Prisoner of Love-12

May liwanag nang lumulusot sa maninipis na kurtina nang muli siyang magising.

Pinakiramdaman niya ang sarili.

She felt far more better that the last time she woke up.

Inut-inot siyang bumangon.

Kaunti na lang ang pananakit ng kanyang ulo.

There was a slight tenderness between her legs. Her wounds were not so painful anymore.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Nag-iisa lang yata siya.

Her captor was nowhere to be seen.

Huminga nang malalim si Kathryn bago siya tumindig. Latang-lata ang pakiramdam niya. Para siyang nagtrabaho nang tuluy-tuloy sa rantso ng isang maghapon at isang magdamag.

She wrapped the blanket around her naked body as she stood up. Wala nang damit na nakakalat sa sahig.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Nailigpit na marahil habang natutulog siya.

Her legs were wobbling when she took her first steps toward the bathroom.

Namaybay siya sa dingding para hindi matumba sa paghakbang.

Saka lang siya nakahinga nang makarating na sa loob ng banyo.

Ang unang tumambad sa kanya ay ang malaking salamin sa tapat ng lavatory sink.

Dahan-dahan siyang lumapit sa estrangherang nakatitig rin sa kanya.

Minasdan niya ang namumutlang mukha. Ang nanginginig na bibig. Ang mga matang puno ng takot.

Her long hair was rumpled and unkempt. Her tear-stained cheeks were pale. Her bruised lips were trembling.

“Is that you, Kathryn?” tanong niya habang hinihipo ng nanginginig na mga daliri ang mukha sa salamin.

Hindi na niya makilala ang babaeng pumalit sa dalagang tahimik at konserbatibo.

O baka naman hindi na siya si Kathryn?

Parang nagpalit na nga siya ng katauhan nang isuot niya ang sable coat ni Dorothy Saldivia…

She suppressed the desire to giggle suddenly.

Parang ibig na niyang panawan ng katinuan.

Hindi! Hindi ka bibigay, Kathryn! utos niya sa sarili.

Humugot siya ng sunud-sunod na buntong-hininga. Nilabanan niya ang kabaliwang nais maghari sa kanyang isipan.

She looked around her desperately. Kailangan niya ng aangklahan.

Binuksan niya ang gripo. Todo para mabingi siya sa malakas na bugso ng tubig.

Isinubsob niya ang ulo sa lababo para uminom. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw.

Bahagya siyang nahimasmasan.

“Ang unang dapat gawin ay ang maglinis ng sarili,” she told herself loudly. She needed to hear her own voice.

Nagsipilyo siya ng ngipin bago nagtungo sa shower cubicle.

She shampooed her hair and soaped her body repeatedly. Sinabon niya nang paulit-ulit ang buhok at ang buong katawan.

Nagbanlaw siya nang ilang beses upang mawala ang maruming pakiramdam niya sa sarili.

She tried to wash off the dirty traces of last night’s rape.

Napahinto siya nang mamalayang umiiyak na siya habang nasa ilalim ng maligamgam na bugso ng tubig.

Nais niyang maging malinis uli, ngunit hindi na mangyayari iyon…!

ZANDRO was being confused by an unfamiliar feeling of belongingness.

Kagabi, habang inaangkin niya ang babae, para siyang hinihigop. Para siyang hinihila patungo sa isang lugar na siya lang ang magmamay-ari magpakailanman pa man.

“Last night, I took a virgin,” sambit niya nang malakas. “Correction — last night, I raped a virgin!”

Ibinagsak niya sa lamesa ang hawak na bote ng serbesa. At padaskol na tumindig.

“Hindi ko alam kung anong mahika ang ginagamit mo sa akin, Dorothy. But I don’t care anymore.”

Hindi na siya nag-isip. Bumuwelta palabas sa kuwarto ang mga hakbang niya.

Pupuntahan niya uli si Dorothy Saldivia!

His unwilling attraction to an enemy was the biggest irony.

Isang kaaway si Dorothy.

I don’t care, anang munting tinig sa likod ng isipan niya.
Nang datnan niyang bakante ang kama, naghinala agad siyang nakatakas ito.

Lalabas na sana siya uli nang may maulinigan siyang ingay na nagmumula sa banyo. Lagaslas ng tubig sa shower.

“Dorothy? Nandiyan ka ba?” Kinakatok niya ang pinto habang hinahanap ang susi mula sa keychain.

Walang sumasagot.

Nang walang kumasyang susi sa doorknob, binalya niya nang ubod-lakas ang nakapinid na dahon.

“Dorothy!” hiyaw niya habang bumabalya.

Paulit-ulit iyon hanggang sa bumigay ang mga bisagra.

Nakita niya agad ang babaeng nasa tapat ng shower.

Nakasiksik ito sa sulok. Nakasubsob ang ulo sa mga tuhod na yakap-yakap. Ang mahabang buhok ay nakalugay sa palibot ng nakayupyop na katawan.

“Dorothy! Ano’ng ginagawa mo? Gusto mo bang magkasakit?”

Hindi ito nanlaban nang hawakan niya sa beywang upang tulungang itayo.

Tila wala pa ngang malay-tao dahil lungayngay ang mga braso at ulo nang buhatin niya.

“You little fool,” he muttered as he laid her on the rumpled bed.

The woman was conscious but uncaring of anything. She was crying quietly.

“Gusto mo bang magkasakit?” pang-uusig niya habang binabalot ng kumot ang nanginginig na katawan nito.

“G-gusto ko nang mamatay,” she moaned. Her teeth were chattering and her lips were blue with cold.

Inalog ni Zandro ang mga balikat nito. “Dorothy! Calm yourself,” utos niya rito.

Hindi siya pinansin ng babae. Patuloy lang ito sa pag-iyak.

Naka-tiimbagang si Zandro nang muling buhatin ang babae.

Dinala niya ito sa kanyang silid. Binihisan niya ito ng roba at binalot ng tuwalya ang basang buhok.

Pagkatapos, tumawag siya sa intercom. “Aling Diday, pakiayos ang guestroom. At padalhan n’yo kami ng mainit na pagkain dito sa kuwarto ko.”

“Opo, ser.”

Nakatingin siya sa babae habang nakikipag-usap sa matandang babaeng katiwala niya sa Tanay resthouse.

Hindi na ito umiiyak ngunit wala naman itong katinag-tinag sa pagkakahiga.

Nakadilat ang mga mata ngunit nakatitig lang sa kawalan.

Pinabayaan muna niya ito.

Naupo siya sa malapad na windowseat habang naghihintay sa pagdating ng pananghalian.

Tumindig siya uli nang may kumatok sa pintuan.

“Ser, nandito na po ang pagkain,” anang katulong na dalaga.

Pinapasok niya ito. “Paki-asikaso mo siya,” utos niya nang maitulak na papasok ang trolley na may gulong.

“Kayo po, ser?” alok ng utusan sa kanya.

Umiling lamang si Zandro.

Nagbalik siya sa kinauupuan kanina upang ipagpatuloy ang pag-o-obserba sa babae.

Matuling lumipas ang mga sandali.

Matapos maubos ang isang mangkok ng mainit na sopas, umayaw na ang babae.

“Iwan mo na lang ang trolley,” aniya sa utusan nang sumulyap ito sa kanya.

“Sige po, ser,” ang magalang na paalam nito bago lumabas ng silid.

Lumapit siya sa kama nang mapag-isa na uli sila.

Alam niyang naramdaman ng babae ang paglapit niya ngunit hindi ito nagpakita ng indikasyon.

PRISONER OF LOVE-13

Comments are closed.