No Honeymoon Marriage

Money cannot buy happiness but it can create peace of mind when money marries money. But what if the business marriage rules out intimacy?

No wedding night, no honeymoon.

Parehong tagapagmana ng mayayamang angkan sina Alejandra at Kyle kaya naman nang ipakasal sila ng mga magulang, nagmistulang isang business merger lang ang kanilang pag-iisangdibdib.

Pagkatapos ng kasal, nagtakda ng mga patakaran ang bagong mag-asawa. No adultery for the wife and no infidelity for the husband.

Hanggang kailan kaya magtatagal ang isang platonic marriage?

* * *

Katulad ng inaasahan ng lahat, napakarangya at napakagarbo ng pagpapakasal nina Alejandra Monserrat at Kyle Barrientos.

Tinaguriang ‘wedding of the century’ dahil na rin sa dami ng mga bisita. Bukod pa sa trahe de bodang suot ng bride.

Napaka-sensasyonal ng putim-puting wedding gown dahil nagkakahalaga ng limang milyong piso. Bukod pa ang diamond tiara na isang family heirloom sa parte ng Familia Monserrat.

Anupa’t naging animo isang prinsesa si Alejandra at isang prinsipe naman si Kyle.

Napakakisig ng bridegroom sa kasuotan nitong morning suit. Hindi man sing-mahal ng gown, iyon ay pinagtuunan ng panahon at personal na atensiyon habang ipinagagawa. Kaya naman naging perpekto ang pagkakatabas at pagkakayari. Hakab na hakab sa matangkad at matipunong katawan ng binata.

Ang seremonya ay napakaikli, kumpara sa napakahabang preparasyon. Ang mahigit isang oras na misa, kasabay ng kasal, ay tinumbasan ng isang magdamagang reception sa mga bakuran at tahanan ng mga ikinasal. Magkalapitbahay sin Alejandra at Kyle dahil ang mga magulang nila ay magkakaibigang matalik.

Kaya sila ay magkababata. Ngunit hindi sila ang klasikal na ‘childhood sweethearts’, kundi isang ‘arranged marriage’ ang naganap na pag-iisangdibdib.

Mas masasabi pa ngang isang ‘business merger’ lamang, kung sa lengguwaheng negosyo ang gagamitin.

At taliwas pa rin sa tradisyunal na reaksiyon, walang pagtutol ang mga ikinasal sa pakikialam ng mga magulang sa kanilang kinabukasan. Lalung-lalo na si Alejandra. Paano’y wala naman siyang napupusuang ibang lalaki.

Isa pa, magkaibigang matalik din sila ni Kyle. Kaya siguradong magiging payapa ang buhay at pagsasama nilang dalawa. Ang basehan ng prediksiyon ay ang magaan na halik ng lalaki sa matangos na ilong ng babae. Walang namamagitang anumang damdamin sa dalawa kundi ang masuyong ‘affection between friends’ lamang.

“The beautiful bride looks tired. Ready to go home?” Pinutol ng baritonong tinig ang paglalayag ng isipan ni Alejandra.

Napalinga siya sa makisig na groom. Aral ang pagka-grasyosa ng ngiti. Hindi halatang pilit lang.

“You know that this is not my scene, Kyle. Ayoko sa maraming tao,” paliwanag niya. Malamyos pa rin ang boses kahit pagod na. “Pero ayoko namang maging killjoy sa kasiyahan nina Mama at Tita — este, Mama na pala.”

“We could go home now, if you like. Hindi naman mababastos ang mga bisita kung iwanan na natin sila kahit na hindi pa tapos ang party. They’ll understand because we’re honeymooners.”

“Medyo mabigat na nga itong mga suot ko,” tugon ni Alejandra, bilang pagsang-ayon.

“Okey, magpapaalam na ako kina Mama. Para sila na ang bahalang gumawa ng paraan,” wika ni Kyle bago tumindig mula sa kinauupuan.

Tumango siya. Nakangiti pa rin.

Magkatabi silang nakaupo sa bridal table. Noon pa lamang nakakapagpahinga mula sa paglilibot upang mag-estima at magpasalamat sa mga bisitang dumalo.

God, pagud na pagod na siya! Parang sinimento na ang panga niya dahil sa palaging pagngiti. Dapat kasi ay palagi siyang nakangiti nang masaya at masigla para walang makahalatang halos impersonal ang panunumpa sa harap ng dambana.

“We’re free,” wika ni Kyle, nang magbalik matapos ang ilang minuto. “Sabi ni Tita, este, Mama Ana, pumunta ka na raw sa room mo para makapagpalit ka ng damit. Ako naman ay maghihintay na sa labas. Nasa gawing likuran ang kotse ko.”

“Oo. Salamat.” Nang tumindig siya, nangatog ang mga tuhod niya. Sumuray siya nang magtangkang lumakad, kaya maagap na pumulupot sa beywang niya ang isang braso ni Kyle.

Walang naramdamang malisya si Alejandra. Sumandal pa siya sa malapad na dibdib upang kumuha ng suporta.

“I’m tired,” pag-amin niya habang muling bumabawi ng lakas.

“Kaya mo na ba?”

“Oo. Salamat.” Inulit niya ang magalang na tugon. Pati na ang maamong pagngiti.

Sinundan siya ng tingin ni Kyle. Nakahandang sumunod agad kapag hindi pa niya kaya.

Tinatagan ni Alejandra ang mga hakbang. Pinalaki siya ng mga magulang na maging independent. Kaya sanay siyang magpakatatag at mag-isa.

Ni hindi siya lumingon sa lalaki hanggang sa makarating siya sa itaas. Tuluy-tuloy siya sa kanyang kuwarto.

Dating kuwarto na pala niya. Hindi na siya doon nakatira. Nailipat na ang karamihan sa mga personal na gamit niya sa bagong bahay na ipinagawa ni Kyle para sa kanilang dalawa.

“Ma?” tawag niya bago kumatok.

“Iha.” Niyapos siya ni Ana Monserrat matapos pagbuksan ng pinto. “Tama si Kyle. Mukhang pagud na pagod ka na. Halika, magpalit ka na ng damit.” Hinila siya nito sa loob ng silid.

Wala halos silang imikan habang magkatuwang na hinuhubad ang belo at gown. Maingat nilang inilatag ang mga iyon sa ibabaw ng kama.

Tinulungan din siya ng ina na isuot ang tailored dress na kulay puti rin. Mistulang isang wedding dress din iyon, kung mas informal ang seremonya.

“Sandali, i-retouch natin ang make-up mo.”

Nagpatianod si Alejandra. “Thank you, Ma,” sambit niya pagkatapos.

“Goodbye na sa baby ko,” ang maluha-luhang wika ng nakatatandang babae. “Parang kaylan lang nung sanggol ka pa. Ngayon ay isa ka na ring maybahay. I wish you all the happiness, baby!”

Aywan kung bakit naantig ang kalooban niya sa huling pangungusap ng ina. Para bang may naghihintay na kalungkutan sa kinabukasan niya…

Iwinaksi agad ni Alejandra ang magulong impresyon.

“Thank you very much, Ma.” Hinagkan niya sa pisngi ang magulang. “Nas’an po si Papa?” Iniba niya ang usapan habang magkasabay nilang binabaybay ang koridor patungo sa isa sa mga service stairways.

“Kuu, kasama siguro ang Tito, este, Papa Milo mo na pala. Ako na ang bahalang magpaalam sa kanya para sa ‘yo, iha. Matatagalan pa kayo kung hahanapin pa natin ang dalawang ‘yon.”

“Kayo po ang bahala. Uh, nasa gawing likuran daw po si Kyle.”

“Alam ko. Kaya nga dito tayo nagdaan.” Sa west-side door sila lumabas upang makaiwas sa maraming tao sa kusina. “Ihahatid kita hanggang sa service gate.”

Madilim sa bahaging iyon ng hardin, pero natanaw na agad ni Alejandra ang kinaroroonan ni Kyle at ng kotse nito. Paano’y nakatayo ito sa tabi ng sasakyan na nakasindi ang mga headlights.

“Ayun na po siya, Ma. Huwag n’yo na akong ihatid. Baka matapilok pa kayo sa pagbalik.”

“Okey.” Nagyakapan uli sila bago tuluyang naghiwalay. “Babay.”

Tumango na lang si Alejandra bago tumalikod. Garalgal na din kasi ang boses niya. Nahahawa na siya sa pagiging emosyonal ng ina.

Ipinagbukas siya ng pinto ni Kyle. Tuluy-tuloy siyang sumakay. Walang imik na nagkabit ng seatbelt at tumanaw sa labas ng bintana habang umuusad palayo sa kinalakhang lugar.

Isang kabanata na naman ang nagsimula ngayon. Natapos na ang maikling engagement period. Gayundin ang mahabang wedding preparation.

Ngayon ay isa na siyang maybahay. Kailan kaya matatapos ang kabanatang iyon…?

“Penny for your thoughts?” untag ni Kyle.

Nalingaan niyang pasulyap-sulyap ang lalaki sa gawi niya habang nagmamaneho.

Bumuntonghininga si Alejandra. “No thoughts — I’m just really tired. Nakakatulala na ang sobrang pagod,” tugon niya. Hindi na itinatago ang pananamlay dahil silang dalawa na lamang ang magkaharap.

“Poor you. Hindi bale, puwede ka nang matulog ngayon. Bubuhatin na lang kita mamaya,” suhestiyon ni Kyle.

Walang gatol ang pag-iling ni Alejanda. “Alam mong ayaw kong magpabuhat,” bawi niya. “Anyway, may reserba pa naman ako hanggang sa makarating sa bahay mo.”

“Natin,” pagtatama ni Kyle. “Bahay na natin ‘yon, Alejandra.”

“Yes,” sang-ayon niya. “I’m sorry. Hindi pa ako sanay.” Muli niyang ibinaling ang tingin sa bintana. Isang pahiwatig na ayaw na niyang makipag-usap muna.

Ngunit inignora ni Kyle. “So, where do we go from here?” Kalmado ang tono pero tila may nakalakip na tensiyon sa mismong tanong.

Kaya napilitan siyang ibalik dito ang pansin. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Mag-asawa na tayo ngayon.”

“Oo… So?”

Isang maikling sulyap ang ipinukol ni Kyle sa kanya. “Nothing has changed. ‘Yan ba ang gusto mong sabihin?”

“Wala naman talagang nagbago, a?” Napamaang si Alejandra. “We had an agreement before we got married, Kyle. Magkaibigan pa rin tayo. Malaya pa rin, in some ways.”

“What about our sex lives?”

Parang na-eskandalo ang pakiramdam ni Alejandra. Biglang nawala ang panlalata niya.

“W-what about that?” Hindi niya magawang ulitin ang huling dalawang kataga.

“Well, we have biological needs. P’ano natin tutugunin ang mga pangangailangang ‘yon?”

Napailing siya habang pilit na humihinga nang malalim. Kailanman, hindi pa niya naiisip ang mga ‘biological needs’!

Dahil hanggang ngayon ay inosente pa rin siya. Ngunit nakakahiyang aminin na hindi siya sopistikada kahit na sa lalaking itinuturing na matalik na kaibigan.

“Uhm, b-bahala ka na siguro kung paano pero… pero s-sana maging discreet ka na lang.” Nagkakandautal siya sa pagsagot. “Uh, iba na ang estado mo kaya kaunting ingat sa pagiging, uhm, playboy,” dagdag pa niya kahit nangangapos na ang paghinga.

Katahimikan ang naging sagot ni Kyle, pero saglit lang.

Gayunman, nailang pa rin si Alejandra.

“I’m sorry — ” umpisa niya pero nauntol nang magsalita ang lalaki.

“It’s alright, Alejandra. It’s your right to speak out your mind,” pakli ni Kyle. “After all, you’re my wife now.”

Naghatid ng kakatwang pakiramdam ang pahayag na iyon ni Kyle. Paano’y parang naninikil, parang nang-aangkin…

You’re my wife now…

Bahagyang ipinilig ni Alejandra ang ulo.

“Uhm, thank you for being understanding, Kyle,” sambit niya. Napipilitan na lang.

“So, payag kang magka-girlfriend ako — as long as I am discreet?” paniniguro nito.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Alejandra.

“B-bakit ba ngayon lang natin napag-usapan ang tungkol d’yan?” tanong niya. “I mean, bakit ngayon lang tayo nag-lay-down ng mga rules?”

“Bakit nga ba?” Pakunwari lang ang inosenteng tono ng lalaki. “Maybe, because we’re too excited with the wedding idea? And we’re too busy with the wedding preparations lately?”

“Maybe, we were too preoccupied…” sang-ayon niya kahit hindi sigurado. “Anyway, it’s never too late to create some basic rules. Ka-u-umpisa pa lang naman natin.”

Nagkibit ng isang eleganteng balikat ang lalaki. Hindi pa nagpapalit ng damit na pangkasal, pero tila preskung-presko pa rin tingnan.

“Rule number one: discretion. Rule number two: independence. Rule number three: freedom. Tama ba? May kulang pa ba?”

“You sound sarcastic, Kyle,” puna niya.

“I am being sarcastic, Alejandra,” pag-amin ng lalaki. Maikli ang tono. Madilim ang anyo.

“Bakit? Ano ba ang ikinagagalit mo?” maang niya. Napakurap siya nang biglang may mapagtanto. “Hindi kaya pakunwari lang ang pagpayag mong magpakasal tayo, Kyle? Bakit hindi mo sinabing tumututol ka? Maiintindihan naman siguro ng mga parents?”

Pumiksi ang lalaki. Kumuyom ang mga kamay na may hawak sa manibela.

“Of course not. Hindi ako tutol, Alejandra. Don’t put words in my mouth. Alam nating kailangan ng kumpanya ko ng malawakang expansion program. At napagkasunduan nang kayo ang magtutustos ng puhunan. Kaya nga nagpakasal na tayo, kahit na may isang semester ka pa sa art school, ay para walang lumabas na alingasngas, hindi ba?” ang mahabang pahayag ni Kyle.

“Gan’un nga.” Tumanaw siya sa karimlan na nakalambong sa bahaging iyon ng mundo. Ano’ng oras na kaya? tanong ng isang sarili.

“Kaya wala akong dapat ikagalit sa pagpapakasal natin, hindi ba?” patuloy ng lalaki.

“Oo.” Hindi na siya tumingin uli sa gawi ni Kyle.

Kahit na nang maulinigan ang malalim at maingay na pagbubuntonghininga.

“Ikaw, Alejandra? Napilitan ka lang ba? Naging masunuring anak ka lang ba, kaya ka nagpatali sa akin?”

Bumuntonghininga rin siya bago tumugon.

“Bata pa ako, nakatanim na sa utak ko na ikaw ang mapapangasawa ko — pagdating ng panahon, Kyle. Ni hindi sumagi sa isipan ko ang tumanggi dahil… well, dahil naniwala akong ikaw nga ang lalaking itinakda ng kapalaran para sa akin.”

Muling natahimik si Kyle. Para bang nililiming maigi ang mga sinabi niya. Seryosong-seryoso na ito nang muling magsalita.

“You mean, wala pang lalaking nagpatibok sa puso mo?”

“I had a few infatuations,” ang pahapyaw na tugon niya, para ipahalatang hindi siya magbibigay ng mga detalye.

“I see.” Tumangu-tango ang lalaki, pero nakatutok ang paningin sa kalsada. “P’ano kung may magustuhan kang lalaki ngayong kasal na tayo?”

Nagulat pa rin si Alejandra sa narinig, bagama’t nahulaan na niyang iyon ang itatanong ni Kyle.

“W-well, I guess, I will be very discreet, too,” pangako niya. Halos pautal.

Biglang huminto ang sasakyan. Umangil ang mga gulong sa aspaltadong kalye. Muntik na siyang sumubsob sa windshield, kundi sa suot niyang seatbelt.

“B-bakit — ?”

“Hindi ako papayag na mapindeho, Alejandra!” angil ni Kyle. Galit ang anyo nito. “Kapag may napusuan kang lalaki, sasabihin mo agad sa akin. At gagawan agad natin ng paraan ang annulment ng ating kasal. Huwag na huwag kang makikipagrelasyon sa ibang lalaki habang mag-asawa pa tayo. Maliwanag ba?”

Namalayan lang ni Alejandra na nahawakan na nito ang magkabilang balikat niya, nang alugin siya.

“N-nasasaktan ako, Kyle,” wika niya, sabay piglas. Agad naman siyang pinawalan ng lalaki.

“Sorry.” Tila nabigla rin sa nagawa. Pasabunot munang isinuklay ang mga daliri sa maikling buhok bago muling ipinulupot sa manibela.

“But I’m very, very serious. Nangangako ako na hindi ka mapapahiya tungkol sa mga magiging relasyon ko sa labas — kapalit ng pag-aalaga mo sa reputasyon ko bilang asawa mo.” Banayad na banayad na ang tono nito pero mabigat ang bawat bagsak ng mga kataga.

“Tsk! tsk! You’ve got a double standard, Kyle,” pambubuska niya. Pilit na ginawang normal ang maskarang ipinapakita sa kausap.

“A man’s ego is more delicate and sensitive than a woman’s, Alejandra.”

“Pareho lang sila. Pero pagod na ako para makipagdebate na pantay lang ang damdamin ng mga lalaki at babae. Puwede bang mag-drive ka na uli?”

“Mangako ka muna, Alejandra,” giit ng lalaki.

Sumandal siya. Pumikit nang mariin habang pinupuwersang mag-isip ang pagal na utak.

“Okey,” aniya matapos ang ilang sandaling katahimikan. “Kung tutupad ka sa mga ipinangako mo, gagawin ko ang kahilingan mo.”

“What about the three rules?”

Inapuhap niya agad sa memorya ang tatlong patakaran.

“Discretion, independence, and freedom,” she recited huskily. “In short, we still have separate lives?”

“Our marriage is just a business merger. A mere formality.”

“I like the sound of it.” Saka lang siya dumilat uli upang titigan nang diretso ang lalaki para ipakitang hindi siya apektado. “Now, please drive. I am really so tired.” Pumikit agad siya upang ikubli ang sakit na nadarama.

Hindi tumalima si Kyle.

“Look at me, Alejandra.”

Pinilit niyang iangat ang mabibigat na mga talukap.

Inarok ng mapanisid na titig ni Kyle ang kaluluwa niya.

“Now, that we have a pact — we shall have a better relationship. We have a deal, my business partner.” Inialok ng lalaki ang isang kamay para bilang pormal na pagtatapos ng seryosong pag-uusap.

Tinanggap ni Alejandra ang alok na pagkakamay.

“Deal,” sambit niya.

Ngumiti ang lalaki sa kanya bago nagmaniobra para ibalik sa lansangan ang sasakyan.

“Siguradong magiging tahimik at payapa ang ating pagsasama, Alejandra!” dagdag pa nito.

‘Sana nga,’ bulong niya sa sarili bago pumikit. ‘Sana nga, Kyle…’

Nakapikit si Alejandra pero hindi nakatulog kahit na isang saglit. Nakatutok ang buong konsentrasyon niya sa pakikiramdam sa lalaking katabi lang sa harapang upuan ng mamahaling sasakyan nito.

At sa pag-uulit-ulit ng mga napag-usapan nila.

‘Separate lives…’ Parang iyung awitin ni Phil Collins noon.

Malaya pa rin sila kahit na nakatali na sa isa’t isa. Magkahiwalay pa rin ang mga buhay kahit na nakatira na sa iisang bahay. Ang mga desisyon nila ay wala pa ring kinalaman sa bawat isa, kahit na mga ‘business partners’ na sila.

Maliwanag ang tinuran ni Kyle — ang perang mamanahin lamang niya ang kailangan nito para may magamit na puhunan sa expansion program ng malaking kumpanyang pinauunlad nang husto mula nang ipamana ng mga magulang.

Walong taon ang agwat sa mga edad nila. Treinta uno si Kyle sa beinte tres ni Alejandra. Ang talagang plano ay paaabutin siya ng dalawampu’t limang taon. Ang biglaang pangangailangan nga sa negosyo ng lalaki ang naging dahilan ng pagbabago sa mga plano.

“Nandito na tayo,” pahayag ng baritonong tinig.

Dahan-dahang dumilat si Alejandra. Nasa loob na nga sila ng maluwang na bakuran ng mansiyon ni Kyle.

Nasa harapan sila ng double front doors, dahil sa gitna ng curving driveway pumarada ang sasakyan.

“C’mon, sleeping beauty,” wika ng lalaki matapos buksan ang pinto niya. “Bubuhatin na kita papasok. ‘Yon ang tradisyon, hindi ba?” Walang anuman na pinangko siya ng matitigas na bisig.

“Kaya kong lumakad mag-isa, Kyle,” wika niya. “Bitiwan mo ako. Hindi naman tayo normal na bagong kasal.” Tumatanggi siya pero hindi naman pumipiglas.

“Katuwaan lang.” Umaakyat na sa mababang hagdan ang lalaki. “Pakidukot nga ang susi sa bulsa ng pantalon ko.”

“Ang mabuti pa’y ibaba mo na lang ako, Kyle.” She was trying so hard to remain calm.

“Humor me, bride,” pakli nito. “Nasa left pocket ko ang keychain.”

“Mag-doorbell na lang tayo.”

“It’s past midnight. Isa pa, lahat ng mga kasambahay ko dito ay tumutulong sa reception.”

Napilitan lang siyang tumalima. Bigla siyang nakaramdam ng pagkakimi dahil parang may pagka-personal na ang ipinagagawa ni Kyle sa kanya.

“W-wala naman, a?”

“Try the right side.” Nang gumalaw si Kyle upang i-adjust ang pagkakabuhat sa kanya, saka lang niya napagtanto na wala rin itong tinag habang kinakapa niya ang loob ng bulsa ng white slacks.

“Kyle — ”

“Nangako ako sa mga Papa natin na bubuhatin kita sa pagpasok,” pakli ng lalaki. Hindi siya hinayaang makapagsalita.

“Wala naman sila dito para makitang hindi mo tinupad ang pangakong ‘yon, Kyle,” bawi niya.

“May palabra de honor ako, bride.”

“Stop calling me that,” saway niya. Hindi napigil ang sarili.

“Tutoo naman na bride kita, hindi ba?”

Ipinilig niya ang ulo para mawaksi ang pagkayamot na biglang sumulpot mula sa kungsaan.

“Oo nga. Sorry.” Pigil-hininga, idinukot niya sa kanang bulsa ang kamay. Natuwa siya nang makapa ang isang bungkos ng susi doon. “Here are your keys!”

“Good. Now, open the door.”

“Grabe ka na, ha?” reklamo ni Alejandra habang tumatalima sa utos. Kunwa’y pa-kaswal. Hindi na siya nakipagtalo dahil ayaw niyang mapuna nito ang panginginig ng mga daliri niya.

“Careful. You’re shaking,” paalala ng lalaki. Hindi pala nakaligtas sa matalas na paningin ang tensiyon niya.

Sumulak tuloy uli ang pagkainis niya. “No thanks to you!” bulalas niya, sabay tulak nang padaskol sa solido at mabigat na dahon ng pinto. “We’re over the threshold now. Please, put me down!”

Tumawa lang ang lalaki, imbis na mabahala sa ipinakikita niyang iritasyon.

“C’mon, ‘Andra,” pambubuska ng lalaki. “Don’t be so naive. Don’t you really know that the new bride should be delivered straight onto the bridal bed?”

“Stop teasing me, Kyle!” Nagpumiglas na talaga siya. “Put me down!”

Click here to READ MORE

Comments are closed.