Loving Someone Is Bitter-Sweet-20

“M-may ginawa rin akong kasalanan… Kaya ba pinaalis mo ako bilang parusa?”

“Nagsakripisyo ako nung pumayag akong magkahiwalay tayo, Naomi,” sambit ni Brando. “Kahit na labag sa loob ko, sinunod ko ang hiling ni Tiya Resti.”

“Ano’ng hiling?”

“Gusto kong umpisahan sa simula,” sambit ni Brando. “Maari ba?”

Tumango siya.

“Natatandaan mo pa ba nung magpaalam ako sa ‘yo na aalis sa baryo para magtrabaho sa ibang bansa?” Muli itong naghintay sa sagot niya bago nagpatuloy.

“Ideya ni Tiya Resti iyon. Nais niyang umalis muna ako para bigyan ng pagkakataong makumpleto ang pagdadalaga mo. Sikreto namin ‘yon. Napapayag niya ako dahil nangako siyang iingatan ka pa nila lalo para sa pagbabalik ko.”

May sumilay na ngiti sa bibig ng lalaki.

“Ayos na sana kundi nakialam sina Tiya Conching at Tiya Norlita.”

[Want to read the Start of Stories Online titled – LOVING SOMEONE IS BITTER-SWEET…? Click Here!]

“At sa pagtakas ko,” dagdag ni Naomi.

“Yes, ang pagtakas mo ay naging kumplikasyon na hindi ko gustong baguhin. Pero dahil sa kasunduan namin ni Tiya Resti, wala akong magagawa kundi ang itaboy ka pabalik sa baryo.”

“Pero kinailangan mo ang tulong ko, hindi ba?”

Muling napangiti si Brando.

“Of course not. Having you near me was all for my selfishness. Si Attorney ang inatasan kong maghahatid sa ‘yo sa pamilya mo. At nakatakda na ang inyong pag-alis pagkatapos lutasin ang problema sa aking madrasta.”

“Ang ibig mong sabihin, hindi tutoong kailangan mong mag-asawa para sa mana…?”

“Isa sa mga kondisyon sa testamento ni Papa na kailangan kong magka-asawa bago matanggap ang mga ipinamana niya. Pero sa pagsapit pa ng edad kuwarenta.”

“Oh…” Walang maisip sabihin si Naomi. Alam niyang napakalayo pa sa ganoong edad si Brando.

“Nadiskubre ko ang pagtatago mo sa ilalim ng upuan nang nasa loob na ng bakuran namin at tahimik na ang makina. I was so crazy with concern. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nagkasakit dahil sa hirap. I should have checked every inch of that damned vehicle. I should have expected something daring from you.”

“Oh, Brando!” Nahinto ang paninisi ng lalaki sa sarili nang mapasinghap si Naomi.

“You were such a handful then. Halos gusto ko nang sumira sa kasunduan namin ni Tiya Resti. Mabuti na lang, naging kapamilya na rin si Attorney.”

“Isa sa mga tagabantay si Tiyo Juan.” Hindi na nagtatanong si Naomi dahil napagtanto na niya ang dahilan ng masusing pag-aalaga sa kanya ng may edad na abugado.

“Can you imagine the panic they felt when you dropped a bomb called Darwin Sandoval?”

Hindi umimik si Naomi dahil sinariwa sa alaala ang matinding pagkabigla sa mga mukha ng tatlong tiyahin at ng tiyuhin matapos niyang banggitin ang tungkol sa bagong manliligaw.

“Alam nilang ikaw ay para sa akin lang, Naomi.” Nanumbalik na ang pagiging arogante sa tono ni Brando.

Tila possessive na ang paraan ng paghawak nito sa mga kamay niya habang hinihila siya palapit.

“Hindi ko kayang kalimutan na pinapirma mo ako noon. You were so cruel!” paalala niya. Nanlaban siya at puwersahang ikinawala ang mga kamay.

“It was a sacrifice, Naomi,” paalala rin ni Brando, sabay bawi sa mga kamay niya. Pinagbuhol na ang kanilang mga daliri para manatiling silang magkatabi sa sofa.

“Hindi mo alam kung gaano kasakit sa loob ko nang pirmahan mo agad ang mga annulment papers.”

“Masakit din sa loob ko ang – ang pagpirma… pero hinayaan mo lang akong masaktan.”

“Ayokong saktan ka. Nagsisisi ako dahil nasaktan kita.”

Biglang binitawan ni Brando ang mga kamay niya at tumindig. Parang napaso nang magdumaling lumapit sa wine bar at nagsalin ng whisky sa isang baso.

“Gaano kahalaga sa ‘yo si Darwin Sandoval?” tanong ng lalaki matapos ubusin ang unang shot sa isang lagok.

“Bakit ka naglalasing?” Naalarma si Naomi nang marinig ang medyo ngamol na pagsasalita ng lalaki.

“Dahil nangyari na ang kinatatakutan ko! Nawala na sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng buhay ko!”

“Oh, Brando!” Nagkaroon ng lakas ang mga tuhod ni Naomi nang mabakas ang panggigipuspos sa mukha ng lalaking tanging nagmamay-ari ng kanyang puso.

“I’ll sign those bloody papers kung ‘yan ang magpapaligaya sa ‘yo! Marry him para maging masaya ka na!”

“Itinataboy mo na naman ako!” Puno ng hinanakit ang akusasyon niya.

“Hindi mo pa ba talaga alam, Naomi? Hindi mo pa ba nahuhulaan? Bulag at manhid ka ba talaga?”

Pausig ang bawat katagang numunulas sa bibig ng lalaki habang ang mga mata ay muling nakatitig sa kanya nang tuwid.

“Mahal kita, Brando.” Tumayo si Naomi sa mismong harapan ng lalaki. “Hindi ako huminto sa pagmamahal sa ‘yo kahit – kahit na napakasakit.”

“Mahal mo pala talaga ako?” Hindi makapaniwala si Brando.

“Oh, you foolish man! I never stopped loving you even though it became bitter-sweet to love someone like you!”

Sa isang iglap, naging bihag na nila ang isa’t isa. Nakakulong si Naomi sa mga bisig ni Brando habang ang mga braso naman niya ay nakapulupot na sa matipunong leeg.

“Kailan pa?” ang pabulong na tanong ng lalaki.

“Naglalakad ka noon sa kakahuyan. Mistulang isang makisig na engkanto na may kapangyarihang mambighani.”

“Pareho pala tayo. Ang akala ko’y isa kang tunay na nimpa ng kagubatan habang nagtatampisaw sa tubig. At nung ngumiti ka sa akin, nawalan na ako ng katahimikan.”

“Hindi tayo dapat naghiwalay, Brando. Nag-aksaya lang tayo ng panahon.”

“Hindi naaksaya ‘yon dahil nawaglit na ang lahat ng mga pagdududa at insekyuridad sa pagitan nating dalawa. Malaki ang agwat sa mga edad natin. Palagi akong nangangamba na baka infatuation lang ang nararamdaman mo para sa akin.”

“We must have been lovers in our past life. Nauna ka lang ipanganak sa akin pero nung magkurus ang ating mga landas, parang natagpuan ko ang isang nawawalang bahagi ng sarili ko.”

“Ganyan ang aking pakiramdam, Naomi.” Isang matamis na halik ang buong pagsuyong iginawad ni Brando sa mga labi ni Naomi.

Kapwa sila hinihingal nang matapos ang nagbabagang pagniniig ng kanilang mga init.

“I’ll never let you go away again, my sweet bride.”

“I’m yours forever, my darling husband.”

“Puwede ko na bang tawagan sina Tiya Resti?”

Ilang mahahabang sandali ulit ang lumipas bago muling nabasag ang matimyas na katahimikan.

“Baka nag-aalala na sila,” sambit ni Naomi bilang pagsang-ayon.

“Hihingin ko ulit ang kamay mo sa iyong pamilya, mahal ko. Magpapakasal uli tayo. This time, wala na kahit na anong bakas ng pait.”

“Hindi na kailangan – “

“Ssh…” Isang maikling halik ang pumutol sa pagtanggi sana ni Naomi.

“Will you marry me again, my naughty bride?”

“Oh, yes, my handsome groom!”

*** WAKAS ***

Click Here – LADY ROMANTICA TABLE OF CONTENT

Comments are closed.