Lady Romantica, Romantic Love Stories Online, Long Stories, Romance, Love Story Series

Share

PRINCE AND SLEEPING BEAUTY

Can you recognize love when it hits your face? What does love look like? How does it feel?

Is it rainbow-colored? Is it hot like a fiery kiss?

But what if love was just a one-sided thing? Would it survive the test of time?

And what if it was just a fling? Would it be sufficient to make you happy?

Kathrin was so innocent and Franco was so worldly when their paths met.

There was an instant attraction… Unfortunately, it was just physical and would not last long.

But the wonderful experience to be in his arms would be once in a lifetime.

At least, she wouldn’t be a sleeping beauty forever.

* * *

Napapitlag si Kathrin nang umalingawngaw sa katahimikan ng paligid ng malaking bahay ang isang malagom na ingay.

Somewhere, in a dark corner of the ancestral house, an ancient grandfather’s clock emitted its gong-like sound rhythmically.

Sobra kasi ang konsentrasyon niya sa ginagawa.

“Hatinggabi na pala,” aniya sa sarili habang marahang nag-iinat. Napasarap pala siya sa pagbuburda.

“Hay, makatulog na nga,” sambit niya habang naghihikab.

Tulak ng nakaugaliang gawin sa lahat ng bagay, iniligpit muna niya ang mga kasangkapang ginamit — kahit na mamayang umaga lang ay gagamitin na naman ang mga iyon.

Kathrin Mendrez was a rising needle artist, but she was not yet aware of her fame.

Para sa kanya, ang kanyang pagbuburda ay isang trabaho at hindi isang sining.

Gayunpaman, natutuwa siya sa dumaraming tagatangkilik ng kanyang mga likha dahil lumalaki ang kanyang bank account balance.

She was still stretching her aching back and neck muscles when she went to her bedroom.

‘Kumain ka na ba, Kat?’ tanong niya sa sarili nung nakahiga na.

Hindi pa.

Tumagilid siya pero hindi na magawang bumangon. Lambut na lambot na talaga siya!

Bukas na lang siya kakain siguro…

The next morning, she did her usual bathroom routine.

Ngunit pagkatapos maligo, magsipilyo at magbihis, dumiretso na siya sa workroom. Doon na niya tinapos ang pagpupunas at pagsusuklay ng maikling buhok na medyo kulot.

Trabaho na agad ang inatupag niya, imbis na magpunta sa kusina para maghanda ng pagkain.

Halos kasisikat lamang ng araw kaya nagsindi pa siya ng ilaw sa silid-burdahan.

Maya-maya, ginulantang siya ng malulutong na ingay. Sa labas na nanggaling ang istorbo.

“Tahooo! Taho kayo diyan!” hiyaw ng suki niyang magtataho, sabay kalampag sa tarangkahang bakal.

Dali-dali siyang tumindig mula sa swivel chair. Humangos siya sa pagbaba ng hagdan.

“Pabili!” ganting-hiyaw niya habang kumukuha ng mug sa dish cabinet sa kusina.

Taranta din siyang kumuha ng pera mula sa antigong drawer with oval mirror.

Dinatnan na niya iyon mula pagkabata at ni hindi sumagi sa isip ang baguhin ang puwesto niyon ngayong siya na ang may-ari ng buong kabahayan.

She was the sole heiress to her late aunt’s old house and equally old furnitures.

Dalawa na lang silang magkamag-anak ni Tia Monina sa mundo. Inampon siya nito nung maulilang lubos sa edad na limang taon.

In many ways, she had also inherited the old lady’s peculiarities. Tuloy, parang naging old maid na rin siya.

Naging seryoso din siya sa pananaw sa buhay. Nawalan siya ng panahon sa maraming bagay na walang kuwenta sa kanyang palagay.

Isa sa ayaw niyang pag-aksayahan ng oras ay ang pag-ibig.

For her, love was just a nuisance. It was just a convenient escape from reality.

Pang-abala lang sa trabaho ang pag-ibig. Isang paraan lang ng pagtakas para sa mga mahihina.

And Kathrin Mendrez had always thought herself as a self-possessed individual. She firmly believed that she was in control of her life.

Masyado siyang abala para mag-ukol ng panahon sa mga bagay na walang kapararakan.

She refused to recognize that she felt lonely and alone sometimes.

Ayaw niyang aminin, ni sa sarili, na nakakaranas din siya ng matinding kalungkutan at pag-iisa paminsan-minsan.

Dahil sa luwang ng bakurang nakapalibot sa antigong bahay, gayon na karami agad ang naisip ni Kathrin habang lumalakad-takbo patungo sa gate.

“Aru, akala ko, mamaya ka pa makakarating dito,” pagbibiro ng suki niyang tindero ng taho. “Dapat yata, nagdyip ka?”

Iniabot niya ang mug at ang pera sa siwang ng disenyo sa ibabaw ng tarangkahan. Ngumiti siya kahit na hinihingal.

“‘Yan na nga lang ang ehersisyo ko, tatanggalin n’yo pa? Talaga ‘tong suki ko, oo!” ganting-biro niya.

She was comfortable with the older man because she had known him since she was a child. Bata pa siya, magsuki na sila ng may edad na lalaki.

“Oo nga naman.” Sumagot ang kausap matapos ang maliksing pagtatakal. “O, ayan, dinagdagan ko ng sago ‘yan,” ang nakatawang wika nito habang iniaabot ang mug.

“Salamat!” Bumuwelta na agad siya pabalik sa bahay. Nakangiti pa rin hanggang sa makarating sa kusina.

Taho ang paborito niyang pagkain dahil bukod sa healthy nutrients, napaka-convenient pang kainin. Hahaluin lang ng kaunti, puwede na niyang ubusin agad sa ilang lagukan lang.

Presto, busog na siya!

Nagbalik siya sa workroom matapos banlawan ang mug at ang kutsara.

Nagdala na siya ng isang pitsel ng malamig na tubig para hindi na maabala kapag nakaramdam ng uhaw.

Maaalala lang niyang mananghalian kapag nanginginig na siya sa gutom.

Ganito palagi ang routine niya sa araw-araw. Tanging ang trabaho lang ang sentro ng kanyang buhay. Ang bawat sandali ay nakatuon sa walang kasawaang pagbuburda…

“LOLA, naghahanap naman ako. Wala lang talaga akong makita,” Franco Nerviza tried a cajoling tone to absolve himself but to no effect.

Walang epekto ang mga alibis niya kay Lola Francia. Nakausli pa rin ang ibabang labi nito at nakairap kapag sumusulyap sa kanya. Mistulang batang musmos na nagmamaktol.

“Aminin mo nang hindi ka naman talaga naghahanap!” she spat out sulkily.

“Lola, huwag na kayong magtampo — ”

“E, ba’t ako? Me nakita ako kahit na hindi ako lumalabas ng bahay?” panunumbat nito.

He quenched the spurt of guilt at once. “May nakita na kayo?” And he tried to hide his relief.

Tila nahalata iyon ni Lola Francia. Bigla nitong isinubsob ang mukha sa mga kamay atsaka nagngunguyngoy ng iyak.

“Hu! hu! hu! Sinasabi ko na nga ba’t kunwari lang ang interes mo sa aking kahilingan,” hagulgol nito. “Hindi na talaga ako mahalaga sa ‘yo porke’t matanda na ako at wala nang silbi! Hu! hu! hu!”

“Lola naman, hindi tutoo ‘yan.” Dali-dali siyang lumipat sa kabilang panig ng breakfast table para aluin ang matanda.

“Tahan na, Lola. Baka mabinat kayo n’yan. Gusto n’yo bang bumalik sa ospital?”

He realized that he had said the wrong thing when she agreed with feigned hysteria.

“Oo!” she wailed loudly. “Oh, Agustino! Kunin mo na ako! Gusto ko na ring mamatay!”

Alam niyang umaarte lang ang agwela, pero alam din niyang makakasama iyon sa mahinang puso nito.

So he capitulated, as usual.

“Okey, inaamin ko na. Hindi ako nakapaghanap nang maayos. I’m sorry,” he apologized humbly. “Ang tanging excuse ko lang ay naging abala ako sa trabaho.”

“Hmp! Natambakan ka ng trabaho dahil sa Rosallang nobya mo!” Parang gripong pinihit nang huminto ang pag-iyak ng matandang babae. “Pero siguro, wala na kayo ngayon n’un, ano?”

“Nagbasa na naman kayo ng gossip section sa dyaryo, ano?” panghuhuli niya.

“Doon ko lang nalalaman ang mga bagay tungkol sa pribadong buhay mo, Franco.” Lalong tumaas ang noo nito.

Hindi ikinahihiya ang ginawang pagsuway sa utos niyang huwag nang magbabasa ng mga tsismis at intriga tungkol sa kanya.

“Pero hindi tutoo ang mga iyon, Lola.”

“Lahat?”

Nagkibit siya ng isang matipunong balikat. Dahilan para kumiskis ang buntot ng nakataling buhok sa kuwelyo ng suot niyang poloshirt.

“Well, ‘yung tungkol sa break-up namin ni Rosalla ay tutoo,” he admitted reluctantly.

“See? Ni hindi mo sasabihin sa akin ‘yan, di ba? Malalaman ko na lang kapag nagdala ka na naman ng ibang babae dito,” panunumbat ng agwela niya.

“I’m sorry, Lola.” Iyon na lang ang puwede niyang sabihin na alam niyang makakapagpalubag sa loob ng matanda.

Sumikat siya nang makilala ang galing at talento sa pagmamaneho sa race track. He became notorious when his penchant to fast cars equalled his fondness to pretty girls.

Naging pamoso siya dahil pantay ang hilig niya sa matutuling kotse at magagandang babae.

This notoriety followed him even when he retired from car racing. Kahit retirado na siya sa karera ng kotse, sinusundan pa rin siya ng publisidad.

He tolerated the attention from the press because the publicity helped his company a lot.

Palibhasa nasa advertising business siya, nakakatulong ang madalas na paglitaw ng kanyang pangalan sa mga babasahin — kahit na pulos mga haka-haka lang tungkol sa pribadong buhay niya ang nilalaman.

His business thrived in gossips about his private life. Wala siyang balak baguhin ang lahat, kahit na madalas na nagiging dahilan ng pakikipagkalas ng mga babaeng nakakaugnay niya.

Ganito ang gusto niya.

“What about the tapestry, Lola?” Iniba na niya ang paksa upang mabago ang direksiyon ng usapan.

“Ah, oo nga pala.” Tuluyan na ngang nawala ang tampo ng agwela.

“Puntahan mo si Mrs. Rellosa. Meron siyang inirerekomendang magaling na magbuburda.” The old woman pulled out a small pink card from her pocket with marked enthusiasm.

“Pero may ibinigay na siyang calling card. Heto, o. Pakibasa mo nga, iho.”

Tumalima si Franco. “Kathrin Mendrez, needle artist.” Nagtataka siya kung anong klaseng propesyon iyon pero sinarili na lang. “Okey, pupuntahan ko na si Ms. Mendrez mismo,” pangako niya.

Pumalakpak na parang bata ang matanda. “Salamat, apo ko!”

“Buweno, aalis na ako. Tatawag ako agad ‘pag dating ko d’on.” Hinalikan niya ang noo ng kausap bago tumalikod. “Bye, ‘La.” Luminga pa siya dito bago lumabas ng kumedor.

THE big, old house looked austere and antiquated. Lumang-luma na ang napakalaking bahay, na may kakaibang arkitektura.

Parang hindi siya makapaniwalang doon nakatira ang isang needle artist.

Nagdududa man, umibis pa rin si Franco sa kanyang sportscar na puti upang lumapit sa tarangkahang bakal.

He glanced at the peeling paint with distaste. Kailangan nang mapinturahan iyon dahil nagpipiyesta na ang mga kalawang.

Gayunman, hinawakan pa rin niya ang bilog na metal knocker upang gamiting pangkalampag.

Matapos ang sandosenang katok, huminto siya para makiramdam. Ngunit ni kaluskos ay wala siyang marinig. Tanging ang mayayabong na punongkahoy lamang sa paligid ang nag-ingay.

Nagpapalakad-lakad na siya sa tapat ng gate, dahil sa pagkainip. Patanaw-tanaw siya sa antigong istruktura habang nag-iisip kung ano ang dapat gawin.

Maya-maya’y dinukot niya ang celfone sa bulsa ng tailored slacks. Tiyak na naghihintay ang kanyang agwela sa balita.

Tama ang hinuha niya dahil may tumugon na agad kahit kalahati pa lang ang unang kuriring.

“Hello? Lola, si Franco ‘to. Nandito ako ngayon sa harapan ng bahay ni Ms. Mendrez. Kaya lang, wala yatang tao — ”

Habang nagsasalita, nakatanaw siya sa lumang bahay. Napahinto siya nang may makitang silhouette ng tao na naaninag sa ilang bintanang capis na nasa ikalawang palapag.

“Wala kasing sumasagot sa mga katok ko,” patuloy niya nang mawala na sa paningin ang namataang anino.

“Katatapos ko lang kausapin si Mrs. Rellosa, iho. Ang sabi niya, magtiyaga ka daw kumatok. Siguradong nandiyan lang si Ms. Mendrez. Baka hindi ka naririnig. Gan’on daw palagi kapag nagpupunta siya diyan,” tugon ng magiliw na boses ng agwela.

Napailing si Franco. He was not fooled by his grandmother’s light tone. Madaling magbago ang sumpong ng matandang babae, lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto.

‘Well, it’s your turn to spoil her, man. Noon, ikaw ang spoiled, di ba?’ paalala niya sa sarili.

Bumuntonghininga siya bago sumagot. “Okey, susubukan ko uli. I’ll call you again. Bye!”

Dahil nga may nakita siyang tao kanina, hindi siya nag-alangang paingaying muli ang knocker ng gate.

Ngunit nanghinawa na lang uli siya, wala pa ring lumabas para harapin siya.

Hindi mainipin si Franco. As a sportsman, he had been also known by his long patience. Even as a businessman, he was a distinguished smooth operator.

Pero hindi niya kayang magpasensiya kapag may oras na naaaksaya. Nagsisimula na siyang mayamot.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Palibhasa malaki ang bakuran, malayo ang mga kapitbahay. At medyo looban pa, kaya kaunti lang ang mga taong nakakalat sa kalsada.

Aywan kung ano ang nagtulak sa kanya na maging mapangahas. Maybe, he got so frustrated. Masyado na kasi siyang na-pressured ng agwela.

Hindi na niya gaanong pinag-isipan ang gagawin. Matapos matiyak na walang taong nakakakita sa kanya, patalon niyang inakyat ang punong katabi ng bakod.

Nagpalipat-lipat siya sa mga sanga hanggang sa makarating sa kabilang panig ng pader. Tumalon siya sa damuhan, pero hindi agad kumilos. Nakiramdam muna kung may nakasaksi sa kapangahasan niya.

Franco crossed the wide expanse of thick vegetation with extreme caution.

Maingat siyang lumakad dahil baka mayroong ahas sa mga damo at halamang ligaw.

Mas lalong naging interesante ang bahay nang mapagmasdan niya sa malapitan. Tila naging isang higanteng mausoleo dahil sa sobrang katahimikan sa loob at sa labas.

‘Ano’ng klaseng babae ang makakatiis na tumira sa ganitong bahay?’

He was getting curious.

Siguro, isang matandang hukluban na ubod ng pangit. Mistulang isang babaeng Quasemodo. Kundi man kuba ay baku-bako marahil ang mukha kaya takot humarap sa tao.

O di kaya’y isang babaeng may diperensiya ang utak. Baka mentally retarded na ginawang sentro ng mundo ang pagbuburda.

‘Bakit ba pumayag akong pumunta dito? Dapat yata’y may kasama akong mga doktor, a? Baka nangangagat ‘yon. Baka bayolente sa mga estranghero. Baka maniac pa nga!’

Anupa’t kung anu-ano na ang naisip ni Franco habang maingat na naglalakbay sa gitna ng malawak na damuhan.

Gusto na niyang umatras pero parang may humihila sa kanyang mga paa na magpatuloy lang sa paghakbang. Bago pa nanaig ang kanyang kagustuhan, nasa harapan na siya ng front door.

‘Sa wakas!’

Naibahan siya sa sarili nang makaramdam ng tuwa.

“You’re getting weird, man!” ang pabuskang bulong niya habang napapailing. “It must be this place. What an eerie ambiance! Parang eksena sa isang horror movie!”

Napakiling ang ulo niya nang makarinig ng kakaibang ingay mula sa kungsaan. Para bang malalaking boses na umuungol mula sa ilalim ng lupa. Pero parang pamilyar…

Nakinig siyang maigi hanggang sa mapagtantong isang grandfather’s clock ang naririnig. Marahil, isa ring antigo na pag-aari ng kanyang agwela.

“Well, at least, makakasundo ni Lola ang misteryosang Ms. Mendrez na ito!”

Ipinagpag niya ang mga laylayan ng pantalon para makalas ang nanikit na pulbos ng mga bulaklak na ligaw. Napapalatak siya nang makita ang mga mantsa sa iba’t ibang bahagi ng kulay kremang business suit.

He had been impulsive when he climbed the tree and jumped across the stone fence.

Hindi na nakakagulat ang pabiglang desisyon na iyon dahil ugali nga niyang kumilos muna bago mag-isip.

‘Yes, but put a wide margin on self-preservation, man!’ panenermon niya sa sarili. ‘Hindi ka na tinedyer, Franco! P’ano kung nahulog ka sa puno? P’ano kung may malalaking aso pala?’

Saka lang siya nagpalinga-linga sa paligid. Wala namang bantay kahit na isang askal.

Papilig na umiling si Franco. Nag-aaksaya na naman siya ng oras sa mga pagmumuni-muni niya dito sa labas.

Mas mabuting pasukin na niya ang mausoleong ito, harapin ang sinumang nilalang na naninirahan doon — para matapos na ang ipinangakong misyon sa kanyang agwela.

Lumapit siya sa maluwang at mataas na pintuan. Sa tingin pa lang, halatang solido na ang pagkakayari. Hubad sa barnis ang kahoy na pinaitim na ng panahon.

Naghanap siya ng doorbell o knocker man lang. Wala. Nangapa siya ng coin sa bulsa ng slacks dahil andap siyang gamiting pangkatok ang suot na singsing. Baka mabawasan ng hiyas ang palamuting horseshoe!

Wala siyang nakuhang barya kaya dumampot na lang ng isang pirasong bato na nakakalat sa lumang driveway. Malapit na ring sakupin iyon ng mga damo dahil basag-basag na ang sahig na semento.

Ipupukpok na sana niya ang bato sa solidong dahon nang mapunang bahagya nang nakaawang iyon. Bukas na pala ang pintuan. Hindi na kailangang kumatok.

Talagang kakaiba ang babaeng nakatira dito!

Franco took a deep breath first before he pushed open the solid door. It was heavy and very noisy.

Nakakangilo ang paglangitngit ng mga bisagrang kulang sa langis. Parang umalingawngaw na sa loob ng malawak na kabahayan.

Nagpalinga-linga siya. Siguro naman, may nakarinig na sa pagdating niya.

Ngunit isang nakabibinging katahimikan lang ang sumalubong sa kanyang ikalawang kapangahasan.

“Miss Mendrez?” He called the house owner’s name loudly. Baka hindi pa nga siya narinig.

His light footsteps created a small but reverberating echo around the empty big house, as he walked further inside. Lumikha ng mga mumunting alingawngaw ang bawat maingat na hakbang.

Habang papasok siya nang papasok, kusang nagtatayuan ang maninipis na balahibo sa batok niya.

It was a ghostly feeling. Parang may humahaplos na malamig na kamay sa kanyang leeg at mukha.

Kaipala, ang silid na pinatutunguhan ay may isang mahabang balkon na pawang bukas ang mga bintanang mula kisame hanggang sahig.

Saka pa lang bahagyang umayos ang paghinga ni Franco. Hindi siya naniniwala sa multo pero parang ganoon na ang nararamdaman niya, mula pa nang unang makita ang lumang bahay-Kastilang ito.

Lalo pa ngayong nasa loob na siya.

“Miss Mendrez?” Inulit niya ang pagtawag matapos igala ang mga mata sa kahabaan ng bakanteng balkon.

“Miss Mendrez?”

Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa makarating sa dulo. Halos lahat ng mga pintuang nadaanan niya ay pawang mga nakabukas, kaya natatanaw niya ang interyor.

Hindi niya napigil ang paghanga dahil pawang mga antigong muwebles ang kanyang namataan. He saw a Chinese ottoman, a French dresser, a Spanish writing table, and the grand-looking grandfather’s clock.

If his grandmother would see these old treasures, she would surely be ecstatic.

Nagmana siya sa agwela. Palahanga rin siya sa sinaunang kagamitan.

He grew up in a houseful of valuable and genuine antiques, kaya alam niyang pulos mga orihinal ang mga antigong kasangkapan na namalas sa palibot.

Bata pa siya, alam na niya ang mga paraan ng pag-iingat at pag-aalaga sa mga lumang kagamitan ng mga lumipas na panahon.

Click here to READ MORE

Comments are closed.