Not For Sale-15

Sa ikalawang pagkakataon, ipinaangkin niya ng buung-buo ang sarili kay Rigor.

Walang malay ang lalaki na kalakip ang pag-ibig niya, bagama’t ramdam na ramdam nito ang init at alab ng damdaming umaapaw sa kanyang puso…

“Sweet baby, you’re so warm,” bulong nito habang pinapaliguan ng halik ang bawat sensitibong pulgada ng katawan niya.

“Poor you…” Pinapaulitan ang mga bahaging may mga umusling buto. Hinahaplos at hinahagod pa ng mga palad. Para bang binubura.

Oh, Rigor, mahal na mahal kita!

Hindi niya mapigil ang mapasinghap ng malakas ngunit ang mga kataga ng kanyang nadarama ay pinagkakatimpi-timpi.

Ayaw niyang ipaalam kay Rigor, sa simpleng dahilan na hindi naman nito kailangan ang pag-ibig niya.

Sa simula’t simula pa, ang pagnanasa lamang niya ang nais nito. Pagnanasa lang ang maaari nilang pagsaluhan.

Oh, Rigor, iyung-iyo ako!

[Want to read the Start of Stories Online titled – NOT FOR SALE…? Click Here!]

Dumako sa bandang balakang ang mga kamay na manlalakbay. Napakiwal siya at napapitlag ng bahagya ngunit hindi tumututol.

Nagulat lang. Marahang pinisil ang bahaging malambot habang masuyong hinahagkan ang malaking buto doon.

Muli na naman siyang napasinghap, kasabay ng pagbaon ng mga daliri niya sa malalapad na balikat. Kapagkuwa’y hinagod ang mga siksik na kalamnan, pati na ang gaspang ng napakanipis na gupit ng buhok.

“Huwag ka ng magpapabaya sa sarili mo, Lora,” anas nito. May lakip na init ng concern ang baritonong tinig.

“Magmula ngayon, aalagaan na kita,” pangako pa matapos maglakbay papaitaas ang nagbabagang bibig.

“S-salamat, Rigor,” sambit niya.

Nangangatal ang boses dahil sa sobrang kaligayahang idinulot ng pagpapahalaga nito.

At dahil rin sa masidhing pagkapukaw na nililikha ng mga nakakapasong halik sa kanyang puson at tiyan na pawang pipis pa.

“Sana’y masuklian ko ang lahat ng kabutihan mo sa amin, Rigor. Sana ay mabigyan ka ng tuwa ng ating anak,” bulong niya, pa-garalgal.

“Ah, ang ating anak,” ang masuyong sambit nito habang tinutunghayan siya.

Mapungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Bahagyang namumula ang makinis at mestisuhing balat.

Bahagya ring pinakintab ng pawis. Isang larawan ng masidhing pagnanasang malapit nang mawalan ng kontrol.

Ginawaran nito ng halik ang kanyang ilong, bago tuluyang inangkin ang kanyang mga labi.

Kapwa sila nag-aapoy. Kaya nang matapos ay parehong hinihingal.

“Napatawad mo na ba ako sa ipinakita kong pagdududa diyan sa ating anak?” tanong nito, paanas.

“Oh, Lora, nakahanda akong tanggapin ang anumang parusa. Ano ang kaparusahan ko?” dugtong pa.

Dali-dali siyang umiling. “W-walang parusa, Rigor. Wala kang kasalanan,” sambit niya.

“Then be mine, Lora. Maging akin ka na sana… sa habang buhay,” salo nito, halos paungol. Halatang kapiraso na lamang ang natitirang kontrol.

“Oh, Rigor, iyung-iyo ako. Sa ‘yo lang, sa ‘yo lang…” Hinigpitan niya ang pagkakayapos dito.

Lalo pang umarko ang likod upang mapadikit nang husto ang dibdib niya sa katawan nito.

Kapwa na sila hubad nang mga sandaling iyon. Tanging mga piraso ng saplot na lamang ang natitirang sagabal. At sa isang iglap lang ay nawala na ang mga iyon.

“I need you now, darling. I want you — now.” Naging pagaril na ang pagsasalita ng katalik.

Pinagaspang na ng matinding pangangailangan ang paos na tinig. Ngunit ang bawat halik, ang bawat haplos ay nananatiling masuyo at marahan.

“Oh!” Napasinghap siya nang bihagin ng basang init ang isang korona. Napaigtad siya ngunit hindi na muling gumalaw. Kaipala’y ninanamnam ang di-maipaliwanag na sarap.

Ni hindi sumagi sa isip niya ang manatiling may kontrol. Wala siyang takot na ipagkatiwala ang lahat-lahat sa lalaking ito. Kahit na masaktan pa siya. Kahit na magdusa pa siya.

“Oh, Rigor, please! Please, take me, take me…” bulong niya. Paulit-ulit.

“Yes, yes! You’re mine, Lora. Akin ka lang. Akin…”

Ilang sandali pa, ang pagtitimpi ay nagtila usok na lamang. Hindi na talaga mapipigil ang pagdatal ng nakayayanig na kasukdulan.

Nakatulog si Lora pagkatapos ng mainit na pagniniig nila ni Rigor. Ngayon lang uli siya nakaramdam ng kapayapaan ng isipan at kalooban.

Ligtas na ligtas ang pakiramdam niya habang nakakulong sa mga bisig ng lalaki.

Nang magising siya, madilim na sa labas ng bintana. At nag-iisa na lamang sa gitna ng malaking kama. Iyon marahil ang dahilan ng kalungkutan na nadarama.

May nakasinding lampshade kaya naaninag niya ang oras sa relong nakasabit sa dingding.

Alas sais y medya. Mag-a-alas kuwatro nung dumating sila kanina. Mahigit isang oras na pala siyang naiidlip.

Bumangon si Lora habang nagpapalinga-linga. Saka pa lamang niya napunang wala siya sa kanyang kuwarto.

Nasaan kaya si Rigor?

Kakaba-kaba, dinampot niya ang mga damit na nakatiklop at nakapatong sa ibabaw ng isang silya. Isinuot niya ang t-shirt bago binalingan ang pantalon. Tinitigan pa muna niya iyon bago marahang kumilos ang mga daliri pakapa sa bulsa.

Hanggang ngayon ay binabangungot siya tungkol sa mga bulsa. Magmula nang may matagpuan siyang isang makapal na balumbon ng perang papel at maikling sulat…

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang walang nakuha, maliban sa isang lantang rosas. Nakangiti pa rin siya matapos iyong ilatag sa ibabaw ng headboard.

Pagkabihis, inayos niya ang gulu-gulong higaan.

Nang maayos na ang lahat, saka pa lang niya hinanap ang sikretong pintuan na patawid sa kabilang silid. Nakita naman agad niya. Kapareho din kasi ng lokasyon. Nasa loob rin ng silid-bihisan.

Hindi niya kinalimutang kunin ang kanyang bulaklak. Iyon ang ikalawa sa pinakamahalagang ibinigay sa kanya ni Rigor. Ang una, siyempre, ay ang sanggol na nasa sinapupunan.

Naghanap siya ng lugar na puwedeng mapag-ipitan niyon. Isang bibliya ang natagpuan niya. Umusal siya ng maikli ngunit taimtim na panalangin matapos iayos ng buong ingat ang mga talulot.

Sana ay mahalin din ako ni Rigor kahit na kaunti lang. Kahit na sandali lang…

Pinahi agad niya ang mga butil ng luhang nagsimulang bumalong sa mga mata. Ang dapat niyang gawin ay mag-ayos na ng sarili. Malapit na ang oras ng hapunan. Nakakahiya kung ipapatawag pa siya na animo isang senyorita.

Nag-shower siya ng maligamgam. Nakatapis lang siya ng tuwalya nang magtungo sa bihisan.

Gayon na lang ang pagkamangha ni Lora nang bumulaga sa harapan niya ang umaapaw na mga aparador dahil sa dami ng mga nakalagay na damit at gamit. Naiayos na agad ng katulong ang mga pinamili nila.

NOT FOR SALE-16

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.

You must be 18 years old to visit this site.

Please verify your age