Prisoner of Love-14

Against her better judgment, nakakaramdam ng simpatiya si Kathryn.

Mapanganib para sa kanya ang maawa sa lalaking ito.

At hindi dapat!

Pagkatapos ng ginawa nitong kahayupan…?

Unfortunately, hindi siya maka-relate sa babaeng dinahas ng lalaking ito.

Para bang hindi siya ang pinagsamantalahan…

The ‘Rape of Dorothy’, he said.

Si Dorothy Saldivia ang ginahasa ng lalaking ito. Hindi si Maria Kathryn Benavidez—

Nanghilakbot si Kathryn nang mapagtanto kung ano ang tinatakbo ng isip niya.

She was actually rationalizing his sin!

Inihahanap niya ng katwiran ang kasalanang nagawa ng lalaking ito!

[Want to read the Start of Stories Online titled – PRISONER OF LOVE…? Click Here!]

Ipinilig niya ang kanyang ulo. She shook off the empathy from her thoughts.

“Your brother is sick!” patuloy ng lalaki. Walang kamalay-malay sa nagaganap na giyera sa loob ng utak niya.

“H-how sick?” she asked automatically.

“Hindi magagawa ng may matinong pag-iisip ang ginawa niya kay Sonia.”

A horrifying thought occured to Kathryn. “A-ano’ng ginawa niya kay Sonia?”

“She’s now a human vegetable caused by drug overdosage!”

Lumipad na naman sa hangin ang resolusyon ni Kathryn nang bumukal ang simpatiya sa kanyang kalooban.

Kalunus-lunos ang sinapit ni Sonia. Nakakaawa.

She felt compassion for the unknown woman. Ang dinanas nito ay hindi niya gugustuhing mangyari sa kahit na anong hayop na alaga niya.

“W-will you drug me, too?” she asked him before she could think first.

Tumitig sa kanya ang lalaki.

Matiim ang anyo nito. Nagpipigil sa pagsabog ng naglalatang na poot sa loob ng dibdib.

Pigil ang paghinga si Kathryn.

Nakapagtataka ang kawalan niya ng takot nang mga sandaling iyon.

Paano’y alam na niya ngayon na hindi talaga para sa kanya ang pagkasuklam ng lalaki.

But it was not reason enough to be charitable.

This man — the madman who raped her last night — was not safe to be kind with. He was a dangerous animal.

Hanggang hindi ako nagsasawa sa ‘yo… Iyon ang sinabi ng lalaki kanina.

Ano’ng ibig sabihin niyon?

He would hurt her again. Again and again…!

May balak pa itong ulitin ang karahasan sa kanya.

Dapat ay namumuhi siya rito ngayon.

Ngunit bakit wala siyang maramdamang poot?

“No. I couldn’t do that to anybody. Even to an enemy!”

Saglit na nalito ang dalaga. Malayo na pala ang nararating ng isip niya!

“S-should I feel grateful?” tanong niya, pabulong na lang dahil parang antuk na antok na naman siya.

She was feeling drowsy again. The past hours had sapped her small reserve of strength.

The hot soup that she had consumed had warmed her chilled body.

Pinigil niya ang pagpikit ngunit mabigat na mabigat na ang kanyang mga talukap.

Her brain was addled by the series of traumatic experiences. Her mental facilities were not functioning properly because she was distraught and not in her normal self.

It was her only explanation for her lack of hostility against her captor.

Iyon lang ang tanging paliwanag…

Hindi na niya napigil ang muling pagtulog nang mahimbing.

Maria Kathryn Benavidez… Paulit-ulit na umalingawngaw sa loob ng utak ni Zandro ang mga pangalan.

Iyan nga ba ang pangalan mo? tanong niya sa nahihimbing na babae.

Even in repose — and with a bruised lip, he still found her ravishing.

Embers of desire started to flare inside him as he watched her.

God, ano ba’ng nangyayari sa akin? bulalas niya nang maramdaman ang pagbangon ng pagnanasa.

Tinalikuran niya ang natutulog na bihag.

Nagpalakad-lakad siya sa balkonahe bago niya naituwid ang naliligaw na takbo ng isipan.

Nahahati ang kanyang sarili habang tumatagal.

Ang isang bahagi niya ay ibig nang maniwala.

Ngunit mas malaki ang bahaging ayaw umamin ng nagawang pagkakamali.

“Listen to yourself, man! You’ve become a cynical, arrogant bastard!” pang-uusig niya sa sarili. “An animal! A maniac!” dugtong pa niya.

Sinuntok niya ang balustraheng bakal. Hindi niya pinansin nang masaktan ang kamao.

“Nagkapera ka lang, natuto ka nang maging malupit!”

Pumikit siya nang mariin. Ayaw niyang makinig sa kanyang konsensiya.

“Mas masahol ka pa ngayon kay Jeremy. Si Sonia ay may karanasan na samantalang ang babaeng binihag mo — at winasak ang kinabukasan — ay isang inosente pa!”

Ipinilig niya ang ulo. Iwinawaksi niya ang mga akusasyon na bumobomba sa kanyang katwiran.

“Tama lang siguro na mapoot ka,” patuloy ng mabagsik na tinig sa loob ng utak. “Pero hindi tamang mandamay ka ng walang muwang para lang makaganti!”

Tumingin siya sa maaliwalas na langit. May kapatawaran kaya ang ginawa niya?

“I don’t like you anymore, Zandro Soriano!”

Natulig siya.

He was alone in the world. Lumaki siyang walang pamilya.

Lumaki siyang tanging ang sarili lang nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.

Ang mga kaibigan ay nitong huli na lang dumating sa buhay niya. Nung naging matagumpay na negosyante na siya.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Zandro.

And they said, ‘revenge is sweet’!

Pero bakit mapait ang naiwang lasa sa kanya?

KATHRYN’s tiredness turned into a raging fever.

Inaapoy siya ng lagnat nang magising siya.

Nangangaligkig siya sa lamig ngunit basang-basa naman ng pawis ang buong katawan niya.

Tinangka niyang bumangon upang kumuha ng mas makapal na kumot ngunit wala siyang sapat na lakas.

Para siyang nakadikit sa higaan.

“P-papa,” daing niya. “Papa, gusto ko nang umuwi…”

May dumampi sa kanyang noo at leeg.

Pinilit niyang dumilat. Hindi siya makakita dahil parang silaw na silaw ang mga mata niya. Ang tanging naaninag ay ang hugis ng isang lalaki.

“P-papa?” Her husky voice had become a croak. Malat na malat siya. “S-sinusundo mo na ako?”

Hindi tumugon ang tinanong niya.

Sa halip, isang mabigat at makapal na kumot ang inilatag sa kanyang katawan.

“P-papa, uuwi na ‘ko, ha?” sambit uli niya. Napapaiyak na. “A-ayoko na dito…!” hikbi niya.

Nagdidiliryo na si Kathryn sa sobrang taas ng temperatura niya.

“Ssh… may sakit ka,” anang isang tinig-lalaki. Masuyo at baritono. “Huwag kang malikot.”

Kumunot ang noo niya. Pamilyar ang boses ngunit hindi niya maalala kung saan niya narinig iyon.

Napaidlip na naman siya bago pa siya makapaghanap sa loob ng memorya.

She had a fitful sleep. Her consciousness went on and off with a staggering speed.

Her mind was full of jumbled images.

Hanggang sa hindi na niya alam kung ano ang realidad at kung ano ang panaginip.

PRISONER OF LOVE-15

Comments are closed.