Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

LOVE HURTS

Nerida was an orphan who had always lived in the shadows of gratitude until Theo noticed her.

They fell in love but she was too insecured to show her feelings for the only man who owned her heart.

Nang agawin ng pinsan ang lalaking pinakamamahal, ipinaubaya ni Nerida ang kanyang pag-ibig.

Hindi siya makapaniwalang tutoong umiibig sa isang tulad niya si Theo kaya nanatiling mas matimbang ang mapang-aping pamilya na kumupkop sa kanya.

Dahil sa kawalan ng tiwalang mayroong magmamahal sa kanya, nagawang ipagkanulo ni Nerida ang lalaking iibigin habang nabubuhay.

At dahil alam niyang walang kapatawaran ang kasalanan, nakahanda siyang tanggapin ang lahat ng parusang ipapataw ni Theo.

* * *

Punum-puno ang mga braso ni Nerida sa mga dalang kahon na pinamili ng pinsan na si Melissa.

“Dadalhin ko na ba ang mga ito sa kotse?” tanong niya bago lumiko patungo sa pintuan ng malaking department store.

“Sige, dalhin mo na ang mga ‘yan. May bibilhin pa ako, e,” utos ng dalagang ubod nang ganda at ubod nang sosyal, sa suot nitong mini-skirt with hanging blouse.

Nerida sighed before she swallowed her envy.

Gusto rin niyang magsuot ng mga sosyal at magagandang damit — at alam niyang babagay din ang mga iyon sa kanya.

Ngunit siya ay isang pobreng kamag-anak lang na pinalaki at pinaaral nang libre ng mga magulang ni Melissa, kapalit ng walang hanggan — at walang hangganang — pagsisilbi sa mga ito.

Siyam na taon na siya nang sabay na mamatay sa isang malagim na aksidente ang kanyang mga magulang. Kaya may isip na siya nang maulila.

Naaalala pa niya ang mariwasang buhay na bigla na lang nawala.

Kahit na hanggang ngayon, nagbabalik pa rin sa kanya ang nakaraan.

Lalo na kapag nasa ganitong sitwasyon siya.

Pinasama siya ng Papa ni Melissa sa pamimili ng damit. Binigyan din siya ng pera para makapamili din siya ng gusto niya.

Hindi para maging utusan at tagadala ng pinsan.

Bumuntonghininga uli siya upang mapalis ang paninikip ng lalamunan. Matagal na siyang manhid sa mga simple at tagong kalupitan ng kaedad na kamag-anak.

She understood her cousin’s feelings. Nagseselos ito sa inaamot niyang pagmamahal-ama mula sa mabait na tiyuhin.

Palibhasa, nag-iisang anak, naging spoiled nang kaunti si Melissa.

Her own father had spoiled her, too. At kung hindi siguro siya naulila nang maaga–baka magkatulad lang sila ni Melissa.

“Well, hindi naman siguro,” wika niya sa sarili. Hindi namalayan na napalakas na pala ang pagsasalita niya. “Mas sensible yata ang Papa ko!”

She was trying to cheer herself up from a morose mood.

“Hindi matutuwa si Mama kung nakikita ka niya ngayon, Nerida Mercado!” Patuloy siya sa panenermon sa sarili habang palapit sa lugar na pinagparadahan niya ng sasakyan.

Siya ang kasalukuyang substitute driver na sana ay temporary position lang.

Nadispatsa kasi ang talagang family driver nung isang linggo. Dahil isinumbong ni Melissa sa ama na mahilig manantsing.

Pero ang tutoo, naging nobyo iyon ng pinsan. At nang lumipas na ang thrill ng sikretong relasyon, ginawaan na ng kung anu-anong kuwento ang pobreng tauhan para mapaalis.

“Tsk! Naughty, naughty Melissa!” Iiling-iling siya.

May narinig siyang ugong ng papalapit na sasakyan kaya luminga siya sa direksiyon niyon.

At dahil halos nakasilip na lang siya sa siwang ng mga kahon na pinagpatung-patong sa kanyang mga braso, hindi niya napansin agad ang makakasalubong.

“Look out!” warned a male voice to her but it was too late.

Parang bigla siyang bumangga sa pader.

Nagtalsikan ang mga dala niya. Mabuti na lang naka-plastic bag pa rin ang mga kahon.

Only a few of expensive shoes peeped out from their respective packages.

“Naku!” bulalas niya habang dali-daling lumuluhod sa semento upang pulutin ang mga kumalat na gamit-pambabae.

“Magagalit si Melissa!” paalala niya sa sarili.

Sa sobrang pangamba, ni hindi niya napagtuunan ng pansin ang nakabungguan niya.

“I’m sorry, miss,” anang baritonong boses. “Kahit na ikaw ang nakabangga sa akin.”

Napalinga siya sa lalaking nakatayo sa malapit sa kanya.

Namumulot na rin ito. Tinutulungan siya.

Saka lang niya naalala ang nawalang manners.

“Ay, s-sorry pala, mamang ano,” she apologized belatedly.

“It’s alright,” he said suavely. Yumuko ito para damputin ang pinagpatung-patong uli na mga kahon.

“Nasaktan ka ba?” tanong nito. Tila sincere pa nga ang concern nito para sa kanya.

Napamaang si Nerida. Ngayon lang may nagtanong sa kanya nang gayon.

“H-hindi,” she replied self-consciously. “Uh, a-ako na ang bahala sa mga ‘yan. Maraming salamat.”

“Nasaan ang kotse mo?” Nagpauna na ito kaya walang nagawa si Nerida kundi ang ituro ang kinaroroonan ng lumang Toyota Corolla na kulay pula.

“P-pakipatong na lang ang mga ‘yan sa hood,” wika niya.

Tumalima ang lalaki. Pinanood siya sa pagbubukas ng pinto.

Nataranta tuloy ang mga daliri niya. Her usually deft fingers were clumsy now.

Ilang beses pa nga niyang muntik mabitiwan ang keychain.

“Let me,” alok ng lalaki habang kinukuha ang mga susi sa kanya.

“H-huwag na,” tanggi niya. “Maaabala ka nang husto,” dugtong niya nang hindi mapigil ang lalaki.

Ngumiti sa kanya ito. It was a million-peso smile.

And suddenly, her heart came into life to palpitate madly and merrily.

Nawalan ng kurap ang mga mata niyang nakatitig sa simpatikong mukha ng kaharap.

Isang diyoses mula sa Olympus ang kaharap niya ngayon! Ganitung-ganito ang hitsura ni Apollo!

Matangkad, matipuno at maginoo.

His hair was slightly curly and very short. His nose and high brows were aristocratic. His mesmerizing eyes and sensual lips were seductive.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng atraksiyon para sa isang lalaki.

Love at first sight na ba ito? tanong niya sa sarili.

Pinilit niyang kontrolin ang nadaramang kasiyahan.

Ngunit mahirap itago iyon lalo pa’t kusa nang ngumingiti ang kanyang mga labi.

“S-salamat uli,” she said breathlessly. “Pasensiya ka na sa akin. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko.”

“May mali rin ako, kaya nagkabanggaan tayo. Este, ako nga pala si Theo Montes. Ikaw?”

“N-nerida,” she squeaked nervously. Kailangan pa niyang huminga ng isa pa bago niya naayos ang pagsasalita. “Nerida Mercado.”

Tinanggap niya ang alok na pakikipagkamay nito.

Her work-roughened hand looked small and ludricuous when it came into contact to his well-groomed one.

Iyon ang simbolo ng malaking pagkakaiba nila sa isa’t isa.

Para siyang inihulog sa isang malalim na balon pabalik sa tunay na realidad.

She snatched back her befuddled mind from the land of daydreams.

Halos haklitin niya pabawi ang kamay matapos ang sandali at pahapyaw na pagkakamay.

“Nerida,” ulit ni Theo Montes sa kanyang pangalan. “I like it. It suits you. Medyo suplada pero mabait.”

He was flirting with her lightly.

Idinadaan sa biro ang pagdiga sa kanya. Nakangiti ang bibig ngunit seryoso ang mga matang nakatitig sa kanya.

Para bang dinadaan din siya sa hipnotismo.

Nanikip ang lalamunan ni Nerida. Dali-dali siyang umiwas ng tingin.

“Uh, nice meeting you, Mr. Montes,” wika niya habang binubuksan ang pinto sa likuran. “Um, sige na. Okey na ako dito. Puwede mo na akong iwanan. Pasensiya ka na uli sa akin, ha?”

Natataranta siya habang isa-isang isinasalansan ang mga shopping boxes sa mahabang upuan.

Ngunit tila walang balak na umalis ang lalaki.

“Hindi naman ako nagmamadali,” wika pa nito. “I was just going to have a late lunch. Would you care to join me?”

Muli, inilahad na naman nito ang isang palad sa kanya.

She looked at it helplessly.

And even started to tremble when she realized that she wanted to go with him very badly.

She was being compelled to go with him…

Gustung-gusto niyang sumama sa lalaking ito. Kahit na ngayon lang niya ito nakita at nakilala.

Love at first sight na nga yata ito!

Halos pikit-mata niyang tinanggap ang imbitasyon.

She had convinced herself that Melissa would take a long time coming out from the department store.

Sasadyain nitong paghintayin siya nang matagal, katulad ng dating ginagawa.

“Uhm, s-sige. Why not?”

Sa tuwa marahil, o talagang istilo lang talaga — hinagkan ng lalaki ang likod ng kamay niya.

‘Diyos ko, hindi ba siya naiilang sa mga kalyo ko?’ bulalas niya sa sarili.

“Uh, t-teka, ikakandado ko lang ang pinto — ” pagdadahilan niya para makakawala siya.

Hindi na siya binitiwan ng lalaki habang inila-lock ang pinto ng sasakyan.

Gusto sana niyang makahinga muna nang kaunting panahon. Ngunit wala na siyang pagkakataon.

She was perpetually breathless during those moments that she had spent with a stunning man.

And even during the days that followed…

“You look ready to drop with exhaustion, Nerida. Sino ba ang kasama mong mag-shopping?” he observed when they were finally seated inside an expensive restaurant.

Na-distract siya sandali sa pagtingin sa kanyang sariling kasuotan.

She was wearing inappropriate clothes, jeans and loose sweatshirt. But nobody seemed to notice.

“S-si Melissa,” tugon niya. “Pinsan ko siya. Nagtatrabaho bilang modelo. At nitong huli, lumalabas na sa showbiz.”

“Maganda rin siguro siyang katulad mo, ano?” he commented casually.

Nerida’s cheeks blushed with the easy compliment.

Pero pinilit niyang maging kalmado. She concentrated on the topic.

“Magandang-maganda si Melissa, Mr. Montes. Uh, bagay na bagay siguro kayong dalawa.”

His eyes narrowed slightly.

“I prefer to do my own chasing, Nerida. Marunong akong manligaw sa babaeng nagugustuhan ko.”

She forced a stiff smile to her tensed lips.

“I bet, napakarami mo na sigurong naging girlfriends?”

Nagkibit lang ng mga balikat ang lalaki. Hindi ito nagsalita dahil dumating na ang waiter.

“Good afternoon, sir. Tamang-tama ang dating n’yo. Ready na ang lunch na in-order n’yo by telephone,” ang magalang na wika nito. “Ihahain na po ba namin?”

Tumango ang lalaki.

“Yes, you do that, please. Divide everything into two servings. Okey?”

“Okey, sir. Wala na po ba kayong idadagdag?”

Nakangiti na naman ito nang muling bumaling sa kanya.

“You’ll like their steak here, Nerida,” pahayag nito. “Tender and juicy with crunchy green vegetables!”

Naumid ang dila ng dalaga. Gusto sana niyang sabihin sa kaharap na hindi pa siya nakakapunta sa ganitong klaseng lugar.

“O, bakit hindi ka na nagsalita diyan?” tanong nito. “You’re having second thoughts, aren’t you? Nag-iisip ka na kung bakit ka sumama sa akin gayong ngayon lang tayo nagkakilala, ano?” pananalakab nito.

Tumango si Nerida.

“M-marunong ka sigurong mag-magic,” sambit niya. “Parang na-hipnotismo mo ako sa pagsama sa ‘yo.”

Tumawa ang lalaki. Masuyo at mahina lang pero nagbigay ng ibayong kilabot sa kanyang kabuuan.

She trembled when their eyes met and their souls meshed.

Naramdaman niya ang kakatwang init na nanuot sa bawa’t himaymay ng kanyang katawan.

“Do I really hypnotize you, Nerida?” tanong ni Theo, paanas.

Wala nang kangiti-ngiti ang matiim na bibig. Seryosong-seryoso na ang ekspresyon ng mga matang nakatitig sa kanya.

“S-siguro,” tugon niya, paanas din. “Hindi ako dapat sumama sa ‘yo, dahil hindi kita kilala. Pero heto ako ngayon sa harapan mo.”

Muli silang napatitig sa isa’t isa. Sandaling naglaho ang mga tao sa paligid.

Maya-maya, ngumiti ang lalaki. Unti-unting naglaho ang tensiyon.

“You have a vivid imagination, Nerida,” he chuckled softly. “You’ve a very interesting mind. I want to know you more.”

Nagbbusa sa galit si Melissa nang bumalik si Nerida.

Mabuti na lang pala, may lumapit na kakilala si Theo sa lamesa nila.

Kaya nakaalis siyang mag-isa.

“Ikaw talaga! Bruha ka talaga! Bakit ba hindi ka na lang pumirmi dito? Gala ka ng gala!” Tinalakan agad siya nito, pagkakita sa kanya.

“Siguro, may ka-date ka dito sa mall, ano? Isusumbong kita kay Papa!”

“Pasensiya ka na, Melissa. Nagutom kasi ako sa paghihintay. Kumain lang ako diyan sa — ” She did not finish her half lie.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.

“Letse ka! Hindi ko kailangan ang mga paliwanag mo! Mas inuna mo pa ang paglamon!” Lalong naggalaiti ang babae.

“Nang dahil sa kagagahan mo, hindi ako makakarating sa shooting ko!”

Nagtiim-bagang si Nerida. Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinaktan siya ng masungit na pinsan.

Palagi siyang nabubugbog nito sa kurot at sapok simula pa nung maliliit pa sila.

At katulad noon, wala siyang balak na gumanti ng pananakit.

Ang palagi niyang itinatanim sa isipan ay ang mga kabutihan na ipinakita ng tiyo at tiya sa kanya, sa loob ng labingtatlong taon.

Bearing the brunt of Melissa’s spitefulness was just a small price to pay for the kindness that she had been shown since she had been orphaned at nine years old.

Hindi na umimik si Nerida. Ipinagbukas niya ng pinto ang pinsan, bago siya sumakay.

“Hah! Makikita mo, mapapalayas na kita ngayon sa bahay namin! Mawawala na rin sa paningin ko ang mukha mo!” Tuloy lang sa pag-alipusta si Melissa sa kanya kahit na umaandar na ang sasakyan.

“Ang kapal-kapal mo! Mapagsamantala ka! Ayaw mo nang umalis sa amin. Ayaw mong huminto sa panghuhuthot sa Papa’t Mama ko!”

Nagbingi-bingihan pa rin si Nerida. Thirteen years of sheer forbearance helped her to be patient and unperturbed.

Kaya lalo lang nagngingitngit si Melissa.

“Ang kapal-kapal-kapal-kapal mo talaga! Sa sobrang kapal mo — hindi ka na matablan ng kahihiyan! Mahiya ka naman, Nerida. Habangbuhay ka na lang bang nakasandal sa amin?”

Nerida remained silent and composed.

Ang tutoo, disiotso pa lang siya noon, nagpapaalam na siya sa tiyuhin. Gusto na niyang magsarili.

Pero si Melissa ang naging sagabal. Tumutol ito na makaalis siya gayong suklam na suklam nga ito sa kanya.

Marahil ay naiinggit sa makakamtan niyang kalayaan.

Kaya kapag nagtagumpay ito sa pagpapaalis sa kanya, matutuwa pa rin siya.

Matutupad na ang matagal na niyang pangarap na makapamuhay nang mapayapa.

A, sino ba kasi ang nagpauso ng utang na loob?

Tama bang pati ang respeto sa sarili at ang dignidad ay maging kabayaran din sa utang na loob?

Palagi na lang siyang nangingimi. Nag-iingat. Ayaw niyang masaktan ang kalooban ng mga taong kumupkop sa kanya.

‘Hanggang kailan ba ako magbabayad sa kanila?’ tanong niya, pausal. Matagal na akong nagtitiis…

Sa wakas, napagod na sa kadadakdak si Melissa. Tumahimik na ito habang nakasimangot na nakatanaw sa labas ng bintana.

She knew that she did not hear the last of it.

Masyadong mahaba magsumpong ang pinsan niya.

Inaabot nga minsan ng isang linggo ang pagngingitngit nito.

Tama ang hinuha niya. Hindi pa rin nagbabago ang pinsan niya.

Paghintung-paghinto pa lang niya sa driveway, sa tapat ng malapad na front door, padaskol agad na umibis ang dalaga.

At padabog na pumasok sa loob ng bahay.

Ilang sandali pa, umaalingawngaw na ang matinis na boses nito habang pasigaw na nagsusumbong at nagrereklamo sa ama’t ina.

Nagkatinginan na lang sila ng mayordoma. Sabay pa ngang napailing-iling.

Magkatuwang nilang hinakot sa itaas ang mga shopping bags and boxes.

Habang nagtatrabaho, pigil-hininga si Nerida sa paghihintay ng magiging verdict ng Uncle Peping niya.

She was hoping for the worse.

Ipinatawag siya ng tiyuhin nang matapos na ang makamandag na litanya ni Melissa.

“Tuloy ka, iha. Upo ka,” utos ni Uncle Peping matapos siyang kumatok sa medyo nakaawang nang pinto.

Nakatitig siya nang diretso sa mukha ng tiyo habang naghihintay ng sasabihin nito sa kanya.

Bumuntonghininga muna ito bago nagsimula.

“Heto na naman ako, iha. Humihingi na naman ako ng dispensa sa ‘yo.” Umiling-iling ito. “At patuloy na nagpapasalamat sa ipinakikita mong pasensiya sa pinsan mong si Melissa.”

“Malaki po ang utang na loob ko sa inyo, Uncle. Maliit na bagay lang po ang pagpapasensiya kay Melissa,” pahayag niya sa malumanay na tono.

“A, napakabuti mo, Nerida. Nakikita ko sa ‘yo palagi ang iyong nasirang ama. Mahaba rin ang pasensiya ni Kuya Nardo.”

“Hindi naman po masama si Melissa, Uncle. Nagseselos lang po siya sa atensiyon na naibibigay n’yo sa akin,” paliwanag niya.

“Alam ko,” sambit ng matandang lalaki. Nagsindi ito ng matabang tabako atsaka sumandal para maghitit-buga ng puting usok.

“Kaya mas makabubuti po sigurong umalis na ako dito sa poder n’yo,” dugtong niya.

Sunud-sunod na iling ang itinugon ng kaharap.

“Hindi kita puwedeng pabayaang mabuhay mag-isa. Ano na lang ang sasabihin ni Kuya sa akin? Baka multuhin pa niya ako.”

Nerida knew a sinking feeling — again.

Hindi lang niya masabi nang tuwiran sa tiyuhin na mas matutuwa pa siguro ang kanyang nasirang magulang kung papayagan siyang magsarili.

Ayaw niya kasing ma-misinterpret ang kanyang pagnanais ng kalayaan.

Baka isipin pa ng mga nagpalaki sa kanya na nagiging palalo na siya dahil matitigas na ang mga buto niya.

Marami pang sinabi ang tiyo ngunit hindi na siya nakikinig.

She was only half-listening as she daydreamed about a certain man called Theo Montes.

Napakasarap kausap ng taong iyon. Halos hindi niya namalayan ang paglipad ng mga sandali.

He made her feel beautiful.

Kay Theo niya naramdaman kung paano maging isang indibidwal.

Kung paano maging isang babae…

What was she thinking!

“Buweno, iha, magpahinga ka na. Medyo umiwas ka na lang muna sa pinsan mo habang sinusumpong pa siya, ha?”

“Opo,” was all she said as she stood up to go.

Nagtuloy siya sa kusina para tumulong sa mga trabaho bago magpahinga sa gabi.

Dinampot niya ang drying towel nang makitang naghuhugas na ng mga pinggang pinagkanan ang mga katulong.

“Kumain ka na ba, Ate Nerida?” usisa ng pinakabatang alila, si Nena.

“Oo, Nena. Sumabay ako kina Aling Diding kanina.”

“Kuu, hindi ka naman gaanong nakakain, a?” sabad ng mayordoma. Naglabas ito ng isang pinggan na may takip mula sa microwave oven. “Heto, iha. Ipinagtira kita ng hapunan.”

“Hindi na sana kayo nag-abala, Aling Diding,” wika niya. “Kaya hindi ako nakakain nang husto, busog pa kasi ako. Nagmeryenda ako sa mall bago kami umuwi,” paliwanag niya.

Lumapit ang magkapatid na hardinero, sina Jun at Mario.

“Kami na lang ang kakain niyan, Aling Diding,” prisinta ng mga ito, sabay pa.

“Aba, hindi para sa inyo ito,” tanggi ng mayordoma.

“Ibigay n’yo na sa kanila,” pangungumbinsi ni Nerida. “Busog pa talaga ako.”

“O, siya, siya, heto na. Ang sisiba n’yo talaga!” anang matandang babae pero nakatawa na.

Nilapitan siya ng mayordoma at tumulong na rin sa pagpupunas ng mga kubyertos at mga pinggan.

“Ibang-iba ka sa pinsan mo, Nerida,” wika nito nang mapunang humahaba na ang katahimikan.

Click here to READ MORE

Comments are closed.