Fabienne had nowhere to go when she was forced to become a substitute fiancee for Rhys. He was blinded by a car accident and could not see that she was not her pretty cousin Desiree.
But why wasn’t he angry when her deception was uncovered?
Will you be happy to love someone who cannot see you? Tutoo kayang mas malinaw ang paningin ng puso kaysa sa mga mata? The heart can see when eyes are blind…
Napipilitan lang si Fabienne habang niloloko niya si Rhys, isang lalaking nabulag sa isang freak accident.
Ngunit kahit laban sa loob ang panlilinlang, nakarma pa din siya.
Ang puso niya ang naging kapalit dahil napaibig siya kay Rhys… kahit siguradong masusuklam sa kanya kapag natuklasang hindi siya ang tunay na nobya!
* * *
“Fabienne, tawag ka na ni Desiree!” Ang pabulyaw na wika ni Aling Martha sa kanya. Kumakaway pa ang hawak na sandok nito sa kisame habang nandidilat ang mga mata. Walang kangiti-ngiti ang kusinera na sadyang masungit.
“Magdala ka rin daw ng orange juice!”
Gayunpaman, nakangiting tumugon si Fabienne.
“Opo, Aling Martha. Susunod na po ako doon,” ang malumanay na tugon niya.
Pagod pa siya dahil kagagaling lang sa school, pero wala siyang magagawa dahil ka-ranggo na siya ng mga katulong kahit na kanya ang bahay at lupang kinaroroonan nilang lahat.
Her life had turned upside down eversince the accident and the simultaneous death of her parents. Ang mga kamag-anak ng kanyang ama ay animo mga buwitreng nagsidatingan mula sa kung saan at nanatili na sa poder niya hanggang sa matapos ang dobleng burol at libing.
Nung una, inuuto-uto pa siya. Kesyo bata pa siya at hindi pa kayang mabuhay ng mag-isa kaya dapat lang siyang samahan ng mga kaanak.
Pero habang tumatagal, lumilitaw ang mga tunay na motibo at masamang pag-uugali ng mga ito. Lalung-lalo na ang kanyang kaisa-isang pinsan na si Desiree.
Magmula nang tumuntong ito sa kanilang bahay na bagama’t katamtaman lang ang laki ay yari naman sa bato at napakaganda ng pagkaka-disenyo.
Her late mother had been a genius in interior decoration. With no formal education at all, Anne Moreno had been able to bring out beauty and elegance from simple and ingenious furniture.
May mangilan-ngilang mga pigurin at painting na maaaring presyuhan ng mataas dahil gawa at likha ng mga artista na nagkakapangalan na sa art world. Pati ang mga kagamitan ay maaari pa ring maipagbili sa mahal na halaga.
Pero ni sa hinagap ay hindi naiisip ni Fabienne na ipa-subasta ang mga iyon. They were her legacy. Ang mga iyon na lamang ang tanging mga alaalang naiwan ng mga mahal na magulang niya.
But she could have a losing cause there.
Ngayong nagiging martir at sunud-sunuran siya sa mga kaanak na sutil, hindi malayong ang nais ng mga ito na ipa-subasta ang mga nilalaman ng bahay ay matupad.
Mali ang mga mangyayari, oo. Siya ang dapat na pakisamahan at masunod sa kanyang pamamahay — pero hindi niya alam kung paano lalabanan ang mismong mga kapatid ng kanyang ama.
Sina Auntie Farrah at Auntie Faye ay pawang matatandang dalaga. The latter had a love child with a long-ago boyfriend.
Si Desiree nga, na bagaman pinakabata ay siyang pinaka-arogante sa tatlo. Puwede na rin nga niyang tawagin itong ‘Auntie’ Desiree kundi nga lang halos magkasing-edad lang silang dalawa.
They were both twenty years old, magkaiba lang ang mga birthdays. Mas matanda siya ng ilang buwan. But those few months could have been few years because she was more matured and more responsible than her cousin.
Kaya nga nagagawa niyang magpasensiya lang sa mga pang-aabuso ng tatlong babae ay dahil marunong na siyang umunawa sa mga kakulangan ng kapwa. Pero hanggang saan kaya hahantong ang mga pagbibigay niya?
Fabienne shrugged her slim shoulders mentally. Naniniwala siyang ang lahat ng bagay ay may katapusan. Pasasaan ba, magigising rin siya sa bangungot na kinasadlakan.
Matatapos rin ang mga paghihirap na dinaranas niya sa kasalukuyan.
Ganito ang iniisip niya habang nagtitimpla ng orange juice sa babasaging pitsel kaya magaan na uli ang pakiramdam niya bago pumunta sa kuwarto ni Desiree — na dating silid niya.
Naalo na niya ang sarili. She did not like pessimistic thoughts. Palagi niyang pinapalis ang masasamang isipin sa utak niya. Those were just mere pollutions in the mind and in the heart.
“Hay, naku! Fabienne, gumising ka nga diyan,” ang malimit na sambitin ng mga kaibigan niya sa eskuwelahan.
“Twenty-first century na po tayo ngayon, amiga. Feeling Cinderella ka pa rin diyan, e, hindi na uso ‘yon, ano? Pa-tsugihin mo na ang tatlong kontrabida sa house mo at nang may ma-istambayan uli tayo!”
Ganito naman ang palagi niyang isinasagot. “E, pasensiya na kayo kung hindi ko na kayo naiimbita sa bahay. Hindi kasi sanay magka-bisita ang mga Auntie ko, e. Uh, hayaan, n’yo, kapag naka-tiyempo ako, ipagsasabi ko kayo.”
“Sus! E, nung babang-luksa nga, ni hindi mo kami naanyayahan, a?” Panunumbat ni Menchie.
“Oo nga,” dagdag ni Chona. “Kumusta na kaya ang mga orchids ng Mama mo?”
“M-mabuti pa naman.” Tutoong nanduon pa ang mga orchids na alaga ng nasirang ina niya, pero palagi nang kalbo sa bulaklak. Alaga kasing pitasin ang mga iyon, pati na ang mga rosas na nasa palibot ng hardin.
“Naku, tigilan na nga natin si Fabienne,” awat ni Ness sa dalawang kaklase. “Ayan, o, maiiyak na nga ‘yung tao. Basta nandito lang tayo sa tabi niya, okey na ‘yon. Pansamantala lang naman ang nangyayaring upheaval sa buhay ng friend natin, ano?”
Sana nga, bulong naman ni Fabienne sa sarili. Sana nga…
Walang kamalay-malay si Fabienne na paparating pa lamang ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya.
“A-ano?” Fabienne exclaimed in an aghast tone. Hindi siya makapaniwala pero alam niyang tutoo ang narinig. She was shocked.
Desiree pouted as she posed her favorite position, which was half-lying in the long sofa with white and supple leather upholstery.
“Tumatanggi ka?” Her cousin asked sharply. “Hindi ka puwedeng tumanggi, Fabienne!” Ito rin ang sumagot sa tanong nito, pasinghal. “Itatawil ka namin!” Pagbabanta pa.
Nadagdagan pa lalo ang pagkabigla niya. Paano’y tinatakot siya ng mabigat na parusa kapag hindi siya sumunod sa maling kagustuhan ng magandang pinsan.
Desiree commanded her to deceive a — man who had just had an accident.
“Magpapanggap kang ako, Fabienne. Ano ba ang mahirap d’on? Hindi ka niya makikilala!”
“I — I’m sorry, Desiree, pero hindi ko magagawa ang gusto mo.” Nangangatog ang mga tuhod niya pero hindi siya makaupo dahil walang imbitasyon.
She should not wait for an invitation because this was her home, her own living room; but her latent politeness forced her to do so.
Isa pa, labis-labis nga ang pakabigla niya. Hindi siya makapaniwalang inuutusan siya ni Desiree na manloko ng isang lalaki — lolokohin niya ang mismong nobyo nito!
“Hindi ako magtatagumpay,” she assured her beautiful but ‘oh — so conceited cousin. “Siguradong malalaman niya agad na hindi ikaw ako.”
Pumiksi si Desiree. Tumalim ang mga matang bilugan. Napipintahan ng asul na mascara ang mga pilik kaya mas lalong naging madilim. Talagang nagbabanta ito ng mabigat na parusa sa pagsuway niya.
Isang kakatwang isipin iyon pero kinilabutan pa rin siya. Hindi niya mapigil ang matakot kahit na wala naman itong puwedeng gawin sa kanya — maliban sa pagsungitan pa siya nito lalo. Medyo nasasanay na siya sa masamang ugali ni Desiree.
The perfectly shaped body of her goddess-like cousin undulated onto a standing position. Animo isang ahas na marahang dumiretso sa pagkakabaluktot, para tumayo at lumakad palapit sa kinatatayuan niya.
Pigil-hininga naman si Fabienne. Wala siyang kakurap-kurap habang pinapanood ang paglapit ng napakagandang nilalang.
She could not imagine that this breathtaking beauty could be mistaken as her.
Kaya ang dapat niyang gawin ay kumbinsihin ang pinsan sa katotohanang hinding-hindi sila magiging magkamukha kahit na ano pa ang gawin nito.
“Itatakwil ka namin, Fabienne,” the lovely apparition hissed venomously. “Mawawalan ka ng masasabing pamilya mo.”
Atsaka pa lang nagsimulang magtaka si Fabienne, dahil naulit na naman ang makamandag na banta. Para bang may pinanghahawakan ito.
Nalito siya imbis na matakot, katulad ng nais ng kaharap. It could be the end to all her sufferings.
“O, ano? Nakapag-isip-isip ka na ba, ha? Wala kang puwedeng ipagmalaki, baka akala mo. Kailangan mong sumunod sa utos ko para manatili kang ka-pamilya namin,” Desiree challenged her confidently.
Bahagyang kumunot ang noo ni Fabienne. “Hindi kita maintindihan — ”
“E, p’ano mo nga palang maiintindihan,” was the rude interruption. “Hindi mo naman ‘ata alam na ampon ka lang?” Dinuru-duro pa siya ng isang mapula at mahabang kuko.
Napamaang si Fabienne sa narinig. The words did not sink in immediately, as though her mind was thickly fogged.
Sa isang iglap lang, nagkaroon ng napakaraming tanong sa loob ng utak niya. Suddenly, as many memories fought towards the surface of her memory.
Bigla na lang niyang naalala ang ilang mga nakaringgang pag-uusap ng mga yumaong magulang at ilang malalapit na kaibigan ng mga ito.
“Naku, Anne, ang suwerte n’yo naman at nakatagpo kayo ng isang batang katulad ni Fabienne, ano? Meron pa kayang katulad niya sa pinagkunan n’yo?”
“Oo nga, Mareng Anne. Am’bait talaga ng batang ‘yan. Minsan tuloy, gusto ko na ring umampon, e.”
“Ssh, huwag naman sana kayong masyadong prangka. Ayaw ng Pareng Felipe n’yo na pag-usapan ang tungkol sa pinagmulan ng aming anak. Para sa amin kasi, tunay na anak namin siya,” pagtatanggol naman ng kanyang ina noon.
Matagal na matagal nang nangyari ang tagpong iyon. Bata pa siya noon. Hindi pa niya ganap na nauunawaan. Pero hindi na ngayon…
Tinampal siya ng isa ni Desiree. “Tatawagin ko sina Tita Farrah at Mommy Faye,” sambit nito.
“Ipapakita nila sa ‘yo ang katunayan na hindi ka tunay na dugong Moreno! Ha! ha! Kawawa ka naman. Tsk! tsk! Kawawang-kawawa — lalo na kung magiging matigas ang ulo mo.”
Bahagya na lang niyang narinig ang mga sinabing iyon ng pinsan. Hindi pa siya makahulagpos mula sa pagkakasampal ng mga nakakabiglang rebelasyon mula sa nakaraan.
My God! Ampon lang ba talaga siya? Ampon lang…!
Nawalan ng saysay ang mga protesta at mga pakiusap ni Fabienne nang makabawi siya ng kaunting wisyo. Her mind was still reeling from utter shock, when she found herself standing outside an expensive-looking hospital.
Muntik pa nga siyang mabuwal nung una dahil halos ipinagtulakan siya ni Desiree pababa ng sasakyan na ito mismo ang nagmaneho.
“Wala kang gagawin kundi ang lumapit sa pasyente. Manatili ka ng ilang minuto sa tabi ng hospital bed. Pagkatapos, puwede ka ng umalis. Ano ba ang mahirap d’on?” ang mataras na pahayag nito habang patungo sila doon.
She was still feeling numb. Wala siyang maapuhap na lakas ng loob na sumalungat. Nagmistulang blangkong papel ang kalooban at isipan niya.
“Chances are, baka unconscious pa rin siya hanggang ngayon,” her cousin continued nonchalantly.
“Tinawagan ko ang ospital kagabi. Gan’on pa rin ang condition niya. Walang pagbabago. Poor man!” Parang walang anuman para dito ang pananatili ng katahimikan niya.
“Basta pumunta ka d’on. Haplusin mo ang noo, o hawakan mo ang isang kamay. Kahit na ano, gawin mo. Gusto ko lang naman na maipakita sa sinumang kamag-anak ng luku-lukong ‘yon na interesado pa ‘ko sa kanya.”
“Huwag kang masyadong magtatagal, ha? Baka may makakita pa sa akin dito. Balik ka agad, Fabienne!” pahabol pa nito bago isinara ang pinto ng kotse.
Sa isang sulok ng nanlalabong isipan, Fabienne had been having an indifferent observation about the appearance of her cousin.
Halos ang mga labing mapupula na lamang nito ang makikita dahil sa sobrang laki ng suot na purple sunglasses at sa sobrang buhaghag na hairstyle ng maiikling alon ng itimang buhok.
Desiree could look like an innocent cherub with her long and short curls.
Siya naman ay ordinaryo lang, kahit na anong klaseng ayos pa ng buhok ang ibigay sa kanya. She knew that she would not succeed but was helpless and could not do anything except obey unconditionally.
The tinted glass of the car window rolled down. Sumungaw ang ulo ni Desiree.
“Ano ba? Tatayo ka na lang ba diyan? Pumasok ka na d’on!” singhal nito.
Fabienne obeyed almost automatically. She moved towards the wide hospital entrance like an automaton. Her hand was clutching the piece of paper that Desiree had thrust to her during the drive.
“Ipakita mo ‘yan sa nurses’ desk,” Desiree instructed tersely.
“Para ipahatid ka agad sa kuwarto ng pasyenteng dadalawin mo. Tandaan mo lang na ikaw si Desiree, ha?” Ganito ang paulit-ulit na sabi ng pinsan habang patungo sila sa naturang ospital.
May ilang araw na din ang nagdaan matapos ang nakakagimbal na tagpo. And she was just recovering from the trauma.
Kung tutuusin, hindi naman siya dapat nabigla. Her subconscious mind had remembered bits of snatched conversation from the past.
Kung nakalimutan man ng conscious mind niya, iyon ay sa dahilang nagtagumpay ang yumaong mag-asawang Felipe at Anne na maipadama sa kanya ang pagmamahal ng mga tunay na magulang.
So she should pull herself together. She needed all her wits. Nag-iisa na nga lang talaga siya sa buhay. Dapat magpakatatag siya.
Katulad nga ng sabi ni Desiree, wala namang kahirap-hirap ang ipinagagawa nito sa kanya.
Ang problema lang, hindi siya naturuang manloko ng sinuman sa mga nagpalaki sa kanya. Deceiving anybody was never taught to her.
But there was always a first time to everything.
“Can I help you, ma’am?” tanong ng nars sa kanya. Nakalapit na pala siya sa information desk ng di namamalayan.
“Uh, y-yes, please,” she croaked as she smoothed the folded paper in her sweating palm. Ipinakita niya iyon sa kausap.
“D-dalawin ko sana ito. Puwede na ba?” She prayed for a negative answer but the nurse nodded almost instantly.
“Ay, opo naman, ma’am. Lalo na kung kayo si Miss Desiree Guerrero,” ang nakangiting tugon nito, habang tumitindig. “Halikayo, sasamahan ko kayo sa kuwarto ni Mr. Verdades.”
Hindi makapaniwala si Fabienne na talagang napagkamalan siyang si Desiree. Kusang tumalima ang mga paa niya para sumunod sa lumalakad na nars.
Dumating sila sa isang malaki at maluwang na silid. Bahagya nang nakabukas ang pinto pero kumatok pa rin ang kasama niya bago hinawakan ang seradurang pilak.
“Good morning, sir,” ang magalang na wika nito. “You have a visitor — si Miss Desiree.”
Fabienne had not seen anybody bacause she was still a few steps away. Pero may narinig siyang mga kaluskos at tila isang ungol na mahina.
A baritone voice replied huskily. “I’m expecting her, nurse. Please, let her in,” utos nito. Mababa ang tono pero nandoon pa rin ang awtoritismo.
May kung anong dumunggol sa dibdib ni Fabienne nang marinig ang medyo paos na tinig. Para bang gusto niyang kilabutan na di niya mawari.
Hindi rin niya maintindihan kung bakit parang pinalis ang pangamba niya, gayong dapat nga siyang matakot dahil magkakaharap na sila ng lalaking lolokohin niya.
May nakatabing na puting kurtina sa gawi ng hospital bed kaya hindi pa rin niya nakita ang lalaking nagsalita kahit na nakapasok na sila sa loob ng kuwarto.
Her first impression of the room was nice. It was huge and clean.
There was a relaxing ambience, conducive for a speedy recuperation.
Nahinuha niya na hindi naman malala ang kalagayan ng pasyente kung ganito ang hitsura ng kuwartong kinaroroonan.
Wala siyang makitang palatandaan ng mga medisina at aparato sa paligid. Mistula ngang isang studio pad lamang.
Hinawi ng nars ang nakatabing na kurtina. There was a silent hiss then silence.
Kumakabog ang dibdib niya. Nagsasalita ang nars. Pero katahimikan pa rin iyon para kay Fabienne.
Natulig kasi siya. Napatigagal.
The man who was lying on the white bed was the most attractive man she’d ever met.
Pakiramdam niya, saglit na huminto sa pag-ikot ang mundo. It was a ridiculous sensation but it was the truth.
Bakit ganoon ang naramdaman niya?
Wala siyang matagpuan sa kaibuturan ng sarili kundi ang nawaglit na kamalayan. Kinakausap na naman siya ng mga kaharap.
“Miss Guerrero, maupo ho kayo,” anyaya ng courteous nurse. “Para hindi na magpumilit na bumangon ang ating pasyente,” dugtong pa.
Iyon ang nagpagalaw sa mga biyas niyang naparalisa sanhi ng matinding pagkabighani sa makisig na lalaki.
He was like a god from Mount Olympus. His male beauty was magnetic.
She walked towards the man when he raised a hand. Nakaharap ito sa kanya pero tila hindi siya ang tinitingnan.
Still, his eyes were mesmerizing as a deep, huge sea at night. Singdilim ng gabi at singlalim ng dagat ang mga mata ng lalaki.
At nang mapalapit na siya rito nang husto — at sa wakas ay nagkatitigan na nga sila, bigla siyang napapunta sa isang limbo.
Walang tinutungtungan, walang nakapalibot.
She was floating in nothing but her feelings.
And at present, her emotions were in chaos. She was falling, falling, falling…
Para din siyang hinihigop palapit sa isang higanteng batubalani. Wala siyang lakas na lumaban. Wala rin siyang pagnanais na tumutol.
Matapos ipamukha sa kanya ang pagiging ‘sampid’ niya sa kinilalang pamilya mula pagkabata, nawalan siya ng direksiyon. Nasadlak siya sa umaalimpuyong uli-uli.
Walang pinagmulan, walang paroroonan.
Pero nang mga sandaling iyon, bigla siyang nagkaroon ng dahilan para magpatuloy.
This man provided her with a reason and a direction. She had forgotten all about Desiree. She was being drawn towards the man for selfish motives only.
“Desiree?”
Tumango si Fabienne.
“H-hello,” sambit niya. Her voice was even huskier than usual. “Kumusta ka?”
Pumitlag ang pulso niya nang makitang naningkit ang mga mata ng lalaki. Ngunit saglit lang iyon kaya maaaring imahinasyon lang niya.
“Maaari mo ba kaming iwan, nurse?” hiling nito sa nars.
“Of course, sir.” Nakangiti ang babaeng naka-unipormeng puti nang bumaling sa kanya.
“Nand’on ang button, kung kailangan n’yo ng isa sa amin,” bilin nito.
Wala sa loob ang pagtango niya. Nakatuon sa lalaki ang buong atensiyon niya.
Nang mapag-isa, saka lang nagsalita uli ang lalaki.
“I’m glad, you came back here, Desiree,” pahayag nito. “I thought you wanted to end everything between us after the accident.”
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot doon bilang si Desiree kaya nanatili siyang tahimik.
“No comment?”
Napilitan siyang sumagot. “Er, none,” sambit niya. “Kumusta ka na?” ulit niya para disimulado.