Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

LOVE IN DISGUISE

Monsour hates all women, especially in the workplace. For him, the female species are all nuisance and can only be good in bed.

Pangarap ni Samantha ang maging assistant ng womanhater boss kaya nag-disguise siyang maging lalaki.

Tagumpay na sana kundi nagpumiglas ang kanyang puso mula sa nakakubling didbib. She fell in love helplessly and hopelessly…

What punishment awaits her?

* * *

“Heto pa ang mga buburahan mo, Sam,” wika ng junior architect na si Ronald. “Tila napakabagal mo yata ngayon?”

May nakaipit na mechanical pencil sa isang teynga nito at may nakasumpak naman na sigarilyo sa isang sulok ng bibig.

She swallowed her irritation. And reminded him instead. “No smoking dito, Ronald.”

“Hindi ko naman sinisindihan, a? Ala-FVR ‘to, ano?” katwiran naman ni Ronald. Ngumisi-ngisi ito habang lumalakad-lakad sa palibot ng drafting room.

He wallowed in his self-importance.

Hindi na umimik ang dalaga.

Napailing na lang si Samantha Cruz habang ibinabalik ang atensiyon sa kanyang ginagawa.

Dinampot niya ang round cutterblade at ipinagpatuloy ang maingat na pagkakayod ng patak ng tinta sa malinaw na tracing paper.

She had passed the board exams with flying colors. Pero bakit ganito lang ang tinatrabaho niya?

Atsaka bakit ba siya nagtitiis sa mababang suweldo?

She was a second-placer in the topnotch list of board exams results last two years ago, for God’s sake!

Two years na pala! bulalas niya sa sarili. Pero bakit wala pang nangyayari sa buhay niya?

She was getting bored to her skull, even though she loved her chosen profession. Eversince she was small, her passion was in drawing and in building things together.

Ngunit tila hindi matutupad ang kanyang pangarap na maging prestihiyosang arkitekto, kapag nanatili siya sa kumpanyang ito.

Nung nag-aaral pa siya, marami na siyang napasukan bilang parttime draftswoman, o di kaya’y all-around assistant ng senior architect.

Okey lang ang ganito–noon.

Pero hindi na ngayon na isa na siyang lisensiyadong arkitekto. At topnotcher pa!

Parang hindi na kayang tanggapin ng pride niya ang manatiling tagabura ng marka ng lapis at lampas na tinta sa mga drowing ng ibang mga ka-trabaho, gayong mas magaling pa nga yata siya.

Ang isa pang ipinagpuputok ng butsi niya ay ang sitwasyon nila ni Ronald.

Kapapasok lang nito ngunit pinagkakatiwalaan na agad ng mga maliliit na proyektong pumapasok sa opisina.

Samantalang siya, isang taon bago ang graduation ay nandirito na siya. Bale magli-limang taon na siyang nagtatrabaho dito. Ngunit wala pa ring pagbabago.

Bah! Hindi puwedeng ganito na lang ang maging ranggo niya sa trabaho!

Hmp! Kailangang mag-usap tayo, Architect Alvarez, bulong niya sa sarili. Mamaya!

Tumiyempo siya nang dakong uwian na. Naglakas-loob siyang kumatok sa opisina ng matandang arkitekto.

Dinatnan niyang nagsusuklay ito ng manipis na buhok. He was preening at his reflection on the large standing mirror as she entered the private room.

“Ah, Miss Cruz!” Kunwa’y nagulat pa ito nang makita siya. Ni minsa’y hindi pa siya tinawag na ‘architect’ kahit nakapasa na sa board exams. “Ano’ng mabuting hangin ang nagtaboy sa ‘yo rito?” Tila nahalata agad ang kanyang pagkadisgustong pumasok sa pribadong kuwarto.

“Good afternoon, sir,” ang magalang na bati ni Samantha. “Er, gusto ko po sana kayong makausap,” umpisa niya.

“Hmm, mukhang seryoso yata ang sadya mo, iha?” puna nito habang sinisipat ang kabuuan niya.

Samantha was a tall woman. She seemed lanky and skinny because of her penchant to dark-colored loose pants and polo and blazers.

Masculine ang taste niya sa pananamit. Impluwensiya na rin ng kanyang mga kasama sa buhay. Wala na ang kanyang mahal na ina kaya ang limang kapatid na pulos lalaki at ang ama ang tanging naging gabay niya sa paglaki.

Malinis ang kanyang balat at maganda ang hubog ng mga matang may makakapal at mahahabang pilik. Pero kilos lalaki siya.

“Sir, gusto ko na rin pong magkaroon ng sariling project. Sa palagay ko, kaya ko nang hawakan ang anumang trabaho.”

The old man smiled at her pompously and then laughed out loud patronizingly. “Ho! ho! Iha, pinatatawa mo naman ako,” anito nang makapagsalita uli.

Kumunot ang noo ni Samantha. “Hindi po ako nagpapatawa, sir,” she pointed out succinctly.

“Bakit kailangan mo pang magpakahirap? Mas maganda na nga ang lagay mo dito sa loob ng opisina. Hindi ka naiinitan ng araw–pero kumikita ka pa rin.” Tumindig ito at lumapit sa kinatatayuan niya. Tinapik-tapik pa siya nito sa balikat bago pinisil ng isa.

“Pero huwag kang mag-alala, darating din ang tamang pagkakataon para sa ‘yo. He! he!”

Maliwanag na maliwanag na nagiging biktima siya ng sexual discrimination. At sexual harrassment na rin.

Nagtimpi lang nang husto si Samantha ngunit gustung-gusto na niyang makipagtalo sa amo.

Kesehodang masibak siya sa trabaho ora mismo.

But she had to be cool and calm. Mahirap ang panahon ngayon. Hindi madali ang maghanap ng ibang mapapasukan.

Besides, her family had a current financial problem. Maiilit ang kanilang bahay at lupa kapag hindi sila naging regular sa pagbabayad ng interes–kung hindi man nila matubos agad.

No, she could not afford to lose her job.

Humugot siya ng isang malalim na buntonghininga. “I guess, this conversation is a waste of time,” wika niya. Matalas ang tono at pormal ang anyo. “Magpapaalam na po ako.”

She retraced her steps stiffly. Pigil-pigil niya ang sarili sa pagsasara ng pinto. Ngali-ngali niyang isara iyon nang pabagsak.

Matandang manyak! bulong niya sa sarili habang nagliligpit ng mga gamit sa lamesang trabahuhan.

Sumungaw ang ulo ni Ronald sa pinto ng drafting room. “Sabay ka na sa akin, Samantha?”

Hindi na nag-isip si Samantha. Dinampot niya ang unang bagay na nahagip ng tingin, isang tissue box. At ibinato iyon sa nakangising lalaki.

Maliksi namang nakailag ang kumag.

“Hey! A simple ‘no’ is enough,” anito bago kumaway sa kanya. “Bye, Sam! Gusto ko sanang i-share sa ‘yo ang bagong kotse ko!”

Gigil na gigil si Samantha.

Paano’y siya ang naging daan ng pagkakaroon ng kotse ni Ronald.

Sa una, nakipagkaibigan sa kanya ang lalaki. Kinuha ang pagtitiwala niya, pati ang loob.

Huli na nang mapagtanto niyang kumukuha lang pala ito ng mga impormasyon tungkol sa amo nila.

Bukod sa kinukuhanan rin siya ng mga ideya tungkol sa mga trabahong pumapasok sa opisina.

Ang disenyong ginawa nito kaya nagka-promosyon ay pawang mga ideya lahat ni Leonarda ngunit hindi man lang siya hinatian ni Ronald sa credit.

“Sa ‘yo na lang ang kotse mo, ulol!” singhal niya.

Umalingawngaw ang pagtawa ng lalaki sa koridor.

“Siraulo!” dugtong niya ngunit mas mahina na.

Napaupo na lang siya uli sa drafting chair.

Nawala ang pagkakataon na para sa kanya dahil sa katangahan na rin niya.

Masama pa rin ang timpla niya hanggang sa makarating sa bahay.

Her bad mood was nurtured by the hellish traffic.

Kaya nagawa pa rin niyang sisihin ang sarili dahil sa pagtangging magpahatid kay Ronald.

It would have served him right kung pumayag siyang magpahatid dito dahil out-of-the-way ang kanilang lugar. Disinsana, nakaganti siya ng kaunti sa mapagsamantalang kumag na iyon.

“O, tila may sumpong ang bunso natin, a?” bati ng Kuya Jonie niya, ang ikalawa sa panganay.

“Tagayan mo muna si Bunsoy,” salo naman ni Kuya Bodjie, ang ikatlo.

“Teka, kagagaling lang ni Sam sa biyahe. Baka nagugutom. O, mamulutan ka muna.” Ang Kuya Tom naman na sinundan niya. Inabutan siya nito ng isang hita ng manok na bagong ihaw.

“Salamat,” tugon niya matapos tanggapin ang pagkain. Ngumunguya na siya habang nauupo nang pasalampak sa bakanteng sopa. “Sina Itay? Wala pa?”

“Tumawag kanina. Mag-o-overtime daw sila ni Kuya Jun,” sagot ni Kuya Renzie, ang ikaapat.

Anim silang lahat. Si Samantha lang ang babae at naging bunso pa kaya parang binibeybi pa siya ng buong pamilya.

“Teka, maglalabas ako ng kanin. Para magkalaman na ang sikmura mo.” Si Tom. Bagamat lahat sila ay marunong magluto, ito ang maintindi sa pagkain.

“Bakit hindi pa tayo kumain? Mamaya pa naman sina Itay, a?” suhestiyon ni Renzie.

“O, tunggain mo na muna ito, bunso,” utos ni Bodjie. “Pampagana lang.”

Tinanggap ni Samantha ang basong may laman na gin. Nilagok niya ang laman niyon na parang tubig lang.

Nahirati na siyang uminon ng matapang na alkohol dahil na rin sa pagpupumilit niyang maging bagay sa lifestyle ng mga kasamang pulos mga lalaki.

“O, halinakayo. Bitbitin n’yo na ang mga kailangang dalhin sa kumedor,” wika ni Renzie.

Nakadulog na sila sa mahabang hapag nang magsalita uli si Jonie. “Bakit parang may sumpong ka nung dumating ka kanina, Sam?” usisa nito. “May nakaaway ka ba sa trabaho?”

“Baka naman may nakaangasan kang ka-trabaho?” dagdag ni Tom.

“O di kaya’y nabastos ka ng iyong amo na mukhang manyakis?” dugtong ni Renzie.

Umiling si Samantha. Walang gatol. Hindi niya kailanman nakasanayan ang magsumbong sa mga kapatid kapag may problema siya.

“Walang ibang dahilan kundi ang nakakayamot na trapik,” pahayag niya sa mga ito.

Sa tuwina, palagi niyang sinasarili ang paghanap ng solusyon sa anumang suliranin na meron siya.

“Maiba ako,” patuloy niya, para tuluyan na ngang mapaiba ang usapan. “Nakapagbayad na ba tayo sa bangko?”

Si Tom ang treasurer nila dahil ito ang accountant kaya dito sila lahat tumingin.

Tumango naman ang tinanong. “Yes, mga kapatid. Clear na naman tayo sa nagdaang buwan,” ang nakangiting pahayag nito. “At may magandang news ako sa inyo. Malapit na malapit na nating matubos ang bahay na ito!”

“Oh?” Halos sabay-sabay silang nagpahayag ng pagkamangha. “May milagro bang nangyari?”

Tumuro sa kisame ang isang daliri ni Tom. “Kapag mayroong milagrong mangyayari, tiyak na tiyak na.”

“Teka, teka, ang gulo mo naman,” angal ni Bodjie. “Sabi mo kanina, okey na?”

“Malapit na malapit na, hindi okey na,” pagtatama naman ni Tom. “Ang ibig sabihin, lumalaki na ang savings nating lahat. Kalahati na lang ang kailangan nating bunuin.”

“Hay!” bulalas ni Renzie. “Kenkoy talaga ‘tong si Tom! E, taon na nga ang binibilang ng savings natin, a?”

“Oo nga,” sabad naman ni Jonie. “Kaya nga may sinasabi pa siyang milagro.”

Napailing-iling naman si Samantha. “Naku, good news pa rin ang sinabi ni Kuya Tom. At least, mayroon na tayong kalahati. Gawin na nating inspirasyon ang balitang ‘yan.”

“In other words, doblehin pa natin ang sipag, mga kapatid,” konklusyon ni Jonie.

“Amen!” ang sabay-sabay na wika nilang lahat.

“O, kumain na tayo,” untag ni Bodjie. “May walong boteng gin pa tayo sa cabinet. Magse-celebrate tayo. Tutal, Linggo naman bukas!”

“Good!” Silang lahat uli.

Gayon nga ang ginawa nila.

Dinatnan pa nga sila nina Alfredo Senior at Alfredo Junior, nang umuwi ang dalawa dakong hatinggabi na.

Agad na pinakain ang mga ito at ilang sandali lang ay kaumpok na sa maluwang na sala.

This camaraderie with her family always brought contentment to Samantha.

Mas masaya siyang makipag-inuman sa mga kapatid at ama kaysa makipag-date–na katulad ng ginagawa ng ibang mga babaeng kaedad niya.

She did not know that she was missing a lot as a young woman…

Dumating ang hinihintay na oportunidad ni Samantha matapos ang isang linggo. It was the right time because her work relationship with her boss and colleague had been deteriorating rapidly. From bad to worse!

Sanhi marahil ng pagpapakita niya ng diskuntento, kaya nagbago ang pakitungo sa kanya ni Architect Alvarez. Kinukursunada na siya ng matandang amo. Palagi itong lumalapit sa kanya upang akbay-akbayan siya habang kunwari’y tinitingnan ang kanyang ginagawa.
Si Ronald naman ay palaging umaaligi-aligid sa kanya upang kunin uli ang pagtitiwala niya. Balak na namang humuthot ng kaalaman at talento ng ugok.

Both men were disgusting. At alam ni Samantha na malapit nang maubos ang pasensiya niya. Kaya nga halos magtatalon siya sa tuwa nang mabasa ang malaking anunsiyo sa classified ads section ng paboritong diyaryo.

“Attention!” anang patalastas. Binasa niya nang malakas iyon dahil nga impressed na impressed siya. “All aggressive and creative architects are being invited to be an important part of the Montillano Construction Firm – Philippine Chapter.”

“Wow! Montillano Construction Firm! Owned by the Monsour Montillano himself!” she ejaculated enthusiastically. “Wala akong masabi!”

Idolo niya si Monsour Montillano. Isang sikat na Filipino architect ang lalaki. Naka-base ito sa New York pero nasubaybayan nilang mga aspiring architects ang mga tagumpay at achievements nito sa ibang bansa. Kumbaga, nagsilbing inspirasyon para sa kanilang mga bagong dugo sa larangan ng arkitektura.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

“All licensed and also newly graduates of B.S. Architecture from different schools are welcome to submit complete biodata and samples of work.”

Tuwang-tuwa na talaga si Samantha. “Gagawa ako, ora mismo,” sambit niya, nakatawa. “Tamang-tama, Lunes bukas. Ako na mismo ang magdadala ng–”

Ngunit biglang nabura ang katuwaan niya nang mapadako ang paningin niya sa gawing ibaba ng malaking kuwadrado.

“Preferably male applicants only,” aniya, halos pabulong. “Male applicants!” ulit niya, pabulalas.

Binilot niya ang diyaryo at ipinalo nang malakas sa lamesita.

“Pambihira naman, oo! Bakit ‘male applicants’ lang!” bulalas niya uli.

Samantha stood up in frustation. Tumanaw siya sa labas ng bintana.

Matagal siyang nanatili sa gayong ayos kahit na hindi naman niya nakikita ang mga punongkahoy na nakatanim sa gawing likuran ng malawak na bakuran nila. Hindi siya maaaring pumayag na mawala na lang nang pagayon ang kanyang oportunidad.

Naupo siya sa malapad na pasamano at humalukipkip habang patuloy sa pag-iisip. Sa pagkakatitig niya sa mga ulap na panay ang pagpapalit ng hugis, may nabubuo ring mga ideya.

The ever-changing shapes of the white clouds against the blue sky gave her some wild ideas.

Ano kaya kung magpanggap siyang isang lalaki? tanong niya sa sarili.

Nanumbalik ang sigla ni Samantha. Bigla siyang tumalon mula sa kinauupuang pasamano upang sipatin ang sarili sa salamin ng antigong tokador.

Hinimas-himas niya ang baba, bago ang maikling buhok. She observed her reflection in different angles habang matamang pinag-iisipan kung ano ang mga dapat niyang baguhin.

“You’ll pass,” pag-aaproba ni Samantha sa sarili habang tatangu-tango.

Masyadong pino ang kanyang balat at mahahaba ang kanyang mga pilikmata. Ngunit kung pababawasan pa niya nang husto ang itiman at diretsong buhok, magmumukha na nga siyang lalaki.

Kumuha siya ng ilang mga damit na pawang may makakapal na tela at maluwang ang tabas. She had no feminine clothes, except the uniforms that she had during her highschool.

Her breasts were naturally small and firm. Hindi na mahahalata kahit na manipis na rubber binder lang ang isuot niya.

Hinalungkat ni Samantha ang naturang binder na ginamit niya nung miyembro pa siya ng volleyball team sa eskuwelahan nila. Isinuot niya iyon, bago ang blazer at ang slacks. Nilagyan niya ng gel ang kanyang buhok upang magmukhang maiksi.

Ilang sandali pa, isang lalaki na ang nakikita niya sa salamin.

Her lips might be too red. Pero may mga lalaki naman na naglalagay pa nga ng masculine lipstick para maitago ang mga marka ng nicotine.

“Hello, I’m Architect Samuel Cruz,” pahayag niya. Sinadyang pinalalim ang boses upang maging panlalaki sa pandinig. “Hi, my name’s Architect Sam Cruz.”

Ilang ulit pa siyang nag-ensayo, bago niya nakuha ang perpektong timbre ng boses-lalaki.

“Lakasan lang ng loob ang buhay, Samantha Cruz,” she murmured to herself encouragingly.

Para hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano, itinutok na niya ang buong pansin sa paggawa ng kanyang personal record.

Pagkatapos, inipon niya ang pinakamagagandang renderings niya. Pati ang mga pinakamatitinding disenyo na iginuhit niya nung estudyante pa lang siya. Pati ang mga drawings and sketches na nanalo sa mga contests and competitions.

At sa finale ng grand disguise project, ang inatupag naman niya ay ang pagpapalit ng gender niya sa lahat ng mga credentials.

Madali lang naman. Gamit ang scanner at printer, nakagawa siya ng duplicates. Sa tulong ng galing at tiyaga niya sa computer, nagawa niyang palitan ang lahat ng mga detalyeng aakma sa bagong katauhang nililikha para sa isang Samuel Cruz.

What she just did was known as forgery!

“Ngayon ko lang po gagawin ito, Lord,” usal niya habang isinisilid sa isang plastic envelope ang mga papeles. “Mali ang manloko ng kapwa ngunit may maganda naman po akong dahilan.”

Huwag naman sana akong mabigo, dugtong pa niya.

Monsour Montillano looked up from his writing when he heard the firm knocks on his door.

“Come in,” utos niya. His voice was deep and authoritative.

Isang lalaking tila batambata pa ang histura ang iniluwa ng bumukas na pinto.

“Are you Architect Samuel Cruz?” tanong niya. Hindi siya makapaniwalang ang kaharap na mukhang-bagito ang may-ari ng mga nakaka-impressed na credentials.

“Yes, sir,” ang matatag na wika ng bagong dating.

Saglit na natigilan si Monsour. Modulato ang malalim na boses. Halatang may kontrol sa sarili.

Tumangu-tango siya. He liked control in anything. Or anyone.

Unang impresyon lang pala niya ang sobrang kabataan. Samuel Cruz looked capable and in control of his destiny. He was a member of the new breed: young and aggressive.

“Have a seat, Architect Cruz.” Isinenyas niya ang mga silyang nasa harapan ng lamesa niya.

“Thank you, sir.”

Sumulyap siya sa orasang pandingding. “You’re five minutes early,” puna niya matapos sumandal sa swivel chair.

“My watch tells me that I’m just on time, sir.” Sumulyap din ang kausap sa suot na leather watch nito. He looked very serious. “And it’s according to world clock.”

Ngumiti si Monsour. “I like you, young man,” pahayag niya habang tumitindig upang kamayan ito. “In my company, punctuality is a must.”

They had a short but firm handshake.

Parang nabaghan siya nang may maramdamang kakaiba habang magkadaop ang kanilang mga palad.

He had felt… seduced. Or even enticed…

Monsour shook off the fantastic notion.

“May I call you Sam?”

“By all means, sir.”

Binitiwan niya ang kamay ni Samuel Cruz. At pinindot ang buzzer ng intercom para tawagin ang sekretarya.

He was instantly irritated when there was no immediate answer.

“Did you see my secretary outside?”

Katulad ng inaasahan niya, umiling ang tinanong.

“No, sir.”

Foolish woman! Nagtiim-bagang si Monsour. He stood up with a taut expression.

“Excuse me, I’ll just get your records.”

“No need, sir,” pigil ni Sam Cruz. “I have a set of copies with me.” Itinaas nito ang dalang plastic envelope.

“Good.” Muli siyang nagbalik sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang iniaabot nito.

“I also brought my complete portfolio, sir,” dagdag ng aplikante.

“Good,” ulit ni Monsour habang tumatangu-tango.

His good mood came back as he read the impressive credentials once again. These had gotten his undivided attention last week.

Click here to READ MORE

Comments are closed.