Prisoner of Love-11

Sinipat pa siya uli ng lalaki.

Nawalan ng pag-asa si Kathryn na pagbibigyan ang kahilingan niya.

Pumikit uli siya.

Pagud na pagod ang pakiramdam niya. Masakit ang lahat-lahat ng buong katawan niya.

Ni hindi na niya nakayang dumilat uli nang lumundo ang malambot na kama.

Bumangon ang lalaki.

Ngunit wala na siyang nadaramang takot sa kung ano pa ang puwede nitong gawin sa kanya.

He had thoroughly defiled her.

Ang dumi na niya. Wala na siyang dangal na ipagmamalaki…

Hindi niya namamalayang gumigiti na ang luha sa pagitan ng mga pilikmata.

Awang-awa siya sa sarili.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

“There’s no point in crying,” wika ng lalaki habang kinakalas ang posas. “For something that was gone forever.”

Pinunasan nito ang mga pisngi niya at ang pawisang noo at leeg. Pati ang kanyang mga hita…

Ramdam niya ang pagiging masuyo ng bawa’t dampi ng malambot na tuwalya.

“I — I can’t marry anyone anymore,” sambit niya. Halos wala sa sarili.

Huminto ang paggalaw ng pamunas.

“May nobyo ka na ba?”

Umiling si Kathryn, nakapikit pa rin. She was smiling bitterly.

“My father wanted a new wardrobe for me. So that I’ll have suitors,” she giggled hysterically. “A-after this, I j-just want to die!” She was sobbing now.

“Stop the hysterics, Dorothy,” saway ng lalaki. Tinampal nito ang isang pisngi niya.

Ngunit hindi niya nagawang umahon mula sa kinalulubugang depresyon.

Patuloy sa pagbalong ang masaganang luha.

Nanginginig ang kabuuan niya. Nanlalamig.

“It’s done now, Dorothy,” patuloy ng lalaki. “Don’t be melodramatic!”

Pero hindi siya makahinto sa paghagulgol.

Namaluktot siya nang mapagtantong malaya na ang kanyang mga kamay. Niyapos niya ang sarili nang mahigpit na mahigpit.

She just wanted to find a hole and hide in it and die quietly.

“Hindi ka pa kumakain, Dorothy,” paalala ng lalaki.

“A-ayokong kumain,” anang paos na boses niya. “Gusto ko nang mamatay!”

“Losing your virginity isn’t the end of the world.” He was trying to comfort her with marked reluctance. “Besides, a man does not expect it nowadays.”

Kinagat ni Kathryn ang namamaga nang labi. “Sa mundo mo siguro, ganoon,” pakli niya nang muling makapagsalita. “Pero iba sa mundo ko!”

“Open your eyes, Dorothy,” utos ng lalaki, pa-buntonghininga. “Look at me.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat upang piliting ibangon ang nakabaluktot na katawan.

Nang maisandal na siya sa dingding, pinisil ng mga daliri ang magkabilang pisngi niya.

Isang sisidlan ang inilapit nito sa mga labi niya. “Inumin mo ito.”

“A-ayok — nngh!” protesta niya habang may ibinubuhos sa loob ng bibig niya.

Nakakapaso ang likidong apoy na nagpahapdi sa namamagang labi at sa nananakit na lalamunan.

Inubo siya nang magkasamid-samid sa paglunok ng matapang na alak.

“You’ll feel better now,” he told her softly.

Unti-unti ngang nawala ang grabeng pangangatal niya.

And she felt a false calmness spreading inside her. Giving her a semblance of peace.

“Tumingin ka sa akin.”

Kusang tumalima ang mga talukap niya.

Nagtama ang mga mata nila.

The blazing malevolence in the deep-setted eyes had dimmed considerably.

Ang pumalit sa kalupitan ay isang kakatwang init na tila humihigop sa kanyang kamalayan.

“Stop thinking about the future, Dorothy,” anas ng baritonong tinig habang hinahagod ng tingin ang kanyang bibig. “Ang isipin mo ay ang ngayon.”

Napakurap si Kathryn. Nanibago siya dahil nag-iba rin ang tono ng tagabihag. Hindi na matigas at malamig.

“I don’t want to explain anything — but I have my reasons why I had to rape you,” patuloy nito. “I had to hurt you. Kailangan kitang saktan dahil naghihiganti ako!”

“W-wala akong ginawang kasalanan sa ‘yo,” bawi niya. “Hindi makatarungan ang panghahalay mo sa akin — ”

“Yes, I know,” salo ng lalaki. “And I’m regretting all my actions now. I’m sorry.”

Nalito si Kathryn. Ano ba ang dapat niyang maramdaman sa harap ng hayagang pagsisisi ng lalaki?

She should despise him. Rave at him angrily. Throw his useless apology back to his face!

But it’s done now…

Nothing could ever restore her ruined future. She would remain an emotional wreck forever.

She could not shake off the heavy shrouds of depression.

“Wala ka bang sasabihin, Dorothy?” untag ng lalaki.

“You can get mad at me. Saktan mo rin ako. Pagmumurahin. Tatanggapin ko ang anumang ganti na nais mong gawin sa akin.”

Bakit hindi niya magawang magalit? Dapat ay nasusuklam siya. Namumuhi. Nanlalaban…!

Dahil ba nawala na ang puri niya?

“Para ano pa?” pang-uusig niya. “Maibabalik ba ng — ng galit at paghihiganti ang isang bagay na nawasak na?”

Tinitigan siya ng lalaki. Tila pilit na binabasa ang tutoong nasa isip niya.

“You’re right,” anito, pa-buntonghininga. “I guess, it’s too soon to wish for forgiveness,” dugtong pa.

Tinigasan ni Kathryn ang kanyang loob. “I-itama mo na lang ang pagkakamaling nagawa mo, ginoo,” suhestiyon niya. “P-pakawalan mo na ako. Hayaan mo na akong makauwi.”

Matagal bago siya tinugon ng lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya habang tila nakikipaghamok sa sarili.

“G-gusto ko nang umuwi,” patuloy niya. Puno ng pagsusumamo ang tinig niya.

“No!” Papilig na umiling ang lalaki. Tumindig ito at lumakad palayo sa kanya. “You’re forgetting something important.”

She tried to follow him but she could not move. Her body hurt too much.

“You’re my captive, Dorothy,” dugtong ng lalaki. “Wala pa akong planong pakawalan ka.”

Nanlumo si Kathryn. Isa nga pala siyang kidnap victim!

“P-puwede mo nang tawagan ang Papa ko. Nasa bahay na siya ngayon,” wika niya.

“I’ll call him on my own good time,” pakli nito. Papiksi.

“B-babayaran ka niya agad,” patuloy niya. “Tutubusin niya ako agad.”

“Hindi pa kita pakakawalan!” asik ng lalaki.

“H-hanggang kailan mo ako pipigilin dito?” She looked at him with wide, frightened eyes. “Kailan mo ako pauuwiin?”

“When I’m ready to let you go,” salo nito bago maliksing lumabas ng silid.

“S-sandali lang — ”

Ang pabagsak na pagsasara ng pinto ang itinugon nito sa kanya.

Walang nagawa si Kathryn. May epekto pa ang drogang nagpatulog sa kanya kahapon. Hindi niya mapaglabanan ang nanghihilang puwersa ng matinding antok.

“I don’t want to sleep,” tutol niya habang ipinipilig ang ulo.

Ngunit patuloy lang sa pagbigat ang mga talukap niya.

Nakatulog siya nang laban sa kanyang loob.

PRISONER OF LOVE-12

Comments are closed.