Love Hurts-3

Ang palagi niyang itinatanim sa isipan ay ang mga kabutihan na ipinakita ng tiyo at tiya sa kanya, sa loob ng labingtatlong taon.

Bearing the brunt of Melissa’s spitefulness was just a small price to pay for the kindness that she had been shown since she had been orphaned at nine years old.

Hindi na umimik si Nerida. Ipinagbukas niya ng pinto ang pinsan, bago siya sumakay.

“Hah! Makikita mo, mapapalayas na kita ngayon sa bahay namin! Mawawala na rin sa paningin ko ang mukha mo!” Tuloy lang sa pag-alipusta si Melissa sa kanya kahit na umaandar na ang sasakyan.

“Ang kapal-kapal mo! Mapagsamantala ka! Ayaw mo nang umalis sa amin. Ayaw mong huminto sa panghuhuthot sa Papa’t Mama ko!”

Nagbingi-bingihan pa rin si Nerida. Thirteen years of sheer forbearance helped her to be patient and unperturbed.

Kaya lalo lang nagngingitngit si Melissa.

“Ang kapal-kapal-kapal-kapal mo talaga! Sa sobrang kapal mo — hindi ka na matablan ng kahihiyan! Mahiya ka naman, Nerida. Habangbuhay ka na lang bang nakasandal sa amin?”

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVE HURTS…? Click Here!]

Nerida remained silent and composed.

Ang tutoo, disiotso pa lang siya noon, nagpapaalam na siya sa tiyuhin. Gusto na niyang magsarili.

Pero si Melissa ang naging sagabal. Tumutol ito na makaalis siya gayong suklam na suklam nga ito sa kanya.

Marahil ay naiinggit sa makakamtan niyang kalayaan.

Kaya kapag nagtagumpay ito sa pagpapaalis sa kanya, matutuwa pa rin siya.

Matutupad na ang matagal na niyang pangarap na makapamuhay nang mapayapa.

A, sino ba kasi ang nagpauso ng utang na loob?

Tama bang pati ang respeto sa sarili at ang dignidad ay maging kabayaran din sa utang na loob?

Palagi na lang siyang nangingimi. Nag-iingat. Ayaw niyang masaktan ang kalooban ng mga taong kumupkop sa kanya.

‘Hanggang kailan ba ako magbabayad sa kanila?’ tanong niya, pausal. Matagal na akong nagtitiis…

Sa wakas, napagod na sa kadadakdak si Melissa. Tumahimik na ito habang nakasimangot na nakatanaw sa labas ng bintana.

She knew that she did not hear the last of it.

Masyadong mahaba magsumpong ang pinsan niya.

Inaabot nga minsan ng isang linggo ang pagngingitngit nito.

Tama ang hinuha niya. Hindi pa rin nagbabago ang pinsan niya.

Paghintung-paghinto pa lang niya sa driveway, sa tapat ng malapad na front door, padaskol agad na umibis ang dalaga.

At padabog na pumasok sa loob ng bahay.

Ilang sandali pa, umaalingawngaw na ang matinis na boses nito habang pasigaw na nagsusumbong at nagrereklamo sa ama’t ina.

Nagkatinginan na lang sila ng mayordoma. Sabay pa ngang napailing-iling.

Magkatuwang nilang hinakot sa itaas ang mga shopping bags and boxes.

Habang nagtatrabaho, pigil-hininga si Nerida sa paghihintay ng magiging verdict ng Uncle Peping niya.

She was hoping for the worse.

Ipinatawag siya ng tiyuhin nang matapos na ang makamandag na litanya ni Melissa.

“Tuloy ka, iha. Upo ka,” utos ni Uncle Peping matapos siyang kumatok sa medyo nakaawang nang pinto.

Nakatitig siya nang diretso sa mukha ng tiyo habang naghihintay ng sasabihin nito sa kanya.

Bumuntonghininga muna ito bago nagsimula.

“Heto na naman ako, iha. Humihingi na naman ako ng dispensa sa ‘yo.” Umiling-iling ito. “At patuloy na nagpapasalamat sa ipinakikita mong pasensiya sa pinsan mong si Melissa.”

“Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Uncle. Maliit na bagay lang po ang pagpapasensiya kay Melissa,” pahayag niya sa malumanay na tono.

“A, napakabuti mo, Nerida. Nakikita ko sa ‘yo palagi ang iyong nasirang ama. Mahaba rin ang pasensiya ni Kuya Nardo.”

“Hindi naman po masama si Melissa, Uncle. Nagseselos lang po siya sa atensiyon na naibibigay n’yo sa akin,” paliwanag niya.

“Alam ko,” sambit ng matandang lalaki. Nagsindi ito ng matabang tabako atsaka sumandal para maghitit-buga ng puting usok.

“Kaya mas makabubuti po sigurong umalis na ako dito sa poder n’yo,” dugtong niya.

Sunud-sunod na iling ang itinugon ng kaharap.

“Hindi kita puwedeng pabayaang mabuhay mag-isa. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya sa akin? Baka multuhin pa niya ako.”

Nerida knew a sinking feeling — again.

Hindi lang niya masabi nang tuwiran sa tiyuhin na mas matutuwa pa siguro ang kanyang nasirang magulang kung papayagan siyang magsarili.

Ayaw niya kasing ma-misinterpret ang kanyang pagnanais ng kalayaan.

Baka isipin pa ng mga nagpalaki sa kanya na nagiging palalo na siya dahil matitigas na ang mga buto niya.

Marami pang sinabi ang tiyo ngunit hindi na siya nakikinig.

She was only half-listening as she daydreamed about a certain man called Theo Montes.

Napakasarap kausap ng taong iyon. Halos hindi niya namalayan ang paglipad ng mga sandali.

He made her feel beautiful.

Kay Theo niya naramdaman kung paano maging isang indibidwal.

Kung paano maging isang babae…

What was she thinking!

“Buweno, iha, magpahinga ka na. Medyo umiwas ka na lang muna sa pinsan mo habang sinusumpong pa siya, ha?”

“Opo,” was all she said as she stood up to go.

Nagtuloy siya sa kusina para tumulong sa mga trabaho bago magpahinga sa gabi.

Dinampot niya ang drying towel nang makitang naghuhugas na ng mga pinggang pinagkanan ang mga katulong.

“Kumain ka na ba, Ate Nerida?” usisa ng pinakabatang alila, si Nena.

“Oo, Nena. Sumabay ako kina Aling Diding kanina.”

“Kuu, hindi ka naman gaanong nakakain, a?” sabad ng mayordoma. Naglabas ito ng isang pinggan na may takip mula sa microwave oven. “Heto, iha. Ipinagtira kita ng hapunan.”

“Hindi na sana kayo nag-abala, Aling Diding,” wika niya. “Kaya hindi ako nakakain nang husto, busog pa kasi ako. Nagmeryenda ako sa mall bago kami umuwi,” paliwanag niya.

Lumapit ang magkapatid na hardinero, sina Jun at Mario.

“Kami na lang ang kakain niyan, Aling Diding,” prisinta ng mga ito, sabay pa.

“Aba, hindi para sa inyo ito,” tanggi ng mayordoma.

“Ibigay n’yo na sa kanila,” pangungumbinsi ni Nerida. “Busog pa talaga ako.”

“O, siya, siya, heto na. Ang sisiba n’yo talaga!” anang matandang babae pero nakatawa na.

Nilapitan siya ng mayordoma at tumulong na rin sa pagpupunas ng mga kubyertos at mga pinggan.

“Ibang-iba ka sa pinsan mo, Nerida,” wika nito nang mapunang humahaba na ang katahimikan.

LOVE HURTS-4

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age