Love Hurts-34

Habang nagluluto siya ng gustong putahe ni Theo, nagkukuwentuhan sila noon.

Iba’t ibang paksa pero pulos puno ng saya.

He had enchanted her with his sincere appreciation of her domesticated character.

She had treasured those cheerful moments very much. It was only then that she was truly happy.

Noon lang siya nakaranas ng tunay na pakikipagkaibigan, mula sa isang lalaki.

“I missed you so much, Nerida!” dugtong ni Theo, halos pausal. “Sa kabila ng kasalanan mo sa akin, patuloy pa rin akong nagmamahal sa ‘yo.”

His words intruded into her thoughts.

Naputol ang masasayang alaala nang magsalita uli si Theo.

Sinikap niyang makatindig mag-isa. Ninenerbiyos na naman siya.

Nakahawak siya sa gilid ng tokador nang humarap sa lalaki.

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVE HURTS…? Click Here!]

He had changed.

Ang determinadong hubog ng mga panga at baba ay lalong naging matigas. Ang mga pisngi at ilong na butuhan ay parang inukit na mula sa bato.

Ang mga matang malalalim ay lalong naging madilim at mapanganib.

Tanging ang ibabang labi ng matiim na bibig ang kababakasan ng kaunting lambot.

His lower lip still had a hint of sensuality.

“Please, don’t expect me to believe you, Theo,” she decided to be truthful. He deserved to be told the truth after his ordeal.

“I don’t expect anything but your forgiveness, Nerida,” salo ng lalaki. “Nabulagan ako ng labis na kalungkutan kaya inakala kong pagkamuhi na lang ang natitira sa aking kalooban. Sinadya kong mapoot at mamuhi sa ‘yo para hindi ako mawalan ng lakas at pag-asa habang nakakulong.”

Bumuntonghininga ito. Umiling nang marahan.

“It was easier to hate you from afar,” patuloy nito. “Pinilit kong masuklam sa ‘yo kaysa masira ang ulo ko dahil sa labis na pagkasabik!” he admitted in a seemingly sincere voice.

Parang puno nga ng katapatan ang baritonong boses. Ngunit pirming nakaharang ang imahe ni Junjun sa landas ng pagkaligaw.

She could not let herself believe in him.

Muling humugot ng isang malalim na buntonghininga ang lalaki. Yumuko ito habang hinahagod ng isang nanginginig na kamay ang batok.

At nakaramdam na naman ng awa si Nerida.

He looked like a lost little boy. And her heart went out to him.

“Uh, maaari ba tayong lumabas sa sala?” hiling niya, halos pautal. “Baka dumating na ang mga kasama ko dito sa bahay.”

“Alright,” ani Theo matapos ang saglit na pag-iisip.

“Magpalit ka na rin ng damit. Wear something high-necked and long-sleeved.”

Nakatingin ito sa kanyang leeg. Kungsaan naruruon ang mga pasa at markang namumula, likha ng mga ngipin at bibig nito.

Matapos magsalita, tumalikod na ang lalaki. Kaya hindi na nito nakita ang pamumula ng mga pisngi niya.

She found out that she could not move quickly enough. Her limbs were still numb and lethargic.

Tumagal din ng ilang minuto ang pagsusuot niya ng makapal na sweatshirt at pantalon. She did not bother with any underwear. The lacy materials were somewhat abrasive and scratchy to her sensitive skin.

Itinali niya ng goma ang mahabang buhok. Naglagay siya ng kaunting pulbo at lipistik para maibalik ang kaunting normalidad sa hitsura niya.

Nakaupo ang lalaki sa sopa nang lumabas siya uli.

Nakatitig ito sa isang letrato ni Junjun na nasa photo album. It was a solo shot last month.

“Sino ‘to?” tanong ni Theo. His bland tone was very hard to read.

“I-isang kapitbahay,” tugon niya.

She had to lie. Andap siyang sabihin agad ang tungkol kay Junjun.

Hindi niya alam kung dapat nang malaman ni Theo ang tungkol sa anak nila.

Tinitigan pa ni Theo nang ilang sandali ang larawan ng di-nakikilalang anak bago itiniklop ang photo album.

She was watching him covertly. Ngunit nakatabing ang mahahabang pilikmata sa anumang iniisip nito.

An awkward silence ensued.

She looked around her for an inspiration.

Pamaya-maya, narinig niya ang malakas na reklamo ng sikmura ni Theo.

Kapwa sila nagulat ngunit sabay ring napangiti sa isa’t isa. It had broken the ice of tension.

“Uhm, dito tayo sa kusina,” aya ni Nerida.

Tumindig si Theo para tanggapin ang imbitasyon niya.

“M-may matutulugan ka ba ngayong gabi?” tanong niya habang naglalabas ng mga pinggan at kubyertos.

“Wala,” tugon ng lalaki habang nauupo sa silyang katerno ng lamesa.

“Paano kung hindi mo ako nakita ngayon?”

“Nasanay na akong matulog sa sasakyan.”

Napahinto siya sandali sa ginagawa. Nagsasandok siya ng kanin sa isang bandehado.

“M-mabuti pala, natagpuan mo na ako.” Her words sounded foolish and ridiculous.

Realizing her blunder, she clamped her mouth shut.

Itinuloy niya ang paghahain.

“Sana ay kumakain ka ng pinangat na dilis, Theo,” sambit niya matapos buksan ang stove para uminit ang laman ng palayok.

“Magmula nang manirahan ako sa ‘loob’, natutuhan ko nang kainin ang kahit na anong pagkain,” pahayag ng lalaki sa banayad na tono.

His tone was mild but she could not stop herself from feeling afraid.

Panakaw, sumulyap siya sa mukha ng lalaki.

He looked so harmless. But she had known already how harmless he really was.

Kaya hindi siya dapat magtiwala.

Isinalin niya ang laman ng palayok sa isang malapad na mangkok. Humalimuyak ang masarap na asim ng isdang niluto sa suka at kamatis.

“Kain na,” wika niya. Medyo nakikimi siya dahil nakatutok sa kanya ang mga mata ng lalaki.

Naghugas ito ng mga kamay sa maliit na lababo. Kaipala, hindi gagamit ng kubyertos sa pagkain.

“Masarap ka pa ring magluto, Nerida,” papuri nito nang makailang subo na.

Nagsalin siya ng tubig sa dalawang baso. Kumakain din siya ngunit hindi niya magawang tapatan ang gana ng lalaki.

“S-salamat,” aniya. “Er, k-kanin pa, o,” alok niya habang inilalapit dito ang bandehado.

“Baka maubusan naman ang mga kasama mo dito sa bahay?”

Umiling siya. “Hindi naman sila uuwi nga — ” Napahinto siya ngunit huli na.

“Hindi sila uuwi ngayon,” pagtatapos ni Theo. He became very, very still as he watched her very closely.

“Tell me the truth, Nerida. Anak mo ang batang nasa letrato, hindi ba?” pananalakab nito.

Tumango ang nasukol na babae.

“Anak natin siya, hindi ba?”

Tumango uli si Nerida. Hindi makatingin kay Theo.

LOVE HURTS-35

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.