Loving Someone Is Bitter-Sweet-10

“Salamat at sinabi mo ang iyong kinayayamutan,” wika ni Naomi.

“Pipilitin kong baguhin ang magaspang na ugali ko.”

“Hindi magaspang ang ugali mo, Naomi,” bawi ni Brando. “Mapusok ka lang. Masyado kang mainit.”

Lalong tumindi ang nadaramang humiliyasyon ni Naomi. Iniyuko niya pa nang husto ang kanyang ulo upang maitago ang namumulang mukha.

“Gusto kong matikman ang init na iyon, Naomi,” dugtong ng lumalalim at nagiging paos na tinig. “Ngayon…”

Napasinghap siya nang matuklasang napakalapit na ng matipunong katawan sa kanya. Napapalibutan na siya ng mapanrahuyong amoy ng panlalaking pabango.

“B-brando — ”

“Ito ang gusto mo, hindi ba?” Nagiging paanas na naman ang pagsasalita ng lalaki.

Animo hinahaplos na ng masusuyong daliri ang kanyang utak. Kaipala, binubura na ang anumang pagtutol na maaaring lumutang.

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVING SOMEONE IS BITTER-SWEET…? Click Here!]

Tututol ba siya? Gayong nagkakatutoo na ang isa sa napakaraming panaginip niya ukol sa lalaking ito…?

“Isang halik lang, Naomi,” pangako ng lalaki.

Nakadantay na ang isang palad sa kanyang hita. Humahagod nang marahan.

Habang ang isa ay nakasapo sa kanyang pisngi. Iniaangat ang kanyang mukha. Inihahain ang kanyang mga labi.

Dahil sa matinding nerbiyos, naumid ang kanyang dila.

Naninigas pati siya. Para siyang naging estatwa. Nawalan na ng sariling kakayahang kumilos.

Nanatili siyang nakadilat nang lumapat ang basang init sa sulok ng bibig niya. Napakurap siya nang mapaso.

Nanlaki ang mga mata nang hagurin ng dulo ng dila ang gawing gitna. Ngayon lang niya nalaman na napaka-sensitibo pala ng bahaging iyon.

Agad na umalsa ang sari-saring emosyon mula sa kaibuturan niya. Sinakop ang kamalayan niya. Pati na ang katawan.

“Relax, Naomi,” anas ng baritonong tinig. “Ibuka mo ang iyong mga labi.”

Umiling siya ng di namamalayan.

“S-sabi mo, isang halik lang?” paalala niya. May halong pagkasabik at kuryosidad ang pang-uusig sa kanyang mga matang namimilog.

Napalunok siya nang ngumiti ang lalaki.

“Hindi pa ‘yon ang halik, Naomi,” bawi nito. Bahagyang pinisil ng mga daliri ang magkabilang pisngi niya.

“Ito…”

Maliksing pumasok ang nagbabagang dila sa pagitan ng mapupulang labi. Buong kapusukan na hinagod ng dulo ang mapuputing ngipin na nakaharang.

Naging mapangahas na rin ang palad na nasa kanyang hita.

Papataas na ang landas na pinapasyalan. Lumilikha ng kakaibang kilabot sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi niya mapigil ang mapaungol nang dumako iyon sa isang dibdib.

Para siyang nakuryente ngunit walang naramdamang sakit.

Biglang natunaw ang kanyang mga buto. Naglaho ang paninigas ng mga kalamnan.

Muli siyang napaungol, mas malakas, nang matagpuan ng mga daliri ang nakakubling korona at gawin iyong bihag.

Pinarusahan ng masusuyong hagod at pisil. Paulit-ulit. Kahit na napapaigtad at napapaliyad na ang kanyang katawan.

“Ooh, Brando…” ungol niya. “Brando – mmmph — ”

Nang magsalita siya, nagkaroon ng daan patungo sa loob ng bibig niya.

Halos hindi niya namalayan kung paano nangyari. Natagpuan na lamang niya ang sarili na inaangkin na ng isang nag-aapoy na halik.

Nakakabingi ang bawat kulog na dumadagundong sa kanyang dibdib.

Pati na ang bawat pasinghap na paghugot niya ng hininga.

Pakiramdam niya, nagising ang bawat himaymay ng kanyang laman. May nagbabago sa kanyang pagkatao. May napupukaw sa kanyang pagkababae.

“Dammit, I’m missing a lot!” bulalas ng paos na boses ng lalaki.

Hinihingal din ito nang mag-angat ng bibig. Namumungay ang mga mata nang tunghayan siya. Paanas na habang muli na namang inilalapit ang mukha sa kanya.

Naibaling ni Naomi ang ulo sa huling sandali. Sa kanyang pisngi dumapo ang mainit na bibig.

Nang patuloy siyang umiilag, gumapang iyon sa kanyang leeg, balikat, papababa sa malambot na dibdib.

Bahagya na lang siyang nagulat nang mamalayang wala nang proteksiyong saplot ang harapang bahagi ng katawan. Malayang nasakop ang namumurok at mamula-mulang korona.

Muntik na siyang mapasigaw nang dumaloy ang mga mumunting boltahe ng kuryente na lumikha ng sari-saring sensasyon.

Sinambitla siya ng purong puwersa ng nagising na sensuwalismo. Halos mabaliw siya. Hindi niya makontrol ang mga reaksiyon.

Napaungol siya. Napadaing ng malakas. Nangatal. Nanginig. Nag-init. Nanlamig.

“Oh, Brando — !” bulalas niya. Paos na paos ang boses. Hindi na niya makilala.

Napasabunot siya sa maikli at alun-along buhok. Nakapikit na nang mariin.

Hindi mapigil ang pag-arko ng likod upang lalo pang mailapit ang sarili sa basang apoy na nagdudulot ng ibayong sarap.

Isang daing na pahikbi ang humulagpos sa naninikip na lalamunan. Bakit hindi niya magawang tumanggi at manlaban? Iyon ang huling tanong ng utak niya.

Nawawala na ang lahat ng lakas at wisyo niya. Para siyang nahulog sa isang bangin, kung saan ang ngayon at ang bukas ay malilimutan.

Tuloy, ang nararamdaman niya ay nilikha siya para magpaangkin sa lalaking ito… ng walang pag-aalinlangan.

Muli siyang napadaing nang lumipat sa kakambal na korona ang mapaglarong bibig. Iyon naman ang ginawang instrumento ng mapusok at mapangahas na dila upang gawin siyang ganap na alipin ng pagnanasa.

Kaya nang magsimulang maglayag sa pagitan ng mga hita niya ang isang palad ng kaniig, wala na siyang maapuhap na pagtutol ni katiting.

Kahit na nang gumagapang na ang mga daliri sa pinaka-pribadong teritoryo.

“Naomi…”

Naantig ang pagkababae niya sa tonong nangungulila at nasasabik ng boses na lalaking-lalaki.

Para siyang mantekilya na idinarang sa apoy. Unti-unting natunaw at mabils na nag-init.

Ilang sandali pa, tinatangay na siya ng humuhugos na agos ng mga emosyon na mas maalab pa kaysa sa dati niyang nadarama.

“Oh, Brando!” Nakalakip na ang lubos na pagpayag niya.

Ngunit dagling nawasak ang masidhing atmospera nang bigla siyang isalya palayo ng katalik.

“B-bakit — ?” Iyon lang ang nagawa niyang sambitin, sanhi ng pagkabigla.

“Ayusin mo ang sarili mo!” utos ng lalaki. Paangil. Hindi tumitingin sa kanya habang padaskol na sinusuklay ng mga daliring nanginginig ang gulu-gulong buhok.

Ilang sandali pang napatigagal si Naomi. Parang imposible na mabawi pa niya ang nawalang wisyo.

“Magbihis ka na, Naomi!” ang mariing wika ni Brando.

“Gusto mo bang may makakita sa ‘yo sa ganyang ayos? Dammit! This is a public place! The bloody parking lot!”

Habang pagalit na nagsasalita, ito na mismo ang nagbubutones ng harapan ng bestida ni Naomi. Hinila nito pababa ang laylayan upang matakpan ang lumantad na puting lace panty.

Saka pa lang humupa ang paralisasyon na sumakop sa kabuuan niya. Saka pa lang siya nakaramdam ng pagkapahiya.

Paano siya nakalimot?

LOVING SOMEONE IS BITTER-SWEET-11

Comments are closed.