Love Hurts-28

Walang imikan ang mga tao sa Mercado Residence.

Magmula nang masawi ang kaisa-isang supling, nawalan ng sigla ang mag-asawang Peping at Moring.

Dapat ay may kaunting saya man lang ang mga ito. Dahil nanalo ang kaso.

Nabigyan ng katarungan ang kamatayan ng isang babaeng walang kuwenta ang naging pamamalagi dito sa mundo.

Napatawan ng pinakamabigat na parusa ang lalaking pinakamamahal niya…

‘Oh, Theo, mapatawad mo sana ako!’ bulong ni Nerida sa sarili, pausal.

“Ano’ng balak mo sa buhay mo, Nerida?” tanong ni Uncle Peping.

Napilitan siyang mag-angat ng paningin. Ngayon lang uli siya kinausap nang diretsahan ng tiyuhin. Masamang-masama ang loob nito dahil sa inaakalang pagpapabaya niya sa anak nito.

Huminto na silang lahat sa pakunwaring pagkain.

“Babalik na kami sa Amerika,” pahayag ng Auntie Moring niya. “Doon na kami maninirahan.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVE HURTS…? Click Here!]

“U-uuwi na lang po siguro ako sa probinsiya,” tugon niya, halos wala sa loob.

Tumango si Uncle Peping.

“Bibigyan ka na lang namin ng perang panimula mo doon,” anito. “Kabayaran para sa pagpayag mong tumestigo laban sa lalaking iyon,” dugtong pa sa tonong mapakla.

Parang ibig niyang matunaw sa kinauupuan. Gusto niyang tumanggi ngunit mas malaki ang pangangailangan niya.

Atsaka, kahit na tanggihan niya ang alok na bayad ay hindi na maibabalik ang nawalang pagtingin sa kanya ng tiyuhin.

Umismid ang Auntie Moring niya nang hindi siya tumutol.

“Hindi ka namin kailangang bayaran, kung tutuusin,” pakli nito. “Pero gusto naming makasiguro na hindi ka na magpapakita uli sa amin. Isa kang ahas na walang utang na loob!”

Nerida flinched from the verbal attack but she did not say anything. Malaki ang utang na loob at kasalanan niya sa mga kaharap.

“Ngayon pa lang, ibalot mo na ang mga damit mo. Para maaga kang makaalis bukas,” utos ni Uncle Peping.

Yumuko na lang si Nerida.

“O-opo,” wika niya, pabulong.

Gumawa ng tseke ang matandang lalaki at pagalit na ibinigay sa kanya. Madilim ang anyo nito.

“Heto ang tseke mo. Ano pa’ng hinihintay mo? Umalis ka na sa harapan namin!” asik nito.

Lumipad ang malutong na papel at lumapag sa sahig.

Pigil-pigil ni Nerida ang pag-iyak habang dinadampot ang simbulo ng tanging pag-asa niya.

Si Aling Diding ang sumalubong sa kanya nang patakbo siyang nagtungo sa kusina.

“Pinaalis ka na ba nila?” tanong nito. Masuyo at banayad ang tono.

“O-opo,” hikbi niya. She ran into the older woman’s gentle arms for comfort. “Hindi nila ako mapapatawad sa nagawa kong kasalanan!”

“Sobra-sobra ang pagmamahal nila kay Melissa,” pahayag ng matandang babae. “Ngunit napasama naman dahil nga sobra.”

“Hindi dapat si Melissa ang nawala, Aling Diding. May mga nasaktan nang mamatay siya. Dapat ay ako na lang para walang nasaktan!”

Humigpit ang pagkakayapos ng mga yayat na bisig sa kanya. Dumalas ang paghaplos ng mga kulubot na kamay sa buhok at likod niya.

“Huwag kang magsalita nang ganyan, Nerida. Ako — kaming lahat dito, mahal ka namin,” pang-aalo nito.

Nagbigay ng panibagong tatag ng loob ang mga sinabi ng matandang katulong.

Nag-angat siya ng ulo. Dahan-dahang umatras palayo upang muli siyang makatayo sa sariling paa.

“Oh, Aling Diding, maraming salamat po sa pagpapahalaga n’yo sa akin. Mahal ko rin kayong lahat dito. Malulungkot ako kapag umalis na ako,” sambit niya. Pinilit niyang ngumiti. “Lalo na po kayo,” dugtong niya.

Nangilid na rin ang luha sa mga mata ng kausap.

“Saan mo nga pala balak magpunta?” tanong nito.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Nerida.

“S-sa probinsiya sana ng Inay ko pero baka wala na akong kilala doon,” was her tentative answer.

“Gusto mo bang sumama sa amin?” alok nito. “Balak ko na ring umuwi sa probinsiya. Doon ko na ibig manatili habang tumatanda na at humihina na ako.”

Nerida was overwhelmed ngunit natutukso siya.

Mistula siyang isang manlalangoy na pinupulikat. At nangangailangan ng makakapitan.

“K-kung hindi po ba ako magiging abala?” Hilam na hilam sa luha ang mga mata niya nang tumugon siya.

Tumawa ang kaharap.

“Ang batang ito talaga! E, ano ba kung maging abala ka? Isang tunay na anak na ang turing ko sa ‘yo, Nerida.”

“N-napakasuwerte ko naman p-po kung — kung nagkatutoong kayo nga ang ina ko!” wika niya, pabulalas, bago tuluyang napahagulgol. “Oh, Aling Diding! Maraming, maraming salamat po sa inyo!”

“Maraming salamat din sa ‘yo, iha.” Umiiyak na rin ang matandang babae. “Pinaligaya mo ako nang lubos sa pagtanggap mo sa alok ko!”

Muli silang nagyapos at sabay na umiyak.

Iyon na pala ang simula ng unang aklat ng mga pangarap sa buhay ni Nerida.

Kinabukasan, sabay silang umalis sa malaking bahay na naging kanlungan ni Nerida sa loob ng labing-apat na taon.

Dinalaw pa muna niya ang masukal na sulok ng hardin, kungsaan siya unang inangkin ni Theo — bago siya tuluyang lumabas ng bakuran.

Ni hindi man lang siya inihatid ng mga tiyuhin.

Wordlessly, ginagap ng kasama ang isang kamay niya.

Napatingin siya sa katabi. Nakasakay na sila sa taksing maghahatid sa kanila sa piyer.

“Huwag kang mag-alala, Nerida. Mapapatawad ka rin nila, pagdating ng araw.”

Malungkot na umiling si Nerida.

“Hindi na po nila ako mapapatawad, Aling Diding,” wika niya.

Nang pumutok ang baril na kinalabit ni Melissa, tumama ang bala sa ilalim ng baba nito at lumusot sa bao ng ulo. Kaya naging daglian ang pagkamatay nito.

In slow motion, just like in the movies, nakita niya ang sarili na tumatalon mula sa kama at tumatakbo patungo sa lugar na kinalugmukan ng pinsan.

Sumaklolo siya ngunit wala na itong buhay.

Natatandaan niyang nagsisigaw siya nang nagsisigaw.

“Melissa!” Sumigaw din si Theo. His horrified expression had been forever imprinted on her mind.

Ngunit tila hindi lubos ang pagkabigla nito dahil umaandar pa ang praktikalidad.

“C’mon, Nerida,” utos nito. “Kailangan mong magbihis. Hindi ka dapat makita ng iba dito. Dalian mong kumilos!”

She could dimly remember na tumalima siya.

Ngunit labis ang panginginig ng mga daliri niya, pati ng buong katawan, kaya ito na lang ang nagbihis sa kanya.

Nilinis din siya nito nang husto. Pinahiran ng basang tuwalya ang mga bahid ng dugo na dumikit sa balat niya.

Maagap siyang nailabas sa isang pintuang salamin at dinala sa ibang silid.

LOVE HURTS-29

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age