Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

PASSIONATE SCANDAL

Samantha married for convenience and became a widow without any chance to be happy. Things became colorful when Lorenzo arrived.

They became instant lovers.

But passion was not enough to twine their hearts and their lives together…

Ang pag-ibig daw ay dumarating nang di-inaasahan. Biglang susulpot sa mga puso ng mga taong hindi magkatugma.

Pero kailan ba naging hadlang ang social status sa mga love issues?

Iginagalang sa lipunan si Samantha. Isang parolado naman si Lorenzo. Magiging matatag kaya sila sa mga pagsubok?

* * *

Kumidlat muna bago kumulog. Parang may mga higanteng buko na nahuhulog mula sa matataas na puno at nagpapagulung-gulong sa di-kalayuang kabundukan.

“Ate Sam, me bagyo ‘ata,” puna ng binatilyong pasahero sa lumang landrover jeep.

Nanlalaki ang mga matang nakatanaw sa harapang direksiyon.

“Dadaan lang ‘yan,” pagwawalang bahala ni Samantha.

Pinukol ng isang sulyap ang kumpol ng nangingitim na ulap habang patuloy sa pagmamaneho.

Araw ng suweldo ngayon — at may karapatan siyang ‘magpahinga’ mula sa mga problema.

Hindi siya magpapapigil lalupa’t ika-anim na death anniversary ni Augusto Lopez, ang kanyang asawa ng limang taon…

“Kapag lumakas ang ulan, susunduin ka namin, Ate Sam,” wika ng binatilyo.

“Huwag mong gagawin ‘yan kung ayaw mong magalit ako sa ‘yo, Bong.”

Napakamot ng batok ang binatilyo. “Sori, Ate. Nag-aalala lang ako. Baka kasi umapaw ang batis.”

“Labing-isang taon na akong naninirahan dito. Hindi ko pa nakikitang bumaha sa San Toribio.”

Bumuntonghininga na lamang si Bong. Sinarili na kung anuman ang iniisip pa.

Hindi na rin kumibo si Samantha. Iginala niya ang paningin sa malawak na bukiring nasa magkabilang panig ng makitid na rough road.

Palibhasa may endless supply of irrigation water, palaging may nakatanim na halaman sa limang ektaryang lupain ng pamilya Lopez. O ng nasirang Augusto Lopez.

Nung bata pa si Samantha, ang Lopez Estate ay binubuo pa ng tatlumpu’t pitong ektarya ng agricultural land.

Ngunit nang maghati-hati na ang mga tagapagmana ng ninunong si Don Solomon Lopez, nagkawatak-watak na ang malawak na lupain.

Nag-iba-iba na rin ang mga nagmamay-ari dahil ibinenta sa ibang tao at ipinansimula sa ibang bayan. O kaya’y ipinampuhunan sa bagong negosyo at kabuhayan. Lantaran ang pag-ayaw sa pagbubukid.

Hanggang ang natirang Lopez na may bukirin ay si Augusto Lopez na lamang. Nang mamatay ang huling farmer in the Lopez Family, inakala ng mga ka-angkan at kababayan sa San Toribio na iyon na ang huling pag-aani ng palay sa bukiring malapit sa Dalagang Talon na pinagmumulan ng tubig na umaagos sa batis.

Kaya gayon na lang ang pagka-sorpresa ng buong bayan ng San Toribio nang ipagpatuloy ni Samantha Lopez, ang batang bride at bata pa ring biyuda, ang pagbubukid. Twenty-one nang magpakasal siya kay Augusto na isa nang thirty-six-year-old bachelor.

Matapos ang limang maiikling taon, nabiyuda na agad.

Ngayon ay anim na taon na siyang nag-iisa sa buhay. At nagsawa na sa wakas ang mga kababayan sa pag-i-ispekula kung kailan siya mag-aasawa ulit.

Sa murang edad na treinta y dos, wala na sa isipan ni Samantha ang pag-aasawa.

Sa hirap ng dinaranas ni Samantha mula nang mamatay ang asawa, wala na siyang panahong mag-isip ng tungkol sa bagong romansa.

Ang tanging umuokupa ng utak niya ay ang pagkita ng pera — para may maipanghulog sa mga interes ng mga pagkakautang ni Augusto.

Ngunit kahit dalawa na ang trabaho niya bilang charity worker ng San Toribio Foundation at bilang rice and vegetable farmer ng Lopez Farm, hindi pa rin mabawasan ng mga kinikita ni Samantha ang kahit na isa sa mga utang ni Augusto sa mga bangko.

‘Diyos ko, pagud na pagod na po ako!’ bulong ni Samantha sa sarili. ‘Parang hindi ko na kayang magtiis…’

“Ano’ng oras ko po kayo babalikan dito bukas?” tanong ni Bong nang ihinto na ni Samantha ang landrover sa ilalim ng mga punongkahoy na nakayuko buhat sa kinatubuang pisngi ng talampas.

“Bago mananghalian,” ang walang gatol na tugon ni Samantha.

“Okey, Ate Sam.” halatang alanganin si Bong pero hindi na nagkumento habang tinutulungan siyang magbaba ng mga bagahe buhat sa likuran ng landrover.

“Ako na ang magtatayo ng tent mo, Ate Sam,” prisinta nito, pagkatapos ilapag sa madamong pampang ang nakabilot na tent bag.

“Okey na ako, Bong. Umuwi ka na. Kukuha pa kayo ng abono sa bayan. Nasa Inay mo ang listahan at ang tseke,” habilin ni Samantha.

“Pero baka mahirapan ka, Ate Sam.” tumanaw sa nagdidilim na kalangitan si Bong. “Mababasa ka pati. Paparating na ang ulan.”

Samantha shook her head firmly. “Sige na, Bong. Iwan mo na ako dito. ‘Wag mo na akong alalahanin. Kailangang makakuha kayo ng abono ngayon dahil bukas ng umaga ay gagamitin ng Itay mo ang jeep.”

Lulugo nang lumakad palayo ang binatilyo. Maya-maya pa, naulinigan na ni Samantha ang ugong ng palalayong sasakyan. Saka lang siya nakahinga uli nang maayos. Para bang biglang lumaya ang kanyang pakiramdam.

With nimble movements, Samantha built the small tent. Pumusyaw na ang kulay orange kahit dalawang beses isang buwan lamang gamitin. Paano’y mahigit sampung taong gulang na. Iyon ang isa sa mga wedding gifts na ibinigay ni Augusto sa kanya.

Makalipas ang sampung minuto, nakaayos na sa loob ng tent ang mga gamit ni Samantha. Eksaktong katatapos niyang i-zipper ang flap door, nang bumagsak ang malalaking patak ng ulan mula sa mapuputing kumpol ng ulap sa itaas. Napuno ng ingay ang paligid ngunit hindi niya inalintana iyon.

Binuksan niya ang maliit na chestbox na pinuno ng mga tipak ng yelo at bote ng serbesa. Nagbukas siya ng isa at tumalungko habang sinisimsim ang mapait at malamig na likido.

Ilang sandali pa, kusa nang umaagos ang masaganang luha sa mga mata ni Samantha. “Nagsasawa na ako, Augusto,” sambit niya, pabulong. “Hindi ganitong buhay ang ipinangako mo sa akin.” Niyapos niya ang mga hita at binting nakatiklop at isinubsob sa pagitan ng mga tuhod ang mukha bago humagulgol nang malakas.

“Anak ng tupa!” Napabulalas si Lorenzo nang bumuhos ang ulan. Halos mayanig ang kabuuan ng owner-type jeep dahil sa malalaking patak ng tubig na bumabagsak sa lonang bubungan ng dyip. Ni hindi niya nailagay ang mga plastik na pantabing sa mga pintuan kaya ilang sandali lang ay basang-basa na ang loob ng sasakyan. Pati ang buong katawan niya. Ang natitirang tuyo ay ang mukha at ulo na lang niya.

“Hindi bale, malapit ka na,” wika ni Lorenzo sa sarili habang inaaninag ang kalsadang tinutugpa ng dyip. Kasabay ng pag-ulan ang pagdidilim ng paligid. Biglang kumulimlim ang kalangitan.

Naaninaw niya ang isang daan na lumiko sa kanan. Napangiti siya nang bahagya dahil iyon na ang kalyeng papasok sa Querubin Breeder Farm.

Dali-dali niyang iniikot ang manibela. Lubog na sa kulay tsokolateng tubig-ulan ang daanan kaya hindi siya makapagmadali. Napuwersang dahan-dahanin ang pagmamaneho.

“Mula sa main road, wala ng isang kilometro ang layo ng tarangkahan ng farm ko, iho. Nasa gawing kaliwa naman iyon. Ang katapat ay bakanteng lupa na dating bakahan.” Ganito ang pagkakasabi ni Warden Ramirez sa kanya kaninang umaga.

“Mula dito sa Munti, wala pang limang oras ang inuubos ko sa pagbibiyahe. Pero dahil hindi ka pa sanay, malamang na umubos ka ng pitong oras. Hindi bale, maliwanag pa naman ‘pag dating mo d’on. Atsaka, itinawag ko na sa aking katiwala ang pagdating mo. Ang makakasama mo sa farm ay sina Ka Nery at Ka Danny. Isang mag-asawa sila na walang anak at may sampung taon nang namamasukan sa akin. Sana’y magustuhan mo d’on, Lorenzo.”

Inakbayan siya ni Warden Ramirez habang inihahatid sa parking lot.

“Gamitin mo na ang owner ko. Nasa ‘yo na ang special driver’s license na ipinakuha ko nung isang linggo, hindi ba?”

“Opo, Warden. Maraming salamat po sa pagtitiwala n’yo sa akin.”

“Alam kong mabuting tao ka, Lorenzo. At naniniwala rin ako na wala kang kasalanan sa krimeng ibinintang sa ‘yo.” Tinapik-tapik siya ng matandang lalaki sa likod. “Ang Diyos na ang bahalang gumawa ng paraan para mapatunayang inosente ka.”

Hindi pa gaanong bumabalik ang buong paniniwala niya sa nasa Itaas pero hindi na nagkumento si Lorenzo. Nagpasalamat na lamang uli sa taong naging gabay at bantay niya sa loob ng kulungan. Halos apat na taon siyang nakakulong.

At sa tulong at rekomendasyon ng pinakamataas na opisyal ng presuhan, nakatanggap ng parole ang binata.

Ngayon nga ay tinanggap naman niya ang inialok na trabaho ni Warden Francisco. Malayung-malayo sa talagang prupesyon niya ang maging tagapag-alaga o caretaker ng isang swine breeder farm.

Pero wala siyang mauuwian kaya sinunggaban niya ng dalawang kamay ang oportunidad.

Saka na lang siya mag-iisip ng tungkol sa nakaraan at sa kinabukasan kapag gumaling na ang mga sugat na idinulot ng masaklap na karanasan….

Bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Lorenzo nang tumalbog ang kaliwang gulong. Tila may nasagasaang malaking bato. Muntik na niyang mabitawan ang manibela.

Ibinalik ni Lorenzo ang buong atensiyon sa dinaraanan. Sumulyap sa magkabilang panig. Pilit na inaaninag ang malabong tanawin.

Ngunit napakalakas pa rin ng ulan kaya nagpatuloy na lamang sa pagmamaneho. Hindi na rin niya nakarkula kung gaano kalayo na ang tinatakbo ng dyip.

Nang maging madawag na ang mga punong dinaraanan, saka lang inamin ni Lorenzo na naliligaw siya. Napakalayo na ng nararating niya.

Mahigit na sigurong tatlong kilometro. Ngunit hindi niya magawang huminto dahil naghahanap pa ng malapad na bahagi ng kalsada upang makapagmaniobra.

Lumapad naman ang rough road nang makarating sa dulo. Isang dead-end ang lugar na napasukan niya. Walang abug-abog, biglang tumila ang ulan.

Biglang naghari ang katahimikan sa paligid. Tanging ang magaspang na ugong ng makina ng sasakyan lamang ang maririnig.

Isinungaw ni Lorenzo ang ulo sa pinto ng dyip upang sipatin ang baku-bakong daan. Kapagkuwa’y tinanaw niya ang likuran sa rearview mirror.

Papataas ang kalsadang tinugpa dahil ang tubig na umaagos sa magkabilang kanal ay papababa ang direksiyon.

Nakapagmaniobra na si Lorenzo nang biglang tumigil ang sasakyan. Umubu-ubo muna ang makina bago tumahimik. Hindi makapaniwala, pinihit niya nang ilang ulit ang ignition key.

“Anak naman talaga ng tupa!” Nakapagmura uli si Lorenzo nang mapagtantong nagka-diperensiya ang dyip. Umibis siya at nagtungo sa gawing likuran upang kunin ang toolbox. Kaunti lang ang nalalaman niya sa makina pero susubukan niyang hanapin at kumpunihin ang sira.

Umalimbukay ang puting usok nang iangat niya ang hood ng sasakyan. Nag-overheat pala ang motor. Ibinalik niya ang toolbox sa passenger’s side bago kinuha sa sahig ang plastik na galong lalagyan ng tubig. Walang laman.

Napailing si Lorenzo. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili lang niya. Dapat ay nag-check munang maigi bago bumiyahe ng malayo.

Napaka-ironical naman dahil kung kailan napakalapit na niya sa destinasyon, atsaka naman nagkaroon ng aberya.

Saan siya kukuha ng malinis na tubig? Nagpalinga-linga si Lorenzo sa paligid. Tahimik na tahimik pa rin pero parang may nauulinigan siyang ingay ng bumabagsak na tubig.

Tila may falls sa di-kalayuan. Bitbit ang galon, naglakad siya patungo sa direksiyong pinagmumulan ng lagaslas.

Isang munting falls nga ang nasa kabila ng makapal na hilera ng mga punongkahoy. May malinaw na tubig sa batis na hugis-palanggana at umaagos palayo sa kinaroroonan niya.

Humahakbang palapit si Lorenzo nang mapapatda. Namataan kasi niya ang isang tent na kulay kalawang. Kusang umatras ang mga paa niya.

Umiral ang pagiging preso niya, ang takot na humarap sa lipunan dahil may batik na ang pagkatao.

Malapit na siyang makalusot sa kasukalan nang maparalisa ang kabuuan.

Paano’y agad na sumirit ang apoy ng mala-bulkang pagnanasa sa kaibuturan nang tumambad sa paningin ang okupante ng naturang tent.

Isang babae. Isang maganda, maputi — at nakahubad na Eba!

Naubos ni Samantha ang tatlong boteng serbesa dahil namanhid na ang dila niya sa mapait na lasa.

Madalang rin uminom ng kahit na anong alkohol kaya tinablan agad siya. Medyo lasing na nang tumila ang ulan.

Magluluto pa siya ng hapunan kaya dapat ay mahulasan. Naisipan niyang maglublob sa malamig na tubig ng batis.

Init na init ang pakiramdam niya sa buong katawan, sanhi ng alak na ininom.

Shedding off her white shirt and old jeans, lumabas si Samantha buhat sa tent na mga underwear na lang ang mga natitirang kasuotan.

Alam niyang pribado ang lugar na iyon dahil ang likuran ng falls ay isang abandonadong minahan ng ginto nung panahon pa ng mga Hapon.

Nasa boundary iyon ng mga Lopez ricefields. Bagama’t may rough road na bumabaybay sa isang panig, walang sinuman ang nangangahas na pumasok dahil alam na dead-end ang baku-bakong kalsada.

Napasinghap si Samantha nang lumusong sa malinaw na tubig ng batis, ngunit tuluy-tuloy lang na lumakad hanggang sa lumubog na ang mga balakang.

Her pink panties got wet instantly as she continued wading into the deep cold water.

Niyapos niya ang sarili nang umabot na hanggang sa beywang ang pagkakalubog.

Huminga siya nang malalim bago pikit-matang isinubsob ang nangangapal na mukha sa tubig.

Kinaskas ng mga palad ang mga pisngi upang mapadali ang pagkakahimasmas.

Nang muling dumiretso sa pagkakatayo nakalas na ang mahabang buhok sa pagkakaipit ng plastic hairclip sa likod ng ulo.

Kinuha niya ang clip at iniipit sa garter ng panty.

Nakahakab na ang white cotton brassiere sa kanyang dibdib. Her dark nipples were seen through the thin cloth.

Nakabakat din ang pamumurok ng kambal na korona.

Her cleavage were like white satin mountains.

Malasutla ang maputing kutis ng pagitan ng kambal na umbok ng dibdib.

Umahon siya nang mabawasan ang pagkalasing. Hindi pa siya nag-aagahan at nanananghalian kaya nagmamarakulyo na ang mga bituka.

Kailangan na niyang kumain ng kahit na ano kung ayaw niyang magkasakit.

Maybe her zest for living was her only salvation.

Kundi rin lang sa likas na gana niyang mabuhay pihong matagal na siyang nagtangkang magpakamatay!

Tiyak na maraming malulungkot kapag nawalan ng isang Samantha ang mundo. Kahit paano kasi, kahit na isang yagit na biyuda lang siya, marami naman siyang natutulungang mga kapus-palad sa pamamagitan ng kanyang parttime job sa San Toribio Foundation.

Ang naisip na iyon ang bahagyang nagpagaan sa mabigat na kalooban ni Samantha. Bahagya nang nakangiti ang mga labing mapuputla nang makarating sa pampang.

Kahit wala siyang sariling anak, mahigit sa limampung mga munting anghel pa rin ang umaasa sa kanyang galing at karisma sa paghingi ng donasyon mula sa mayayamang mamamayan ng San Toribio at ng mga karatig-bayan.

Nakakapagpataba ng puso ang mga pasasalamat na tinatamo. Kuntento na siya. Kuntento na siya sa pagpapaligaya ng iba.

Hindi na niya naiisip ang sarili…

Dagling nanginig si Samantha nang sumagi ang tungkol sa mga disatispaksiyon sa pribadong buhay.

She had never experienced physical satisfaction during her married life. Her late husband was an impatient lover.

Palaging nagmamadali si Augusto. Para dito, isa lang obligasyon na dapat gampanan ang pagsisiping ng isang mag-asawa.

Kaya naman walang finesse at walang feeling. Wala ring konsiderasyon sa pangangailangan ni Samantha.

Ngunit bata pa siya noon para malaman ang mga bagay na may kinalaman sa sex. Ignorante pa siya sa orgasm at foreplay.

Hindi na ngayon — matapos gawing libangan ang pagbabasa.

Maraming natuklasang pagkukulang at kakulangan si Samantha. Pero hindi na niya maitatama ang mga iyon dahil wala na si Augusto.

“Ipokrita ka ba, Samantha? Curious ka, hindi ba? Ilang beses ka na bang natukso?” pang-uuyam ng munting tinig sa likod ng utak niya.

Oo, natutukso siya. She was often tempted to know–to experience the joy and the ecstasy of physical love.

Kahit na minsan lang. Kahit na isang beses lang.

Hindi siya maaaring mag-asawa. Walang matinong lalaki ang tatanggap sa isang katulad niya na may kakambal na mga debt obligations.

Pero walang nakakaalam ng mga hard facts, si Samantha ay tampulan pa rin ng maraming kalalakihang naghahangad na maangkin ang kanyang sariwang kariktan.

Every man in town was mooning after her beauty and body.

Madali lang sanang mamili ng magiging one-night stand niya sa mga manliligaw dahil pawang atraktibo naman.

Ngunit siguradong hindi lang ang katawan niya ang nanaising angkinin ng sinumang lalaking pipiliing makasiping.

Hindi niya dapat kalimutang bilang si Samantha Santos-Lopez, kakambal niya palagi ang Lopez Rice and Vegetable Farm.

Idagdag pa ang prestigious ancestral house ng Pamilya Lopez.

Walang nakakaalam na ang lahat ng mga iyon — sampu ng iba pang ari-arian ni Augusto ay nakasangla sa maraming bangko na nasa kabisera.

Kaya lamang nananatiling sikreto ang lahat ay dahil palaging advanced ang pagbabayad sa mga interes.

A, daig pa niya ang may pasang kurus na mabigat! Puwede naman siguro siyang mag-isip ng dibersiyon paminsan-minsan, hindi ba?

“Pero hanggang sa pag-iisip ka na lang siguro, Samantha,” wika niya sa sarili. ‘Mananatili ka na lang ignorante!’

Padaskol na pumasok sa loob ng tent upang kunin ang towelling robe na ipambabalot sa basang katawan.

Hindi naman siya ganoon ka-desperada. What she had never known nor experienced would not hurt her. Hindi nakakasakit sa kanya ang hindi niya nalalaman o nararanasan.

Pero bakit malimit siyang mamaluktot? Bakit may mga gabing pabiling-biling siya sa higaan?

Niyayapos ang sarili. Hinihingal. Pinagpapawisan. Kusang umaangat ang mga balakang sa kama. Kusang lumiliyad ang dibdib…

Hindi maikakailang nasasabik siya. Na nangangailangan ng release ang biological needs niya.

Ano’ng gagawin niya? Ano pa — di magtiis! Sanay naman siyang magtiis, hindi ba?

Parang gusto na namang maiyak ni Samantha. Dali-dali niyang iwinaksi ang mga pangit na isipin.

She pushed away the disturbing thoughts from her mind. Ibinaling niya sa pagkain ang utak.

‘Pero kung may makikilala siguro siyang isang estranghero…?’ pahabol ng munting tinig.

Walang kamalay-malay si Samantha na nasa malapit na ang estrangherong hiniling niya sa langit…

“Man, it’s been three years!”‘ bulalas ni Lorenzo sa sarili.

Saka lang siya nakakilos at nakapag-isip muli nang nakaahon na buhat sa mabilisang paglublob sa tubig ng batis ang mala-diwatang kagandahan.

Mabilis rin lang ito sa loob ng tent. Nagsuot lang ng towelling robe na kulay berde.

Click here to READ MORE

Comments are closed.