The heart often foolish enough to fall in love with the most inappropriate person and at the most unexpected time. What is it like to love someone who secretly hates you?
Walang malay si Rebecca na mayroon siyang kasalanang dapat pagbayaran sa mga kamay ni Max nang matutong umibig ang puso niya.
Ngunit kahit na siguro alam niyang namumuhi lang sa kanya si Max, magmamahal pa rin siya…
* * *
The happiest night of a married couple should be the first wedding night.
Hindi tutoo ang statement sa sitwasyon ni Mrs. Rebecca Galvez-Veracruz.
Parang hindi siya naging married woman. Ikinasal siya kanina, pero nag-iisa pa rin siya. Lumipas ang buong maghapong wala ni anino ng kanyang bagong husband.
“Nasaan ka ba, Max? Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin? May nagawa ba akong kasalanan sa ‘yo? Bakit hindi mo na ako kinakausap?”
Nakahiga si Rebecca sa gitna ng malaking kama habang nakikipag-usap sa sarili. Tuwid na tuwid ang kanyang pagkakatihaya. She had been doing several hundreds of deep breathing para ma-relax pero walang epekto. Tensiyonada pa rin siya.
At ninenerbiyos.
Biglang bumalikwas ng bangon si Rebecca. Nagpalakad-lakad siya sa gitna ng silid. Humihinto kapag napapadako sa mga bintanang matataas.
Sisilip sandali sa labas. Magpapabalik-balik na naman. Malimit ring huminto sa tapat ng pintuan. Hahawakan ang seradura ngunit hindi naman pipihitin.
Hanggang sa lumalim ang gabi, balisa pa rin si Rebecca. Uupo sa kama, sa silya, sa footstool, o sa windowseat. Tatayo at maglilibot sa paligid ng kuwarto.
Pilit siyang naghahanap ng mga alibi na aakma sa nangyari kay Max.
Baka nakatulog sa ibang kuwarto dahil sa matinding pagod? O baka naman naligaw? Hindi alam kung nasaan ang kuwartong pinaglipatan sa kanya?
Habang lumilipas ang mga oras, unti-unting naaawa sa sarili si Rebecca. Ganito ba talaga ka-gaga ang isang babaeng umiibig?
Oo.
Siguro.
Pero baka baliw ka lang, Rebecca.
Atsaka manhid, bulag, at bingi!
Maraming nagbago kay Max ngunit itinuloy pa rin niya ang pagpapakasal.
Naging malamig at mailap na naman sa kanya ang lalaki. Bihira na silang magkita. Kapag nagkikita naman sila, hindi siya kinakausap.
Kanina, naunang dumating sa opisina ng huwes si Rebecca. Halos isang oras oras ang ipinaghintay niya. Tiniis niya ang kahihiyang nadama nang magsimulang magbulungan ang mga taong naruruon.
Nang lumitaw si Max, nagulat pa si Rebecca. Naniniwala na kasi siyang hindi na sisipot ang kanyang groom.
Madilim ang anyo ni Max habang ikinakasal sila. Walang kangiti-ngiti.
Nahawa si Rebecca. Hindi niya magawang ngumiti. She was a bride with no radiant smile!
Oo, may dahilan para malungkot silang dalawa.
Ngunit ang kanilang pagpapakasal daw ay simbolo ng simula ng isang bago at masayang kabanata sa buhay nilang lahat.
Lalo na siyang nawalan ng dahilan para ngumiti nang muling maglaho ang lalaki sa espesyal na pananghalian. At pati sa oras ng hapunan.
“Oh, Max! Kaytagal kong kinasabikan ang gabing ito. Mahal na mahal kita.”
Pasubsob na nahiga si Rebecca sa malambot na kama. Isiniksik niya ang mukha sa unan upang pigilan ang paghulagpos ng mga hagulgol. Iniyakan niya ang matinding pangungulila para kay Max.
Nakatulog siya marahil kaya hindi namalayan ang pagpasok ng isang anino sa silid-tulugan.
Napapitlag si Rebecca nang maramdamang may katabi na siya sa kama.
“Max?” Iyon agad ang nasambit niya.
“Ako nga.” Isang matigas na init ang lumapat sa likod niya at dumantay sa sa kanyang beywang. May dumapyong init sa kanyang pisngi.
Nalanghap ni Rebecca ang amoy ng alak sa hininga ni Max.
Ngunit balewala iyon.
Ang mahalaga ay dumating na ang kanyang minamahal. Maiibsan na ang kanyang pagkasabik.
His hot mouth nuzzled at her neck. His warm palm caressed her arm. It followed a delicate line on her waist and softly rounded hip. His fingers created little circles all over her smooth thighs, her flat tummy, her soft breasts…
“Oh, Max…” Her body surrendered willingly to his sensual power. Ipinaubaya niya ang buong sarili sa mga bisig ng lalaking pinakaiibig.
“Rebecca…”
“Love me, please,” she begged shamelessly. Her hips rose to rub against his. Nangunyapit siya sa matipunong balikat nang magsimulang umalsa ang mga tsunami sa dagat ng sensuwalismo.
“Ayoko nito… hindi tama… pero hindi ko mapigil.”
The waves of desire swelled and surged. Mistulang mga hampas ng alon sa batuhan ang bawat malakas na pagkabog ng dibdib niya. Wala nang mawawaan si Rebecca kundi ang masidhing pangangailangan niya sa pag-ibig ni Max.
“Max, I love you.”
“Huwag mong isali ang pag-ibig, Rebecca. Hindi tutoo ang pag-ibig mo.”
Kung hindi lango si Rebecca sa mga halik ni Max nang mga sandaling iyon, magigimbal siguro siya sa mga sinabi ng kaniig. But her mind was floating and swirling like a leaf being blown away by a careless wind.
Nagliliyab na ang buong katawan ni Rebecca. Nauna nang natupok ang kanyang katinuan. Handa na siyang ipaubaya ang lahat-lahat.
She was ready for her husband’s possession.
“Max, take me. I’m yours.”
Umungol si Max. Parang may tinututulan. Nag-iigtingan ang mga kalamnan sa malapad na balikat at likod. Parang may pinaglalabanan.
Rebecca comforted him with soft caresses and tiny kisses. Gusto niyang pawiin ang anumang nagpapahirap sa kalooban ni Max.
“No.” Muling umungol si Max. Ipinilig ang ulo. Tinangkang umigtad palayo. Ngunit pinabigat ng alak ang mga biyas kaya mabagal ang pagkilos.
“Don’t leave me, Max.” Her arms held down his head as she captured his mouth with her lips. Her back arched to rub her breasts against his chest. “I need you. I love you.” Her legs clasped his hips. She was going crazy with so much need, with so much love for her husband.
Nagmistulang buhawi ang pagnanasa ni Rebecca. Tinangay ng buung-buo ang katinuan ni Max.
“I should hate you,” he moaned. “I don’t want to want you… but you’re so sweet… Oh, God, I want to forget… Make me forget… just for tonight!”
While her husband was making love with her, he was also fighting his inner self. Naghahamok ang pag-ibig at pagkasuklam, habang nagniniig sila.
At times, his mouth and hands were gentle. Most times, his lovemaking would turn savage and cruel. Para bang ipinadadama sa kanya ang pagkamuhi sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Ngunit kahit anuman ang mga puwersang nagtutulak kay Max na angkinin siya, buong puso pa ring nagpaubaya si Rebecca. Itinago niya ang matinding sakit na dinanas habang inaangkin ng asawa kanina. Nakahanda siyang magtiis. Tatanggapin niya ang lahat ng mga pagsubok na pagdaraanan upang patunayan ang kanyang katapatan.
‘My love is more than enough for the two of us, Max. I love you so much.’
Ganito ang ibinulong ng puso ni Rebecca bago nakatulog nang gabing iyon.
Wala siyang kamalay-malay na walang puwang ang kapatawaran sa puso ni Max…
“I’m sorry, Reb. Alam kong hindi mo trabaho ang humarap at mag-estima sa mga bisita ko–pero napakaimportante ng isang ito. Kung susuwertehin ako, baka maging isa sa mga financial backers na kailangang-kailangan ko ang isang ito.” Talo ni Manra ang armalite habang nagsasalita nang mabilis.
“Nagkaroon kasi ng emergency meeting ang creative team ng pelikula kaya made-delayed ako ng dating d’yan. Hindi ko naman puwedeng i-delayed rin ang pagdating d’yan ng aking important visitor dahil baka magbago pa ang isip. Isiningit lang niya ako sa kanyang hectic schedule, y’know.” Lumilitaw ang pagka-burgis ni Manra kapag nate-tensed na.
“Okey lang, Manra,” sagot ni Rebecca nang makasingit na.
“Ha?” Tila nagulat pa si Manra. Nakalimutan na marahil na may kausap pala talaga. Isa sa mga idiosyncracies ng amo, pinsan at kaibigan ang makipag-usap sa sarili.
“Ang sabi ko, okey lang na ako muna ang mag-asikaso sa iyong bisita.” Hinabaan ni Rebecca ang tugon. Malumanay at magaan pa rin ang tono.
“Pumapayag ka?” Tila hindi naman makapaniwala si Manra. “Okey ka lang?”
Ngumiti si Rebecca kahit na hindi siya nakikita ng nasa kabilang linya. “‘Wag ka nang magulat, Manra. Okey lang ako.”
Narinig niya ang malakas na pagbuntonghininga ni Manra. It was a huge sigh of relief. “Good. I thank God for that,” ang masayang sambit nito. “Pagdating ko d’yan, ikukuwento mo sa akin kung kailan ka gumaling, ha? But for now, I really must go.”
“Ano’ng oras darating ang bisita mo?” Muntik na niyang makalimutan ang mga routine questions.
“Mamayang gabi pa ‘yon. Manggagaling pa raw siya sa Baguio, from a business conference.”
“About eight or nine o’clock, do you think?” Rebecca jotted down the notes on a small scratch pad beside the phone.
“Yes.”
“Okey, I’ll prepare a late dinner or early midnight snack,” pangako ni Rebecca.
“Thanks! You’re an angel, Reb!”
“It’s nothing. Bye, cousin. Don’t worry anymore. Nasa mabuting kamay ang bisita mo.”
“Okey, salamat! Gosh, naghihisterikal na ang L.P. ko!” L.P. means line producer. “Bye, Reb. Love ya! And also to Sean. Bye!”
Napailing si Rebecca nang maputol na ang linya. Nakalimutan niyang itanong kung ano ang kasarian ng visitor ni Manra. Malimit ay babae o bakla, pero hindi artista o kapwa-direktor ang naturang important visitor.
Isang financial backer o would-be producer ito kaya malamang na lalaki ang panauhin ni Manra.
Si Rebecca ay may pitong taon nang naglilingkod kay Manra bilang caretaker ng magarbong resthouse nito. Bilang isa sa mga kilala at respetadong direktora sa daigdig ng pelikula, ang pagkakaroon ng hideaway ay isang necessity.
“Grabe ang ratrace sa showbiz kaya paminsan-minsan ay kailangan kong tumakas para makapag-recharge ng aking baterya.” Ganito ang malimit sabihin ng kanyang pinsan.
Lubos na naniniwala si Rebecca. She understood fully dahil minsan na siyang naligaw sa magulo at makulay na mundong iyon.
Sa una lang siya naging masaya. Bandang huli, napilitan siyang tumakas upang magpagaling ng mga sugat sa kanyang kaluluwa…
Hindi tumalikod si Manra nung humingi ng tulong si Rebecca. Tinatanaw niyang napakalaking utang na loob ang kabutihan ni Manra, kaya naman pilit niyang tinutumbasan ng tiyaga at sipag. Inaalagaan niyang maigi ang magarbong bahay-bakasyunan nito.
Her cousin had a kind and helpful heart beneath the flamboyant character.
At ngayon nga, makaraan ang mahigit anim na taon, pati ang mga nagiging bisita ay magagawa na niyang harapin at asikasuhin.
Sana…
Hindi pa man nag-uumpisa, pinanghihinaan na agad siya ng loob. She had lived in seclusion for many years. Nagmistulang ermitanya na siya nang mamuhay sa isang liblib na dalampasigang malayo sa sibilisasyon, maliban kina Lola Tentay at Sean.
“You can do it, Rebecca Galvez,” bulong niya sa sarili. “It shouldn’t matter if your first test would be a male or a female.” She encouraged herself almost desperately.
Dapat lang na maging desperado siya dahil ang magandang kinabukasan ni Sean ang nakasalalay sa kanyang tagumpay.
“Hindi normal para sa isang bata ang lumaking mag-isa at walang nakikitang ibang tao, Rebecca. Anim na taon na ngayon si Sean. Dapat ay nag-aaral na siya.”
“Tinuturuan ko naman po siyang magsulat at magbasa, Lola.” Hindi niya kadugo ang matandang babaeng dating katiwala ng dating may-ari ng resthouse ni Manra, pero inari na silang kamag-anak ng butihing matanda.
“Dapat pumapasok na siya sa eskuwelahan para may nakakahalubilo nang ibang bata, bukod sa atin,” salo ni Lola Tentay. “Pero paano magkakagan’on kung ikaw mismo na kanyang ina ay ayaw pa ring makiharap sa ibang tao?”
“Lola…”
“Matalinong bata si Sean. Isang magandang kinabukasan sana ang naghihintay sa kanya kung magiging matapang ka lang uli, Rebecca.”
Rebecca was trapped in a tight corner. Nasukol na siya sa isang masikip na sulok. Naubusan na siya ng idadahilan. Dahil tama si Lola Tentay.
“Gusto mo bang mag-isa lang siya habambuhay?” dugtong pa ng matanda. “At nandito ka ba para alagaan siya habambuhay?”
Tuluyan nang gumuho ang kalooban ni Rebecca. Suddenly, she realized that she was being selfish. Ang sarili lang niya ang kanyang iniintindi nang magpasiyang tumakas at magtago sa mga realidad ng buhay.
Ngunit noon ay nag-iisa lang siya. Wala pa si Sean.
Ibinigay ng Diyos si Sean kay Rebecca nung panahong mababang-mababa ang pagtingin niya sa sarili. Si Sean ang naging timbulan niya nung nalulunod siya. Si Sean ang naging lakas niya.
“You have to be strong for Sean,” ang matatag na sambit ni Rebecca sa sarili. Kinukundisyon niya ang utak. “You have to go back to the real world — for your son!”
Rebecca embraced herself tightly, feeling so cold suddenly. Bigla na naman siyang nanlamig. A, talagang magiging napakahirap para sa kanya ang makabalik!
Nagtungo si Rebecca sa Mahogany Guestroom na nasa attic. Iyon ang pinili niya dahil pinaka-espesyal sa sampung guestrooms ng vacation house na may tatlong palapag.
Mistulang isang suite na dahil may sariling toilet and bath. May sarili ding balcony na may nakakabit na telescope. Ang isang bahagi ng bubungan ay yari sa salamin. Mula sa skyroof na nasa tapat mismo ng kama, kitang-kita ang mga bituin sa kalawakan kung gabi.
Palaging malinis ang paligid ng buong kabahayan dahil tuwing ikatlong araw naglilinis si Rebecca kahit na walang tao sa bahay-bakasyunan. All she had to do was put the clean bedlinens on. Katerno ng asul na kubrekama ang bath towels na inilagay niya sa loob ng banyo.
Upang makatiyak na malinis nga ang palibot, pinunasan ni Rebecca ng wood polish ang mga antigong muwebles. Pinakintab niya ang headboard at lampshade desk na yari sa solidong hardwood na mahogany. She also polished the glass windows with glass liquid gloss.
Malapit na ang oras ng tanghalian nang umuwi si Rebecca. Isang lumang loghouse ang tinitirhan nilang mag-ina, kasama si Lola Tentay. May tatlong silid-tulugan at maluluwang na sala at kusina kaya kumportable.
Dahil yari sa adobe at buu-buong troso, napakatibay ng bahay na may isang palapag lang. Hindi rin gaanong iniinda ang malalakas na hampas ng hanging nagmumula sa di-kalayuang dagat.
Ang dalampasigang may pinong buhangin na kulay abo ay abot-tanaw lamang mula sa bahay-bakasyunan.
Ang loghouse ay inihiwalay ng matataas na hedgerows plants. Dalawang magkatabing hilera ng Duranta at Santan ang nagsilbing pader na nagbigay ng privacy sa kanila.
“Mabuti’t maaga kang umuwi, Beckie,” salubong ni Lola Tentay. “Katatapos ko lang magluto ng sopas.”
“Maghahain na po ako.” Maliksing isinara ni Rebecca ang pinto para hindi makapasok ang malakas na ihip ng hangin sa labas.
“Kumusta po si Sean?” tanong niya habang isinasabit sa hook na nasa dingding ang sumbrerong inalis sa ulo. Wala sa loob na hinagod ng mga daliri ang mahaba at diretsong buhok na naka-ponytail.
“Nagdodrowing sa kuwarto niya,” tugon ni Lola Tentay. “Ako na ang maghahain. Sunduin mo na lang ang bata.”
“Sige po,” sang-ayon ni Rebecca habang lumalakad patungo sa kuwarto ng anak. Bahagya nang nakaawang ang pinto pero kumatok pa rin siya.
“Hello, Sean,” ang masiglang bati niya. “Kumusta ang umaga mo?”
“Mama! Look, o?” Buong pagmamalaking ipinakita ng batang lalaking anim na taong gulang ang puting papel na may naka-drowing na mga seagulls at ulap. “Ganda, ‘no?”
“Ang galing-galing ng anak ko!” Tutoo ang papuri ni Rebecca. Sa murang edad na anim, kamangha-mangha na ang inborn talent ni Sean sa art.
Iyon lang marahil ang minana ng anak sa ama.
The outer appearance of Sean, except the tall height, was inherited from her. The artistic mind, from the father.
Thank God!
Ang buhok na diretsung-diretso at makintab na itim, ang ilong na maikli at matangos, ang matataas na pisngi, ang maumbok na noo, ang mga matang medyo tsinita, ang makipot na bibig, at ang kayumangging kulay ay pawang kinuha kay Rebecca.
Kaya naman nagawa pa niyang makalimutan ang asawang nagmalupit sa kanya — ngunit nagbigay ng supling.
Talaga nga kayang nakalimot ka na, Rebecca? tanong niya sa sarili.
“Mama, display natin ‘to sa gallery ko, puwede?”
“Oo naman.” Kinuha niya ang scotch tape sa drawer ng writing desk. “Saan mo gustong idikit ‘yan?”
Halos puno na ng mga drawings ng bata ang gawing ibaba ng isang dingding. Karamihan ay mga pencil sketches na kinulayan ng krayola. May mangilan-ngilan nang watercolor paintings. Pulos simple pa ang mga subjects. Landscape, seascape, and still life.
May nag-iisang portrait ng babae. According to Sean, si Rebecca iyon. Naniwala siya kahit na hindi niya kahawig.
“Sa katabi po ng mountains ko, Mama.” Walang gatol ang tugon ni Sean. “Katabi ng sky ang mountains, di po ba?”
“Right,” Rebecca agreed with a smile. “Okey na ba dito?” Iniakma muna niya ang papel sa bahaging itinuro.
“Opo, Mama. Okey na po d’yan.”
Nang pumayag ang bata, dinikitan niya ng kapirasong scotch tape.
“Beautiful,” papuri ni Rebecca nang matapos.
“Thank you, Ma!”
Niyapos ni Rebecca ang paslit. Ginawaran ng masuyong halik sa noo. Ginagawa niya ang ganito sa tuwing may pagkakataon. Alam niyang hindi magtatagal, kapag nagkaisip at nagbinata na si Sean, matututo na itong mahiya na magpakita ng affection.
“Tena sa labas, anak. Kakain na raw tayo. Baka naiinip na si Lola Tentay.”
“Luto na po kaya ang sopas niya?”
“Oo daw.”
“Wow! Lola, ‘and’yan na po ako!” Kumaripas ng takbo si Sean patungo sa kumedor.
“O, dahan-dahan lang. Baka madapa ka.”
Bumagal ang mga munting yabag dahil papaliko na sa makitid at maikling koridor.
“Siyanga pala, Beckie, tumawag si Ma’am Manra dito kaninang umaga. Sinabi kong nasa resthouse ka na. Nagkausap ba kayo?” Nakaupo na silang tatlo sa hapag-kainan nang magsalita si Lola Tentay.
“Opo, Lola. May darating daw na bisita ngayon.”
“Ano’ng oras sila darating?” Interesado pa rin ang matanda kahit hindi na ito ang opisyal na caretaker.
“Mauuna po ang bisita. Mga bandang alas otso o alas nuwebe.”
“E, di, maghihintay ka pala doon hanggang mamayang gabi?”
“‘Yon po ang gusto ni Manra.”
“Buweno, ako na ang bahala kay Sean.”
“Salamat po, Lola.”
“Kuu, walang anuman. Sanay naman sa akin itong apo ko.” Lantaran ang pagmamahal na iniuukol ni Lola Tentay sa kanyang anak.
Naantig ang kalooban ni Rebecca. Nag-iisa na lang sa buhay ang matandang babae. Sumama kaya ito sa pagbabagong-buhay nilang mag-ina?
She decided to ask the old woman right then.
“Nag-iisip na po akong bumalik sa Maynila, Lola Tentay,” umpisa niya. Seryosong-seryoso ang tono.
Hindi agad nakapagsalita si Lola Tentay ngunit nanginig ang kamay na may hawak sa kutsarang papalapit na sa kulubot na bibig.
“Natutuwa ako,” sambit nito. May garalgal na ang paos na tinig-matanda. “Makakabuti kay Sean ang desisyon mong ‘yan, Beckie.” Lumigwak ang sopas sa kutsara nang biglang ibinalik sa mangkok.
Ginagap ni Rebecca ang kulubot na kamay ni Lola Tentay. “Lola, gusto ko po sanang sumama kayo sa amin ni Sean,” she requested gently.