Long Distance Marriage-18

Hanggang sa tuluyan nang matunaw at anurin sa kawalan ang natitira pang pagtutol sa kanyang kabuuan.

Nang muli siyang palutangin ng lalaki mula sa dagat ng sensuwalismo, natagpuan niya ang sarili na naghahabol ng hininga.

Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata, at sumalubong ang tanawin ng mabituing kalangitan sa kanyang nanlalabong paningin.

Hindi niya namalayan na naihiga na siya ng lalaki sa makapal na damuhan na nilatagan ng kanyang gown at ng blazer nito.

Itinukod ni Kurt ang mga siko para matunghayang mabuti ang kalituhan sa kanyang mukha.

“Ayoko nang dinadaya ako, Alani. Sinabi mong payag ka na sa ating pagsasama, kaya hindi ka na puwedeng makipag-relasyon sa iba pang lalaki!”

Namigat ang mga talukap niya nang sapuhin ng isang kamay ang kanyang dibdib. Hinaplos ng isang hinlalaki ang pinaka-ituktok.

Pinigil niya ang mapapikit muli ngunit hindi ang papigil na pagsinghap sa dilim na nakalambong sa kanila.

“Kurt, tama na…” bulong niya ngunit ang kanyang katawan naman ay nagpapahayag ng pagpapaubaya.

Kusang lumiliyad ang kanyang likod upang lalo pang magkadaiti ang kani-kanilang katawan.

[Want to read the Start of Stories Online titled – LONG DISTANCE MARRIAGE…? Click Here!]

Tumawa nang mahina at mapanudyo ang lalaki, kaipala’y nababasa ang kanyang reaksiyon.

Napapagtanto ang nasa likod ng ipinakikita niyang pagtutol kaya hindi siya pinapansin habang patuloy sa paghaplos ang mahahaba at malamyos na daliri sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Para bang ipinaaalam na ito na ang nagmamay-ari sa kanya, simula ngayon.

Narinig niya kaysa naaninag ang sumunod na ginagawa ni Kurt.

Nag-alis ito ng iba pang saplot. Hindi alintana ang malamig na simoy ng hangin na nanggagaling sa mayayabong na nga punong kahoy na nasa palibot.

“K-kurt, giniginaw ako,” protesta niya nang maramdamang inaalis na ang suot niyang panloob. “Kurt…”

Isang maalab na halik ang nagpawala sa kanyang sasabihin. Hindi gaanong mariin ngunit maapoy naman.

At matagal.

Katuwang ang mga ekspertong mga kamay nito na pinalagablab nang husto ang ningas na sinimulang sindihan sa unang araw pa lamang ng pagdating nito, nung isang linggo.

Dito sandaling nanumbalik ang kanyang kamalayan.

Nung isang linggo lang dumating ang lalaki, matapos siyang abandonahin ng halos apat na taon, ngunit nandito na siya agad sa ilalim ng matigas na katawan habang nagpapaubaya sa anumang gustong gawin nito sa kanya.

Muli siyang nagtangkang manlaban. Nagpumiglas siya.

Nasorpresa ang lalaki kaya nakakawala siya, ngunit maagap din nitong nasupil ang sandaling pagbugso ng kanyang lakas.

Inulaol ng maririin at mapupusok na halik ang iba’t ibang bahagi ng mga kaselanan niya.

Kahit na malamig ang panahon, nakaramdam siya ng pag-iinit ng sensitibong balat.

Nagalugad ni Kurt ang lahat ng mga pribadong parte ng katawan niya na siya pa lamang ang nakakahipo.

Desidido itong burahin at kitlin ang anumang panlalaban na maaaring pumasok sa kanyang isipan. Upang magkaroon na ng kaganapan ang paghahangad nitong maangkin na siya nang lubusan.

“You’re mine, Alani,” anas nito bago pinagsugpong ang kanilang mga katawan.

Maagap na sinalubong ng matiim na bibig nito ang impit na sigaw na humuhulagpos sa kanyang nananakit na lalamunan.

Huminto rin sa pag-indayog ang daigdig na kanilang kinalalagyan.

Nanatiling nakapikit nang mariin si Alani habang tinitiis ang pagsigid ng sakit.

Ibig niyang maluha ngunit natuyo ang mga bukal sa kanyang mga mata. Walang maalat na likido para sa mga sandaling iyon ng kanyang pagkatalo sa kamay ng mas malakas na kalaban.

Hindi niya namalayan kung kailan nabura ang kirot sa pinakasentro ng kanyang pagkababae.

Naramdaman na lamang niyang bahagya na namang gumagalaw ang pangahas na katawang binubuo ng matitikas at matitigas na kalamnan na pinagkukutaan ng walang hanggang lakas.

Napahikbi siya nang mapagtanto ang nais gawin ng lalaking nangahas na sakupin ang kanyang katauhan.

Sa muling pagpapatuloy ng marahang pag-indayog na nakakapagpaliyo sa kanya, ang hikbi ay naging paimpit na padaing.

Umungol siya dahil ibig magprotesta ng ibang bahagi niyang nasa gawi ng utak, tila mas malakas ang puwersang humahatak at rumarahuyo sa kanyang sensuwalidad na napukaw ng init na ipinadarama ni Kurt sa kanya.

Napapikit na lamang siya uli nang mariin nang humulagpos na ang malakas na alon ng mga emosyon na galing sa pinakapusod ng kanyang kaibuturan.

Napahawak siya nang mahigpit habang tinatangay siya ng sumusulak na mga damdamin na kay tagal niyang inipon sa pinakasulok ng kalooban.

“Kurt…!” bulong niya, halos paungol habang unti-unting lumulutang ang kanyang espiritu upang kaipala’y maglalayag sa kalawakan na kasama ang lalaking kaniig.

Nakapikit siya ngunit malinaw niyang nakikita ang mga bituin, ang buwan…

Nakasubsob ang pawisang mukha ng lalaki sa kanyang malambot na dibdib nang muli siyang balikan ng wisyo. O nang muli siyang makalapag mula sa paglipad?

Gusto niyang bumangon agad nang mga sandaling iyon habang naglilinaw na ang kanyang isipan.

Gusto niyang mandiri sa kanyang sarili habang unti-unting ginagapangan ng lamig ang kanyang balat na basa rin ng pawis.

Muling nagpatuloy ang labanan sa pagitan ng kanyang isip at puso. Naging mapait ang palitan ng mga sumbat sa loob ng kanyang nalilitong katauhan.

Hindi niya namamalayang napapapilig na siya habang sapo ng dalawang kamay ang magkabilang mga teynga. Umaalingawngaw sa loob ng kanyang utak ang mga sigaw ng kanyang budhi.

“What is it, Alani?” tanong ng nag-aalalang tinig ni Kurt.

Pinilit niyang magmulat ng mga mata habang itinutulak ng kanyang mga siko ang papalapit na dibdib nitong may manipis na balahibong medyo kulot.

Maalala lang niya ang pakiramdam kapag napapakiskis sa kanyang balat ang mga hiblang maikli at malambot, nag-aapoy na ang mga bagang nakakubli sa kanyang kubling kaibuturan.

“G-gusto ko nang magbihis, Kurt, please!” pakiusap niya sa nangangatog na tinig. “I’m c-cold!”

Agad namang umangat ang katawan ng lalaki para alalayan siyang bumangon.

Nakabakas ang tagumpay sa mga mata nito habang kritikal na pinagmamasdan ang kanyang kabuuan.

Depensibo naman si Alani habang niyayapos ang kanyang katawan upang maikubli agad sa matatalas na mga mata ng lalaki ang kanyang harapan.

Napayuko siya habang itinatago rin ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi kahit na imposibleng maaninag ng lalaki ang reaksiyon niyan ito.

“I’m sorry, Alani,” bulong nito sabay halik sa kanyang palad. “I lost my self-control.”

Hinila ni Alani ang kamay nang tila makuryente ang kanyang palad nang mapadaiti sa mainit na bibig ng lalaki.

LONG DISTANCE MARRIAGE-19

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age