Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

LADY LUCK AND THE GAMBLER

Have you ever felt having someone who depended their whole life to you? Have you ever experienced helplessness? Feeling so lost and alone? No hope in sight…

Lumung-lumo sa kawalan ng pag-asa ang naging pakiramdam ni Sara nung ipusta – at ipatalo – siya sa sugal ng tiyuhin.

Ano ang magiging kapalaran niya sa piling ng isang lalaking tila sugal ang tingin sa lahat ng bagay?

* * *

The night air outside was cold and crisp. Kabaligtaran ng atmospera sa loob ng nag-iisang istruktura na matao at maingay.

Iyon rin lang ang tanging nagliliwanag sa gitna ng malawak na kabukiran at damuhan. There were shanties and nipa huts nearby but had no proper illumination.

Isang lumang tupadahan ang ginagawang pasugalan at lugar-aliwan sa tuwing sumasapit ang taunang Pista ng bayan.

Sa isang linggo pa naman ang selebrasyon. But the men of the small town needed the diversion. Matapos ang isang taon na pagtatrabaho, kailangan na ng mga kalalakihan ng bakasyon.

And the most favorite recreation was the table cards. Or poker game. Nakapagtataka pero tila mas exciting ang sugal na nangakaupo at tahimik lang ang mga naglalaro.

Kaysa sa pagsasabong na ubod ng ingay at gulo.

Maybe because the thrill was in the clash of the minds. Labanan kasi ng isip at abilidad ang larong poker.

Ngunit anupaman ang mahiwagang karisma ng anumang sugal, walang maramdaman si Sara kundi pagkasuklam lang.

Tinakpan niya ang magkabilang teynga, habang nagdaraan sa tapat ng maingay na lugar. Nagdumali siya sa paglakad. Ni hindi niya magawang magpasalamat sa liwanag na naging gabay niya sa pagtugpa sa makikitid na pilapil, patungo sa gigiray-giray na tirahan.

Bago pa man siya isinilang, sinira na ng sugal ang buhay ni Sara.

Naipatalo ng kanyang ama ang lahat ng kabuhayan, pati ang sariling bahay at lupa. Because of shame and disgrace, he left the town and never came back again.

Ang naging epekto naman sa kanyang inang nagdadalangtao ay ang panganganak nang wala sa panahon. Isinilang na kulang sa buwan si Sara, kaya itinuturing na suwerte lang nang mabuhay siya. At umabot ng dalawampu’t isang taon.

Marahil ibinigay ng ina ang buhay nito sa kanya. A few hours after delivery, the desolate woman died. Leaving a poor baby girl in the midst of a cruel world.

Hindi man opisyal na namatay ang pobreng ama, itinuring nang ulilang lubos na si Sara Ledesma.

She was taken in by her father’s nasty brother. Si Tiyo Dado ang nagisnan niyang ama. Sina Tiya Liway at Benilda naman ang ina at kapatid. Ang tatlo ang itinuturing niyang pamilya.

While the three treated her as an all-around maid and a breadwinner rolled into one.

Bago pumasok sa trabaho, maglilinis at magluluto muna siya para sa mag-anak na naghihilik pa sa sarap ng tulog.

Pagkagaling sa trabaho, maglilinis at magluluto at maglalaba naman siya ng mga damit na marurumi.

She could take her rest at last, just before midnight. Natutulog siya bago maghatinggabi at nagigising bago mag-umaga. Hindi kataka-takang maging payat siya at maputla.

Mabuti na lang, mayroon siyang pagkakataon na matulog sa tanghali kapag matumal ang mamimili sa tindahan ng karne sa palengke. Dating kaibigan ng nasirang ina ang may-ari kaya hinahayaan siyang makapagpahinga ng ilang oras.

The blessed woman was also generous. Nagbibigay pa ito ng karneng ulam, pandagdag sa arawang sahod niya.

Na agad namang nilalantakan ng kain nina Tiyo Dado at Tiya Liway. Magtitira ang mga ito pero kasya lang para kay Benilda.

Wala na para kay Sara, kundi tutong at sabaw na lang.

Sa kabila ng lahat ng pagmamaltrato sa kanya, patuloy lang siya sa paglilingkod at pagmamalasakit sa mga ito. They were her family. Without them, she might have died when she still a helpless babe.

Na ipinanggagalaiti naman ng mga kaibigan niya sa palengke. Hindi maawat ang mga ito sa pagbibigay ng mga kumento at mga opinyon sa tuwing nagkakaipun-ipon sila sa puwesto ni Aling Maria.

“Aywan ko ba naman sa ‘yo, Sara. Parang ipinaglihi ka sa mga santa! Aba’y daig mo pa ang mga bayani sa pagpapakamartir, a?”

Her gay friend who worked as a beautician in a cheap parlor always complained about her questionable kindness.

“Nagpapakabait ka sa mga taong hindi karapat-dapat pagbaitan.”

“May utang na loob ako sa kanila. Sila ang kumupkop at nagpalaki sa akin nung mamatay si Inay sa panganganak.”

Umismid si Cha-cha, short for ‘Pocholo’, habang tumitikwas-tikwas ang mga kilay. Matangkad ito at guwapo kaya hindi agad nahahalatang bakla.

“Hmp! Inaruga ka nila para gawing alila na maglilingkod nang libre habambuhay!”

“At tagapaghanapbuhay pa ‘kamo,” dagdag ni Gundina, ang dalagang tindera naman ng isda. Tatlong ‘M’ ang deskripsiyon nito — maliit, mataba, at maputi.

“Kailan ka magigising, Sara?” Aling Maria asked with motherly concern. May edad na ito at may napakalaking balakang.

“Pati yata ang bisyo ng mag-anak na ‘yon ay tinutustusan mo, a? Palaging laman ng sugalan si Dado. Sina Liway at Benilda naman ay nakababad maghapon sa binggo-han.”

“Naku, ha? At saan naman kaya kukuha ng pantaya ang mga ‘yon, e, hindi naman nagwo-work!” tili ng bakla.

“Ano ba ‘yan? Nakakagigil naman!” Nagtitili na rin si Gundina.

Sara could not stop from giggling, but she apologized at once. “P-pasensiya na kayo kung natatawa ako, Aling Maria. E, komedi naman kasi itong sina Cha-cha at Gundina.”

Nameywang ang bakla at ang tindera ng isda. Ngunit imbis na pagalitan siya, nagsipaghagikhikan na rin ang mga ito.

“Alam mo, kundi lang musika sa pandinig ko ang pagtawa mo — baka nasubunutan na kita, bruha ka!” Cha-cha told her after controlling his mirth. “Bihirang-bihira kang tumawa, a?”

“Sa tutoo lang, ngayon ko lang narinig ang pagtawa mo, Sara! Ang ganda naman pala ng tunog. Nakakawala ng problema,” commented Gundina cheerfully.

“Tatawa ka nga palagi, Sara. Para naman sumasarap ang pakiramdam namin dito,” wika naman ni Aling Maria.

Unti-unting naglaho ang ngiti ni Sara. Nanumbalik uli ang seryosong ekspresyon niya.

“Wala po akong maraming dahilan para tumawa, Aling Maria,” tugon niya.

“Iwan mo na lang kasi ang mga balasubas na kamag-anak mo,” Gundina suggested in a forceful tone.

“Oo nga. Lumipat ka na ng tirahan. Magsama kayo ni Gundina sa kuwartong inuupahan niya,” dagdag ni Cha-cha. “Magkatabi lang kami niyan,” pagmamalaki pa.

“Sige, sige. Payag ako!” sabi agad ng tindera. “Lipat ka na sa amin mamaya, ha? Tutulungan kitang kunin ang mga gamit mo.”

“Tsk! tsk! Hindi papayagan ni Dado ‘yang si Sara,” pakli ni Aling Maria. “Kinuha ko na siya nung mahuli kong binubugbog ni Liway — nabawi rin agad sa akin.”

“Sana, itinago n’yo po muna si Sara,” salo ni Cha-cha.

“Gan’on na nga ginawa ko.”

“E, p’ano pa siya nakuha?”

“Sinampahan ako ng kasong kidnapping. Nagsama pa ng mga pulis sa bahay. Mas may karapatan daw sila kay Sara dahil sila ang kadugo.”

Matagal nang nangyari ang isinasalaysay ng matandang babae, ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa ang kahihiyan at sama ng loob na idinulot ng mag-asawang Dado at Liway dito.

Sara felt ashamed but she did not know what to say.

“Sus naman! Napakasama naman!”

“O, e, ano’ng nangyari pagkatapos umentra ang mga pulis?” pagdudumali ni Cha-cha. “Nakulong ba kayo, Madir?”

“Hindi na, dahil tumestigo naman si Sara na wala akong kasalanan.”

“Naku, e, di galit na galit ang mag-asawa?” Namimilog na ang mga mata ni Gundina.

Aling Maria sighed before replying. “Binugbog nila si Sara — dahil hindi nila ako napagkakuwartahan.” Sumulyap ito sa kanya. “At isang buwan na hindi pinalabas.”

“Ay! Tao pa ba ang mga ‘yon?” Cha-cha asserted disgustedly.

“T-tama na po, Aling Maria,” she pleaded quietly.

Nasasaktan siya kapag napupulaan sa harap niya ang malupit na tiyo, dahil kapatid ito ng kanyang ama. May malaking respeto pa rin siya sa magulang na umabandona sa kanilang mag-ina noon.

Biglang natahimik ang tatlong mga kaharap.

She felt guilty and ungrateful. “P-pasensiya na po kayo,” she apologized humbly to the old woman. “Pero matagal na po iyon. Dapat na pong kalimutan upang hindi na po masaktan uli ang kalooban n’yo.”

“Gaano katagal?” The gay could not contain his curiousity.

“Bata pa siya noon,” tugon ni Gundina. “Pero pinagtatrabaho na sa gawaan ng tsinelas. Dati n’yo kaming kapitbahay, Sara. Hindi pa lang tayo magkakilala.”

“G-ganoon ba?” Tumindig si Sara nang may mamataan na lalaking papalapit sa kanilang puwesto. She was thankful to end the depressing conversation about the past. “Teka, may kustomer yata.”

“Naku, babalik na nga pala ako sa parlor. Babay, Madir, Sara.”

“Ako rin. Magpapalinis ako ng mga kuko, hindi ba? Magkita na lang uli tayo mamaya!”

Magkasabay na umalis ang dalawa.

“Ano po ‘yon, mama? Bibili kayo ng pata? Liempo? Laman?” Inalok niya agad ang matangkad na estranghero. Sigurado siyang dayuhan lang ito sa munting bayan nila.

“Naghahanap ako ng buntot, o kaya’y ribs. Meron ba kayo?”

“Sa baboy po ba o sa baka?”

“Sa baboy. ‘Yung malambot ang laman, ha?”

“Opo.” Maliksi niyang binuksan ang chest cooler. Nandoon ang mga paninda nila kapag tanghali. Inilabas niya ang isang buong buntot na katamtaman. Pati ang ribs na kabit-kabit pa.

Sandali lang ineksamin ng lalaki ang paninda niya. “Sige, kukunin ko lahat. Magkano?” Dinukot na nito ang pitaka sa panlikod na bulsa ng pantalong maong, kahit hindi pa nga niya natitimbang.

At ni hindi nga itinanong pala man lang ang presyo ng bawat kilo.

She studied him under her lashes. Habang awtomatikong pinipindot ng mga daliri ang button ng digital weighing machine.

“Nakopya ko na, iha. ‘Yong isa naman.” Kinalabit siya ni Aling Maria sa likod.

Saka lang niya napagtanto na napapatitig na pala siya sa kaharap na lalaki. Binawi niya agad ang tingin dito.

But before that, she caught an amused smile on his firm mouth.

“Magkano lahat?” tanong uli nito.

“Heto iha.” Ipinakita ni Aling Maria ang calculator.

“Pitong daan at bente pesos po, ser.”

He pulled out a crisp one-thousand bill from the brown leather wallet. Binitiwan ang pera sa gitna ng counter, bago dinampot ang plastic bag. “Salamat.”

“Mama, may sukli pa kayo!” pahabol niya.

“Huwag mo nang suklian,” tugon nito habang nagdudumali sa paglayo.

Nabigla si Sara. Hindi niya kilala ang lalaking iyon.

“A-ang pangalan ng aking anak ay S-sara, amang. Sara Ledesma. Nasa Baryo Pantiong siya. D-dalawampu’t isang taon na siguro siya ngayon,” confessed an old gambler to Leandro.

He had rescued the poor bastard from the hands of burly bouncers. “Huwag na kayong magsalita, tatang. Nahihirapan lang kayo lalo,” awat niya rito.

“Magpahinga na kayo. Bukas, maayos na uli ang pakiramdam n’yo,” dagdag pa niya, sa magaan na tono.

Umiling nang umiling ang matandang lalaki. Inihit pa ng masasal na ubo. “H-hindi na ako aabot bukas, amang,” wika nito. Hinang-hina na ang tono. Tila naghihingalo na nga.

“Ibig kong hanapin mo ang aking anak. Huwag kang mag-alala. May ibabayad naman ako sa ‘yo.”

Hindi natigatig si Leandro. Ni hindi siya na-curious man lang. Matagal na siyang naglalagalag sa kungsaan-saang sulok ng mundo.

He had wandered in many places. Had encountered many sort of people. At ang unang natutuhan ni Leandro ay ang dalawang klase ng tao: ang manloloko at ang naloloko.

He tried to avoid to turn into one of these stereo-types.

Pero paminsan-minsan, nagpupunta siya sa unang kategorya — kapag nagkakaipitan na. After all, he only had himself to rely upon. Nag-iisa lang siya. Walang pamilya, walang kaibigan.

All his life, he had been living by his wits. Nakakamit niya ang anumang naisin dahil palagi niyang ginagamit ang kanyang talino. Palagi siyang alerto.

Bihirang-bihira na nalulusutan siya ng manloloko. He had a healthy distrust to everybody — he was a born cynic.

Palagi siyang nagdududa.

“May sakit ba kayo?” tanong ni Leandro sa matanda. He felt foolish instantly. Of course, the old man is ill!

Tatayo sana siya para lumayo sa higaan na pinaglapagan niya rito, ngunit maagap na nahawakan ang pantalon niya.

“Bitiwan n’yo ako, tatang. Tatawag ako ng duktor.”

“H-huwag na, amang. Hindi na ako magtatagal. Ngayon na ang katapusan ng miserableng buhay ko. Ubu-ubu-huhuhu!”

Pinanood ni Leandro ang kausap. Nililimi niya kung tunay ang paghihirap sa mukha nito.

He observed the bluish tinge of the pursed lips. Then the dull eyes and the pinched nose. Those were sure signs of a terminal illness. May sakit nga si Tatang.

Still, he remained calm and collected.

“Ano ba ang pangalan n’yo?”

“Ako si Gideon Ledesma, mas kilala bilang ‘Gido’,” tugon nito matapos makontrol ang panibagong atake ng ubo.

“Gusto kong puntahan mo ang aking anak. Hinihiling kong hanapin mo siya, bago mahuli ang lahat!” May bahid na ng desperasyon ang tono nito.

“Teka, teka, tatang. Dahan-dahan lang. Sinabi n’yong ‘Sara Ledesma’ ang pangalan niya. At nasa Baryo Pantiong siya ngayon. Alam n’yo kung saan siya matatagpuan, pero bakit hindi kayo mismo ang nagtungo doon nung malakas-lakas pa kayo?”

Pumikit muna nang mariin ang matandang nakahiga. Tila mas maputla pa ito kaysa sa maputing unan.

“N-nahihiya akong magpakita sa kanya, amang,” he whispered after a short hesitation. “Wala akong kuwentang tao…”

Nang huminto ito at hindi na nagsalita uli, inakala ni Leandro na natapos na ang lahat. He started prying off the athritic fingers from their clutch to his pants.

Ngunit dumilat uli si Tata Gido. Bahagya na nga lang maiangat ang mga talukap na nangangasul na. “Ipangako mo sa akin, amang. Ipangako mong pupunta ka sa — sa Baryo Pantiong… I-ibigay mo kay Sara ang — ang pamana ko sa kanya. Parang a-awa mo na…”

Nadaklot nito pati ang harapan ng jacket niya. Hinihila siya para marinig niya marahil ang papahinang boses nito.

“N-nakabaon sa puntod ng kanyang ina ang… ang isang kahon. Hatiin mo ang laman. Maghati kayo… bilang kabayaran sa p-paghanap mo sa — ugh!” The bloodshot eyes bulged several times. Kasabay ng mga ingay na nagmumula sa lalamunan ni Gido, animo sinisinok lang.

“I-ipangako m-mo!”

Dumaloy ang huling bugso ng lakas sa mga yayat na braso. Nagawa siyang hilahin hanggang sa muntik nang sumubsob sa butuhang dibdib.

“I — pa-nga-ko moooh…!” The old, gravelly voice demanded desperately.

“Okey, okey. Oo, ipinapangako ko.” Leandro was forced to comply. Sumang-ayon siya kahit na wala naman siyang balak na tuparin ang nais ng matanda.

“G-gawin mo sana, amang. Hindi ako matatahimik…”

Sa wakas, natapos nang talaga ang paghihirap ng matandang sugarol.

Dahan-dahang siyang binitiwan ng mga daliring butuhan at kulubot. Hanggang sa lumungayngay pabagsak ang mga biyas nito.

Atsaka lang kumilos si Leandro. Ang una niyang ginawa ay ang lumabas ng silid at maligo ng maligamgam na tubig sa banyo. Bago niya tinawagan ang hotel manager, para ipabahala dito ang pag-aasikaso sa bangkay ni Gideon Ledesma.

He had checked-out immediately after the corpse had been fetched.

Lumipat siya ng tinutuluyan para makalimutan agad ang kakatwang gabing iyon.

Nagtungo pa siya sa isang casino upang magsugal ng ilang oras.

But he did not win for even just once.

Naubos ang dala niyang puhunan.

Sinisisi niya ang sarili. Dry season pa ng pagsusugal dito sa bayang sinilangan.

He should not have left Shanghai yet. Dapat ay nanatili muna siya doon. Dapat ay hindi na muna siya nagbalik ng Maynila.

Still, he continued to gamble in other casinos and gambling houses. Night after night. Until all his expensive jewelries were all gone. His luck seemed to have ran out.

Disgustedly, he took the next cruise ship to Hongkong. Babawiin niya ang nawalang suwerte sa mga mayayamang singkit.

Ngunit bigo pa rin siya.

Talagang nadikitan na siya ng malas.

“‘Tang’nang matanda ‘yon, a! Tinutoo ang sinabing hindi nga matatahimik hanggang hindi nahahanap ang anak!” Tukoy niya agad kung ano ang dahilan ng kamalasang nangyayari sa kanya.

Nagtatampo siguro ang kaluluwa ni Tata Gido. Kaya naniniwala siya — gamblers were generally superstitious.

“Tuparin mo na kasi ang pangako mo sa namatay, Leandro. Pumunta ka na sa Baryo Pantiong,” utos niya sa sarili. “At nang mawala na ang malas na bumubuntot sa ‘yo!”

He withdrew a quarter part of the carefully-saved money from his Swiss account. Sa loob ng labing-isang taon bilang professional gambler, regular niyang inihuhulog ang kalahati ng lahat ng napapanalunan sa isang bangkong Swisa.

Sa unang pagkakataon, bumawas siya kanyang nakatagong salapi. Para may pantustos sa paghahalughog sa probinsiya ng Nueva Ecija.

He had the gut-feeling that the young woman in question would give him back his missing luck!

Madali lang narating ni Leandro ang Baryo Pantiong. It was not a barrio as he had thought first. It was a bustling and progressive town although very small, where everybody knew everyone’s business — and family history.

Kilala ang mag-amang Ledesma ng unang napagtanungan niya. Palibhasa, pinili niya ang may hitsurang taal na tagaroon.

Isang matandang babae na nakasalampak sa harapan ng isang pondahan habang kuntentong pinapanood ang mga taong nagdaraan.

“A, si Sara Ledesma ba? ‘Yung anak ni Gidong Sugarol?” Panay ang nguya nito habang nagsasalita kaya may tumatalsik na pulang laway sa bawat buka ng bibig nito.

Leandro hid his distaste under a poker mask.

“Nakow! Kawawang bata n’un. Inaapi ng mga kamag-anak na tinitirhan. Binubugbog. Inaalila–” patuloy nito.

“Siya nga ang hinahanap ko, Impo. Saan ko siya makikita?” he cut in before the old woman got carried away with the sob story. “Nasaan ang bahay na tinutuluyan niya?”

Iniluwa muna ni Impo ang nginunguyang dahon at bunga. “Pwak!” Tumalsik sa tuyong lupa ang kumpol ng berde at pula.

“Wala siya sa bahay ngayon. Nasa palengke. Namamasukan siyang tindera ng karne.”

Tumikhim si Leandro upang maikubli ang pagkadisgusto.

“Tindera ng karne,” ulit niya habang tumatango. “Sige po, Impo. Maraming salamat po.”

Masigla na ang mga hakbang niya nang tumalikod at lumakad palayo.

Tiyak na madali lang hanapin ang meat section sa palengke na nasa tapat ng terminal ng dyip.

He was glad to see the end of this mission.

Sasakay na lang siya ng traysikel. Nakalayo na pala siya nang husto sa paglalakad-lakad kanina.

“Traysikel!” Kumaway siya sa isang nagdaraan.

“S’an tayo, boss?” tanong ng binatilyo.

“Sa palengke.”

Ilang segundo lamang ang itinagal niya sa loob ng masikip na sasakyan. Bumababa na naman siya.

“Heto ang bayad.” Ibinigay niya ang isang sampung pisong coin. “Sukli ko?”

Nagkamot ang tsuper bago iniabot sa kanya ang dalawang piso. Bubulung-bulong ito. “May kuripot palang taga-Menila!”

Leandro ignored the rude comment. He chose to be a penniless traveller for this trip. Kaya kailangan niyang maging barat.

Click here to READ MORE

Comments are closed.