Leandro,” pakiusap ni Sara, nang tumalikod siya para lumayo. “A-ano’ng magiging kapalaran ko?”

[ Want to read the Start of Stories Online titled: LADY LUCK AND THE GAMBLER…? Click Here!]

An odd sensation clutched at his guts, in those tensed moments. Noon lang niya naranasan ang magdesisyon para sa iba. Hindi na ang sariling buhay lang ang tanging kargo niya ngayon.

Kadugtong na ang kay Sara, his very own Lady Luck…

Without much fuss, nilisan ni Sara ang Baryo Pantiong matapos ang isang linggong pagpapalakas mula sa sakit na trangkasong nagparatay sa katawan na inabuso ng pagtatrabaho.

Nung araw na alam niyang paalis na sila, hiniling niyang makita ang tiyuhin para magpaalam ngunit hindi pumayag si Leandro.

“Wala akong tiwala sa ‘yo, Sara. Masyadong malambot ang ilong mo,” wika ng lalaki nang magpumilit pa siya. “Mas mabuting huwag mo na muna silang makita sa ngayon.”

There was an implied promise, na puwede pa siyang bumalik sa bayang iiwanan sa ibang araw. Kaya napahinuhod siya.

Tahimik siyang sumakay sa traysikel na naghihintay sa tapat ng barung-barong.

Her pensive eyes roved her surroundings. Minasdan niya ang lugar na kinalakhan. Parang walang ipinagbago. Gayong ang halos buong Baryo Pantiong ay umunlad na nitong mga nagdaang taon.

Napag-iwanan na ng progreso.

Katulad niya…

“Tena, manong. Ayos na ‘tong dala ko.”

Napalinga siya sa binatilyong nagsalita. May nakasukbit na isang knapsack bag sa mga balikat.

Ngumiti ito sa kanya, nang makitang nakatingin siya. “Sasama na ako sa inyo, Ate Sara,” wika nito, habang sumasakay sa likuran ng drayber. “Niyaya ako ni Manong Leandro, para daw hindi ka masyadong malungkot.”

“P’ano ang bahay mo?” tanong niya. “Pati ang iba pang mga gamit na naiwanan ng Inay mo?”

“Ibinenta ko na lahat. Parang hindi na rin ako babalik dito. Wala na naman akong kamag-anak dito, e.” It was a decisive reply from one so young.

Naramdaman niyang sumakay sa tabi niya si Leandro. Masikip ang loob ng munting sasakyan, kaya nagkadikit nang husto ang kanilang mga katawan.

Her cheeks burned as she remembered the many nights that she had lain besides him. With his sinewy arms wrapped around her body.

“May dapat ka bang pagpaalaman pa?” Leandro dropped the disreputable-looking tote bag at their feet. “May mga kaibigan ka, hindi ba?”

Saka lang niya naalala sina Aling Maria, Cha-cha, at Gundina.

“M-maaari ba akong sumaglit sa palengke?” she requested guiltily.

“Oo naman,” was the succinct reply.

Tulad ng inaasahan, the goodbye scene with the three people who were very close to her had been emotional. Paulit-ulit na iyakan at yakapan. Walang katapusang habilinan. Bago ang mga huling halik ng pamamaalam.

“Sana, susulat kang madalas.” Si Cha-cha iyon, habang panay ang singhot.

“Huwag mo kaming kalilimutan, ha?” Nagpahabol ng huling pagyapos sa kanya si Gundina.

“Ingatan mo palagi ang sarili mo, Sara,” Aling Maria reminded her kindly. “Kumusta na lang sa Itay mo.”

Ang istoryang alam ng mga tagaroon ay buhay pa ang kanyang ama. At ipinasundo nga siya kay Leandro. Ganoon na lang ang pinanindigan niya.

[See if you could go to sleep after reading Romantic Love Stories Online in BEDTIME STORIES!]

“Dalawin mo kami, kapag nagkapanahon ka na,” ang panabay na wika nina Cha-cha at Gundina.

“Oo, maraming salamat sa lahat-lahat ng kabutihan n’yo sa akin, Aling Maria, Cha-cha, Gundina. Hindi ko kayo malilimutan!”

Nakamasid lang si Leandro sa kanilang apat. Mistulang blangkong papel ang ekspresyon.

Lumapit lang ito nang matapos na. He spoke to the kind old woman quietly and then he gave her two friends a brief smile before guiding her away by the elbow.

Ilang minuto pa, sakay na sila ng malaking aircon bus na natiyempuhan nilang dumadaan sa national highway.

Muli, magkatabi na naman sila ni Leandro.

Nasa kabilang panig si Alden, katabi rin ng bintana.

Panakaw siyang sumulyap sa gawi nito. “Salamat, Leandro.”

He gave her a bland side glance. “Masyado pang maaga para magpasalamat, Sara. Hindi mo pa alam kung ano ang kahihinatnan mo sa pagsama sa akin,” ang makahulugang wika nito.

Napalunok siya. Ngunit nagawa niyang sumagot, matapos makaapuhap ng kaunting katatagan. “Nakahanda ako, kung anuman ang nais mong mangyari, Leandro,” pahayag niya.

The enigmatic man stared at her for long seconds.

Hindi siya nagbaba ng tingin. Gumanti siya ng titigan. Something told her that she was flirting with danger. Still, she could not tear her eyes away from him.

And she had never felt exhilarated in all her life. Para siyang binabalot siya ng kakaibang klaseng init, gayong parang nangangatal siya dahil sa ginaw.

Ngayon lang siya nabingi sa lakas ng pagdagundong ng kaba sa dibdib niya. Halos maghabol ang paghinga niya.

Kapagkuwan, ginagap ng lalaki ang isang kamay niya. Warm sensations flooded into her veins and coursed throughout her trembling body.

“Nararamdaman mo rin ba, Sara?” tanong ni Leandro, paanas. “Gusto kita.”

Lalo siyang nanginig. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, para sa kanya. But did she have a choice?

Magmula nang magtama ang kanilang mga mata ni Leandro, nagbago na ang lahat para sa kanya. Para siyang ginising mula sa isang mahimbing na pagtulog.

Just like a sleeping beauty who had been awaken by a prince charming? What a grand illusion!

“Malayo pa ba ang Menila, manong?” Pinutol ng boses ni Alden ang pag-i-ilusyon niya.

“Malayung-malayo pa, Alden,” Leandro replied with an indulgent smile. “Bukas pa tayo darating doon. Matulog ka lang, kapag inantok ka.”

“Hindi n’yo ako iiwan, ha?”

“Hindi, Alden. Sige, magpahinga ka na muna.”

“Ikaw, Ate Sara? Okey ka lang ba diyan?”

Tumango ang dalaga. “Oo, salamat.”

Niyapos ng tinedyer ang dalang bag atsaka pumikit. Nakangiti pa rin.

“Tatanda siyang isang responsableng mamamayan,” Leandro observed quietly.

“Oo,” she agreed softly. “Isang mabuting bata si Alden.”

[Want to Check out more Romantic Love Stories Online in the LadyRomantica SITEMAP? Click here.]

Hindi umimik ang lalaking katabi kaya lumawig ang katahimikan. Ngunit hawak pa rin nito ang isang kamay niya. Hanggang sa makatulog siya.

At magising.

Even without opening her eyes, she knew that she was in a safe place. The strong beating of his heart beneath her ears would always be the most reassuring sound.

“Sara?”

“Hmm?” She lifted her head unwillingly. Ayaw pa sana niyang maputol ang magandang panaginip, kungsaan inuulit-ulit ang matatamis na katagang: Gusto kita…

“Nasaan na tayo?” tanong niya. She was loathe to move away from him yet.

“Malayo pa tayo. Ginising lang kita para kumain.” Marahan siya nitong itinulak palayo.

She was oddly hurt. She wanted to stay in his arms forever.

“P-pasensiya ka na. Nabigatan ka ba sa akin?” Inayos niya ang lumilis na palda habang tumutuwid sa pagkakaupo. Kinapa rin ng mga daliri niya ang buhok.

Luminga siya sa bintana upang aninagin ang repleksiyon.

The young woman who gazed back at her was so ordinary-looking.

A, isa nga siyang ilusyunada!

Kaya ang maniwalang tutoong gusto nga siya ni Leandro ay isang napakalaking halusinasyon.

Maaaring nagkamali siya ng pagkaunawa. Magkaiba ang kahulugan sa ‘gusto kita’ at sa ‘mahal kita’…!

She had to destroy the blossoming seed of her attraction towards the stranger. The unknown was always dangerous.

Siguradong masasaktan lang siya nang husto kapag hindi nag-ingat sa pagpapahulagpos ng mga emosyon na nagsimulang nang magising, magmula nang makilala si Leandro.

Ngunit tila huli na yata…

LADY LUCK AND THE GAMBLER-11

  Copyright secured by Digiprove © 2011 Lady Romantica

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.