Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

MISTRESS FOR THREE NIGHTS

Do you know where to look for your Mr. Right? How will you recognize him?

Is he tall, dark, and handsome?

Is he loving, thoughtful, and romantic?

If yes to all of the above… you keep on dreaming.

Tumakas si Lana para makaiwas sa isang arranged marriage. Ngunit ang natagpuan naman niya ay isang lalaking walang puso at hindi marunong managinip.

And yet, her heart fell in love with Jude.

Jude was a loner who did not believe in love but when he met Lana, strange feelings started swelling inside him.

And he couldn’t forget the three nights that they spent together…

* * *

“Ayoko, Papa,” Lana stated in a rigid tone.

Napamaang si Senyor Pablo Pastrana. Iyon ang unang pagkakataon na nagpakita ng pagtutol ang kaisa-isang anak na babae.

“What did you say, hija?” paniniguro nito.

“I won’t marry that man,” ang mariing pahayag niya. Humarap siya sa matandang lalaki na matikas at makisig pa rin kahit na pulos puti na ang kulay ng medyo kulot na buhok.

“Why this sudden defiance, hija?” the old man asked her mildly.

Ngunit alam ni Lana, na anumang sandali ay maaaring dumagundong ang mala-kulog na boses nito.

Nanatiling diretso ang tingin niya sa ama.

“This is not defiance, Dad,” pahayag niya. “This is an assertion of my rights.”

“Ano’ng rights?” ang pabulalas na wika ng matandang senyor. “`Yan ang hirap sa mga babaeng nakakapag-aral, e. Nagiging presko! You sound like an activist!”

“Hindi ako aktibista, Dad,” bawi niya. Pormal na pormal pa din. “May karapatan akong magdesisyon para sa sarili ko.”

“At kailan kita binigyan ng karapatan, ha?” pakli ni Senyor Pablo, pagalit na.

“Bawa’t tao, meron niyan, Dad,” tugon niya. “Simula nung ipanganak.”

“Hindi ka pangkaraniwang tao, Lana Pastrana. Ikaw ang aking unica hija, ang aking heredera!”

“Kung magpapakasal ako sa anak ng kaibigan n’yo,” salo niya. “Hindi ko gusto ang katayuang `yan, Dad!”

Nanlaki muna ang mga mata ng ama niya bago nanliit.

“Tinatanggihan mo ang malaking kayamanan na malilipat sa pangalan mo?”

Itinuwid ng dalaga ang kanyang likod habang itinataas ang noo.

“I won’t marry without love, Dad,” pahayag niya.

“Hah! Love? You believe in that rubbish word?” panunuya ng magulang. “Hindi tutoo ang mga romantikong sabi-sabi tungkol sa pag-ibig, Lana. Pulos mga gawa-gawa lamang ng mga taong may malilikot na imahinasyon!”

“Magkaiba tayo ng paniniwala, Dad. Love makes the world go around,” diin niya.

“Por Dios! Mga ganyang bagay lang ba ang naituro ng unibersidad sa ‘yo? Ang tataas ng mga tuition fees na binayaran ko, pagkatapos babaluktutin lang pala ang utak mo!”

Her father was clearly disgusted. Hindi na nito itinatago ang pagkayamot.

“Hindi n’yo ako makukumbinsing magpakasal kay Juanito Tierra, Dad.” Kaya inilantad na rin niya ang determinasyon. “Kahit na hindi ako ang gawin n’yong tagapagmana,” dugtong pa niya.

“Ayaw ko nang makipagtalo sa `yo,” singhal ni Senyor Pablo. “Basta! Ikaw ang magiging kabiyak ni Juanito Tierra. Hindi na tayo puwedeng umurong sa kasunduan.”

“Hindi, hindi, hindi!” ganting-singhal niya.

Kapwa sila natahimik sa labis na pagkabigla.

Noon lang siya nagtaas ng tono sa kanyang ama. She had always been an obedient daughter.

“Nagiging suwail ka na!” Si Senyor Pablo ang unang nakabawi. “Sino’ng ipinagmamalaki mo? May nobyo ka na ba?”

Lana heaved a deep sigh. “I’m sorry, Dad,” she apologized humbly. “Hindi ko sinasadyang sumagot nang pabalang sa inyo, pero ayaw n’yo kasing makinig sa paliwanag ko.”

Nagbuntonghininga rin ang kanyang ama. Nais rin nitong maging mahinahon.

“Ano pa ba naman ang iniaayaw mo kay Juanito? Isang mabuting anak. Isang pasensiyosong binata. Tiyak na magiging ulirang asawa siya para sa `yo,” ang mahabang paliwanag nito.

“Dad, tama lahat ang mga sinabi n’yong `yan,” sang-ayon naman niya. “Pero hindi ko siya mahal.”

Umiling-iling ang senyor. “Iha, iha,” awat nito. “Maniwala ka sana sa akin. Hindi n’yo kailangan ang pag-ibig para maging maligaya.”

“Paano n’yo naman nasabi `yan? Hindi ba’t minahal n’yo ang aking ina sa unang pagkikita n’yo pa lang?” pananalakab niya. “Sigurado din kayo na inibig kayo ni Mommy noon,” dagdag niya pa.

Umiwas ng tingin ang senyor. Tumalikod ito sa kanya upang magkunwaring nagsasalin ng alak sa hawak na crystal tumbler.

“Look at us now? Tumagal ba ang pagsasama namin?”

Humakbang siyang palapit dito. She felt his resolve crumbling.

“Kahit na maikli ang naging panahon n’yo, naging maligayang-maligaya naman kayo noon. Hindi ba, Dad?”

Tumungga muna ang ama bago tumugon sa kanya.

“Yes,” he admitted in a low voice. “But it was not a lasting happiness. Parang kwitis lang na biglang sumiklab at nagliwanag.”

Humawak siya sa isang braso nito at inihilig ang pisngi doon habang nakatitig sa matatag na mukhang napupuno ng mga sikretong lungkot.

“Dad, it’ll be enough for me. Ang mahalaga, naranasan ko ang timyas ng walang kahulilip na ligaya.”

Pumiksi ang matandang lalaki. Muling bumalasik ang ekspresyon nito.

“Hindi maaari, Lana,” tutol nito. “Hindi ko ipaparanas sa `yo ang hapdi ng labis na pagkabigo!”

Humarap ito sa kanya at siya naman ang hinawakan sa magkabilang balikat upang alugin nang ilang ulit.

“Dad, you must let me live my own life,” pang-aamuki niya. “Hindi ako magiging normal na tao kung hindi ko mararanasan ang lahat ng emosyon.”

“Kahit na ano’ng sabihin mo, Lana,” her father said insistently. “Tapos na ang desisyon ko. Ipapakasal kita kay Juanito Tierra!”

Lana gazed at her beloved parent sadly. She knew that she would leave him now.

“I guess, this should be the end of an ugly conversation,” she whispered unhappily. “Goodbye, Dad.”

Nagkatitigan sila sandali. Kapagkuwan, hinagkan siya ng ama sa noo nang buong pagsuyo.

“Goodnight, hija,” he corrected her gently. “Sleep on it. Bukas, magiging maganda na ang pananaw mo sa lahat.”

The Pastrana self-confidence was firmly in place again. Buo ang tiwala ni Senyor Pablo na susunod na siya sa nais nito.

Ngumiti lang siya nang matipid bago tumalikod sa ama.

Bukas, wala na ako dito, Dad, bulong niya sa sarili habang nag-iimpake ng mga dadalhin sa pag-alis. Pupunta muna ako kay Mommy.

Isang lumang bahay-aliwan ang tinitirhan ng kanyang ina.

Lana could not believe what she saw. Hindi ganito ang inaasahan niya.

Ngunit baka nagkamali lang siya…

Si Aling Carmen, ang dating kusinera sa Pastrana Residence, ang nagbigay sa kanya ng address ni Anastacia Pastrana.

“Matagal na siyang hindi sumusulat sa akin, senyorita,” pag-amin ng matandang babae. “Naging madalang na rin kasi akong sumulat sa kanya dahil sa rayuma ko.”

Kinuha niya ang kapirasong papel na pinalutong na ng panahon.

“Magbabakasakali pa rin po ako dito, Aling Carmen. Maraming salamat po.” Hindi nabawasan ang entusiyasmo niya. “Kapag nakita ko po siya, sasabihin kong ipinakukumusta n’yo siya.”

“Salamat, senyorita. Isang mabuting babae ang iyong ina.”

Nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga sa tinurang iyon ng kausap. Alam niya kung ano ang ibig tumbukin nito.

“N-naniniwala po ako sa inyo,” pahayag niya. “Naging malupit si Daddy sa paghusga sa kanya noon.”

“Labis na panibugho ang dahilan ng kalupitang iyon, senyorita. Mahal na mahal ni Senyor Pablo ang iyong ina.”

Nagbabalik sa kanyang gunita ang usapan nila ng dating kusinera habang sakay ng malaking aircon bus na patungong Maynila.

Hindi ko ipaparanas sa ‘yo ang hapdi ng labis na pagkabigo! Iyon ang sinabi ng kanyang ama kagabi.

Umiibig pa kaya si Pablo kay Anastacia?

Hindi na ito nakipagrelasyon sa ibang babae, magmula nung palayasin sa mansiyon ang asawa.

Lana shook her head to chase away the cobwebs inside her mind. Nandito na siya. Abot-kamay na niya ang kinasabikang ina.

Ipinilig ng dalaga ang ulo para mapaglinaw ang takbo ng utak.

Nakasara ang malaking entrance kaya naghanap siya ng ibang pintuan. Pumasok siya sa masikip na eskinitang nasa isang gilid ng lumang gusali na may dalawang palapag.

Kumatok siya sa pintong bahagyang nakaawang. “Tao po, tao po,” tawag niya.

Huminto siya nang may marinig na tugon mula sa loob.

“M-may hinahanap po akong tao, si Anastacia Pastrana po.” Lihim niyang inaasam na `hindi’ ang isasagot sa kanya.

Bumukas nang husto ang pintong yari sa lumang plywood at sumungaw ang ulo ng babaeng may edad na.

“Si Annie ba `kamo?” paniniyak nito. The woman with the painted face looked at her curiously. “Sino ka?”

“Uh, n-nandiyan po ba siya?” Kaya bahagya siyang nanlumo, na agad rin namang napalitan ng kasiyahan.

Tumango ang tinanong. Nakatitig pa rin sa kanya. “Ano’ng kailangan mo kay Annie?”

Sumikdo ang dibdib ni Lana. Makikita na niya ang ina!

“A-ako po ang kanyang anak — si Maria Lana Pastrana,” pagpapakilala niya sa nanginginig na tinig.

Nanlaki ang mga mata ng kaharap ngunit hindi ito nag-alinlangang maniwala sa kanya.

“Talaga?” bulalas nito habang binubuksan pang maigi ang dahon ng pintuan. “Naku, halika, halika. Nasa itaas ang iyong Inay. May sakit siya, e. Tiyak na matutuwa ‘yon kapag nakita ka.”

Hinila siya nito papasok. Madilim sa loob ngunit kabisado ng babae ang pasikut-sikot. Maya-maya lang, papaakyat na sila sa matarik at lumalangitngit na hagdanang kahoy.

“K-kumusta po siya?” tanong niya habang sumusunod dito. Sinaklot agad ng pag-aalala ang kalooban ng dalaga. “Ano po ba ang sakit niya?”

Tumawa ang babaeng may makapal na lipistik.

“Napakagalang naman nireng batang ito! Huwag mo na akong pupuin. Pambihira ka, oo. Gumagastos ako nang malaki para magpabata, e.” Nagreklamo muna ito bago siya tinugon.

“Ano’ng sakit ni Annie? Mahina ang pulmon ng babaeng `yon, e. Parang kalabaw naman kasi kung magtrabaho kapag gumaling-galing ang pakiramdam.”

“Gusto ko po siyang makita,” hiling niya. May pagsusumamo sa tono.

“Utang na loob, ineng. Huwag mo na akong pupuin. Okey?”

Hindi na ito kumatok sa pintong itinulak pabukas.

She was momentarily paralyzed with shock. Nawalan ng lakas ang mga biyas niya sandali.

“G-gising po ba siya?” tanong niya, halos pabulong.

“Gising siya, ineng. Kahahatid ko lang ng mainit na tsaa sa kanya kani-kanina lang.”

“Sino `yan?” anang pagaw na tinig mula sa malayong sulok ng malaking silid-tulugan.

It should have been a big room but every crook and cranny was packed with bulky and mismatched furnitures. Kaya naging tila mapakasikip tingnan.

“Si Mila, Annie. May bisita ka, anak mo raw,” ang pahiyaw na sagot ng kasama ni Lana. Bumaling ito sa kanya at ngumiti. “Iiwanan na kita, ha? Maraming ahenteng darating ngayon, e,” paalam nito.

Nagpupumilit na magbangon ng sarili ang maysakit nang datnan niya. Hindi makapaniwala ang mga matang malalalim.

Napatakbo tuloy ang dalaga.

“M-mommy?” she murmured in disbelief.

Lumarawan ang magkahalong pagkabigla at pagkapahiya sa humpak na mukha ng babaeng nakaratay sa makitid na higaan.

“L-lana? Lana, ikaw nga!” bulalas nito. Tila lalong napaos ang boses. “Diyos ko! Bakit ka nagpunta dito?”

A mixture of longing and fear registered in the sunken eyes.

Awang-awa si Lana sa kalunus-lunos na kalagayan ng magulang na babae.

“Mommy!” she cried brokenly. “Bakit kayo nagkaganito?”

May letrato siyang nakatago sa pitaka. Ngunit naging estranghera na iyon ngayong kaharap na niya ang bagong Anastacia Pastrana.

“P-pasensiya ka na, anak. Medyo lumala lang ang sipon ko.” Pagkatapos nitong magsalita ay inihit na ng sunud-sunod na ubo.

Tarantang dumukot ng panyolito ang dalaga upang ipahiram sa ina.

Itinutop ng inang maysakit sa bibig ang puting panyong ibinigay ni Lana upang pigilan ang masasal na pag-ubo.

Hinaplos ng dalaga ang malamig na noo ng magulang upang mabawasan ang paghihirap nito.

“Oh, anak! Bakit ka nagpunta dito? Magagalit ang iyong ama,” pahayag nito nang muling makaipon ng lakas. “B-baka itakwil ka niya!” At muling sinasal ng ubo.

“Gusto ko po kayong makita, Mommy,” sambit niya. Kinuha niya ang nagusot na panyo upang punasan ang mga butil ng pawis na gumigiti sa maputlang balat.

However, she was completely shocked when she saw the flecks of dark blood on the white handkerchief. Her eyes widened with fright.

“D-dugo!” bulalas niya. “M-mommy?”

Pumikit nang mariin ang ina, imbis na sagutin ang piping tanong ng mga mata niya.

Nang humulas ang pagkabigla, isinugod agad ni Lana ang ina sa ospital.

“A-anak, iuwi mo na lang ako.” Sa ambulansiya pa lang, nagpo-protesta na ang maysakit. “Hindi na ako gagaling.”

Hanggang sa nakahiga na ito sa isang hospital bed na nasa loob ng isang private room.

“Gagaling pa po kayo, Mommy,” she contradicted the older woman tenderly. “Narinig n’yo naman ang duktor, di po ba? Sapat na pahinga at nutrisyon lamang ang kailangang isabay sa mga gamot na ibibigay niya sa inyo — at siguradong gagaling na kayo.”

Kinuha niya ang pinakamahusay na espesyalista, pati ang pinaka-kumpletong kuwarto para sa pasyenteng ina.

“Imposibleng matupad ang sinasabi ng duktor na `yon, iha. Wala naman akong perang pantustos sa mga hatol niya.” The thin fingers moved agitatedly on the spotless blanket. “Mas mabuting ibalik mo na ako sa bahay, anak.”

“Hayaan n’yo na lang ako, Mommy. May pera naman po ako. Wala kayong dapat na ipag-alala sa gagastusin.”

Nangilid ang luha ng ina ni Lana. “Magagalit ang iyong ama, anak.” The reminder had no conviction anymore.

“Magulang ko kayo, Mommy,” bawi niya. “At asawa niya kayo. Obligasyon niyang intindihin kayo, di po ba?”

Lumamlam ang mga matang hapis. “Hindi na ako itinuturing na asawa ni Pablo, m-magmula nung — umalis ako sa poder niya.”

Halatang pinagtatakpan pa rin nito ang dating asawa.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng matinding hinanakit sa ama ang dalaga.

This woman did not deserve to be treated like an animal!

“M-magpahinga na po kayo, Mommy,” payo niya nang matiyak na kalmado na uli siya. “Kailangang gumaling kayo agad para hindi kayo magtagal nang husto dito.”

Pilit na ngiti lang ang naitugon ng pasyente sa kanya.

Pamaya-maya pa, natutulog na ito. Umepekto na pala ang gamot na itinurok dito kanina.

Matiyaga siyang nagbantay sa ina.

Binili niya ang lahat ng mga gamot na nasa reseta. Palagi ring puno ng mga prutas ang maliit na refrigerator.

Walang anuman sa kanya ang paggastos ng pera. Isinanla niyang lahat ang mga alahas na dala nang maubos na ang ibinaon niyang pera.

Matapos ang dalawang linggo, nagpunta siya sa bangko upang mag-withdraw sa ATM account.

Gayon na lang ang pagkabigla niya nang matuklasang naka-close na ang savings account niya.

Agad siyang nag-complain sa bank manager.

“Ikaw ba talaga ang may-ari ng account na `yan, iha?” paniniguro pa ng may edad na lalaki. Hinubad pa nito ang suot na makapal na salamin para aninagin siyang mabuti.

“A-ako nga po. May mga I.D.’s po ako.” Dinukot niya mula sa bag ang wallet niyang punu ng mga identification cards.

Inisa-isang tingnan ng manedyer ang mga kard. “Buweno, itatawag namin sa head office ang problemang ito. Maupo ka muna doon sa waiting area habang naghihintay, iha.”

Matiyagang naghintay ang dalaga. Umabot ng isa’t kalahating oras bago nagkaroon ng kasagutan ang mga tanong niya.

“A, Miss Pastrana? Gusto kayong makausap ng mismong Daddy mo.” Blangko ang ekspresyon ng manedyer nang lapitan siya.

“S-si Daddy?” tanong niya. Nakaramdam agad siya ng panlulumo.

Tumango ang kaharap niya. “Please, follow me.”

Pinilit niyang tumalima kahit na nanlalambot ang mga tuhod.

“Hello?”

“Lana!” ang pabulalas na tugon ni Senyor Pablo sa kabilang linya. “Umuwi ka na, iha. Nas’an ka?”

Bumuntong-hininga siya bago tumugon. “Daddy, bakit naman po pati ang savings account pinakialaman n’yo na?” Nakabahid ang paghihinampo sa tono niya.

“Gusto kong bumalik ka na agad dito, Lana,” wika ng ama. “Umuwi ka na, bago maubos ang dala mo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, anak.”

“Daddy, ibalik n’yo na po ang perang naipon ko,” pakiusap niya. “Kailangang-kailangan ko po ng pera.”

“Bumalik ka na muna dito.”

“Hindi po puwede, Daddy.”

“At bakit hindi puwede?” Nasa papataas na tono na ang umiinit na sumpong ng matandang senyor.

“N-nasa ospital po ngayon si Mommy,” pagtatapat niya. “Dalawang linggo na po. Kung mahihinto ang pagpapagamot niya ngayon, baka hindi na po siya makabawi.”

Ilang minutong mabigat na katahimikan ang naging tugon sa tinuran niya.

Nagdarasal siyang sana ay maantig ang kalooban ni Senyor Pablo Pastrana.

Ngunit hindi dininig ang dasal niya.

“Umuwi ka na dito, Lana. Hindi kita pinalaki para maging dukha.” Iyon ang malumanay ngunit malamig na sagot sa kanya.

Hindi agad makapagsalita si Lana dahil sa matinding sama ng loob.

“D-daddy — ”

“Nag-usap na kami ng Papa ni Juanito. Naitakda na namin ang petsa ng magiging kasal ninyo.”

“Daddy, hindi ba kayo naaawa kay Mommy?”

Ilang sandaling katahimikan na naman ang naghari.

“Hindi, Lana. Kaya umuwi ka na dito bago pa kita ipahanap at ipadampot sa mga pulis!” ang mariing pahayag ng kanyang ama.

Pinal na ang matigas na tono ni Senyor Pablo. Pati ang pabagsak na pagpuputol nito sa kuneksiyon ng mga linya nila.

Walang nagawa si Lana kundi ang mapatulala sa pagkatigagal habang nangingilid ang luha sa mga mata.

“Are you alright, Miss Pastrana?” tanong ng manedyer.

Pinilit niyang tumango. At tumindig. “Uh, t-thank you very much, sir. I wasted your time…” paalam niya rito.

“Oh, Dad, you’re so merciless!” ang tanging nasambit niya. Napapaiyak siya habang naglalakad pabalik sa ospital.

“Saan ako kukuha ng pera?” tanong niya sa sarili. “Kung kailan malapit nang gumaling ang Mommy!”

She moved on like an automaton. Her legs and arms were heavy like lead. Her mind like a churning eye of a storm.

Sa ngayon, wala pa siyang utang sa ospital.

Katatapos lang niyang magbayad kahapon. Mabuti na lang pala, nakapag-advanced siya ng isang linggo.

May panahon pa siya para maghanap ng solusyon, ngunit sandali lang.

Napakabilis lumipas ng isang linggo.

At ayon sa duktor, mga tatlong linggo pa dapat manatili ang pasyente. Pagkatapos, mga anim na buwan na magpapagaling sa bahay…

Sumilip lang siya sa silid ng pasyente. Magtatakipsilim na nang makarating siya sa ospital kaya natutulog na ito.

Her mother was heavily-sedated at night kaya puwede siyang umuwi para makakuha ng pamalit-damit. At makapagpahinga na rin.

“O, kumusta na si Annie?” was the usual greeting of the best friend of her mother. Kahit na palaging makapal ang kolorete ni Mila Roxas, may busilak na kalooban naman ito.

Sa loob ng napakahabang panahon, nanatiling kaibigang matalik ni Anastacia ang babaeng may-ari ng gigiray-giray na beerhouse.

“Mabuti na siya,” tugon niya. Nagawa niyang ikubli ang pananamlay na nadarama.

“Halika, kumain ka na.”

“Ako na ang maghahain,” prisinta niya nang akmang paghahainan siya nito. “May trabaho pa kayo.”

“Kuu, wala `yon. Medyo matumal nga ngayon. Madalang ang kustomer.”

Sumilip si Lana sa munting bintanang nasa pagitan ng kusina at wine bar, para tingnan ang loob ng klab.

Click here to READ MORE

Comments are closed.