Love Hurts-37

“Theo, huwag kang magbibiro nang ganyan,” she said imploringly.

“Nerida, Nerida,” he chanted her name wistfully.

“Bakit ayaw mo pa ring maniwala na mahal kita? At nais kitang pakasalan?”

His expression was suddenly open and readable. Ipinababasa na sa kanya ang lahat ng mga nadarama ng lalaki.

“We’ve been through hell, Nerida,” patuloy ng lalaki nang hindi siya makapagsalita.

“Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala kang ikaw ang babaeng pinakamamahal ko?” Ibinalik nito ang katanungan niya.

“W-wala, Theo.”

“Ikaw lang ang tanging babae na ginusto kong iharap sa altar, Nerida. Ikaw lang ang pinangarap kong maging ina ng aking mga anak,” pahayag ni Theo. Puno ng sinseridad ang mababang boses. “Ikaw lang, Nerida. Wala nang iba.”

“Oh, Theo!” Muli siyang napaiyak. “Hindi ako karapat-dapat na ibigin ng isang katulad mo.”

Ikinulong siya ng mga bisig ni Theo. Niyapos siya nang mahigpit.

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVE HURTS…? Click Here!]

“Hindi na tayo mga bata, Nerida. At wala na rin ang pasensiya ko. I’d do anything to get you to marry me. Kung kinakailangang kaladkarin kita patungo sa simbahan, gagawin ko na,” he said warningly. “Basta’t ang importante ay ang makasal tayo.”

Pinilit niyang mag-angat ng mukha mula sa pagkakayupyop niya sa malapad na dibdib.

“T-tiyak na tututol ang buong pamilya mo kapag nalaman nilang ako ang magiging asawa mo.”

He smiled at her wryly.

“My family had already been fully informed of our story. They do not condemn you for the choice that you had made in the past — ibang klase raw ang sense of loyalty mo.”

“I’m sorry about that, Theo. Litung-lito ako noon. I was so shocked and guilty. Kaya napahinuhod ako nina Uncle na idiin ka kaysa ipagtapat ko ang tutoong mga nangyari. Mas magiging malaki ang eskandalo at — ”

“Ssh,” pigil ni Theo. “Tapos na ang pangit na kabanata ng nakaraan. Wala na si Melissa at ang mga magulang niya. Ako na lang at si Junjun ang nandirito sa piling mo. Bagong aklat na tayo,” pang-aalo nito.

Pinilit niyang ngumiti ngunit ayaw pa ring huminto sa pagdaloy ang luha niya.

“Si Junjun ang naging gabay ko pabalik sa liwanag, Theo. Sa kanya ko ipinadama ang pagmamahal na ipinagkait ko sa ‘yo,” pagtatapat niya.

He went very still. Then his muscular body shuddered violently.

“What did you say?” tanong nito sa kanya. “M-may pagmamahal ka sa akin?” He sounded hesitant.

“I love you, Theo,” sambit niya.

“Come again? Will you say it again, please?” His disbelief was clear. “Say it again, Nerida. For God’s sake, I want to hear it again!” he commanded urgently.

“I love you very much, Theo,” she declared obediently. Puno ng katapatan ang mababang tono. “Mahal kita… Iniibig kita…”

“Oh, God — she loves me! Thanks, God!” bulalas ng lalaki. “Mahal mo rin ako? Kailan pa?”

“S-simula pa nung una,” she replied truthfully.

Muling humigpit ang pagyayakap ng lalaki sa kanya. Siniil ng mariing halik ni Theo ang kanyang mga labi.

They were both breathless when he surfaced to gulp for the necessary air.

“Magpapakasal tayo, Nerida. Sa lalong madaling panahon!” he declared in his typical male aggressiveness.

After a month, a garden wedding happened inside the Montes Ranch Farm.

Dumalo ang lahat ng mga kamag-anak ni Theo. At ang mga kaibigan nina Nerida at Junjun.

Nandoon rin siyempre si Nanay Diding, bilang ‘mother of the bride’.

“Dumating na rin ang sandaling ipinagdarasal ko, Nerida,” pahayag nito matapos siyang hagkan sa pisngi. “Magiging maligaya na kayong mag-ina.”

“Maraming salamat po sa lahat ng kabutihan n’yo, Nanay Diding. Kung hindi po sa inyo — baka kung ano na ang nangyari sa akin noon.”

“Huwag mo nang isipin ‘yon, iha. O, heto na ang iyong asawa. Teka’t may humihingi nga pala ng tubig sa lamesang iyon.” Humangos palayo ang matanda kaya nag-iisa lang siya nang lumapit si Theo.

Inakbayan siya ni Theo nang buong pagmamahal.

“Are you happy, my beautiful bride?”

Tumango si Nerida. Maluha-luha na naman.

“I’m happy, too,” he admitted. “Natupad na ang pangarap ko — ang mapakasalan ka.”

“Talaga bang pinangarap mo ‘yan?” she asked with wonder in her voice.

“Hindi ka pa rin naniniwala?”

“Hindi ka ba talaga nawawala sa sarili mo?”

Sabay silang nagtanong sa isa’t isa.

Kaya sabay silang napangiti at tuluyang napatawa.

Si Theo ang unang sumagot.

“Nung hindi ka pa nakikita nina Papa, pinag-isipan din nilang nasisiraan na ako ng ulo,” umpisa nito. Medyo nagseryoso na.

“Pero kaninang suot mo na ang trahe de boda na ipinagawa ko para sa ‘yo, naintindihan na ako ni Papa. Alam mo ba ang sinabi niya?” Ibinitin pa nito ang konklusyon.

“Ano?”

“Sinabi niyang masuwerte daw ako dahil isang diyosa pala ang aking mapapangasawa.” Papahina ang pagsasalita ni Theo habang papalapit ang bibig nito sa kanyang mga labi.

“And I agree with him completely. You enchanted me for life, my sweet,” anas ng lalaki. “I love you very much!”

“Sana’y mapaligaya kita,” she wished fervently.

“There’s no doubt about that, my darling bride. Getting married to me had given me a lot of happiness,” he reassured her. “Kahit na nung panahon ng kalungkutan, iisipin lang kita ay sumasaya na ako.”

“Oh, Theo, I love you!” Napahikbi siya.

“Huwag ka nang umiyak. Baka sabihin ng mga bisita natin, inaaway na kita agad,” pagbibiro ng asawa niya.

“Hindi nila iisipin ‘yon, dahil napakabuti mo, Theo,” pahayag niya. “Nagawa mo akong patawarin kahit na — ”

“Enough of the past, sweetheart,” he cut in tenderly. “We’re starting a new tomorrow.”

He captured her lips before she could speak another word. Siniil nito ng maalab na halik ang kanyang mga labi.

Their kiss went on and on. It deepened until the sweet fire of their love entered the depths of their united souls.

“Atin ang bukas, Nerida,” bulong ni Theo, matapos ang nag-aapoy na sandali.

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.