Romina and Jaime were dating almost every night. She wanted a wedding and a family but he didn’t believe in marriage. Was this the end of a beautiful relationship?
Pag-aaksaya lang ba ng panahon ang pag-aalaga ng isang relasyon na wala naman palang kasal na patutunguhan?
Sapat na ba ang maalab at pambihirang pag-ibig para talikuran ang pangarap na magkaroon ng sariling pamilyang makakapiling habang buhay?
* * *
“Ma’am Romina, paki-pirma din po dito. Atsaka dito pa. Tapos, heto pa po ang invoice na kailangan n’yong aprobahan. Meron pa pala — may vale si Mang Dionisio. Paki-sign ang voucher niya.”
“Vale na naman? May sakit na naman siguro ang asawa nung matanda,” sambit niya habang pirma nang pirma sa mga itinuturong lugar ng sekretarya.
Umikot ang mga mata ng istariray na empleyada.
“If I know — nalululong na naman sa tong-its ‘yung asawa ni Mang Dionisio!”
“Ssh!” Inawat agad ni Romina ang bibig ni Shirley.
“Nang-iintriga ka na naman, ha? Trabaho na lang ang intindihin natin. Wala na ba akong pipirmahan?”
“Sorry po, ma’am. Wala na po,” Shirley replied in a subdued tone.
Tumango lang si Romina.
“Sinu-sino ba ang mga ka-appointment ko?” Binuklat niya ang black appointment book na nasa isang tabi ng malapad na mesa niya.
Tiningnan ni Shirley ang steno pad na dala.
“Nine o’clock, ang mga contractor na may dalang bidding papers. Hanggang lunch na ‘yon. Tapos, three o’clock, ang designer na taga-Cebu. Then, six o’clock, pupunta kayo sa inauguration ng isang building sa Sta. Mesa.”
Kumunot ang noo ni Romina.
“Bakit kailangan kong magpunta sa inauguration na ‘yon?” taka niya. Hindi niya maalala ang dahilan.
“Kasi po, kayo ang ribbon-cutter. Magtatampo daw po pati ang kinakapatid ninyong si — ” Huminto si Shirley habang ini-interprete ang pa-shorthand na sulat nito mismo.
“Si Mrs. Venie Ledesma. Ma’am, siya ‘yung nakasalubong natin sa parking lot nung ihahatid ko kayo sa airport? Hindi n’yo po ba nailagay diyan sa appointment book ninyo?”
Naalala na ni Romina.
“A, oo nga pala. No, hindi ko naisulat dito. Nakalimutan ko na kasi. Thank you very much, Shirley. You’re the best!” papuri niya.
Venie Ledesma was also her best friend since elementary up to college. Nangibang-bansa lang ang pamilya nito kaya hindi na naging madalas ang kanilang pagkikita.
At nang magbalik naman sa Pilipinas, masyado na siyang abala.
Still, she wanted to continue their friendship. Mahirap na siyang makakatagpo ng isang tunay na kaibigan.
Aside from her family, Venie was the only person who knew the real Romina beneath the reserved mask of being a female tycoon.
“Thank you rin, ma’am. Gusto n’yo po ng coffee?”
Ngumiti si Romina habang umiiling.
“No, thanks. Mamaya na lang pagdating ng mga kausap ko. Tiyak na makaka-isang baldeng kape na naman kami mamaya.”
“Naka-ready naman ako, ma’am. Nanghiram muna ako ng mga airpots at mga tasa sa ibang department para hindi tayo maubusan mamaya,” pahayag nito bago lumabas ng pinto.
Saka lang uli nakapag-concentrate si Romina sa kino-compute niya nang mapag-isa.
Kailangan ang mga figures na ito bukas nang tanghali. Mayroong conference ang board of directors.
She’s planning to expand their operation at kailangan niya ng approval para sa karagdagang pondo.
“Klaro naman ang magiging profits ng kumpanya bandang katapusan ng taon,” wika niya sa sarili habang nirerekisa ang mga naisulat sa scratch paper.
“Sa umpisa lang ang mga ‘rough roads’ pero kapag malapit na ang holiday season, marami nang ‘supply’ para sa pagdagsa ng ‘demands’ sa mga produkto,” patuloy niya, while scribbling the notes for reference para sa speech niya bukas.
Sumungaw ang ulo ni Shirley.
“Ma’am, nandito na po ang isang contractor. Gusto na po niyang pumasok,” pahayag nito habang nagtatanong ang mga mata.
Umiling si Romina.
“Pakisabing maghintay na lang siya diyan sa reception area. Hindi puwedeng may mauna dito. Unfair para sa iba,” tugon niya habang sumusulyap sa relong pandingding.
“Masyado pa pating maaga. Fifteen minutes pa. Bigyan mo na lang muna siya ng kape at ng mga magasin para hindi gaanong mainip.” Ibinalik niya ang atensiyon sa ginagawa nang mawala ang ulo ng sekretarya.
At nagpatuloy ang paglipas ng mga oras… By six o’clock, Romina was feeling worn-out.
Para siyang ipinasok sa isang wringer. Napiga nang lahat ang kanyang lakas!
“Ma’am, nandiyan pa po si Mang Dionisio. Pinag-overtime ko na po para may maghatid sa inyo sa bahay ninyo.”
Tumango ang matamlay nang si Romina.
“Yes, thank you. Just give me a short break. Ano’ng oras na ba? Late na ba ako?”
Alanganin ang pagtango ni Shirley.
“Medyo po, ma’am. Five forty-five na po, e.”
“Fifteen minutes na lang? Oh, God! Tiyak na magtatampo si Venie,” she wailed. Pinilit niyang tumindig. She tried to think hard.
“Ma’am!” Biglang na-excite si Shirley.
“Hindi ba’t nandiyan sa closet ang isang formal dress ninyo? Ipina-dry clean n’yo sa akin last week at hindi n’yo pa yata naiuuwi.” Humangos ito palapit sa sinasabing closet.
Nandoon nga sa loob ang isang bestidang itim. It was made of black lacy cloth, high-collared and long-sleeved — but with a daring deep V-back.
Tiningnan ni Romina ang suot niyang sapatos.
“Mabuti na lang pala, black heels ang isinuot ko sa pagpasok,” sambit niya habang ngumingiti sa empleyada. “You’re heaven-sent, Shirley! Dito na lang ako magsa-shower.”
Ilang minuto lang siyang nahuli sa inauguration. Bale nauna pa nga siya sa kanyang kinakapatid.
“Sorry, I’m late, Romina. Talagang punctual ka pa rin, bruha ka! Come, ipapakilala kita sa half-brother ng mister ko.”
Hinila siya ni Venie palapit sa dalawang lalaking matangkad na nag-uusap sa may tabi ng entrance.
“Sweetheart, nandito na ang sinasabi ko sa iyong kinakapatid ko. And also my bestfriend since childhood. Isa siyang self-made millionairess!” Puno ng pagmamalaki ang tono ng babae.
Nag-blush si Romina. Hindi siya sanay sa ganitong introduction.
“Venie naman, baka maniwala ang makakarinig sa iyo,” awat niya sa kinakapatid.
Tumawa nang malakas si Venie.
“Ikaw talaga, napaka-humble pa rin,” anito, habang umaabrisiyete sa isa sa mga lalaking nakamasid sa kanila.
“Meet my husband, Jay — and my brother-in-law, Jaime Infante,” patuloy nito.
“Kuya Jaime? Jay? Meet Miss Romina Mercado!” Pinagkadiin-diin pa ang pagsambit sa katagang ‘miss’!
“How do you do, Miss Mercado? Kilala na kita sa mga pictures ninyo ni Venie. It’s nice to meet you in person, at last!” Pormal ang pakikipagkamay ni Jay sa kanya.
Ngunit iba ang istilo ni Jaime. Hinawakan nito nang matagal ang kamay ni Romina at tumitig nang mataman sa mukha niya. Para bang minimemorya ang kanyang hitsura!
“Hello, Romina. Tutoo palang lahat ang mga sinabi ni Hipag. Talaga nga palang napakaganda mo,” sambit nito. “At napakabata pa para maging isang successful businesswoman.”
Kumabog nang husto ang dibdib niya dahil nakaramdam siya ng maraming kakatwang sensasyon. Para bang bigla na lang siyang kinuryente.
At dagling nalito ang kanyang isipan.
Hinila niya ang kanyang kamay habang iniiwas ang tingin.
“T-thank you for the kind compliment, Mr. Infante,” tugon niya, mahina at may nginig ang kanyang boses.
She felt an instant dislike for this man — dahil nagawa siyang lituhin nang dahil lang sa isang simple at preskong compliment.
Mabuti na lang nagpatuloy na si Venie sa pagsasalita nito.
“C’mon, guys. Baka mainip na ang mga bisita. Magsimula na tayo,” pahayag nito.
Romina felt relieved. Humakbang siya papasok upang sundan ang mag-asawa ngunit napahinto siya nang hawakan siya ni Jaime sa isang siko.
“I’ll be your escort tonight, Miss Beautiful,” wika nito.
She flashed him a formal smile.
“I don’t need an escort, thank you,” aniya sabay piksi upang mabitiwan siya ng mga daliri ng lalaki.
She walked inside the building in a brisk walk. Hindi niya nilinga ang lalaki kahit na naramdaman niyang nakaagapay na ito sa paglalakad niya.
“Are you a manhater, Miss Mercado?” he whispered to her ears as Venie started her speech.
Napapitlag si Romina nang maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki sa gawi ng kanyang leeg at punong-teynga. She was astounded with the man’s pluck.
“I am not a manhater,” she whispered back with gritted teeth. Tinangka niyang lumayo dito ngunit pirmi lang na nakabuntot ito sa kanya.
“Are you trying to make me mad at you, Mr. Infante?” she snapped at him when her control thinned out.
“Of course not, Miss Beautiful. I’m trying to impress you. You see, I’m attracted to you. You’re so beautiful!”
Lalong nainis ang dalaga. She glanced around her surreptitiously. Hinarap niya uli ito nang matiyak na walang ibang nakakarinig sa kanila.
“Hoy, lalaking presko! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo kaya tantanan mo na ang mga pambobola mo. Kapag hindi ka tumigil, sasapakin kita!” pagbabanta niya rito.
She had been accustomed to say what’s in her mind eversince she started her ready-to-wear clothes business.
Mas madaling ma-impressed ang mga kliyente — babae man o lalaki — kapag prangka manalita ang kausap na negosyante. These days, everybody seemed to like frankness.
Tiningnan siya ni Jaime Infante, magmula ulo hanggang paa.
“Oh? So the beautiful lady has sharp claws! I like a fighter, Miss Romina Mercado. I think I’ll enjoy our chase,” he replied to her threat with lazy amusement. He was not intimidated by her puny height.
Na isang pagkakamali dahil si Romina ay dating representante ng bansa sa mga palarong martial arts nung kabataan niya.
Kahit na beinte siyete na siya at kasalukuyang nakalubog hanggang leeg sa mga obligasyon niya sa malaking kumpanya na naipundar ng sariling pagsisikap at determinasyon, hindi pa naman kinakalawang ang mga biyas at kalamnan niya para maipagtanggol ang sarili.
Kahit na mas mataas at mas malaki pa ang kalaban na katulad ni Jaime Infante.
But her instincts were telling her that her real adversary was not the aggravating man…
She might not want to admit the instant fascination she had felt for this man but how could she explain the sudden coldness and hotness that rippled through her body with simultaneous intensity?
Para siyang nilambungan ng lamig habang may biglang naglagablab sa kanyang kalooban.
She was utterly confused with the conflicting impressions. Gusto na niyang lumayo sa panganib ng lalaking ito.
“This conversation is disgusting, Mr. Infante! Excuse me,” paalam niya habang maliksing tumatalikod.
Alam niyang nakasunod ito sa kanya kaya naghanap agad ang mga mata niya ng comfort room. Doon na lang siya hindi masusundan ng lalaki.
“Have dinner with me tomorrow, Romina. I’ll take you to a place with exciting music and exotic food,” he invited her.
His long strides accompanied her short but vigorous steps.
“I don’t have time, Mr. Infante. Sorry,” she answered tersely.
Itinulak niya ang pinto ng comfort room bago siya luminga uli dito. Matalim ang mga mata niya.
“Huwag mong sabihing papasok ka rin dito?”
Jaime gave her a charming smile, showing off his white, even teeth.
“Oops! I’ll just wait here.” Sumandal ito sa doorjamb at tila nakahanda ngang maghintay.
“Don’t worry, masyadong maliit ang ventilation window sa loob kaya walang intruder na makakapasok mula sa labas para guluhin ka diyan,” panunudyo pa nito habang kumikindat sa kanya.
Sinikil niya ang pagsikdo ng dibdib niya.
My God, she’s acting like a teenager with her first crush! panenermon niya sa sarili. Isinara niyang pasalya ang pinto matapos umirap sa lalaki.
Kahit na nasa loob siya, naririnig pa niya ang pagtawa nito.
Muntik na siyang mawalan ng kontrol. Gusto na sana niyang lumabas uli upang patulan na ang pang-aasar ng lalaki kundi siya napasulyap sa kanyang repleksiyon sa salamin.
An unfamiliar Romina Mercado startled her.
The creature in the mirror looked almost wild and earthy.
There was something primitive in the flushed face and sparkling eyes.
Her dewy lips resembled a ripe fruit, enticingly delicious.
She was shocked because she was accustomed to see the sad-eyed girl/woman, who was always trying to look brave and happy…
Ipinilig ni Romina ang kanyang ulo upang mawala ang ilusyon. Itinodo niya ang pagpihit sa knob ng gripo upang mabulabog ang mga ligaw na imahinasyon sa loob ng utak niya.
Of course, she could not stay inside there forever. Napilitan siyang lumabas nang matapos na ang pagre-refresh ng make-up niya.
Nandoon pa nga ang nakayayamot na lalaki.
But Romina had revitalized her reservation. She was in full control of herself again.
Nagawa niyang kontrolin ang reaksiyon ng katawan niya sa hipo ng mga daliri nito sa makinis na balat ng nakalantad na likod.
“C’mon, kanina ka pa tinatawag ni Venie,” anito habang iginigiya siya pabalik sa lobby, kung saan nakaipon ang mga tao.
Puno ng pagmamalaki ang tinig ng kinakapatid habang ipinapakilala siya sa mga naruruon.
Sabay-sabay na nagkislapan ang mga kamera habang pinuputol niya ang malapad na ribbon na kulay pula, asul, dilaw, at puti bilang pagsabay sa centennial mood ng buong bansa.
“Miss Mercado, tutoo bang magkakaroon na kayo ng branches sa New York at Hawaii?” usisa ng isang reporter sa kanya habang idinuduldol ang microphone sa mukha niya.
Romina was very business-like as she made a formal reply.
“They’re just dreams at present. We hope to push them through before the year ends. I’ll inform the public when there’s definite plans already.”
“What about your future plans for a family of your own? You’re not getting any younger,” sabad ng isa pang reporter.
Romina flashed her famous gamine smile. It was a favorite of the press from her young athletic days.
Palaging ganoon kasi ang ngiti niya kapag umuuwi siya mula sa mga paligsahan sa ibang bansa. Paano’y bitbit niya parati ang gintong medalya.
“I don’t think any man would have me,” she quipped back impulsively.
She was surprised to hear herself say those words. She hastily put into place her usual tolerant mask.
“If I were still single, I’d have you, my dear,” salo ng isa sa mga reporter na may edad na.
Ngumiti na lang si Romina. Hindi na niya ibinuka ang bibig dahil baka kung ano pa ang masabi niya.
She must be feeling really tired! Sinisi niya ang nadaramang pagod.
There were more outrageous questions for her but she parried them with her routine answers.
“Bravo, Romina,” sambit ni Jaime nang makakawala na siya sa mga newspersons. “You’re a superb parrier. Napakagaling mong umilag sa mga ulos ng katotohanan.”
Umirap lang si Romina. She didn’t deign to respond to his mild mockery.
Lumapit sa kanila si Jay.
“Kuya, nakita mo ba si Venie? May mga naghahanap sa kanya — bigla na lang nawawala ang babaeng iyon,” reklamo nito habang naghahanap sa paligid ang mga mata.
“Nakita kong kausap ng head caterer kanina. Baka nasa gawing likuran,” tugon ni Jaime.
Jaime’s knowledge of Venie’s whereabouts ay nagsabi kay Romina na hindi tunay ang purong atensiyon na iniuukol nito sa kanya magmula pa kanina.
The man had roving eyes. Kung sinu-sino pa sigurong babae ang nakikilatis nito habang binubuntutan siya!
Hinanap na rin niya ang kaibigan para makapagpaalam na.
Maaga pa siyang babangon bukas. Hindi niya natapos ang monthly report niya para sa board of directors.
“Hey! Saan ka pupunta?” habol ng lalaki sa kanya.
“Sa kusina,” she replied succinctly. Pinilit niyang ingiti nang matamis ang bibig upang malansi niya ito.
“Gusto ko sanang humingi ng malamig na tubig. Pulos alak at juice pala ang nasa buffet table,” pagdadahilan niya.
Parang namalikmata ang lalaki. Napatitig pa ito nang ilang sandali sa kanya bago ito nakapagsalita uli.
“Ako na lang ang kukuha ng tubig mo, Romina,” pagpiprisinta nito.
Saglit lang ang pag-aalinlangan ni Romina bago siya tumango at muling ngumiti.
“Thank you, Mr. Infante.”
“Call me ‘Jaime’, Romina,” he requested to her in a husky voice.
His eyes had darkened with some unknown emotion as he stared down at her.
Napalunok ang dalaga. She had never known that a man’s fervent scrutiny could be seductive.
She felt his raw desire as they gazed at each other for a few long seconds.
“J-jaime,” she capitulated to end the peculiar experience. The air almost crackled with so much tension between them.
“Jaime,” she repeated in a stronger tone. “Okey na ba ‘yan?”
He rewarded her effort with a slow grin of male triumph. Para bang nakakasiguro na ang loko na madali lang siyang bibigay sa karisma nito!
“I’ll be back in a jiffy. Pagbalik ko, siguradong may cold mineral water ka na,” pangako pa nito bago tumalikod sa kanya.
Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki, tumalilis na si Romina.
Maliksi siyang nakalapit sa isang side door na napansin niyang ginagamit ng mga waiter at caterer papasok sa building. Doon siya lumabas.
Matiyagang naghihintay si Mang Dionisio sa lugar na pinag-iwanan niya rito. Agad itong nagpaandar ng makina ng kotse nang mamataan siyang papalapit.
“Ma’am, uuwi na po kayo?”
“Oo, Mang Dionisio. Pakihatid n’yo na lang ako sa bahay,” aniya. Nagulat siya dahil hinihingal siya gayong hindi naman siya tumakbo nang malayo.
“Okey, ma’am.” Nagmaniobra ito papalabas ng kalsadang iyon.
Mahigit isang oras pa ang inabot nila sa daan. Dalawang shopping malls ang sabay na nag-midnight sale kaya makapal pa rin ang traffic kahit na tapos na ang rush hour.
“Nakuha n’yo ba ang vale ninyo, Mang Dionisio?” tanong niya sa drayber, para hindi siya antukin.
“Opo, ma’am. Maraming salamat po. May sakit na naman kasi si misis, e,” tugon naman ng magalang na matanda.
Alam ni Romina kung ano ang ‘sakit’ ng maybahay ng empleyado ngunit hindi na siya nagsalita. Sinarili na lang niya ang panghihinayang sa perang nasasayang lang sa sugal.
“Sana naman ay gumaling na si misis,” wika na lang niya habang isinasandal ang nananakit na likod sa malambot na upuan.
Sumulyap sa kanya ang matandang lalaki sa rearview mirror.
“Sana nga po, ma’am,” tugon naman nito. Nasa mga mata nito ang madilim na pag-asa.
Natahimik ang loob ng kotse nang alipinin sila ng mga sari-sariling alalahanin.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Romina nang tumunog ang cellular phone niya. Wala sa loob, tinugon niya ito.
“Hello? This is Romina Mercado speaking,” aniya habang nakapikit.
“Where are you, Romina?” pang-uusig ng isang boses-lalaki.
Napamulagat siya habang napapatuwid sa pagkakaupo. Kanina lang niya nakilala si Jaime Infante ngunit kabisado na agad niya ang timbre ng tinig nito.
“I’m in my car, Mr. Infante,” pag-amin niya. Ni hindi pumasok sa isip niya ang ipagkaila ang kinaroroonan niya.