Long Distance Marriage-17

Naging maayos naman ang lahat. Ipinakilala si Alani ni Attorney Avillar bilang bagong presidente ng Atchico Incorporated, Ltd.

Malugod naman ang pagtanggap ng mga empleyado. TIla natutuwa pa ang mga ito na batam-bata at ubod ng ganda ang bagong pinuno ng kumpanya.

Dalawang taon nang bakante ang naturang posisyon. Sal-itan ang mga direktor para umaktong presidente habang wala pa ang talagang uupo, pagkatapos ni Doña Cristina.

Nangilid ang luha ni Alani nang may lumapit na isang matandang lalaki sa kanya.

Kinamayan siya nito at hinagkan sa pisngi bago sinipat nang matagal. Napuna niyang mamasa-masa rin ang mga mata nito.

Natatandaan niyang isa ito sa mga matatandang kasosyo ng kanyang mga magulang, si Don Joselito.

“Hindi mo naitatanong, isa akong tagahanga ni Cristina, ang iyong ina, nung mga bata pa kami. Nang makita kita kanina, sansaglit akong nananaginip ng nakaraan. Kamukhang-kamukha mo si Cristina. Sana ay naipamana rin niya sa iyo ang angking talino at talas ng isip sa pagnenegosyo.”

Itinuring ni Alani na bendisyon iyon sa kanyang bagong posisyon at responsibilidad.

[Want to read the Start of Stories Online titled – LONG DISTANCE MARRIAGE…? Click Here!]

Lumalalim na ang gabi nang hindi na niya mapigil ang kanyang kuryosidad. Wala pa si Kurt.

Nasaan na naman ang lalakin iyon?

Halos lahat ng mga bisitang lalaki ay nakipagsayaw na sa kanya ngunit ang lalaking inaasam niyang magiging ‘first dance’ ay nawawala pa rin.

May naramdaman siyang nakatitig sa kanya. Inakala niyang si Kurt iyon ngunit isa lamang pala sa mga tauhan ng kumpanya.

“Ma’am? May I have this dance?” Magalang naman ang pananalita at pagkilos ng empleyadong ibig makipagsayaw sa kanya kaya pinagbigyan niya.

Nang magkalapit na sila at saka niya napagtanto ang kanyang pagkakamali. Presko pala ang lalaking nagpakilalang Danny.

Hinapit agad siya nang yapos sa beywang at panay ang himas ng isang kamay na iyon sa kanyang likod at balakang.

Ayaw niyang gumawa ng eksena ngunit hindi na niya kayang tiisin ang pambabastos nito.

Amoy-alak pa ang hiningang nakatapat sa kanyang leeg. Langhap na langhap niya ang amoy ng mamahaling alak na ipinasiya niyang iterno sa mga pagkain na inihanda ng restawrant.

Marahan niyang iniapak ang isang matulis na takong sa isang paa nito habang sumusuray ang kanilang mga katawan kasabay ng mabagal na tugtugin.

Inubos niya ang pagigil na lakas para maramdaman ng lalaki ang pagtusok niya sa mga daliri nitong nasa loob ng balat na sapatos.

“Araykup — ” bulalas ng lasing.

Pasimpleng naitukod ang mga siko niya sa dibdib nito bago ubod-lakas ding itinulak ang lalaki. Walang nakapansin sa naganap na maikling tunggalian sa gitna ng mga nagsasayaw ding mga pareha sa paligid nila.

Hinila ni Alani sa isang kamay ang lalaki at dinala sa kabila ng isang halaman na mayabong at mataas. Nang matiyak na nakakubli sila, binigyan niya ng isang malakas na tampal sa pisngi ang pangahas na empleyado.

“Hindi ko gusto ang ginawa mong pambabastos pero bibigyan pa kita ng isang pagkakataon,” wika niya sa pagigil at pabulong na tinig.

“kapag inulit mo pa, tatawagin ko na ang pansin ng mga security guards na nasa paligid natin. Hindi mo sila napapansin dahil sinabihan kong huwag mag-uniporme. Ngayon kung gusto mong subukan, bahala ka. Paggising mo bukas, masakit na ang katawan mo, wala ka pang trabaho!”

Tumalikod siya pagkatapos sabihin ang pagbabanta sa mariing tono.

“M-ma’am, I’m sorry,” habol ng lalaki. Hindi yata namalayan na hawak na naman siya nito sa isang braso. “N-nagkapustahan lang po kami. C-crush ko ho kasi kayo, e. Hinamon ako ng mga kabarkada na hindi ko kayang makipagsayaw sa inyo. I’m sorry ho uli…”

Bumuntonghininga lamang si Alani. Muling humarap sa lalaking humihingi ng dispensa.

“O-okey lang. Huwag mo na lang uulitin,” patianod niya. “Bumalik ka na sa mga kaibigan mo – and behave!”

Bago pa lamang siya nakakahinga nang maluwag habang papabalik sa lamesa niya nang may humarang namang anino sa kanyang daraanan.

Natutop niya ang bibig dahil muntik na siyang mapasigaw.

Si Kurt! bulalas ng munting tinig sa loob ng utak niya.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa matigas na anyo ng lalaki.

“K-kurt! A-ano’ng — ?” umpisa niya ngunit hindi na natapos dahil hinila siya nito sa isang braso. Kinaladkad siya papalayo sa mga maliliwanag na ilaw.

“S-sandali lang, Kurt!” pigil niya. “Nasasaktan ako,” dagdag niya nang hindi niya magawang ikawala ang bisig mula sa mala-bakal na mga daliri.

“I want to do more than that, you harlot!” asik ng lalaki.

Parang sinampal ang pakiramdam ni Alani.

“A-anong sinabi mo?” ulit niya nang hindi makapaniwala ang kanyang isipan sa narinig.

“I said, you’re a tease, a bitch,” tugon naman ni Kurt sa makamandag pa ring boses.

Gustong mangilid ang luha ni Alani habang nagpapatianod sa pagkaladkad nito. Paika-ika na siya dahil nasabit sa nakausling ugat ang isang takong ng suot niyang sapatos.

Patungo sila sa dakong masukal ng malawak na bakuran. Malayo na ang tunog ng banda na tumutugtog sa gitna ng pagdiriwang.

“Kurt — mmmph! Ano b — !”

Hindi siya makapagsalita nang yakapin siya nang mahigpit at kuyumusin ng mariing halik ang kanyang mga labi.

Halos mapugto ang kanyang paghinga.

Itinulak ng kanyang mga palad ang balikat ng lalaki ngunit hindi man lang ito natinag kahit na isang pulgada lang.

Siniil ng mainit na halik ang kanyang leeg, balikat at dibdib.

Dumapyo ang malamig na hangin sa kanyang kasuotan nang kalagin ni Kurt ang pagkakabutones at pagkaka-zipper ng gown na puti sa kanyang likuran.

Sa isang panig ng kanyang nanlalabong isipan, nakuha pa niyang manibugho dahil kabisado ni Kurt ang mga kasuotang pambabae.

Kumplikado para sa kanya ang naturang gown nung unang isusukat niya ito sa boutique na pinagbilhan. Samantalang napakadali para kay Kurt…

Hindi na natuloy ang isiping iyon nang mapalitan ng sunod-sunod na sensasyon ang bagay na gumugulo sa kanyang kalooban.

Nabihag na rin ng pangahas na bibig ang sensitibong dibdib. Napasinghap siya nang malakas ngunit paimpit nang ang sumunod na maging tagabihag ay ang nagbabagang dila at ang maiinit na daliri.

Hindi niya napigil ang mapaliyad kahit na itinutulak niyang palayo ang marahas na kaniig.

Naapuhap ng kanyang nanginginig na mga daliri ang itimang buhok. Sinabunutan niya ang hibla para tangkaing ilayo ito ngunit nagsa-gulaman naman ang kanyang mga buto sa kamay at braso — at sa kung saan-saan pa!

“Kurt! Please, huwag naman ganito…oh!”

Hinigop ng uli-uli ng mga sensasyon ang kanyang katinuan habang tinutupok ng lumalaking apoy sa kanyang kaibuturan ang kanyang kamalayan.

LONG DISTANCE MARRIAGE-18

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.