Prisoner of Love-13

He heaved a deep sigh before calling her name.

“Dorothy?”

No response.

“Talk to me, Dorothy.”

Naghintay na naman siya sa wala.

Bumuntong-hininga uli siya bago nagpatuloy.

“Okey, pumapayag na akong pauwiin ka.”

There was a flicker of an eyelid. Katunayan na narinig siya nito at naintindihan siya.

Nagsalita uli siya.

“Kung ayaw mong makipag-usap sa akin, baka magbago ang pasiya ko,” pagbabanta niya.

Kumibot ang nakatikom na bibig ng babae bago bumuka. “A-ang pangalan ko ay Maria Kathryn Benavidez.” She started tentatively.

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Tumikhim muna si Zandro, bago nagpasiyang magpatianod. “Taga-saan ka?”

Napakurap ang babae. “T-taga-Zamboanga ako.”

“Taga-Zamboanga?” ulit niya.

Tumango ang tinanong. “N-nagbabakasyon ako dito.”

“I see.”

Bumago ang anggulo ng ulo ng babae para tingnan siya mula sa pagkakahiga nito. “Alam kong hindi ka naniniwala,” anito matapos magbuntong-hininga. “Pero tutoo ang mga sinasabi ko.”

Zandro cleared his throat guiltily. “You’re too young to be unchaperoned on a vacation trip,” katwiran niya.

“I’m twenty-seven,” pahayag ng babae.

Nagulat siya dahil hindi mukhang twenty-seven ang kaharap.

“What do you do in Zamboanga?”

“May rantso si Papa. At tumutulong ako sa kanya, magmula nang matapos ko ang kursong business management dito sa Maynila.”

“Your father’s ranch must be thriving. Sinabi mong makakaya niyang magbayad ng ransom. Tutoo ba ‘yon?”

She tensed as she nodded her head.

“Ano sa palagay mo? Makakaya ba ng Papa mo ang limang milyon?”

Bumaon ang mapuputing ngipin sa ibabang labi.

The small action was a mannerism. She always bit her lower lip when disturbed emotionally.

“L-limang milyon ba ang hihingin mo para matubos ako?”

“Siguro.” Nagkibit ng mga balikat si Zandro.

Yumuko na lang ang babae. Hindi na ito umimik.

Lumawig ang katahimikan.

Nanatiling nakikiramdam ang binata sa susunod na gagawin ni Dorothy, o Kathryn.

Abala naman kasi siya sa pagtitig sa mukha nito at kabuuan nito.

He had never met a woman like this one.

She looked fragile and vulnerable. And yet she was enchantingly beautiful.

She may be as still as a statue. But just one look from her could sent his blood pressure soaring skywards!

The first time he saw her long and slightly slanted eyes, he had a peculiar feeling of being captured.

Iwinaksi ni Zandro ang walang kuwentang bunga ng imahinasyon niya.

“Magkakilala ba kayo ni Dorothy Saldivia?”

Tulak ng desperasyon, ibinalik niya uli ang usapan sa paksang hindi naman niya pinaniniwalaan.

Nagtama sandali ang mga mata nila ng babae.

And he felt slightly sickened with his duplicity when he saw the dim shine of hope.

“H-hindi kami magkakilala ni Dorothy Saldivia,” umpisa nito. “Nagkita lang kami sa isang beauty salon.”

Tumango lang siya. Nakatugma sa salaysay ng detektib ang sinabi ng babae.

Nag-alangan sandali ito sa pagpapatuloy. “N-nilapitan niya ako. Humihingi ng tulong. Mayroon daw sumusunod sa kanyang mga masasamang tao.”

“At naniwala ka naman?” He couldn’t resist asking.

Hindi nagkumento ang babae. “Tumanggi siyang tumawag na lang sa pulis,” patuloy nito. “Nakumbinsi ako sa katwiran niya. Baka daw mali ang hinala niya. Nakakahiya.”

“Ano’ng nangyari?”

“Nagpasama siya sa comfort room. Tapos, hiniram niya ang blazer at ang handbag ko. Iniwan naman niya ang coat at ang bag na lalagyan ng mga personal na gamit.”

“Bakit ka naniwalang babalikan ka pa niya?”

Muling yumuko ang babae.

“Pulos mamahalin ang mga gamit ni Dorothy Saldivia. Kaya sigurado akong babalik siya.”

“Gaano katagal kang nagtiyaga bago mo tinanggap na niloko ka niya?”

“H-halos isang oras.” Huminto sandali para magnakaw ng sulyap sa kanya. “Akala ko kasi, nakipagkita na siya sa kanyang ama.”

“Ama?” he pounced. “Tsk! tsk! What do you take me for, a gullible fool?”

Padaskol na tumindig si Zandro. Muntik na siyang maniwala sa kuwentong hinahabi nito.

Napapitlag ang kausap niya. Namumutla na naman ito.

He had to force himself to continue. “Nagkamali ka sa isang detalye, Dorothy. Ang kapatid mong si Jeremy ang titipanin mo. Nakalimutan mo na ba?”

Napatigagal ang babae. Nangingilid na naman ang luha sa nanlalaking mga mata. “H-hindi ka pa rin naniniwala,” sambit nito. Garalgal na naman ang tinig.

Tumalikod si Zandro. Parang inililipad ang katinuan niya habang nakikita ang paghihinagpis ni Dorothy — o Kathryn.

Parang gustung-gusto na niyang maniwala!

He mustn’t believe! bulyaw niya sa sarili.

“T-tawagan mo ang Papa ko,” umpisa nito.

Tumawa siya nang pauyam. “A long-distance call to Zamboanga? Napakalayo naman n’on. Paano ko matitiyak na Papa mo nga ang kausap ko doon?”

“A-ang hotel na tinutuluyan ko?” bawi nito. “Itanong mo sa kanila kung may naka-checked-in na Maria Kathryn Benavidez?”

Umiling na naman si Zandro. “You could have changed your name while checking-in,” salo niya.

Napahikbi na ang babae. “A-alam mo naman ang bahay ni Dorothy Saldivia, hindi ba? Bakit hindi mo siya tawagan? Tanungin mo siya? Alamin mo kung nandoon siya!” Her voice was trembling with utter desperation.

“Paano kung wala si Dorothy doon?” pakli ni Zandro. He was feeling desperate, too. Disbelieving her was becoming a hard task for him.

“W-what will you do?” she asked huskily. She was trying to be brave.

“I’ll keep you here.”

“H-hanggang kailan — ?”

“Hanggang gusto ko.”

“Oh, God!” ang impit na panangis nito.

“HANGGANG hindi ako nagsasawa sa ‘yo,” dugtong pa ng lalaki.

Kinagat ni Kathryn ang labing magang-maga na. She always did this because she wanted to feel the throbbing pain. Umaasa pa kasi siyang baka isang masamang bangungot lamang ang nagaganap sa kanya.

Sinasaktan niya ang sarili dahil baka magising pa siya!

“Alam mo ba kung gaano kalaki ang kasalanan ng kapatid mo sa akin?” angil ng lalaki. His anger petrified her.

Umiling siya, kahit hindi naman siya si Dorothy.

“Inagaw niya ang nobya ko. Itinanan niya, pero hindi para pakasalan. Pinaglaruan lang niya si Sonia. Nang mapagsawaan na, ipinatubos naman niya ng sampung milyon sa akin. Nang hindi ko tubusin, gumawa siya ng maraming perwisyo sa trabaho ko. Katulong na ang ama mo. Nandamay na sila ng ibang tao. Marami ang nasaktan at may ilan nang namatay!”

He told his story in a clipped tone. Ngunit kahit na maikli ang kuwento, nagawang ipinta ng mga galit na salita ang buong larawan.

PRISONER OF LOVE-14

Comments are closed.